You are on page 1of 15

1

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

 Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
 Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
 Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
 Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

2
Araling Panlipunan 8
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
Kabihasnang Minoan at Mycenaean
at Kabihasnang Klasikal ng Europa

Pangalan___________________________

Alamin Natin

Panimula:
Isa sa mga sinaunang kabihasnang sumibol na matatagpuan sa kontinente ng
Europa ay ang Gresya. Malaking tulong ang mga nagawa nila upang marating ng
daigdig ang mga pagbabagong tinatamasa natin sa kasalukuyan, sa larangan ng
Agham, Pilosopiya, Medisina, Sining, Arkitektura at iba pa. Nais nyo ba itong
malaman? Sa Modyul na ito ay malalaman at mauunawaan mo ang mga pangyayari
sa kasaysayan ng daigdig sa pag-usbong at pag-unlad ng klasikal na lipunan sa
Europa.

Mga Aralin at Sakop ng Modyul


Sa modyul na ito ay inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod:
Aralin 1:
LAYUNIN:
Nasusuri ang Kabihasnang Minoan at Mycenaean at Kabihasnang Klasikal ng
Europa.

Subukin Natin
Panuto:
Maaari mo nang sagutin ang paunang pagtatataya na magiging batayan kung ano
na ang iyong alam sa mga aralin. Basahin at unawaing mabuti ang mga
katanungan, Simulan mo na ang pagsagot, Isulat sa patlang ang iyong kasagutan.
1. Saang Kontinente matatagpuan ang Gresya?___
A. Antartika B. Asya C. Europa D. N. America
2. Saan aspeto nakilala at naging tanyag ang Gresya?____
A.Klima B.Kultura C.Lokasyon D.Tanawin

3
3. Ang pangalan ng peninsulang ito ay matatagpuan sa pagitan ng dagat Aegean
sa silangan at dagat Aegean sa kanluran.

A.Balka peninsula B.Balkan Peninsula C. Peninsula ng Aegean D. wala


4.Nakapagbigay ito ng pagkakataon sa mga Griyego na makapangisda at
makipagkalakalan._______
A.Dagat B.Ilog C.Lawa C. Look
5.Ito ang naging dahilan kaya't naging watak-watak ang mga lungsod -estado ng
Gresya.___ A.matubig B.mabundok C.Mabuhangin D.maburol
6. Ayon sa pag-aaral ang kabihasnan ng mga Griyego ay nagsimula noong 2500 BC
sa isla n Crete. Ito ay ang maalamat na sibilisasyon na hanggo sa pangalan ng
kanilang pinuno, Ano ang pangalan ng kanilang hari?___
A. Haring Midas B.Haring Minos C. Haring Philip D.Haring Solomon
7. Kinilala bilang makapangyarihang lungsod sa pulo ng Crete? ___
A. Gournia B.Malia C.Knossos D.Mycenean
8. Isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo ang
mga Mycenean.___
A.Dorian B.Griyego C.Minoan D.Mycenaean
9. Ang pangunahing mithiin ng lungsod na ito ay magkaroon ng kalalakihan at
kababaihan na may malalakas na katawan.____
A. Athens B.Minoan C.Mycenaean DSparta
10. Obra maestrang isinulat ni Homer?____
A. Anabis B.Illiad at Odyssey C. The Republic D.lahat
11. Ang Diyosa ng karunungan sa Gresya?___
A.Athena B.Hellen C.Hera D.Venus
12. Bago pa man nalinang ang Demokrasya sa Athens,ito muna ay isang monarkiya.
Pinalitan ng mga aristokata ang hari at pinamunuan ang Athen ng mga Archon o
mga opisyal. Ilan ang bilang ng mga arkon na namuno sa Athens?______

A.3 B.6 C.9 C.12


13. Siya ang nagpahayag sa Gresya bilang kauna-unahang demokrasyang bansa sa
daigdig.________
A. Cleisthenes B.Draco C. Pesistratus D.Solon

4
14. Sa anong edad nagiging ganap na sundalo ang isang lalaking Spartan?_______
A.18 B.19 C.20 D. 21
15. Naniniwala na ang lipunan ay kailangang pamahalaan ng mga taong taglay

ang karunungan at hindi yaong mga mayayaman at tanyag lamang______


A.Aristotle B.Herodutus C.Plato D.Socrates

Balikan Natin

Bago tayo magpatuloy sa ating aralin, nais ko munang sagutin nyo ang mga katanungan
tungkol sa naging ambag ng sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Panuto:Isulat sa tapat ng mga sinaunang kabihasnan ang mga naiwang ambag sa
kasaysayan.

MGA NAIWANG AMBAG

- paggamit ng gulong - hiroglipiko - Confucianism - serbisyo sibil


- kodigo ni Hammurabi - papyrus - chopstics - paggamit ng
decimal
- Hanging Garden - oracle bone - aklat ng Veda - Konsepto ng
Zero
- Ziggurat - mummification - water clock ,sundial

SINAUNANG KABIHASNAN

MESOPOTAMIA EHIPTO TSINA INDIA

Tuklasin Natin

Alam nyo ba na hindi maaaring maihalintulad sa mga kabihasnang


Mesopotamia,Tsina,India,Ehipto na umusbong malapit sa mga lambak-ilog.Kung susuriin
ang katangiang pisikal ng Gresya,ito ay nagtataglay ng mabababang bundok na nakakalatsa
kabuuan ng pulo.Panuto: A. Pagmasdan anmapa,suriin upang makita ang kaugnayan ng
lokasyon ng Greece sa pag-unlad ng kabihasnan nito.

5
Panuto: Sagutan ang mga katanungan,maaaring gamitin ang mapa sa inyong pagsagot.

1.Saang kontinente matatagpuan ang Gresya__________________________.

2.Ano ang mga anyong tubig ang nakapaligid sa Gresya?______________________________.

3.Saang direksyon makikita ang isla ng Crete?_______________________________.

4.Ano ang kapital ang Gresya____________________________________________.

5.Anong anyong tubig ang nasa hilaga ng isla ng Crete____________.

Suriin

A.Basahin at unawain.
Ang sinaunang Gresya ay mabundok na makikita sa tangway ng Balkan sa Timog at ilang
pulo sa karagatan ng Aegean. Ang Karagatan naman ng Mediterranean ang naging daanan
nila papunta sa ibang panig ng mundo.Sa kanila,ang karagatan ang pinakainam na daanan
sa paglalakbay. Ang karamihan sa mga pamayanan nila ay matatagpuan malapit sa
tubig.Ang pangunahing sagabal sa pagdaloy ng komunikasyon sa pamayanan ay ang
kanyang mabato at mabundok na paligid. Subalit, ito ang naging dahilan upang ang bawat
lungsod-estado ay magkaroon na kanya-kanyang katangian na nag pa-unlad sa kanilang
kultura
Ang kabihasnang Minoan
Ang unang kabihasnan ng Gresya ay sumibol sa pinakamalaking pulo-ang Crete.Tinawag
ang kabihasnang ito na Minoan na hango sa pangalan ni haring Minos ,pinaniniwalaan ito
ang nagtatag ng kaharian sa Crete.Sila ay may matataas na antas ng kalinangan sa
larangan ng arkitektura at mayroong mahuhusay na inhinyero.Kinilala din sila bilang
mahuhusay na gumamit ng metal at iba pang teknolhiya.Sa pamayanang minoan ay may
apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika,mga mangangalakal,mga magsasaka,at mga
alipin. Ang tirahan nila ay yari sa laryo o bricks. Tinatayang noong 2500 BCE ang mga
Minoan ay may nasusulat ng alpabeto.Naging mahusay ang kanilang mangagawa sa
paglikha ng mga kagamitan mula sa ginto at tanso tulad ng mga palayok at alahas.Hindi
nagtagal,kinilala naman ang Knossos bilang isang makapangyarihang lungsod at sinakop
nito ang kabuuan ng Crete.Dito matatagpuan ang
isang napakatayog na palasyo,ito ay nasira ng sunod-sunod na sunog atiba pang mga
natural na kalamidad.Pagkaraan ng ilang taon,sumalakay ang mga Mycenaean mula sa

6
Peloponnesus at kanilang sinakop at pinamahalaan ang kabihasnang Minoan pagsapit ng
1400 BCE..

Ang Kabihasnang Mycenaean


Ang Mycenaean ay isang lunsod na matatagpuan sa timog ng Gresya,Ito ay tinawag na
kabihasnang Aegean.Napapaligiran ng makakapal na pader ang lungsod upang
panaggalang sa mga maaring lumusob dito.Pagdating ng 1400 BCE,naging napakalakas na
mandaragat ang mga Mycenaean atito ang dahilan upang lubos nilang nasakop at maigupo
ang Crete.Naiugnay nila ang Crete sa lumalagong kabihasnan sa Gresya.Maraming mga
salitang Minoan ang ang naidagdag sa wikang Greek.Ang sining ng mga Greek ay
naimpluwensiyahan ng mga Minoan.Si Haring Agamemnon ang naging pinuno ng lunsod at
siya ang itinuring na pinakamayaman at pinakamakapangyarihang hari sa sinaunang
Greece.Maganda ang lokasyon ng Crete kaya naging masigla at maunlad ang
kalakalan.Maraming magagarbong palasyo ang naitayo dito batay sa mga labing nahukay
noong 1876.Gumagamit sila ng sandatang tanso,nagsusuot ng mga alahas yari sa
ginto,pilak .Kilala ang panahon nila bilang panahong Homer dahil sa maramimg kaalaman
ang mababasa rito.Hiniram nila ang kanilang sistema ng pagsulat sa mga MInoan.Humina
ang Kabihasnang Mycenaean nang manirahan sa Peloponnesus ang mga Griyegong Dorian
na nagmula pa sa Hilagang Greece.Nagkaroon ng Digmaan sa pagitan ng mga Dorian at
Mycenean.Nagapi nila ang Mycenaean,nagtatag sila ng kanilang pamayanan at tinawag
itong Ionia at nakilala bilang Ionian. Ang mga pangyayaring ito ay tinawag na Dark Age o
madilim na panahon na tumagal nang halos 300 Taon.
Gabay na Tanong:
1. Saan nagsimula ang Kabihasnang Minoan?
2 Ano ang dahilan ng pag-unlad ng kabuhayan ng Minoan?
3 Sino-sino ang mga pangkat ng tao sa pamayanang Minoan?
4 Bakit nagwakas ang kabihasnang Minoan?
5.Saan matatagpuan ang mga Mycenaean?
6.Sino si Haring Agamemnon?
Gawain 1

Panuto: .Bilugan ang titik ng Tamang sagot.


1.Ang kabihasnang nagsimula sa isla ng Crete (A.Mycenaean B.Minoan C.Athens D.Sparta)
2.Ang maalamat na haring sinasabing nagtatag ng kabihasnang Crete (A.Minos B.Pericles
C.Leonidas D.Philip)
3.Isang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektaryang lupa at napapaligiran ng
mga bahay na bato (A.Thebes B.Marathon C.Knossos D.Thermophylae)
4.Isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupi ang mga
Mycenaean(A. Athenian B.Ionian B. Sparta D.Darwin)
5.Sa panahong ito nagging palasak ang digmaan ng mga ibat-ibang kaharian,Nahinto ang
kalakalan,pagsasaka at iba pang gawain pangkabuhayan A.Hellenic B.Hallenestic,C.Dark Age
D.Persian War)

7
Gawain 2
. Panuto: Lagyan ng # kung ito ay MINOAN at @ kung MYCENAEAN
1.Laryo o Bricks ang ginamit sa paggawa ng kanilang tahanan______
2.Haring Minos_____.
3.Panahon ng Dark Age_____.
4.Kinilala ang Knossos bilang isang makapangyarihang lunsod______.

5.Sumibol ang unang kabihasnan ng Gresya sa pinakamalaking pulo ng Crete________.


Gawain 3
Panuto.Isulat kung TAMA o MALI ang isinasaad ng pangungusap.
_____1.Ang malaking bahagi ng Gresya ay bulubundukin.
_____2.Ang mga Minoan ay mayroong mahuhusay na inhenyero.
_____3.Ang Knossos ay naging isang makapangyarihang lunsod.________
______4.Ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga Minoan ay ang agrikultura
_____5.Ang Mycenaean ang kabihasnang nakilala sa panahon ni H0mer

Pagyamanin Natin

A .Basahin at unawain ang teksto.


Mula sa madilm na panahon , may isang bagong sibilisasyon ang umusbong at lumaganap
sa Gresya.Kinilala ito sa kasaysayan bilang kabihasnang Hellenic,mula sa kanilang Tawag
sa Gresya na Helas.Naging isa sa pinakadakilang siblisasyon sa daigdig.Nabuo ang tinawag
na Polis,ito ay binubuo ng tatlong bahagi Una,ang Acropolis ang templo at gusaling
pampubliko.Karaniwang matatagpuan ito sa matataas na pook tulad ng burol o maliit na
bundok
.at napapaligiran ito ng pader.Ikalawa ay ang Agora o pamilihan na matatagpuan sa ibaba
ng acropolis.Ang ikatlo ay ang polis na binubuo ng mga nakapaligid na kanayunan.Sa mga
lungsod estado,naramdaman ng mga Greek na sila ay bahagi ng pamayanan.Ito ang
dahilan kung bakit ipinagkaloob naman nila dito ang kanilang katapatan at paglilingkod.Ang
mga lehitimong mamamayan ay binigyang karapatang bumoto,magkaroon n ari-
arian,humawak ng posisiyon sa pamahalaan at ipagtangol ang sarili sa mga korte.
Panuto : Matapos mabasa , Isulat ang kahulugan ng mga sumusunod na salita:

Polis acropolis agora

8
Ang lunsod estado ng Sparta ay matatagpuan sa isang lambak sa katimugan ng
Pelopenessus,na makikita ninyo sa mapa .Ang lipunang sparta ay hinati sa sa 3 pangkat 1.
Spartiate-pinakamahalagang pangkat at kabilang sa salinlahi ng Dorian Sila ang
nagmamayari ng lupa at opisyales ng pamahalaan.2.Perioci-Hindi sila mamamayan ng
Sparta ngunit malayasila ay mangangalakal kaya sila ay yumaman ,ngunit hindi magiging
mamamayan ng Sparta.3. Helot-Katutubong sinakop ng mga Spartan,sila ay nasa
pinakamababang antas sa lipunan ng Sparta.

PAMAHALAAN
Ang pamahalaan ay binubuo ng 2 pangkat ang asamblea at konseho ng
matatanda.Ang asamblea ay binubuo ng mga kalalakihan at mga hirang na opisyal
na boboto sa mahalagang isyu at patakaran.Konseho ng matatanda ay siyang
nagpapanukala ng batas sa Assamblea.Mayroon ding hinirang na ephors,sila ang
nagpapatupad ng mga ipinasang batas at sila rin ang namamahala sa edukasyon at
paglilitis ng mga kaso.
RELIHIYON:
Ang mga Giyego ay nainiwala sa mga diyos at diyosa.Pinaniniwalaan na nakatira ito
sa bundok Olyumpus na pinamumunuan ni Zeus ang pnakamakapangyarihan sa
lahat.Ilan sa mga ito ay sina Poseidon,kapatid ni Zeus atdiyos ng karagatan,Apollo-
anak na lalaki ni Zeus at diyos ng araw,musika at kagalingan,Hera asawa ni Zeus-
diyosa ng pag-aasawa at Athena diyosa ng karunungan.
MANDIRIGMA
Ang naging pangunahing mithiin ng Sparta ay magkaroon ng mga lalaki at babaing
malalakas ang katawan.Ang mga lalaki ay sinanay maging mandirigma at ang mga
babae ay tinuruan para protektahan ang kanilang sarili.Ang mga sanggol na
mahihina ay iniiwan sa bundok hanggang sa mamatay.Ang mga bata mula 7 taon
pataas ay sinasanay na sa pakikipaglaban at pananakit.Nanunguna din sila sa
palakasan at malayang nakikihalubilo sa mga kaibigan ng kani-kanilang mga asawa
habang masaya silangng mga palarong tulad ng pagbubuno,boksing at karera. Sila
ay responsable sa pagkakaroon ng pinakamahusay nasandatahang lakas sa buong
daigdig.Sila ay nakikipaglaban ng sama -sama sa pagkakatayo,pasulong man o
paurong sa labanan.Tinawag itong Phalanx,sila ay hindi bayarang mandirigma at
tagapagtaguyod ng Polis.
Ang Athens at pag-unlad nito
Sa sinaunang kasaysayan ang Athens ay pinamunuan ng mga Tyrant na noon at
nagngahulugang mga pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at

9
maayos na kahulugan sa katawagang tyrant bilang malupit na pinuno sa ating
panahon sa kasalukuyan.Bago pa man nalinang ang demokrasya sa Athens,ito
muna ay isang monarkiya,pinaltan ng mga aristokrasya ang hari at pinamumunuan
ang athens ng siyam na archons o mga opisyal.Sa ilalim ng pamahalaang
Oligarkiya,isang sentralisadong pamumuno sa pamamagitan ng pagtatag ng isang
lupon ng mga dugong bughaw upang palitan ang hari,unti unting tumaas ang
populasyon at umunlad,ngunit sa kabila nito maraming mga magsasaka ang hindi
nakuntento sa pamamahala ng mga archons.Naging sentro ng kalakalan at kultura
sa Greece ang Athens.Ilan sa mga nakilalag Athenian ay sina Draco gumawa ng
batas na nagbigay ng malulupit na parusa sa mga nagkakasala,Solon tumulong sa
mga magsasakang nababaon sa lupa,Pesistratus hinati-hati nya ang mga lupain ng
mga mayayayaman at ipinamahagi sa mga walang lupa,Cleisthenes nagpahayag sa
Gresya bilang kauna-unahang Demokrasyang bansa sa buong mundo. Tatlong
mahahalagang digmaan ang naganap sa pagitan ng Gresya at Persya Labanan sa
Marathon,Thermophyle at salamis.Natamo g Gresya ang ibat-ibang tagumpay sa
larangan ng kaisipan,agham,sining,at literatura na siyang dahilan upang tawagin
itong Ginintuang panahon ng Athens.
Ginintuang Panahon ng Athens
Noong 461 B.C.E., si Pericles, isang strategos o heneral na inihalal ng mga
kalalakihang mamamayan ang namuno sa Athens. Taon-taon ay nahahalal si
Pericles hanggang sa sumapit ang kaniyang kamatayan noong 429 B.C.E.
Sa loob ng mahabang panahon ng kaniyang panunungkulan, maraming pinairal
na mga programang pampubliko si Pericles. Lahat ay naglalayong gawing
pinakamarangyang estado ang Athens.
Nais ni Pericles na lumawak pa ang umiiral na demokrasya sa Athens kung kaya’t
dinagdagan niya ang bilang ng mga manggagawa sa pamahalaan at sinuwelduhan
niya ang mga ito. Lahat ng mamamayan ay nagkaroon pagkakataong
makapagtrabaho sa pamahalaan mayaman man o mahirap. Kaya di nagtagal mga
ikatlong bahagi (1/3) ng populasyon ng Athens ay bahagi na ng mga gawain ng
pamahalaanNgunit hindi lahat ay nasiyahan sa mga repormang ipinatupad ni
Pericles. Para sa mayayaman ang ginawa niyang mga pagbabago ay magdudulot
ng pagkalugi sa pamahalaan at maghihikayat ng katamaran sa mga ordinaryong
mamamayan. Ipinagtanggol niya ang kanyang mga ginawang pagbabago sa
pamamagitan ng pagbibigay ng isang pahayag na naitala naman ni Thucydides, na
isang historyador. Ayon kay Pericles “Ang ating konstitusyon ay isang demokrasya
sapagkat ito ay nasa mga kamay ng nakararami at hindi ng iilan.”
Mahalaga ang edukasyon para sa mga Athenian. Ang mga lalaki ay pinag-aaral sa
mga pribadong paaralan kung saan sila ay natuto ng pagbasa, matematika,
musika,at mga obra ni Homer na Iliad at Odyssey. Hinikayat din silang talakayin ang
sining, politika at iba pang usapin. Ang palakasan ay bahagi rin ng kanilang pag-
aaral. Sa edad na 18 taong gulang, ang mga lalaki ay nagsasanay sa militar ng 2
taon at pagkatapos ay maaari nang maging
mamamayan ng Athens at makibahagi sa pamahalaan nito. Samantala, ang mga
kababaihan ay itinuring na mas mababa sa mga kalalakihan. Hindi sila nabigyan ng
pagkamamamayan at hindi maaaring makibahagi sa pamahalaan. Hindi rin sila
maaaring magmay-ari. Ang kanilang buhay ay umiikot sa mga gawaing bahay at
pag-aalaga ng mga anak. Sa edad na 14-16 sila ay ipinakakasal sa mga lalaking
napili ng kanilang mga magulang.

10
Pagsasaka ang karaniwang ikinabubuhay ng mga Athenian. Ang mga ani ay
kanilang kinakain. Ang mga sobrang produkto ay ipinapalit nila ng iba pang
kagamitang pambahay.
Bagamat marangya at magarbo ang ang mga gusaling pampubliko, ang mga
tahanan naman ay simple lamang, maging ito ay pag-aari ng mayayaman o karaniwang tao.
Sa kabuuan, simple lamang ang naging pamumuhay sa sinaunang Greece.Ngunit mula sa
simpleng pamumuhay na ito ay lumitaw ang pinakamahuhusay na artista, manunulat, at
mga pilosopo na tinitingala sa sandaigdigan hanggang sa ating makabagong panahon.
Ang may-akda ng mga natatanging pilosopong Greek sa larangan ng politika
ay kinilala sa mundo tulad ng The Republic ni Plato at Politics ni Aristotle.
Maging sa larangan ng arkitektura ay nakilala ang mga Greek. Kahangahanga ang
arkitektura ng mga templo. Ang ilan dito ay matatagpuan sa Athens, Thebes, Corinth, at iba
pang siyudad. Ang tatlong natatanging estilo na Ionian, Doric, at Corinthian ay naperpekto
nila nang husto

ARISTOTLE
CALLICRATES ICTINUS PERICLES PLATO THUCYDIDES SOCRATES

Hanapin ang sagot ng Hanay A sa Hanay B ( titik lamang ang isulat)

HANAY A HANAY B

___1.tawag sa mga hindi mamamayan ng Sparta A. Athena

___2.tinawag itong Lungsod-estado,binubuo ng kanayunan B. Draco

___3.isang heneral na inihalal ng mga kalalakihan C. Perioci

mamamayan ng Athens D. Polis

___4.pinakamababang uri ng tao sa lipunan o katutubong E. Pericles

sinakop ng mga Sparta F. Hellas

___5.pakikipaglaban ng sama-sama G. Phalanx

___6.Hellenic H .Helot

___7.mga opisyal na may 9 na bilang I. Arcon

___8.tumulong sa mga mamamayang nabaon sa utang J. Solon

___9. gumawa ng batas na nagbigay ng malupit na K. Herodutus

parusa sa nagkasala

10.ang diyosa ng karunungan_____________

11
Isaisip

Magbasa Tayo!

Ang Greece ang itinuturing na “sinilangan ng kanluraning Sibilisasyon dahil sa kakaibang kulturang
nalinang na naging batayan ng mga taga kanluran .Napanatili ng lugar ang kanilang
tradisyon,Hangang sa kasalukuyang panahon.

Ang mga mainam na daungan na nakapaligid sa Greece ay nagbigay daan sa maunlad na kalakalang
pandagat na naging dahilan ng kanilang maunlad na kabuhayan

Nakatali ang mga Griyego sa kanilang lupain ngunit naging hati-hati sila dulot ng mga bulubundukin
at mga dagat sa kanilang kapaligiran.Dahil dito nagkahiwa-hiwalay ang kanilang mga lunsod - estado.

Maraming mga lungsod-estado ang umusbong at nawala subalit nagbigay kulay sa Gresya.

Isagawa

Tama o Mali-Isulat kung Tama o Mali ang mga sumusunod na pangungusap.


1. Karamihan sa mga polis ay may pamayanang matatagpuan sa mataas
na lugar._______
2. Ang karagatang Mediterranean ang naging tagapagugnay ng Greece sa iba pang
panig ng mundo______
3. Ang Minoan ay batay sa pangalan ni Haring Minos________
4. Ang Knossos ay kinilalanh isang makapangyarihang lunsod at sinakop ang
kabuuan ng Crete_________
5. Ang mga Dorian ang lumupig sa pangkat ng Mycenaean__________
6. Ang Athens ang responsible sa pagkakaroon ng pinakamahusay na sandatahang
Lakas_________
7. Ang sistema ng pagpapatapon sa isang tao ay tinawag na Ostracism______
8. Si Solon ay isang makata________
9. Ang mga Griyego ay may iisang Diyos______
10. Sa Gresya nagsimula ang Demokrasya_____

12
Tayahin

Panuto: Isulat sa hanay sa ibaba kung saan larangan nakilala ang mga sumusunod:

1.DORIC 6.PERICLES 11.IONIC

2.PYTHAGORAS 7.HOMER 12.CORINTHIAN

3.HERA 8.THALES 13.ATHENA

4.ATHENA 9.ZEUS 14.PINDAR

5.HIPPOCRATES 10.ARES 15.APOLLO

SINING AT ARKITEKTURA AGHAM AT PILOSOPIYA PANANAMPALATAYA

Gawin
GawinGawain
Karagdagang natin
natin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga ginulong titik:

1.Ang salitang katumbas ng City State sa Greece

SIPOL________________.

2.Ang pulong pinagmulan ng kabihasnan ng Greece

TEREC_______________

3.Ang kabihasnang nakilala sa panahon ni Homer

YEMECANAN______________

4.Ang kabihasnang hango sa paghahari ni Haring Minos

NOMAIN______________.

5.Ang kadalasang tema ng pagpipinta ng mga sinaunang Minoan

NASAKILAK _______________

13
References:
Batayang Aklat-Kasaysayan ng Daigdig
Kayamanan -Kasaysayan ng Daigdig Rex
k12 GabayPangkurikulum
Google .com.ph

Development Team of the Module


Writers: Julieta R. Alimpuyo
Editors:
Reviewers: Mrs. Elisa P. Apolis Head Teacher III
Mrs. Jocelyn Alvis-Head Teacher III
Illustrator:
Layout Artist:
Management Team:
Dr.Margarito B.Materum,SDS
Dr. Quinn Norman O. Arreza, OIC-ASDS
Dr.George P. Tizon,Chief SGOD
Dr. Elery G.Quintia,CID Chief
Ferdinand Paggao,EPS AP
Dr.Daisy L. Mataac,EPS LRMS

14
15

You might also like