You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 10-
Mga Isyu at Hamong Pangkasarian
Ikatlong Markahan - Week 2

Henry Ablig
Manunulat

Mark Joseph C. Fernandez


Tagasuri

Mariel Eugene L. Luna


Editor at Layout

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Isang maganda at mapagpalang araw sa ating lahat. Sa linggong ito,
panibagong landas ng kaalaman ang ating sama-samang tatahakin. Umaasa ako na
magiging bukas ang inyong isip sa pagtuklas ng mga bagong karunungang ating
matutuklasan sa araling ito.
Tayo Na! Sabay-sabay nating tunghayan ang mga kaalamang inihanda sa inyo
sa module na ito. Lubos akong umaasa na kayo ay magkakaroon ng kasanayang
matalakay ang mga uri ng kasarian (gender), sex at gender roles sa iba’t ibang bahagi
ng daigdig (MELCs #1 Qrt.3)
Aralin at Sakop ng Modyul
Aralin 1 – Kasarian sa Iba’t ibang Lipunan
1. Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas
2. Mga Gampanin ayon sa Kasarian (Gender Roles)

Bilang panimula, subukin mong sagutan ang paunang pagsusulit na


matutunghayan mo sa bahaging ito. Alamin natin ang lawak ng iyong kaalaman
yungkol sa mga paksang ating tatalakayin.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Piliin at
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa isang lider-ispiritwal na may tukungkuling pangrelihiyon at
maihahalintulad sa mga sinaunang priestess at shaman.
A. Babaylan B. Baybayin C. Datu D. Pari
2. Isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang
anumang benipisyong medikal.
A. Female Genital Mutilation C. Male Genital Mutilation
B. Female Genital Mutation D. Male Genital Mutation
3. Iba’t ibang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat sa
New Guinea. Sa Mundugumur, pareho na ang lalaki at babae ay matapang,
agresibo at bayolente, samantalang ang Arapesh ay:
A. Ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga at matulungin
B. Pareho na ang babae at lalaki ay maalaga o mapag aruga, matulungin at
mapayapa
C. Ang babae ay abala sa pag-aayos sa sarili at mahilig sa kwento samantalang
ang mga lalaki ay dominante at naghahanap ng pagkain
D. Ang babae ang dominante at naghahanap ng pagkain samantalang ang mga
kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kwento
4. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang
magkaroon ng maraming asawa subalit maaring patayin ng lalaki ang kanyang
asawang babae sa sandaling Makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ano ang
ipinahihiwatig nito?
A. Ang babae ay maari lamang mag-asawa ng isa
B. May pantay na karapatan ang mga babae at lalaki
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa
ng mga lalaki

2
5. Natuklasan mo na ang iyong kaibigan ay isang Bisexual. Siya ay palagi mong
kasama mula noong kayo’y bata pa, para na kayong magkapatid hanggang sa
natuklasan mo ang kanyang orentasyong sekswal. Ano ang iyong gagawin?
A. Layuan at ikahiya ang iyong kaibigan
B. Ipagkalat mo na siya ay isang Bisexual
C. Kausapin siya at sumbatan kung bakit niya inilihim ito
D. Igalang mo ang kanyang oryentasyong sekswal at panatilihin ang inyong
pagkakaibigan
6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga kulturang pangkat na
umusbong sa Papua New Guinea?
A. Arapesh C. Mundugumur
B. Babaylan D. Tchambuli
7. Bakit patuloy na isinasagawa ang FGM sa rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya?
A. Upang mapanatili ang kanilang kultura
B. Upang mapanatili ang maliit na populasyon ng kanilang bansa
C. Upang mapanatili ang pamamalagi ng mga kababaihan sa kanilang
tahanan
D. Upang mapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya
ay maikasal
8. Ang queer o questioning ay mga taong hindi tiyak o hindi pa tiyak sa kanilang
sekswal na pagkakakilanlan, samantalang ang mga taong nakararamdam ng
maromantikong pagkaakit sa ibang kasarian ngunit nakararamdam din ng
pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ano ang tawag sa kanya?
A. Bisexual C. Queer o Questioning
B. Lesbian D. Transgender
9. Iba’t iba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat sa
New Guinea. Para sa mga Arapesh, kapwa na ang babae at lalaki ay maalaga o
mapang-aruga, matulungin at mapayapa, samantalang ang mga Tchambuli ay;
A. Parehas ang babae at lalaki ay matapang, agresibo at bayolente
B. Parehaas ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga at matulungin
C. Babae ang dominante at naghahanap ng makakain samantalang ang mga
kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig kwento
D. Babae ang abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kwento samantalang
ang mga kalalakihan ay dominante at naghahanap ng makakain
10. Ito ay tumutukoy sa nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki,
nagdadamit at kumikilos na parang babae.
A. Bisexual B. Gay C. Lesbian D. Transgender
Panuto: Pumili ng sagot sa hanay B batay sa tinutukoy nito sa hanay A. Isulat ang
letra ng sagot sa patlang.
A B
_____11. Antropologong nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa A. Arapesh
Papua New Guinea upang pag-aralan ang mga
pangkulturang pangkat sa lugar na ito. B. Chambri
_____12. Iba pang katawagan sa pangkat ng Tchambuli
C. Geraldine Roman
_____13. Pangkulturang pangkat na kung saan ang mga
babae at lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga D. Kevin Balot
sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa,
kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat. E. Margaret Mead at
_____14. Kauna-unahang transgender na miyembro ng Reo Fortune
kongreso.
_____15. Pinakamatandang organisasyon ng mga mag-aaral F. UP Babaylan
ng LGBT sa UP.

3
Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang konsepto ng kasarian at gender
roles sa Pilipinas. Subukan nating alamin kung natatandaan pa ninyo ang mga
bagay na natutunan ninyo mula roon. Halina at subukan natin!

MMK - MAALAALA MO KAYA

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba ng crossword puzzle. Hanapin sa


crossword puzzle at bilugan ang mga kasagutan.
-
X E S H A U T E A H

L A U X E S I B O P
H E N R Y H I M A N

A D N E H L O X H D

Z N A I B S E L S E

B I D L E A S N R T

Z B N X A B L I G Z
G E U A S E X U A L

Y A G N D E R B X O

L U O P R E D N E G
1. Tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki.
2. Tumutukoy sa panlipunang gampanin, kilos at gawain na itinakda ng lipunan
para sa mga babae at lalaki.
3. Mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa
katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makatalik at mga
babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha.
4. Sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may
pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae (Tinatawag sa ibang bahagi ng
Pilipinas na tibo at tomboy).

5. Mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki at


kumikilos na parang babae (Tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla,
beki at bayot).
6. Mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang
kasarian.
7. Mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian.

4
Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas
Ang pagkilos, pananalita, gawain ng bawat indibidwal ay hinuhubog ng ating
lipunan o kulturang ating kinagisnan. Maaring ito din ay impluwensiya ng mga iba’t
ibang institusyong ating kinabibilangan gaya ng pamilya, paaralan, relihiyon at sa
kasalukuyang panahon ay ang social media. Ang mga tungkuling kanilang
natutuhan ay mga bagay na gumagabay sa kanila upang malaman kung ano ang
naaayon batay sa kanilang kasarian.

Ang babaylan ay isang lider-


ispiritwal na may tungkuling
panrelihiyon. Babae o alinmang
nilalang na may katiting na
pagkababae ang maaring maging
babaylan noong unang panahon
(Salazar). Ayong din kay Salazar, Babaylan
ang pagiging babae ay may (Ika- 16 hanggang ika-17 siglo)
kinalaman hindi lamang sa
kasarian ng tinutukoy na tao
kundi sa tungkulin o papel nito
sa lipunan. Pinaniniwalaang dekada kung
kalian umusbong ang Philippine
Gay Culture sa bansa. Ang mga
akda nina Victor Gamboa, Henry
Philippine Gay Culture Feenstra, Lee Sechrest at Luis
(Dekada 60) Fluis ang kanilang mga akda ay
ilang lamang sa mga nailathala na
tumatalakay sa
Sa huling bahagi ng dekada 80 at homoseksuwalidad.
unang bahagi ng dekada 90
maraming pagsulong ang
umusbong sa kamalayan ng mga
Pilipinong LGBT. Paglabas ng
ladlad, isang antonolohiya ng Pag-usbong ng konsepto ng LGBT
panulat ng mga Pilipinong
(Dekada 80 – dekada 90)
miyembro ng gay community na
inedit nina Danton Remoto at J.
Neil Garcia noong 1993 pati na rin
ang akda ni Margarita Go-Singco
Holmes na A Different Love: Being
Gay in the Philippines (1994). Sa panahong ito itinatag ang
ProGay Philippines noong 1993,
ang UP Babaylan na itinuturing
Simula ng LGBT movement na pinakamatandang
organisasyon ng mga mag-aaral
(Dekada 90)
na LGBT sa UP noong 1992. Sa
panahong ito, nagkaroon ng
Lesbian Organization gaya ng
CLIC (cannot Live in a Closet) at
Lesbian Advocates Philippines
(LeAP). Ang pagkakabuo ng
unang LGBT lobby group – ang
lesbian and Gay Legislative
Advocacy Network o LAGABLAB
noong 1993.

5
Layuning ipaglaban ang mga
Pagtatag ng Politikal na partidong
karapatan at tuligsain ang mga
diskriminasyon at pang-aabuso LADLAD
sa mga miyembro ng LGBT. (September 21, 2003)

Siya ang kauna-unahang


Geraldine Roman
transgender woman na naluklok
(2016 Philippine Elections) bilang kinatawan ng kongreso ng
lalawigan ng bataan. Siya din ay
taga-pagsulong ng Anti-
Discrimintation Bill sa kongreso.

MGA GAMPANIN AYON SA


KASARIAN (GENDER ROLES)

CHINA
AFRICA
Foot binding ay isinasagawa sa mga
Female Genital Mutilation o FGM
sinaunang kababaihan sa China. Ang
ay isang proseso ng pagbabago sa ari
mga paa ay pinaliliit hanggang
ng kababaihan nang walang
tatlong pulgada gamit ang pagbabalot
anumang benipisyong medikal. Ito ay
ng bakal o bubog sa talampakan. Ito
isinasagawa upang mapanatiling
ay sumisimbulo sa moralidad,
walang bahid dungis ang babae
pagkakakilanlan, pagkababae at higit
hanggang siya ay maikasal.
sa lahat ay kagandahan.

NEW GUINEA
Ang mag-asawang antropologo na si Mead Fortune at Reo Furtune ay
nagsagawa ng pag-aaral sa mga pangkulturang pangkat sa rehiyon ng Sepik sa
Papuan New Guinea noong taong 1931 at dito nila natagpuan ang tatlong
pangkulturang pangkat;
1. Arapesh (nangangahulugang “tao”) – ang mga babae at lalaki sa pangkat na
ito ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin,
mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya.
2. Mundugumur (kilala din sa tawag na Biwat) – ang mga babae at lalaki ay
kapwa matapang, agresibo, bayolente at naghahangad ng kapangyarihan o
posisyon sa kanilang pangkat.
3. Tchambuli (tinatawag ding Chambri) – ang mga babae ay mas dominante
kaysa sa mga lalaki, sila rin ang naghahanap ng makakain ng kanilang
pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay inilarawan bilang abala sa pag-
aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kwento.

6
PANUTO: Isulat sa kaliwang linya ang (+) kung ito ay positibo at (-) kung ito naman
ay negatibong salita. Isulat naman sa kanan linya ang (L) kung ito ay para
sa lalaki at (B) kung ito ay para sa babae.

____Iyakin____ ____Matapat____ ____Sexy____


____Malakas____ ____Mapag-mahal____ ____Magaling sa Math____
____Magaling sa Sport____ ____Maalalahanin____ ____Mayaman____
____Matampuhin____ ____Mainipin____ ____Matagal magbihis___

LALAKI BABAE

Ano-ano ang kadalasan ninyong Ano-ano ang kadalasan ninyong


naririnig na sinasabi sa inyo dahil kayo naririnig na sinasabi sa inyo dahil kayo
ay lalaki? ay babae?

Ano-ano ang mga inaasahang gawain Ano-ano ang mga inaasahang gawain
ng isang lalaki? ng isang babae?

Ano-ano ang mga gampanin ng isang Ano-ano ang mga gampanin ng isang
lalaki? babae?

Mga gabay na tanong:


1. Base sa inyong mga naging kasagutan, naipakita ba nito ang pagkakaroon ng
pagkakapantay-pantay ng babae at lalaki? Bakit?
2. Bakit mahalaga na maalis ang pagkakaroon ng gender stereotypes?
3. Paano mo maipapakita ang iyong paggalang sa pagkakaroon ng iba’t ibang
kasarian?

7
Maraming dekada na ang lumipas ngunit patuloy pa din ang iba’t ibang isyu
patungkol sa sekswalidad at kasarian ang ating kinakaharap hindi lamang sa ating
bansa pati na rin ng buong mundo. May ilan pa ring mga bansa ang hindi lubusan
tinatanggap ang mga miyembro ng LGBT ngunit sa kabila nito ay patuloy pa rin ang
kanilang pakikibaka at pagsusulong ng kanilang mga karapatan at mga adbokasiya
kabilang na dito ang ating bansa.

Sa kabilang dako, ganoon rin ang pakikibaka ng iba pang kasarian gaya ng
babae sila man din ay humaharap sa iba’t-ibang karahasan at diskriminasyon.
Patuloy man ang mga karapatang pumoprotekta sa mga kababaihan at
homoseksuwal ngunit patuloy pa din ang pang-aabusong kanilang natatamasa.

TIPS KO SAYO!
- o gawain na maaring nating imungkahi
PANUTO: Magtala ng ilang mga hakbang
upang maiwasan ang pagkakaroon ng gender stereotypes.

1
2
3
4
8
I. Ang bawat bilang ay may dalawang pahayag – X at Y. Suriin kung tama o mali ang
isinasaad ng mga ito. Gawing batayan ang sumusunod. Titik lamang ang isulat.
A – ang X ay tama at Y ay mali C. Parehong tama ang X at Y
B – Ang Y ay tama at X ay mali D. Parehong mali ang X at Y
_____1. X – Ang mga bakla ay mga lalaking nakararamdam ng atraksiyon sa
kanilang kapwa lalaki; nagdadamit at kumikilos na parang babae.
Y – Ang lesbian ay mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga
babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae.
_____2. X – Ang babaylan ay isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon
at maihahalintulad sa mga sinaunang priestess at shaman.
Y – Lalaki o alinmang nilalang na may katiting na pagkalalaki ang
maaring maging babaylan noong unang panahon.
_____3. X – Sa kasalukuyan panahon ay walang pang-aabuso at diskriminasyong
nararanasan ang mga miyembro ng LGBT
Y – Tanging mga kababaihan lamang ang nakararanas ng diskriminasyon
at pang-aabuso.
_____4. X – Ang Female Genital Mutilation ay isang proseso ng pagbabago ng ari ng
kalalakihan nang walang anumang benepisyong medikal.
Y – Isinasagawa ang FGM dahil pinaniniwalaang mapapanatili nitong
walang bahid ng dungis ang babae hanggang siya ay maikasal.
_____5. X – Ang Arapesh, Mundugumur at Tchambuli ay mga pangkulturang
pangkat na matatagpuan sa Papua New Guinea.
Y – Kakikitaan ng pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ang mga babae
at lalaki sa pangkat ng mga Arapesh.
II. Analohiya: Buoin ang analohiya sa pamamagitan ng pagsulat ng tamang salita
sa patlang.
6. LeAP: Lesbian Advocates Philippines – CLIC: _______________
7. LGBT: Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender – FGM: _______________
8. Biwat: _______________ – Chambri: Tchambuli
9. Foot binding: China – FGM: _______________
10. Pinakamatandang Organisasyon ng mga mag-aaral ng LGBT sa UP:____________
Unang LGBT lobby group: LAGABLAB
III. Suriin ang kawastuhan ng mga pahayag. Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto
ang ipinapahayag ng pangungusap. Kung MALI, palitan ang may salungguhit.
_____11. Ang babaylan ay isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon.
Babae o alinmang nilalang na may katiting na pagkababae ang maaring
maging pari noong unang panahon.
_____12. Ang UP babaylan ang pinamatandang organisasyon ng mga mag-aaral na
babae sa UP.
_____13. Sina Mead Fortune at Reo Fortune ay mga kartograper na nagtungo sa
rehiyon ng Sepik sa Papau New Guinea upang pag-aralan ang mga
pangkulturang pangkat sa lugar na ito.
_____14. Si Geraldine Roman ang kauna-unahang babae na miyembro ng kongreso
ng lalawigan ng Bataan.
_____15. Ang mga babae at lalaki sa pangkat ng Mundugumur ay kapwa maalaga at
maaruga sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa at kooperatibo sa
kanilang pamilya.

9
SUSI SA PAGWAWASTO
F 15. Arapesh 15.
C 14. Transgender
14.
A 13. Antropologo
13.
B 12. LGBT 12.
E 11. Tama 11.
B 10. UP Babaylan
10.
C 9. Africa 9.
A 8. Mundugumur8.
D 7. Mutilation
B 6. 7. Female Genital
D 5. Closet
D 4. 7. Bisexual
6. Cannot Live in a
B 3. 6. Asexual
5. C
A 2. 5. Gay
4. B
A 1. 4. Lesbian
3. D
3. Homosexual
2. A
Pagsubok 2. Gender
1. C
1. Sex
Unang Pagsusulit
Balik – tanaw

Sanggunian:

DepEd Module
Eleanor D. Antonio, KAYAMANAN: Mga Kontemporaryong Isyu (856 Nicanor Reyes,
Sr. St.: REX Book Store, May 2017), 227 – 240pp.

https://filipinawomensnetwork.org/epahayagan/did-you-know-pre-colonial-philippines-
longstanding-tradition-of-women-leadership-and-mysticism
https://iskwiki.upd.edu.ph/index.php/UP_Babaylan
https://en.wikipedia.org/wiki/Geraldine_Roman

10

You might also like