You are on page 1of 8

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 10

TEST I: Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na katanungan at isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.
1. Ayon sa World Health Organization (WHO) (2014) ito ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na
katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
a. Sex b. Gender c. Bi-sexual d. Transgender
2. Bukod sa lalaki at babae, mayroon na rin ang mga tinatawag na LGBT. Ano ang ibig sabihin ng acronym na
LGBT?
a. Lesbian, Gay, Bisexual, at Tomboy b. Lesbian, Guy, Bisexual at Transgender
c. Lesbian, Gangster, Bakla, Tomboy, Queber, Intersex Plus d. Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender

3. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinakda ng lipunan para sa mga babae at
lalaki ayon sa World Health Organization (2014).
a. Sex b. Male c. Gender d. Female
4. Ito ang simbolo ng kasarian ng kababaihan

5. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla samantalang ang mga lalaki ay hindi. Ito ay katangian ng
______.
a. Sex b. Male c. Gender d. Female
6. May mga panahon na ang bansang Saudi Arabia ay hindi nagpapahintulot sa kababaihan na magmaneho ng
sasakyan. Ito ay isang halimbawang katangian ng?
a. Sex b. Male c. Gender d. Female
7. Alin ang simbolo na kumakatawan sa LGBT?

8. Ito ay tumutukoy sa masculinity at femininity ng isang indibiduwal.

a. Sex b. Male c. Gender d. Female


9. Ang kulay pula sa watawat ng LGBT ay nangangahulugan ng _________________.
a. Buhay b. Pag-ibig c. Kalikasan d. Kapayapaan
10. Ito ang simbolo ng kasarian ng kalalakihan.

11. Noong Nobyembre 6-9, 2006 nagtipon-tipon sa Yogyakarta Indonesia ang eksperto sa oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ano ang pangunahing
layunin nito?
a. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT.
b. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig.
c. Pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantaypantay ng mga LGBT.
d. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon sa LGBT laban sa pang-aabuso at karahasan.

_____12. Ano ang kahulugan ng acronym na SOGIE?


a. Sex Orientation and Gender Identity and Expression.
b. Same sex Orientation and Gender Identity Expression.
c. Sexual Orientation and Gender Identity and Expression.
d. Sexual Orientation and Gender Identification Expression.

_____13. Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal,


emosyonal, seksuwal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa
kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa:
a. Gender Crisis b. Gender Identity c. Sexual Identity d. Sexual Orientation
_____14. Ito ay malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring
nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa
sariling katawan at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.
a. Gender Crisis b. Gender Identity c. Sexual Identity d. Sexual Orientation

_____15. Ito ay mga tao na nagkakagusto o naaakit sa taong hindi kahalintulad ng kanyang kasarian.
a. Asexual b. Bisexual c. Homosexual d.
Heterosexual
_____16. Ano ang gender roles?
a. Kamulatang pangkasarian
b. Pagkakaiba sa pagitan ng babae at lalaki
c. Pangkat ng mga pamantayan ng pag-uugali at panlipunan na itinuturing na akma o angkop sa lipunan
d. Tumutukoy sa tungkulin o papel kung saan kaakibat nito ang responsibilidad na kailangang gampanan ng
bawat isa

_____17. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinayagang magkaroon ng
maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sakaling makita niya itong may
kasamang ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa
b. May pantay na karapatan ang lalaki at babae
c. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
d. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa
kababaihan

_____18. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong kababaihan (bata at matanda)
ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang
pangunahing layunin nito?
a. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
b. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala
c. Ito ay isinasagawa upang maging malinis ang kababaihan
d. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay makasal

_____19. Isa sa mga pangkulturang pangkat ng New Guinea na kung saan kilala rin sila sa tawag na biwat. Ang
mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa
kanilang pangkat. Ano ang tawag sa pangkat na ito ng New Guinea?
a. Arapesh c. Tchambuli b. Chambri d. Mundugamur

_____20. May panahon na bukod sa hindi pagboto ng kababaihan sa ilang bansa sa Africa at Kanlurang Asya
isa din na ipinagbabawal sa nabanggit na mga bansa ay ang
a. Paglalakbay b. Pag-aasawa c. Pagmamaneho d. Paglabas ng gabi

TEST II: Punan ang patlang ng tamang sagot. Itala ang sagot sa sagutang papel.
1. Maliban sa mga bansa sa kanlurang Asya, anong kontinente ang kabilang na pinayagan ang kababaihan na
bumoto.
2. Siglo kung saan pinayagan ang mga bansa sa Kanlurang Asya na bumoto ang kababaihan.
3. Ang bansa na kung saan naipagkaloob noong 2015 ang karapatang bumoto.
4. May panahon na hindi natamasa ng mga kababaihan ang karapatan sa pagmamaneho at pagboto at hindi rin
natamasa ng mga kababaihan sa ilang bansa sa Kanlurang Asya at Africa ang ___________. ________
5. Taon kung kailan ibinigay ang karapatang bumoto ng kababaihan sa bansang Lebanon
6. Bansang natamasa ang karapatang bumoto ng kababaihan sa taong 1956.
7. Bansang binawi ang karapatang bumoto ng mga babae at bumalik noong 2005.
8. Sa bahagi ng bansang ito, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian sa paniniwalang magbabago ang
oryentasyon nila matapos silang gahasain.
9. Ayon sa World Health Organization, ilang milyon ng kababaihan ang biktima ng Female Genital Mutilation.
10. Proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan.

TEST III: Panuto: Tukuyin kung anong pangkat nabibilang ang sumusunod na gampanin. Titik lamang ang
isulat sa patlang. Gumamit ng sagutang papel.
A. Arapesh B. Mundugumor C. Tchambuli
_______1. Walang mga pangalan ang mga tao sa pangkat.
_______2. Maalaga at mapag-aruga sa kanilang anak.
_______3. Ang mga babae at lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga.
_______4. Ang mga babae at lalaki ay may magkaibang gawain.
_______5. Ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang at agresibo.
_______6. Ang mga babe ay dominante kaysa sa mga lalaki.
______ 7. Nangangahulugang tao.
_______8. Kilala sa tawag na Chamri.
_______9. Kilala sa bansag na Biwat.
_______10. Ang mga lalaki sa pangkat na ito ay abala sa pag-aayos sa sarili at mahilig sa kuwento.

TEST IV: Iguhit ang kung ang sumusunod na pangungusap ay naglalarawan ng katangian ng isang babae
at kung ang pangungusap ay naglalarawan ng katangian ng isang lalaki. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_______1. Dinadatnan ng regla


_______2. May adams apple
_______3. May XY chromosomes
_______4. May titi/bayag/at testicles
_______5. May developed breast
_______6. May kakayahang magdalang tao
_______7. May androgen at testosterone
_______8. May obaryo
_______9. May xx chromosomes
_______10. May may estrogen at progesterone

Ihinanda ni: Nabatid ni:

MARIA FE OBERO-NUÑEZ IRENIA L. SAYSON


Guro sa AP/EsP Punong Guro
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 8
TEST 1: Isulat ang salitang STARLA kung ang pahayag ay tama, isulat naman ang salitang NOW NA kung ang
pahayag ay mali.

1. Ang demokrasya ay pamahalaan ng nakararami.


2. Ang tawag ng mga greek sa kanilang sarili ay Hellas.
3. Ang salitang hellas ay tumutukoy sa kabuuang lupain ng sinauang Roma.
4. Ang sinauang Olympics ng mga Greek ang nagsilbing inspirasyon sa makabagong Olympics Games na
nagsimula noong 1896.
5. Mahigpit na ipinagtatanggol ng mga Polis ang kanilang kalayaan sa isa’t-isa.
6. Sa panahon ni Cleisthenes sinimulan ang sistemang Ostracism.
7. Dinagdagan ni Pericles ang bilang ng mga pampublikong opisyales.
8. Direct Democracy an gang ipinatupad sa Athens dahil tuwirang nakibahagi ang mga mamamayan sa
pamamahala.
9. Si Leonidas ang pinuno ng mga Athenians.
10. Nilikha ni Pericles ang Council of 400.
11. Sa loob ng 12 taon sasanayin ng lord ang isang page sa paggamit ng sandata.
12. Ang manoryalismo ay ang sentralisadong pamahalaan o pamumuno kung kaya ang kapangyarihan ay
nasa kamay ng mga panginoong may lupa.
13. Ang piyudalismo ay sistemang pang-ekonomiya na gumagabay sa paraan ng pagsasaka.
14. Ang yaman ng mga Lord ay galing sa pawis ng mga manor.
15. Ang mga freeman ay ang mga pinalayang alipin na kadalasan ay may sariling lupa.
16. Ang tungkulin ng isang vassal ay ipagtanggol ang lord at magbigay ng ilang kaukulang pagbabayad
tulad ng pantubos kung mabihag ang lord sa digmaan.
17. Ang layunin sa pakikidigma ng knight ay upang kunin at gawing bilanggo ang kalabang lord nang
mapalitan ang mga vassal nito na magbayad ng malaking pantubos.
18. Bago maging ganao na mamndirigma, ang knight ay sumasailalim muna sa pagsasanay sa kahusayan sa
pandirigma bilang page at squire.
19. Ang tawag sa alituntunin na sinusunod ng isang knight ay cheval.
20. Ang common ay isang malaking lupaing sinasaka.

Test II: FILL IN THE BLANKS

21. Ang tawag sa mga unang pamayanan sa Greece ay ___________.


22. Ang _____________pinakamataas na lugar sa lungsod-estado.
23. Ang _____________ay lugar kung saan nagtitipon-tipon ang mga tao, ito rin ay isang pamilihan.
24. _____________ ay ang sentralisadong pamumuno sa pamamagitan ng pagtatag ng isang lupon ng mga
dugong bughaw upang palitan ang mga hari.
25. Ang ________________ ay isang demokratikong Polis.
26. Ang ________________ mandirigmang Polis.
27. Ang mandirigmang nakasakay sa putting kabayo na nanumpa ng katapatan sa kanyang lord ay
____________.
28. Ang sistemang pangkabuhayan at panlipunan sa panahon ng middle ages sa Europe ay tinatawag
na___________.
29. Ang lupang ipinagkakaloob ng lord sa vassal ay ang __________.
30. Ang tawag sa seremonya na kung saan, inilalagay ng vassal ang kanyang kamay sa lord ay tinatawag na
_______________.
31. Tawag sa panganay na anak ng lord ay __________.
32. Sa edad na __________, nagiging isang ganap na knight ang isang mandirigma.
33. Ang pinuno ng mga mandirigmang Spartan ay si _______________.
34. Namuno si __________sa muling pagbabago sa sistemang politikal ng Athens.
35. Isinulong ni ________ ang dayuhang kalakalan at pinabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap sa
Athens.

TEST III. Q & A: Simulan ang pagpapaliwanag sa “I believe…” at sa pinakahuling parte ng kasagutan ay
lagyan ng “And I thank you.”. 5 PUNTOS BAWAT ISA.

1. Para saiyo, ano ang pinakamahalagang ambag ng Athens sa daigdig?


2. Bakit mahalaga ang mga lungsod-estado ng Sparta at Athens sa pag-unlad ng Kabihasnang Greek?
3. Kung nabuhay ka sa panahong klasikal ng Greece, saan mo mas pipiliing tumira, sa Athens o sa Sparta?
Bakit?

Ihinanda ni: Nabatid ni:

MARIA FE OBERO-NUÑEZ IRENIA L. SAYSON


Guro sa AP/EsP Punong Guro
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang
ipinapahayag ng pangungusap at MALI naman kung ang isinasaad ng pahayag ay mali.. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

1. Ang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan ay umaapaw, inosente puro, hindi nababagabag at walang
hangganan.
2. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay kahayagan ng Kaniyang kalikasan.
3. Nababago ng pagmamahal ng Diyos ang mga masasama at may paninibugho na nararamdaman sa kapwa.
4. Ang pagmamahal ng Diyos ay nakapagbibigay lunas o kagalingan at pagbabago sa buhay ng tao.
5. Ang buhay ay sagrado at pinakamahalagang biyayang kaloob ng Diyos sa tao.
6. Nilikha at hinubog ng Diyos ang tao na kawangis ng ibang bagay gamit ang mapagpala Niyang kamay kaya
naging espesyal ang itsura nito.
7. Maraming nagsasabi na napakahirap ng kanilang kalagayan sa buhay at para matugunan ang mga
pangangailangan ay kinakailangan nilang magsumikap sa pagtatrabaho at paghahanapbuhay kaya hindi na
kinakailangang maglaan ng maraming panahon para sa Diyos dahil maunawain naman ang Siya.
8. Ang buhay ng tao ay mayroong tunay na pananagutang panlipunan
9. Pinadadalisay ang puso ng bawat tao upang magmahal ng tunay sa kapwa.
10. Sa pamamagitan ng pagmamahal sa Diyos, tayo'y nagkakaroon ng kakayahan na magmahal sa kapwa tao.
11. Ang pagmamahal ang nag- uudyok sa isang tao upangmaglingkod sa kapwa ng walang hinihinging kapalit.
12. Ang pakikipag-ugnayan sa iba at pagbabahagi ng sarili aypagpapakita ng pagsunod sa golden rule.
13. Mababasa sa Mosias 10:16-24 kung sino ang ang kapwa at kung paano tayo dapat makitungo sa
angkanila.
14. Ang makabuluhang pakikipagkapwa ay pagtugon sapangangailangan ng iba na may pagmamahal
15. Hindi dapat tangkaing magpasya kung karapat-dapat bao hindi ang isang tao sa ang tulong
16. “Ang pag- big ay hindi nagkukulang kailanman”, ayon saParabula ng Mabuting Samaritano
17. Kinakailangan magkaroon epektibong komunikasyon atpagtanggap para sa pagpapatatag ng
pakikipagkapwa.
18. Kailangan maibigay ang nararapat sa kapwa na walangiba kundi ang paggalang sa kanyang dignidad.
19. Sinabi Ramon D. Aglipay na, “Nararapat na may kalakipna paggalang at pagmamahal ang pakikipag-
ugnayan na nasa ang kapwa.
20.Sa I Corinto 13: 4-8 mababasa ang, "Gawin mo sakapwa mo ang nais monggawin nila sa'yo."
21. Ang pagmamahal ng Diyos ay sentro ng pananampalataya.
22. Nakaplano ang lahat ng ginagawa ng Diyos, patunay ng Kanyang walang hanggang pagmamahal sa
Kanyang mga nilalang.
23. Nababago ng pagmamahal ng Diyos ang mga hindi kanais nais na gawain ng isang tao.
24. Pinadadalisay ang puso ng bawat tao upang magmahal ng tunay sa kapwa.
25. Ang kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos ay ang pagbabago sa kamalayan ng tao.
26. Upang mapaunlad ang pagmamahal ng tao sa Diyos, kinakailangang palaging nakabukas ang kaisipan ng
tao sa pagbabago.
27. Ang pagsubok ay tanda ng pagmamahal ng Diyos sa tao.
28. Ang pagmamahal sa Diyos ay nagbibigay pag-asa para banan ang pagsubok sa buhay
29. “Ang Diyos ay pag-ibig at ang buhay ay pag-ibig”, ibig sabihin ay nubuhay ang tao upang umibig at
magmahal sapagkat mula pa sa pagkasilang, kakambal na ng tao ang tunay na kahulugan ng pag ibig.
30. Sa aklat ng Juan sa Bibliya ay nakasulat doon ang paglikha ng Diyos sa sanlibutan at ang pagkalikha ng tao
nana kawangis ng Diyos.
31. Hindi na natin kailangang humingi ng kapatawaran sa pagkakamali natin sa ibang tao sapagkat mapagmahal
ang Diyos at handang magpatawad sa ating mga kasalanan.
32. Ang pagmamahal ng Diyos ay walang kinikilingan, ito ay pantaypantay.
33. Nababago ng pagmamahal ng Diyos ang mga masasamang kaisipan at panibughong nararamdaman sa
kapwa.
34. Ang pagmamahal ng Diyos ay nakapagbibigay lunas o kagalingan at pagbabago sa buhay ng tao.
35. Ang buhay ay sagrado at ito ay pinakamahalagang biyayang kaloob ng Diyos sa tao.

TEST II: PANUTO: Basahin ang parabula na hango mula sa libro ni Lucas at sagutin ang mga
tanong sa iyong sagutang papel. 5 PUNTOS BAWAT ISA

Ihinanda ni: Nabatid ni:

MARIA FE OBERO-NUÑEZ IRENIA L. SAYSON


Guro sa AP/EsP Punong Guro

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

You might also like