You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – Western Visayas
Division of Negros Occidental
San Enrique National High School

ARALING PANLIPUNAN 10
IKATLONG MARKAHAN – UNANG PAGSUSULIT

I. MULTIPLE CHOICE. Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang letra ng tamang sagot
sa papel.
1. Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na
katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. bi-sexual B. transgender C. gender D. sex
2. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para
sa mga babae at lalaki.
A. sex B. gender C. bi-sexual D. transgender
3. Alin sa sumusunod ang tamang kahulugan ng sex?
A. Tumutukoy sa gawain ng lalaki at babae. C. male at female
B. Mga panlipunang gampanin, kilos at gawain. D. Pananamit at kilos
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng gender?
A. Ang mga taong kabilang sa LGBT community ay kadalasang cross dresser.
B. Ang mga babaeng muslim ay kadalasang gumagamit ng Purdah.
C. Ang mga lalaki ay may adam’s apple.
D. Ang mga babae ay may bahay bata.
5. Alin sa sumusunod na oryentasyon ng kasarian ang nagkakaroon ng sexual na pagnanasa sa mga
taong
nabibilang sa katulad na kasarian?
A. Heterosexual B. Homosexual C. Asexual D. Pansexual
6. Alin sa sumusunod na oryentasyon ng kasarian ang nagkakaroon ng sexual na pagnanasa sa mga
taong kaiba sa kanilang kasarian o opposite sex?
A. Heterosexual B. Homosexual C. Asexual D. Pansexual
7 Si Maricar ay ipinanganak na babae. Nang siya ay nagdalaga nagkaroon siya ng maraming
pagnanasa o atraksiyon sa kahit anumang kasarian. Si Maricar ay isang:
A. Heterosexual B. Homosexual C. Asexual D. Pansexual
8. Si Julia ay may gusto sa kanyang kaklaseng si Cathy. Si Julia ay tinatawag natin na:
A. Gay B. Transgender C. Lesbian D. Bisexual
9. Si Benjamin ay isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan at ang
kaniyang
pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma. Si Benjamin ay tinatawag na:
A. Gay B. Transgender C. Lesbian D. Bisexual
10. Si Peter ay pinanganak na lalaki. Sa tatlong magkakapatid na lalaki, siya ang gumagawa ng mga
gawaing bahay. Maraming siyang mga kaibigang babae at bakla. Ang kanyang kasintahan ay si
Leona, isang babae na pinangakoan niyang pakakasalan. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang
totoo?
A. Si Peter Ward ay bakla dahil marami siyang kaibigang babae at bakla.
B. Si Peter Ward ay bisexual dahil siya ang gumagawa ng gawaing bahay.
C. Si Peter Ward ay isang lalaki at may heterosexual na oryentasyong seksuwal.
D. Si Peter Ward ay pansexual dahil siya ang gumagawa sa gawaing bahay at may
kasintahang babae.

II. MATCHING TYPE. Itapat ang mga kahulugan sa Hanay A sa mga konsepto sa Hanay B. Isulat
lamang ang letra ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B
11. Pagkilos ng isang tao na kabaliktaran ng kanyang sex A. asexual
12. Lalaking may atraksiyong seksuwal sa kapwa niya lalaki B. homosexuality
13. Pagkakagusto sa kapareho at kasalungat na kasarian C. pansexual
14. Mga taong sumailalaim sa medikal na operasyon upang D. gay
magtransisyon sa kasariang nais nila
15. May atraksiyong seksuwal sa kahit na anong kasarian E. lesbian
16. Atraksiyong sexual na hindi nakapirmi o nag-iiba-iba F. transgender
17. Babaeng may atraksiyong suksuwal sa kapwa nya babae G. transsexual
18. Atraksiyong seksuwal sa miyembro ng kaparehong kasarian o H. bisexual
same sex
19. Walang atraksiyon seksuwal kaninuman I. intersex
20. Iba’t – ibang kondisyon kung saan mayroong anumang hindi J. queer
pagkakatugma sa pagitan ng panlabas at panloob na sex organs ng
isang indibidwal

III. Tukuyin kung saang larangan o institusyon nakapaloob ang sumusunod na mga papel o
bahaging ginagampanan ng kasarian sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek.

Trabaho Edukasyon Pamilya Gobyerno Relihiyon


21. Mayor

22. Housewife
23. Pari

24. Drayber
25. SMAW

IV. Bigyang kahulugan ang sumusunod na mga acronym:

26-30. SOGIE Bill –


31-35. LGBTQ Community -

You might also like