You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Region V
Department of Education
Schools Division of Camarines Sur
MALAWAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Malawag, Nabua, Camarines Sur
School ID: 301991

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 8


Pangalan: ______________________________ Baitang at Seksyon: ___________________
TEST 1:
PANUTO: Basahin at unawain ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Mahalaga ito sa pamumuhay ng mga sinaunang tao.
a. Ilog b. Damit c. Bag d. Sapatos
2. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napapakinabanagan pa rin hanggang sa
kasalukuyan?
a. Natutugunan nito ang pangangailangan ng tao
b. Nagkakaloob ito ng kaayusan at kaayusan at katahimikan sa Lipunan
c. Dito nakadepende ang yaman ng bansa
d. Nakasalalay dito ang pag -unlad ng agrikultura
3. Ang pinakatanyag na Australopithecus afarensis na natuklasan ang mga labi noong 1974.
a. Lucy b. Lucia c. Lacy d. Lizelle
4. Ang ______ ay nangangahulugang able man o handy man dahil sila ang unang species ng hominid na
marunong gumawa ng kagamitang bato.
a. Homo Sapiens b. Homo Erectus c. Homo Habilis d. Homo Sapiens Neandethalensis
5. Sila ang sinaunang tao na may kakayahang mag-isip. Ang kanilang mga labi ay natagpuan sa Eurasia,
Western Europe, Central at Northern Asia.
a. Homo Sapiens b. Homo Erectus c. Homo Habilis d. Homo Sapiens Neandethalensis
6. Ang unang sibilisasyon ng bansang Gresya ay lumitaw sa isla ng Crete sa pagitan ng 3000 at 2000 BCE.
Ang sibilisasyong ito ay tinawag na ______sa karangalan ni Haring Minos na sinasabing naghari noon
doon.
a. Minoan b. Mycenaean c. Sumer d. Indus
7. Ang mga ninuno ng ng taga-Crete ay nanggaling sa _____ at Syria. Sila ay magagaling na mandaragat at
dumating sa Crete sa pagitan ng 4000 at 3000 B. C. E.
a. Turkey b. Greece c. China d. Anatolia
8. Isang English na arkeologo na nagsagawa ng paghuhukay noong 1899 sa Knossos.
a. Arthur Neri b. Arthur Evans c. Arthur Luna d. Arthur Lopez
9. Mga larawang mabilisan subalit bihasang ipininta sa mga dinding na basa ng plaster upang kumapit
nang husto sa pader ang mga pigment ng metal at mineral oxide.
a. Fresco b. Bull dancing c. Monalisa d. Iliad at Odessey
10. Isang dambuhala na may ulo ng toro at katawang tao. Ito ay naninirahan sa silong ng palasyo ng
Knossos kung saan maraming mga sanga-sangang pasilyo.
a. Minotaur b. Balmond c. Grock d. Tigreal
TEST 2: TAMA O MALI
Panuto: Basahin ng may pangunawa ang mga sumusunod na pangungusap at isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.
11. Ipinapalagay ng mga siyentista na ang mga Orangutan ang pinakamalapit na kaanak ng mga tao.
12. Ang mga halimbawa ng Homo Species ay Hominid, Homo Erectus at Homo Sapiens.
13. Si Lucy and pinakatanyag na Australopithecus na natuklasan ang mga labi noong 1974.
14. Ang Ape na may kakayahang tumayo ng tuwid ay tinatawag na Australopithecine.
15. Mas malaki ang utak ng mga Homo Habilis kesa sa mga Australopithecine.
16. Ang mga Cro-magnons ay kaalaman na sa sining ng pagpipinta sa kweba samantala ang mga Neanderthanlensis
naman ay may kaalaman na sa paglilibing.
17. Ang sining ng pagpipinta ay ipinakita ng mga Minoan sa dalawang larangan – sa mga fresco at mga palayok.
18. Ang mga Mycenaean ay mga katutubo ng lugar sa paligid ng Red Sea.
Republic of the Philippines
Region V
Department of Education
Schools Division of Camarines Sur
MALAWAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Malawag, Nabua, Camarines Sur
School ID: 301991
19. Noong 1900 BCE, lumikas sila at pumunta sa Greece kung saan sila nagtatag ng kanilang mga sariling lungsod.
20. Ang mga Mycenaean ay may paniniwala sa isang makapangyarihang diyos, si Zeus na naghahari sa isang pamilya
ng mga diyos at diyosa.

TEST 3- IDENTIFICATION

Panuto: Basahin ng may pangunawa ang mga sumusunod na pangungusap at isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.

__________21. Sila ang sinaunang tao na may kakayahang mag-isip. Ang kanilang mga labi ay natagpuan sa Eurasia,
Western Europe, Central at Northern Asia.
__________22. Isang Homo Specie na marunong ng gumawa ng kagamitan mula sa magagaspang na bato
__________23. Ang Homo Specie na nakakalakad na nang tuwid.
__________24. Ito ay tinatawag ding modernong tao. (pinakatamang sagot)
__________25. Lungsod na matatagpuan sa Turkey malapit sa HELLESpot na yumaman at naging makapangyarihan
dahil sa lokasyon nito.
__________26. Isang epiko ng naganap na labanan at umiinog sa kwento ni Achilles, isang mandirigmang Greek, at ni
Hector na isang prinsipeng Trojan.
__________27. Isang bulag na makata na nabuhay noong ikawalong siglo sa Asia Minor (kasalukuyang Turkey) na
sumulat ng Iliad.
_________28. Ang pinakatanyag na hari ng Mycenaea.
_________29. Nakatuklas ng guhong labi ng Mycenaea.

TEST 4: ENUMERATION

31-33. Mga Impluwensya ng Egypt sa Kabihasnang Minoan.


34-38. Mga Sinaunang Tao sa Daigdig
39-41 Mga Teorya ng Pagkalikha ng Tao sa Daigdig
42-43. Nakatuklas ng Sistema ng Pagsulat ng mga Mycenean.
44-45. Magbigay ng mga kagamitang mahalaga sa mga Sinaunang Tao sa daigdig.

TEST 5: TUKUYIN MO! 46-50


Panuto: Tukuyin ang kahalagahan ng ilan sa mga pangyayaring naganap sa iba’t ibang yugto ng pag-unlad ng
sinaunang tao sa tulong ng tsart, Isulat sa kahon ang kahalagahan o epekto sa kasalukuyan ng pangyayaring nasa
kaliwang kahon.

Mga pangyayari sa iba-ibang yugto ng pag-unlad Kahalagahan sa kasalukuyan

46. Paggamit ng Apoy

47. Pagsasaka

48. Paggamit ng pinatulis na bato

49. Pagtatayo ng permanenting tirahan

50. Pag-aalaga ng mga hayop

Ihinanda ni: Nabatid ni:

MARIA FE OBERO-NUÑEZ IRENIA L. SAYSON


Guro sa Araling Panlipunan Punong Guro
Republic of the Philippines
Region V
Department of Education
Schools Division of Camarines Sur
MALAWAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Malawag, Nabua, Camarines Sur
School ID: 301991

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8


Pangalan: ______________________________ Baitang at Seksyon: ___________________

TEST 1: MULTIPLE CHOICE


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang letra ngpinakatamang sagot.

1. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas napanlipunang nilalang?
a. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling pangangailangan
b. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
c. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala.
d. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan.

2. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ________


a. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
b. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
c. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad.
d. pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa

.3. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ngsumusunod maliban


sa _______________.
a. kakayahan ng taong umunawa b. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
c. espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa Lipunan d. pagtulong at pakikiramay sa kapwa

4. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod


ng ________ bilang paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang panlahat.
a. hanapbuhay b. libangan c. pagtutulungan d. kultura

5. Aling aspeto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ngpaghahanapbuhay?


a. Panlipunan b. Pangkabuhayan c. Politikal d. Intelektwa

l6. Nalilinang ng tao ang kaniyang ________ sa pamamagitan ng kaniyang pakikiisaat pakikibahagi sa
mga samahan.
a. kusa at pananagutan b. sipag at tiyaga c. talino at kakayahan d. tungkulin at Karapatan

7. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa ________.


a. kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba
b. kakayahan nilang makiramdam
c. kanilang pagtanaw ng utang na loob
d. kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot

8. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?


a. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
b. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa
c. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao
d. Pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka

9. Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa diyalogo, maliban sa:


a. Naipakikita ang kakayahang makipag-diyalogo sa pamamagitan ng wika.
b. Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng kasanayan
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-ugnayan sa kapwa.
d. Naipahahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang tunay na pagkalinga.
Republic of the Philippines
Region V
Department of Education
Schools Division of Camarines Sur
MALAWAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Malawag, Nabua, Camarines Sur
School ID: 301991
10. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipagugnayansa kapwa?
a. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
b. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang masmaaga.”
c. “Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin.”
d. “Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo.”

TEST 2: CROSSWORD PUZZLE


Panuto: Panuto: Hanapin at tukuyin ang sampung tao na maituturing mong kapwa gamit ang puzzle. Maaaring
ang mga titik ng salita ay pahalang, patayo, pabalik, o padayagonal. Isulat ito sa sagutang papel.

11-19.

TEST 3: TAMA O MALI


Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap at tukuyin kung ito ay TAMA o MALI.
20. Nararapat na may lakip na pagmamahal at paggalang ang ating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa ayon kay
Aristotle, 1991.
21. Ang tao ay nilikha ang ayon sa larawan at wangis ng Diyos; siya ay binigyan ng kapamahalaan sa ibang
nilalang; at binigyan ng taong makakasama at makakatulong sa kanya
22. Ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay mamuhay nang may kasama at maging panlipunang nilalang o social being
at hindi Ang mamuhay nang nag-iisa o solitary being.
23. Ang mga birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) ay kailangan sa pagpapatatag ng
pakikipagkapwa.
24. Makakamtan ng tao ang kaniyang kaganapan sa pamamagitan ng mabuti at makabuluhang pakikipagkapwa.

TEST 4: ENUMERATION
25-27. Mga Aspektong Nalilinang sa Pakikipag-ugnayan sa kapwa.
28-31. Mga Katangian ng Makabuluhan at Mabuting Pakikipag-ugnayan sa Kapwa
32-35. Prinsipyo sa Pagpapaunlad ng Pakikipag-ugnayan sa Kapwa.
TEST 5: ESSAY
Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod na kasabihan.
36-40. “NO MAN IS AN ISLAND”

Ihinanda ni: Nabatid ni:

MARIA FE OBERO-NUÑEZ IRENIA L. SAYSON


Guro sa ESP Punong Guro
Republic of the Philippines
Region V
Department of Education
Schools Division of Camarines Sur
MALAWAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Malawag, Nabua, Camarines Sur
School ID: 301991

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 10


Pangalan: ______________________________ Baitang at Seksyon: ___________________
TEST 1: MULTIPLE CHOICE

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang letra ng wastong
sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng iba’t ibang prosesong pandaigdig.
A. Globalisasyon B. Migrasyon C. Transisyon D. Urbanisasyon

2. Anong pangyayari ang lubos na nagpapabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?


A. Ekonomiya B. Globalisasyon C. Migrasyon D. Paggawa

3. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal B. Sikolohikal C. Sosyo-kultural D. Teknolohikal

4. Ang mga bansang miyembro ng ASEAN ay nabigyan ng pagkakataong mapabilis ang pagangat ng kanilang ekonomiya.
Pinapaigting ang koordinasyon ng bawat bansang kaanib upang higit na maayos ang _________.
A. edukasyon, pamumuhunan at isports B. pamumuhunan, pagkakaibigan at pananampalataya
C. pamumuhunan, kalakalan at pagtutulungang politikal D. pamumuhunan, pagpapayaman at pagtutulungang politikal

5. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang lugar ng trabaho ng
mga manggagawang Pilipino?”
A. Pag-angat ng kalidad ng manggagawang Pilipino. B. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.
C. Paggamit ng mga Automated Teller Machine (ATM). D. Pagdagsa ng mga dayuhang namumuhunan sa buong bansa

6. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon, ipinatupad nila ang mura at
kakayahang umangkop sa paggawa sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga
pahayag ang dahilan ng paglaganap nito sa bansa?
A. Maipantay ang suweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
B. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
C. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba’t ibang krisis.
D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan.

7. Bakit maituturing na isyung panlipunan ang globalisasyon?


A. Patuloy nitong binabago ang kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan.
B. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at politikal na aspekto.
C. Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinauunlad ang mga malalaking industriya.
D. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na matagal
nang naitatag.

8. Batay sa kasunod na dayagram, ano ang ipinahihiwatig nito?

A. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao.


B. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, politikal at kultural.
C. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao.
D. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan.
Republic of the Philippines
Region V
Department of Education
Schools Division of Camarines Sur
MALAWAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Malawag, Nabua, Camarines Sur
School ID: 301991
9. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang
kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng
mga manggagawa?
A. Business Process Outsourcing B. mura at flexible labor C. subcontracting D. job mismatch

10. Ilan sa mga MNCs at TNCs na pag-aari ng mga Pilipino ay nakarating sa iba’t ibang panig ng mundo. Alin sa
sumusunod ang hindi pag-aari ng Pilipino?
A. Jolibee B. San Miguel Corporation C. McDonalds D. Unilab
11. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagbago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
a. paggawa b. ekonomiya c. migrasyon d. globalisasyon
12. Maaaring uriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
a. nearshoring b. offshoring c. onshoring d. inshoring
13. Sa Globalisasyonng ekonomiko, sentro ng globalisasyon ay ang __________________.
a. tao b. ekonomiya c. politika d. Lipunan
14. Ito ang pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad.
a. outsourcing b. offshoring c. onshoring d. inshoring
15. Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula din sa
loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon.
a. nearshoring b. offshoring c. onshoring d. inshoring

Test 2- IDENTIFICATION
Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Pillin sa kahon ang sagot at isulat sa
sagutang papel.

__________16. Ito ay tumutukoy sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang
bayad.
__________17. Ito ay tumutugon sa prosesong pangnegosyo ng isang Kompanya.
__________18. Ito ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatag ng pasilidad sa ibang bansa. Ang kanilang
serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang local.
__________19. Ito ay nakatuon sa mga gawaing nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad ng
pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon at serbisyong legal.
__________20. Ito ay ang pangkalahatang katawagan ng tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa
ngunit ang produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang local ng pamilihan.
__________21. Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bans ana naniningil ng mas mababang bayad.
__________22. Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa.
__________23. Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang kompanya
mula din sa loob ng bans ana nagbubunga ng higit na mas mababang gastusin sa operasyon.
__________24. Kung mayroon mang isang buhay na manipestasyon ng globalisasyon sa ating bansa, ito ay ang mga
_____ na nangingibang-bayan upang magtrabaho o maghanapbuhay.
__________25. Ang pangingibang-bayan ng mangagagawang Pilipino ay nagsimula sa panahon ni _______ bilang
pagtugon sa panandaliang tugon sa budget deficit ng kaniyang administrasyon. Naging matagumpay ang stop gap measure
na ito.
_________26. Ang Suez Canal ay nagdurugtong sa Dagat Mediteranyo, Gulpo ng Suez, Dagat Pula at______.
_________27. Ang Suez Canal ay sinimulang ipatayo noong April 25, 1859 at natapos noong __________.
_________28. Ito ay isang paraan ng paghikayat sa isang estado na sumunod na sumunod pa sa kagustuhan ng isa pang
estado sa pamamagitan ng pananakot gamit ang barkong pandigma.
_________29. Ayon naman kay _____, (1974) ang Globalisasyon ay kumakatawan sa tagumpay ng kapitalismo sa mundo.
________ 30. Ito ay isang artipisyal na daanang tubig sa Ehipto na ginawa noon pang panahon ng lumang Ehipto at
palagiang muling tinayo.
Suez Canal Offshoring BPO Gunboat Diplomacy
Outsourcing Indian Ocean Ferdinand Marcos KPO
Transnational Companies Multinational Companies November 17, 1869 Inshoring
Nearshoring OFW Onshoring Globalisasyon

TEST 3-GUESS THE LOGO


Republic of the Philippines
Region V
Department of Education
Schools Division of Camarines Sur
MALAWAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Malawag, Nabua, Camarines Sur
School ID: 301991
Panuto: Tukuyin ang pangalan ng mga sumusunod na logo/icon ng iba’t-ibang brands at kompanya.

31. 32. 33. 34. 35.

36. 37. 38. 39. 40.

41. 42. 43. 44. 45.

TEST 4- IDENTIFICATION
Panuto: Tukuyin ang bawat pahayag kung ito ay Globalisasyong TEKNOLOHIKAL, SOSYO-LOHOKAL O
POLITIKAL. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
46. Pagbibigay ng Economic at Technical Aid na ibinibigay ng ilang bansa sa Pilipinas. Nariyan ang JICA Project ng
Japan, BEST Project ng Australia, military assistance ng US at mga tulad nito.
47. Paggamit ng mga Cellular Phones (CP) o Mobile Phone na nagsimula sa maunlad na bansa.
48. Sa kasalukuyan, damar in sa Pilipinas ang mga impluwensyang kultural tulad ng Koreans sa anyo ng pop cultures
dahil sa mga sikat na pelikula, Korean Dramas, K-Pop Culture at mga kauri nito.
49. Kaakibat din nito ay mga suliraning may kinalaman sa pagkalat ng iba’t-ibang uri ng computer viruses at spam na
sumisira ng electronic files at minsan ay nagiging sanhi ng pagkalugi ng mga namumuhunan.
50. Ang lakas ng impluwensya ay makikita sa pananamit, pagsasalita at pakikisalamuha ng maraming Kabataang Pilipino
sa kasalukuyan.

Goodluck! 😊

Ihinanda ni: Nabatid ni:

MARIA FE OBERO-NUÑEZ IRENIA L. SAYSON


Guro sa Araling Panlipunan Punong Guro
Republic of the Philippines
Region V
Department of Education
Schools Division of Camarines Sur
MALAWAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Malawag, Nabua, Camarines Sur
School ID: 301991

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 8


Pangalan: ______________________________ Baitang at Seksyon: 8-GMELINA
TEST 1: TAMA O MALI
Panuto: Basahin ng may pangunawa ang mga sumusunod na pangungusap at isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.
1. Ipinapalagay ng mga siyentista na ang mga Orangutan ang pinakamalapit na kaanak ng mga tao.
2. Ang mga halimbawa ng Homo Species ay Hominid, Homo Erectus at Homo Sapiens.
3. Si Lucy and pinakatanyag na Australopithecus na natuklasan ang mga labi noong 1974.
4. Ang Ape na may kakayahang tumayo ng tuwid ay tinatawag na Australopithecine.
5. Mas malaki ang utak ng mga Homo Habilis kesa sa mga Australopithecine.

TEST 2: TUKUYIN MO!


Panuto: Tukuyin ang kahalagahan ng ilan sa mga pangyayaring naganap sa iba’t ibang yugto ng pag-unlad ng
sinaunang tao sa tulong ng tsart, Isulat sa kahon ang kahalagahan o epekto sa kasalukuyan ng pangyayaring nasa
kaliwang kahon. 2 PUNTOS BAWAT ISA

Mga pangyayari sa iba-ibang yugto ng pag-unlad Kahalagahan sa kasalukuyan

1. Paggamit ng Apoy

2. Pagsasaka

3. Paggamit ng pinatulis na bato

4. Pagtatayo ng permanenting tirahan

5. Pag-aalaga ng mga hayop

TEST 2: KILALANIN MO!


Panuto: Kilalanin ang nasa larawan at isulat ito sa sagutang papel. 3 PUNTOS BAWAT ISA.

1. 2. 3. 4. 5.

Goodluck! 😊

Ihinanda ni: Nabatid ni:

MARIA FE OBERO-NUÑEZ IRENIA L. SAYSON


Guro sa Araling Panlipunan Punong Guro
Republic of the Philippines
Region V
Department of Education
Schools Division of Camarines Sur
MALAWAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Malawag, Nabua, Camarines Sur
School ID: 301991

You might also like