You are on page 1of 18

DEPARTMENT

OF EDUCATION
Region VII – Central Visayas
Schools Division of Mandaue City
Plaridel St., Mandaue City, Cebu

Kabihasnang Minoan, Mycenean at


Kabihasnang Klasiko ng Greece
Araling Panlipunan 8
Ikalawang Markahan – Modyul 1

1

PAUNANG SALITA
Ang Self- Learning Kit (SLK) na ito sa Araling Panlipunan ay inihanda
para sa mga mag-aaral sa ika-walong baitang. Layunin nito na :
• Masusuri ang kabihasnang Minoan at Mycenean
• Masusuri ang kabihasnang klasikal ng Greece

Ang mga pagsasanay at gawaing napakaloob sa SLK na ito ay


inaasahang maipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kontribusyon ng
mga pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at
pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.
Ingatan at gamitin nang maayos ang Sariling- Linangang Kit na ito.

Nahahati sa tatlong bahagi ang Self – Learning Kit na ito:

A. Ano ang nangyari? (pre-test/panimulang gawain) na kung saan


ay sasagutan nila ang ibat ibang gawain na hindi pa nila
lubusang nalalaman ang learning competency.

B. Ano ang dapat malaman? (pagtatalakay) ito ang bahagi na


kung saan ay ipaliliwanag ang learning competency na
nakapaloob dito.

C. Ano ang natutunan? (paglalapat at pagtataya) na kung saan


ay nahasa ang kanilang kaalaman sa learning competency.

2

LEARNING COMPETENCY:

• Nasusuri ang Kabihasnang Minoan, Mycenean at Kabihasnang


Klasiko ng Greece (AP8DKT-IIa-1)

LAYUNIN:

• Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa Kabihasnang


Minoan, Kabihasnang Mycenean at Kabihasnang Klasikal ng Greece;
• Nabibigyang halaga ang mga kontribusyon ng mga kabihasnang ito
na may malaking impluwensiya sa pamumuhay ng tao sa
kasalukuyan;
• Nakakabuo ng adbokasya na nagsusulong ng pangangalaga at
pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng kabihasnang
Minoan, Kabihasnang Mycenean at Kabihasnang Klasikal ng Greece;

I. ANO ANG NANGYARI?

PAUNANG PAGTATAYA

PANUTO: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean na nagsimula sa Crete mga


3100 B.C.E.
A. Minoan B. Mycenaean C. Greek D. Rome
2. Si Agamemnon ang pinakatanyag na hari sa kabihasnang ito.
A. Minoan B. Mycenean C. Greek D. Rome
3. Matatagpuan dito ang matatayog na palasyo at templo kung kaya’t ito
ang naging sentro ng politika at relihiyon ng mga Greek.
A. polis B. agora C. acropolis D. Parthenon
4. Ang pamayanan ng mga mandirigma sa Greek.
A. Athens B. Sparta C. Aegean D. Dorian
5. Isang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na tinatawag na
Attica.
A. Athens B. Sparta C. Aegean D. Dorian
6. Ayon sa kanya “Ang ating konstitusyon ay isang Demokrasya sapagkat ito
ay nasa kamay ng nakararami at hindi iilan.”
A. Thucydides B. Pericles C. Solon D. Cleisthenes

3

7. Ang makapangyarihang lungsod ng mga Minoan at sumakop sa kabuuan
ng Crete.
A. Knossos B. Crete C. Arena D. Agora
8. Isang pangkat ng tao mula sa hilaga na may kaugnayan sa mga
Mycenean ang tumungo sa timog ng Greece sa may hangganan ng
karagatang Aegean.
A. Dorean B.Ionian C. Aechean D. Aegean
9. Sinalakay niya ang Lydia sa Asia Minor noong 546 BCE dahil sa hangarin
nitong palawakin ang kanilang imperyo sa kanluran.
A. Darius the Great C. Alexander the Great
B. Cyrus the Great D. Xerxes
10. Sino ang hari ng Greece kung saan sa labanan sapagitan ng mga
Griyego at Persian siya ay namatay kasama ng karamihan sa kanyang tropa
dahil may isang Greek ang nagtaksil at ipinagkanulo ang kanilang lihim na
daanan patungo sa kanilang kampo.
A.Alexander the Great C. Haring Leonidas
B. Haring Philip I D. Haring Gregory
11. Ano ang tawag sa alyansa ng mga lungsod-estado ng Greece na
pinamumunuan ng Athens at nabuo noong 478 BCE.
A. Peloponnesian League C. Spartan League
B. Delian League D. Athenian League
12. Sino ang tinaguriang “Ama ng Medisina” ng mga Griyego?
A.Hippocrates B. Herodutos C. Thucydydes D. Solon
13. Ano ang tawag sa digmaan na naganap noong 431 BCE kung saan
nilusob ng Sparta ang mga karatig pook ng Athens. Umabot ng
dalawampu’t pitong taon ang Digmaang ito at lumaganap din ang sakit
na nagresulta sa pagkasawi at pagkamatay ng libo-libong tao kasama na
si Pericles.
A. Digmaan sa Thermopylae C. Digmaang Peloponessian
B. Digmaas sa Salamis D. Digmaang Griyego-Persian
14. Sa pagkamatay ni Philip pumalit sa kanya ang kanyang anak na nakilala
sa kagalingan ng pakikidigma at katalinuhan. Sino ang kanyang anak
na pumalit sa kanya?
A. Cyrus the Great C. Darius The Great
B. Haring Leonidas D. Alexander The Great

4

15. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa Polis bilang isang lungsod-
estado?
A. Ang polis ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan
binibigyang diin ang demokrasya
B. Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at nakasentro
sa isang lungsod.
C. May ibat-ibang uring panlipunan ang isang polis at nahahati ito sa
iba-ibang yunit ng pamahalaan.
D. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang
polis.

II. ANO ANG DAPAT MALAMAN?

Simulan Mo Na

Isang araw habang naglalakad ka pauwi sa inyong bahay ay may


napansin kang papel sa daan. Kinuha mo ito at tiningnan kung ano ang
laman nito at nakita mo ang dalawang larawan. Pinagmasdan mo ito.

Larawan A

Larawan B

5

Mga Tanong:

1. Ano ang nakikita niyo sa mga larawan?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Saan nakasentro ang pamumuhay ng tao sa pamayanan A at B?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Kung ikaw ay papipiliin, aling pamayanan ang tatahakin mo at
nanaisin mong tirahan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

ALAMIN MO MUNA:

HEOGRAPIYA NG GREECE

• Ang Greece ay matatagpuan sa timog na bahagi ng Balkan Peninsula


at may maraming kapuluan na nakakalat sa tatlong pangunahing
dagat na nakapaligid nito. Ang Ionian Sea sa kanluran, Aegean Sea
sa silangan at Mediterranean Sea sa timog na bahagi at ang pulo ng
Crete ang pinakamalaki .
• Ang lupain ng Grace ay mabato at bulubundukin ngunit may mainam
naman na mga daungan na nakapaligid nito. Kaya nga ang
pamumuhay ng mga mamamayan dito ay nakasalalay sa
pakikipagkalakalan sa ibayong dagat.

A. A. ANG MGA MINOAN

• Ang mga Minoan ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean na


nagsimula sa Crete (3100 BCE) at tinawag itong kabihasnang
Minoan.
• Ang kabihasnang Minoan ay hango sa pangalan ng hari na nagtatag
nito, si Haring Minos.
• Knossos ang makapangyarihang lungsod ng mga Minoan at
sumakop sa kabuuan ng Crete.
• Kilala ang mga Minoan na manlalakbay at magagaling sa paglalayag.
• Ang kanilang mga kabahayan ay yari sa bato at may sistema na rin
sila na ginagamit sa pagsusulat.

6

• Umunlad ang mga Minoan dahil sa kalakalan sa ibayong karagatan
• May apat na pangkat ng tao ang mga Minoan, maharlika,
mangangalakal, magsasaka at alipin.
• Ang kontribusyon ng mga Minoan ay ang Arena kung saan
isinagawa ang labanan sa boksing at ang Fresco uri ng sining na
mabilisang ipininta sa dingding.
• Nagwakas ang kabihasnang Minoan noong 1400 BCE dahil
sinalakay ang Knossos nang mga di kilalang mananalakay.

B. B. KABIHASNANG MYCENAEAN

• Noong 1400 BCE isa nang napakalakas na mandaragat ang mga


Mycenaean at lubos na masakop at magupo na nila ang Crete.
• Pumasok ang mga Dorian sa Greece isang pangkat ng tao mula sa
hilaga noong 1100 BCE at sinalakay nila ang mga Mycenaean.
• Isang pangkat ng tao mula sa hilaga na tinatawag na Ionian na may
kaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog ng Greece sa
may hangganan ng karagatang Aegean.
• Sa mga panahong ito nasa ilalim ng dark age o madilim na panahon
ang Greece sa halos 300 taon.Palasak ang digmaan ng mga kaharian
at ang gawaing pangkabuhayan ng mga mamamayan ay nahinto at
maging ang sining at ang pagsulat.
• Si Haring Agamemnon ang kinilalang hari ng Kabihasnang ito.

C. C. ANG MGA POLIS

• Ang tawag sa mga unang pamayanan sa Greece ay polis. Ang mga


polis ay may mga lungsod-estado o city state.
• Tinatawag itong lungsod-estado dahil malaya at may sariling
pamahalaan ang bawat isang polis at ang pamumuhay ng mga tao
rito ay nakasentro sa isang lungsod.
• Mahigpit na ipinagtatanggol ng mga polis ang kanilang kalayaan sa
isa’t-isa.
• Madalas ay hindi sila nagtutulungan maliban na lamang kung may
nagbabanta sa kanilang kaligtasan.
• Ang gitna ng lungsod ay tinatawag na agora isa itong bukas na lugar
kung saan ay maaaring magtinda o magtipon-tipon ang mga tao.

D. D. Athens – isang demokratikong polis

• Hindi naglaon dalawang malakas na lungsod-estado ang naging


makapangyarihan ang Athens at Sparta

7

• Naging sentro ng kalakalan at kultura ng Greece ang Athens, ngunit
sinakop ng Sparta ang mga karatig na rehiyon nito.
• Pinuwersa ng Sparta ang mga nasakop nilang lupain na manilbihan
at ginawa nilang helot trabahador sa bukid.
• Sina Solon, Pisistratus, Cleisthenes at Pericles ang nagpalawig ng
pamahalaan ng nakararami o demokrasya.
• Direct democracy o tuwirang demokrasya ang ipinatupad sa Athens
dahil tuwirang nakibahagi ang mamamayan sa pamamahala.

E. E. Sparta – isang mandirigmang polis

• Ang Sparta ay tinawag na pamayanan ng mga mandirigma na


itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus.
• Hindi sila umasa sa kalakalan kun di sa pagsasaka.
• Ang pangunahing layunin nila ay ang lumikha ng magagaling na
mga sundalo sa pamamagitan ng masinsinang pagsasanay sa mga
bata na kinuha nila at dinala sa kampo-militar.
• Lahat ng mahinang bata o yaong may kapansanan ay pinapatay nila,
ngunit ang mga batang malulusog at malakas ang katawan ang
pinayagan nilang mabuhay.

F. Ang banta ng Persia

• Sinalakay ni Cyrus the Great ang Lydia sa Asia Mnor noong 546
BCE dahil sa hangarin nitong palawakin ang kanilang imperyo sa
kanluran. Ngunit siya ay nasawi at ipinagpatuloy ni Darius ang
kanyang hangarin.
• Naganap ang unang pagsalakay ng Persia sa Greece noong 490 BCE
sa ilalim ng pamumuno ni Darius.
• Bumababa ang kanilang Plota sa Marathon isang kapatagan sa
hilagang Silangan ng Athens, ngunit tinalo ng 10,000 puwersa ng
Athens ang humigit-kumulang 25,000 puwersa ng Persia.
• Dahil sa pagkasawi ni Darius sa labanan ipinagpatuloy ito ni Xerxes
at naganap ang labanan sa Thermopylae makipot na daanan sa
gilid ng bundok at ng silangang baybayin ng Central Greece.
• 7,000 Greek ang lumaban at 300 ay taga Sparta sa pamumuno ni
Leonidas at sa labanang ito namatay ang karamihan sa tropa ni
Leonidas dahil may isang Greek ang nagtaksil at ipinagkanulo ang
kanilang lihim na daanan patungo sa kanilang kampo.
• Sinakop ni Xerxes ang Athens ngunit pinagpatuloy ni Themistocles
ang labanan at dinala sa dalampasigan sa pulo Salamis at isa-isang
lumubog ang mga plota ng Persia.

8

• Tinalo ni Pausanias pinuno ng Sparta ang nalalabing hukbo ni
Xerxes at dito nagwakas ang hukbo ng Persia.

G. G. Ginintuang Panahon ng Athens

• Sa panahong ito si Pericles ang nanunungkulan sa Athens taong


461 hanggang 429 BCE. Nangingibabaw ang kanyang impluwensiya
sa Athens sa loob ng 32 taon kung kaya ang panahong ito ay
tinatawag na panahon ni Pericles.
• Namayagpag ang demokrasya sa panahong ito at naging
makapangyarihan ang Athens at naging isang imperyo sa panahon
ng Delian League.
• Ang Delian league ay ang alyansa ng mga lungsod-estado ng Greece
na pinamumunuan ng Athens at nabuo noong 478 BCE.
• Lumitaw ang pinakamahusay na artista, manunulat, at mga pilosopo
na tiningala sa sandaigdigan maging sa ating makabagong panahon.
• Ngunit hindi lahat ng mga lungsod-estado ng Greece ang nasiyahan
sa ginawa ni Pericles lalong-lalo na ang Sparta.

Halimbawa ng ilang mga ambag ng Greeks sa iba’t-ibang larangan:


• Larangan ng Politika: “ The Republic ” ni Plato at
“ Politics ” ni Aristotle
• Larangan ng arkitektura: Parthenon- marmol na templo na itinayo
nina Ictinua at Calicrates para kay Athena.
• Larangan ng pagsulat; Herodotus – Ama ng kasaysayan
• Thucydides – “ Anabis” isang sikat na kwento ng martsa ng mga
Greek
• Larangan ng Medisina: Hippocrates – Ama ng Medisina
• Larangan ng agham at pilosopiya:
Thales ng Militus – ang sandaigdigan ay nagmula sa
ang pangunahing element ng kalikasan
Pythagoras – nagpasikat ng doktrina ng mga numero.
Socrates - “ know thyself”

H. H. Digmaang Peloponnesian

• Dahil sa pagkontrol ng Athens sa delian league nangamba ang ibang


mga kasapi na mga lungsod-estado sa kanilang kalayaan. Gusto
silang umalis sa alyansa ngunit wala silang magawa kaya’t ang ibang
mga lungsod-estado na kasapi sa liga tulad ng Sparta, Corinth, at
iba pa ay nagtatag ng kanilang sariling alyansa na pinamunuan ng
Sparta. Ang alyansang ito ay tinawag na Peloponnesian League

9

• Nagsimula ang Digmaang Peloponnesian noong 431 BCE dahil
nilusob ng Sparta ang mga karatig pook ng Athens.Umabot ng
dalawampu’t pitong taon ang Digmaang Peloponnesian at lumaganap
din ang sakit na nagresulta sa pagkasawi at pagkamatay ng libo-
libong tao kasama na si Pericles. Nagkaroon din ng malawakang
pagkawasak ng ari-arian, kawalan ng hanapbuhay, tumaas ang
presyo ng mga bilihin at kakulangan sa pagkain.
• Lahat ng pumalit kay Pericles bilang pinuno ng Athens ay hindi
nagtagumpay dahil sa maling pamamalakad.

I. I. Imperyong Macedonian

• Nagkawatak-watak ang mga lungsod-estado ng Greece dahilan sa


hindi pagkasundo, kaya madaling nasakop ito ni Philip hari ng
Macedonia ang mga lungsod-estado ng Greece maliban lamang sa
Sparta noong 338 BCE, dahil gusto niyang pag-isahin ang mga ito.
• Sa pagkamatay ni Philip pumalit sa kanya ang kanyang anak na si
Alexander the Great na nakilala sa kagalingan ng pakikidigma at
katalinuhan
• Naging magaling siya na pinuno at naging guro niya si Aristotle ng
siya ay bata pa lamang.
• Nagtayo siya ng imperyo na sumakop sa kabuuan ng kanlurang
Asya, Egypt, at India. Sa Silangan naman pinalaganap niya ang
kaisipan ng mga Greek.
• Sa pagkamatay ni Alexander noong 323 BCE dahil sa hindi tiyak na
karamdaman, unti-unting humina ang imperyong kanyang naitatag.

III. ANO ANG NATUTUNAN?

GAWAIN 1:
Unawain mo na

A. Panuto:
Tukuyin ang inilarawan ng bawat pangungusap sa pamamagitan ng
pagkompleto ng mga titik upang mabuo ang salita.

DEMOKRASYA ATHENS SPARTA


PELOPONNESIAN MINOAN MYCENAEAN
MACEDONIAN
10

1. 1. Ito ang lungsod-estado na naging makapangyarihan at nakapagtatag
ng isang imperyo pagkatapos ng digmaang Greece at Persia.
___ ___ ____ ___ ____ S
2. 2. Ito ang digmaan sa pagitan ng Athens at Sparta at ng mga
kaalyadong lungsod-estado nito.
___ ___ ___ O ___ ___ N____ ____ ____ ____ A _____
3. 3. Isang lungsod-estado na nakasentro ang buhay ng mga mamamayan
sa aspetong militar at pagtatanggol sa estado.
___ P ___ ____ T ____
4. 4. Ito ang kauna-unahang kabihasnang umusbong sa Crete.
_____ _____ _____ O ____ N
5. 5. Itinuturing ito na pinakamalaking ambag ng Athens sa daigdig na
hanggang sa ngayon ay ipinatutupad pa rin ng maraming bansa.
___ ____ M ___ ____ R ___ ____ ____ ____

B. PANUTO: Ang mga salita sa bawat bilang ay magkakaugnay maliban


sa isa. Bilugan ang salitang hindi kabilang sa pangkat. Pagkatapos, tukuyin
ang pagkakatulad ng mga natirang salita. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Athens, Mycenaean, Thebes, Sparta


A. Mga lungsod-estado ng Greece
B. Sinaunang kabihasnan ng Greece
C. Digmaang Greeco-Persia
D. Digmaang Peloponnesian
2. Thermopylae, Marathon, Ionia, Salamis
A. Kolonya ng Sparta
B. Labanan ng Greece at Persia
C. Kolonya ng Athens
D. Digmaang Peloponnesian
3. Leonidas , Cleisthenes, Solon, Draco
A. Diyos ng mga Greek
B. Greek na lumaban sa Persia
C. Pinunong Sparta
D. Mga nagpasimula ng demokrasya sa Athens
4. Magaling na mandirigma, Pagtatanggol sa estado,
Paglinang sa katalinuhan, Pagsasanay sa gawaing military
A. Pamumuhay ng mga Spartan
B. Buhay- Mycenaean
C. Pamumuhay sa Athens
D. Buhay – Minoan

11

GAWAIN 2

Matutu Ka!

Panuto: Pumili ng tatlong kabihasnang Greeks, magtala ng tig-isang


ambag bawat kabihasnan at ang kabuluhan nito. Isulat sa unang
kolum ng kahon ang uri ng kabihasnan, kontribusyon sa pangalawa
at at kabuluhan sa pangatlong kahon. 5 pts. each

Kabihasnan Ambag Kabuluhan

PANGHULING PAGTATAYA:
Panuto:Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik
ng wastong sagot.

1. Ito ay ipinatupad sa Athens kung saan tuwirang nakibahagi ang


mamamayan sa pamamahala.
a. Militaristiko b. Awtokratiko c. Monarkiya d.Demokrasya
2. Sino ang tinaguriang “Ama ng Kasaysayan” ng mga Griyego?
a. Socrates b. Pericles c. Herodutos d. Pericles
3. Ang pamayanan ng mga mandirigma sa Greek.
a. Athens b. Sparta c. Aegean d. Dorian
4. Isang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na tinatawag na
Attica.
a. Athens b. Sparta c. Aegean d. Dorian
5. Ayon sa kanya “Ang ating konstitusyon ay isang Demokrasya sapagkat ito
ay nasa kamay ng nakararami at hindi iilan.”
a. Thucydides b. Pericles c. Solon d. Cleisthenes

12

6. Ang makapangyarihang lungsod ng mga Minoan at sumakop sa kabuuan
ng Crete.
a. Knossos b. Crete c. Arena d. Agora
7. Isang pangkat ng tao mula sa hilaga na may kaugnayan sa mga
Mycenaean ang tumungo sa timog ng Greece sa may hangganan ng
karagatang Aegean.
a. Dorean b.Ionian c. Aechean d. Aegean
8. Sinalakay niya ang Lydia sa Asia Mnor noong 546 BCE dahil sa hangarin
nitong palawakin ang kanilang imperyo sa kanluran.
a. Darius the Great c. Cyrus the Great
b. Alexander the Great d. Xerxes
9. Sino ang hari ng Greece kung saan sa labanan sapagitan ng mga
Griyego at Persian siya ay namatay kasama ng karamihan sa kanyang tropa
dahil may isang Greek ang nagtaksil at ipinagkanulo ang kanilang lihim na
daanan patungo sa kanilang kampo?
a.Alexander the Great c. Haring Leonidas
b. Haring Philip I d. Haring Gregory
10. Ano ang tawag sa alyansa ng mga lungsod-estado ng Greece na
pinamumunuan ng Athens at nabuo noong 478 BCE.
a. Peloponnesian League c. Spartan League
b. Delian League d. Athenian League
11. Sino ang tinaguriang “Ama ng Medisina” ng mga Griyego?
a.Hippocrates b. Herodutos c. Thucydydes d. Solon
12. Ano ang tawag sa digmaan na naganap noong 431 BCE kung saan
nilusob ng Sparta ang mga karatig pook ng Athens. Umabot ng dalawampu’t
pitong taon ang Digmaang ito at lumaganap din ang sakit na nagresulta sa
pagkasawi at pagkamatay ng libo-libong tao kasama na si Pericles.
a. Digmaan sa Thermopylae c. Digmaang Peloponessian
b. Digmaas sa Salamis d. Digmaang Griyego-Persian
13. Umusbong ang kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete. Alin sa
sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayan ng heograpikal na
lokasyon sa pag-unlad ng kabihasnan sa islang ito?
I. nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig upang maging
ligtas ang isla sa mga mananakop
II. nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe, Africa, at
Asya ang isla ng Crete.
III.naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan dahil
nakahiwalay ito sa Europe.
IV. naimpluwensiyahan ng mga sinaunang kabihasnan ng Africa at Asya
ang Kabihasnang Minoan
a. I at II b. II at III c. II at IV d. I, II, at III

13

14. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa Crete. Ito ay
yumaman sa pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing
dahilan nito?
a. napakalakas ng pwersang pang militar ng Minoan
b. napalibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon
nito.
c. nakarating sa ibat-ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete
d. napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.
15. Ang Sinaunang Greece ay binubuo ng ibat-ibang estadong lungsod na
ang bawat isa ay malaya at may sariling pamahalaan. Ano ang dahilan ng
pagkakatatag ng hiwa-hiwalay ng lungsod-estado?
a. Ibat-iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan sa Greece.
b. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan
ng Europe na isang mabundok na lugar.
c. Mahaba ang mga daungan ng Greece kaya nagkaroon ng maraming
mangangalakal sa bawat lungsod-estado.
d. Ibat-iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya ibat-ibang kabihasnan
ang umusbong dito.

14

References

Blando, Mercado , Cruz , Espiritu, De Jesus, Pasco , Padernal, Manalo , Asis , (


2014)
Kasaysayan ng Daigdig , 5TH Floor Mabini Building , Deped Complex Meralco
Avenue ,
Pasig City, Philippines 1600 , Pilipinas ng Vibal Group , Inc.

Mateo , Ph.D., Tadena , Ph.D. , Balonso, Ph.D. , Boncan, Ph.D., dl. Jose , Ponsaran,
Ong
(2012) Kasaysayan ng Daigdig , 1253 Gregorio Araneta Ave.Quezon City, 0290
Nivel Hills,
Lahug , Cebu city, Kalamansi St. cor. Ist Avenue, Juna Subdivision, Matina,
Davao City.
Vibal Publishing House, Inc.

15

SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

MERLINDA L. CANOY
Writer/Illustrator

MARITERR P. JUMAO- AS
MENCY B. RABANES
ANCIE U. DOMPOR
Editors

GIOVANNA P. RAFFIÑAN EdD


Education Program Supervisor – Araling Panlipunan

JAIME P. RUELAN EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE EdD


Education Program Supervisor – (LRMDS)

ESTELA B. SUSVILLA PhD CESE


Assistant Schools Division Superintendent

NIMFA D. BONGO EdD CESO V


Schools Division Superintendent

16

SINOPSIS
Ang Self-Learning Kit na ito ay tumatalakay sa mga pangyayari sa
klasiko at transisyunal na panahon. Nakapaloob dito ang pagsusuri sa mga
unang kabihasnang nabuo sa Greece, ang kabihasnang Minoan,
Kabihasnang Mycenean, at kabihasnang klasiko ng Greece.

Ang mga mag-aaral ay inaasahang matutuhan ang mga kabihasnang


nabuo sa panahong klasikal sa Europe, kabilang ang mahalagang
pangyayari sa bawat kabihasnan at ang mahalagang kontribusyon ng mga
ito sa paghubog ng pandaigdigang kamalayan.

May-Akda: MERLINDA L. CANOY Nagtapos sa


kursong AB-ECONOMICS ( UC MAIN CAMPUS 1996)
at ng 18 yunits ng DIPLOMA OF PROFESSIONAL
EDUCATION ( DPE ) sa Mandaue City College noong
2016. Pansamantalang nakapagtuturo sa Paknaan
Night High School noong 2017-2018 at
kasalukuyang nagtuturo sa Jagobiao National High
School.

17

18

You might also like