You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan- Modyul 5:
Pag-usbong at Pag-unlad ng Klasikal
na Lipunan sa Europe

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Rio D. Acaylar
Editor: Julito Abne
Tagasuri: Florence S. Gallemit
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Gloriley D . Acaylar
Tagalapat: Rio D. Acaylar
Tagapamahala: SDS Felix Romy A. Triambulo, CESO VI
OIC – ASDS Aurelio A. Santisas
Dr. Ella Grace M. Tagupa
Dr. Jephone P. Yorong
Florence S. Gallemit
Jose Overa
Allan Bendano
Alamin
Ang Olympics ay isang pampalakasang paligsahan na nilalahukan ng mga atleta mula
sa ibat-ibang bansa.Dahil sa pangyayaring hindi inaasahan na dinanas ng buong mundo itong
COVIdD 19 na krisis na kinaharap maging sa ating bansa. ang nasabing mga pampalakasan
ay biglang nahinto sa hindi inaasahan.Ang ganitong senaryo sa nasabing sports at
napakahalaga sa bawat isa upang mapalakas ang ating katawan laban sa virus na ito. Saan at
kailan nga ba nagsimula ang paligsahang ito?

Sa bahaging ito ng modyul ay tatalakayin kung paano mapahahalagahan ang mga


kontribusyong klasikal sa mundo.

Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasanang klasikal sa


pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan sa buong mundo

Balikan

Gawain 1: Maimpluwensyang Kabihasnan!


Kumpletuhin ang kasunod na diyagram.Itala ang pamana ng mga
sinaunang kabihasnan at ang impluwensya ng pamanang ito sa daigidig at
sa ating bansa.

Impluwensya sa daigdig

Impluwensya sa Pilinas

Pamana ng Sinaunang kabihasnan

1.Kung ikaw ay nabuhay sa kabihasnang nagkaloob ng nasabing pamana,


ano ang iyong reaksyon?
2.Ano ang iba pang bagay na maituturing na pamana ng mga sinaunang tao
sa kasalukuyang kabihasnan?Bakit mo ito itinuring na isang pamana?
Aralin
Pag-usbong at Pag-unlad ng
1 Klasikal na Lipunan sa Europe

Tuklasin
Gawain 2: Ano ang Gusto ko?
Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong tungkol dito na nasa loob ng kahon.

Mandirigma Politiko
mangangalakal

Artist Siyentista

Makikita sa larawan na ang bawat isa ay may tungkuling ginagampanan. Kung ikaw
ay nabuhay sa panahon noon, alin sa mga tungkulin ang nais mong
magampanan?Bakit?
Suriin
Gawain 3: Magbasa at Matuto
Basahin at suriing mabuti ang teksto tungkol sa Pag-usbong at pag-unlad ng mga
kabihasnang Klasikal at ang mahahalagang kontribusyon nito.

Naging sentro ng sinaunang Greece ang mabundok na bahagi nito at ang karagatan ang
tagapag-ugnay sa iba pang panig ng mundo.Naging mabagal ang paglago ng kaisipan at
teknolohiya sa mga pamayanan ng sinaunang Greek.
Ang mainan na daungan na nakapaligid sa Greece ay nagbigay daan sa maunlad na
kalakalang pandagat na nakatulong upang mapayaman nila ang kanilang kultura at maibahagi
ang kanilang tagumpay sa ibat-ibang larangan ng pamumuhay sa sandaigdigan.
Ang Mga Minoans

Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyon ay nagsimula sa Crete na tinawag


na Kabihasnang Minoan.Kilala sila bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang
teknolohiya.Sila ay nakatira sa mga bahay na yari sa laryo o bricks at may sistema ng
pagsulat.Sila rin ay magagaling na mandaragat.
Hindi nagtagal,kinilala ang Knossos bilang isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito
ang kabuuang Crete.Dito matatagpuan ang isang napakatayog na palasyo na napapaligiran ng
mga bahay na bato.Ang palasyo ay nasira ng sunod-sunod na sunog at iba pang natural na
kalimidad.
Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao:mga maharlika,mga
mangangalakal,mga magsasaka at mga alipin.Sila ay masaying mga tao at mahilig sa
magagandang kagamitan.Sila ang unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan
nagsasagawa ng mga labanan sa boksing.
Ang mga Mycenaean
Ang mga lungsod dito ay pinag-uugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Isa nang
napakalakas na mandaragat ang mga Mycenaean.bgamat walang naiwan mga nakasulat na
kasaysayan,ang pagsasalin-salin ng mga kuwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay
lumaganap.Ito ang sinasabing nagging batayan ng mitolohiyang Greek.
Noong 1100 BCE,iginupo ang Mycenaean ng kinikilalang Dorian. Isang pangkat na may
kaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog Greece na nagtatag ng kanilang
pamayanan at tinawag na Ionia at nakilala sula bilang Ionian.
Ang pangyayaring ito ay tinaguriang dark age o madilim na panahon na tumagal na halos
300 na taon. Naging palasak ang digmaan ng mga kaharian,nahinto ang
kalakalan,pagsasaka,sining at maging ang paglago ng sining.
Ang mga Polis
Dahil sa digmaan bago pa ang panahong Hellenic, nagtayo ng mga kuta ang mga Greek sa
gilid ng mga burol upang maprotektahan ang pananalakay ng ibat-ibang pangkat. Ang mga
pook na ito ay naging pamayanan.Dito nagsimula ang mga lungsod estado o polis na may
kinalaman sa pulisiya,politika at politiko.Ang acropolis matatagpuan ang matatayog na
palasyo at templo.
Sparta, ang Pamayanan ng mga Mandirigma
Itinatag ito ng mga Dorian sa Peloponnesus sa tangway Greece.Sa lahat ng mga lungsod
estado ang Sparta lamang ang hindi umaasa sa kalakalan.Pinalawak nila ang kanilang lupain
sa pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at pangangamkam nito.Dahil sa pag-aalsa ng
mgaHelot o magsasaka pinalakas nila ang kanilang hukbong militar at nagtatag ng isang
pamayanang mandirigma.
Ang mithiin nila ay magkaroon ng kalalakihan at kababaihan na walang kinatatakutan at may
malakas na pangangatawan. Ang Sparta ang responsible sa pagkakaroon ng pinakamahusay
na sandatahang lakas ng buong daigdig.
Ang Athens at ang pag-unlad Nito

Ang Athens ay isang maliit na bayan.Sila ay hindi angkop sa pagsasaka kaya karamihan sa
mga mamamayan ay nagtatrabaho sa mga minahan,gumawa ng mga ceramics o naging
mangangalakal o mandaragat.Sa simula pinamumunuan ng hari ang mamamayan na inihalal
ng asembleya.Hindi nagtagal na nais ito ng pagbabago sa pangunguna ni Solon mula sa
aristokrata.Siya ay matalino at patas.Nagsagawa siya ng mga repormang pangkabuhayan sa
mga mahihirap.
Sinundan ito ni Pisistratus mula sa angkan ng mayayaman.Mas radikal ang pagbabagong
ipinatutupad niya tulad ng pamamahagi ng lupa sa walang lupain.
Noong 510 sa pamumuno no Cleisthenes sa unang pagkakataon nakaboto sa Asembleya ang
lahat ng tao.Ang pinakamahalagang repormang naipatupad ay ang pagsilang demokrasya.

Pagyamanin
Gawain 3: Paghahambing
Sa tulong ng venn diagram, isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Sparta at Athens bilang
lungsod-estado ng Sinaunang Greece.
Sparta Athens

1.Bakit mahalaga ang mga lungsod-estado ng Sparta at Athens sa pag-unlad ng kabihasnang


Greek?
2. Kung nabubuhay ka noong panahong klasikal ng Greece, saan mo mas pipiliing tumira,sa
Athens o sa Sparta? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Gawain

Gawain 6: Salitang Mahalaga


Ibigay ang kahulugan ng mga salita na nasa loob ng kahon.

1. Polis-

2. Demokrasya-

3. Helot-

4. Acropolis-
Isaisip

Gawain 5: Daloy ng mga Pangyayari


Batay sa teksto.isulat ang mahahalagang pangyayari sa kasayasayan ng Minoan at
Mycenaean.

Minoan

an

Mycenae
an

Mga tanong:
1. Ano ang katangian ng Kabihasnang Minoan at Mycenaean?

2. Ano-ano ang nakikita mong pagkakaiba at pagkakatulad ng


kabihasnan?
3.Sa iyong palagay, ano ang epekto ng nabanggit na mga kabihasnan sa
kabihasnang Greek?

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan sa ibaba. Piliin ang titik ng iyong
sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang naging ambag ng Kabihasnang Minoan sa mundo?
a. Espada
b. Arena
c. Boksing
d. Armas
2. Ano ang pangunahing katangian ng pamayanang Sparta?
a. Sila ay magaling na mandaragat at mayaman sa lupa
b. Sila kauna-unahang nakaboto sa asembleya
c. Nakatira sila sa tuktok ng tangaway pananggala sa mga mananakop
d. Ang pangunahing mithiin nila ay magkaroon ng mga kalalakihan at kababaihan na
walang kinatatakutan

3. Siya ang dahilan kung bakit sa unang pagkakataon nakaboto ang lahat ng mga
mamamayan sa Athens noon. Siya ay si;
a. Solon
b. Cleisthenes
c. Pisitratus
d. Pericles

4. Anong kabihasnan ang naging batayan sa mitolohiyang Greek noon?


a. Kabihasnang Minoans
b. Kabihasnang Mycenaean
c. Kabihasnang Sparta
d. Kabihasnang Athens

5. Ang mga Polis o lungsod –estado ay itinatag ng anong pangkat?


a. Dorian
b. Inoian
c. Aegean
d. Peloponnesian

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng isang pahinang komiks na may anim na tagpo gamit


ang iyong sariling drowing o cut-outs ng mga karakter na angkop para sa
kabihasnang klasikal. Sulatan mo ito ng mga dayalogong nagpapahiwatig ng
pagpapahalaga ng mga kontribusyon ng kabihasnang klasikal ng sa pag-
unlad ng pandaigdigang kamalayan ng bansang Greece.

Pagkamalikhain 40 pts
Angkop na konsepto ng
Rubrics

diyalogo ayun sa hinihingi ng 40 pts


panuto
Balarila/Wastong gamit at
20 pts
baybay ng wika
Kabuuan 100 pts
Susi sa Pagwawasto
Tayahin
1.c
2.d
3.d
4.a
5.a

Sanggunian:
Kasaysayan ng Daigdig pahina 130-150 edisyon
2014
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like