You are on page 1of 39

Ang kabihasnang

Mycenean at
kabihasnang Minoan,
klasiko ng Greece
1. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang
nabuo sa Crete. Ito ang nagpasimula sa:
A. klasikal na kabihasnan ng Greece
B. sinaunang kabihasnan ng Greece
C. Pagpapalawak ng teritoryo ng Greece
D. Organisadong pamumuno sa Greece
2. Nagwakas ang kabihasnang Minoan
dahil sa:
A. sagupaan ng mga lungsod-estado
B. pananakop ng Mycenean
C. pananakop ng Knossos
D. pananakop ng tribong Dorian
3. Ang mga Minoan ay yumaman sa pamamagitan
ng pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang
pangunahing dahilan nito?
A. Mapalakas ang sandatahang panlakas

B. Napapalibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang


lokasyon nito
C. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produkto mula sa
Crete
D. Napapalibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete
4. Alin sa sumusunod ang dahilan ng
pagkakatatag ng hiwahiwalay na lungsod-estado
sa sinaunang Greece?
A. Iba-iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece na naging
dahilan ng pagtatag ng hiwa-hiwalay na lungsod-estado
B. Ang Greece ay nasa Timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan ng Europe na
isang mabundok na lugar
C. Mahahaba ang mga daungan ng Greece na naging dahilan ng paglalarawan ng
maraming mangangalakal sa bawat lungsod-estado
D. Iba-iba ang kulturang nabuo sa Greece na naging dahilan ng iba’t ibang
kabihasnang umusbong dito
5. Ano ang pangunahing gawaing pangkabuhayan ng kabihasnang
Minoan na naging dahilan ng pag-unlad nito?

A. Pagsasaka
B. pagmimina
C. pagtatanim
D. pakikipag-kalakalan
6. Sino ang kinikilalang diyosa ng pag-ibig?

a. Athena
b. Ares
c. Aphrodite
d. Hera
7. Tinutukoy nito ang mataas na bahagi ng lungsod-estado

a. Polis
b. metropolis
c. acropolis
d. agora
8. Itinuturing na “Ama ng kasaysayan”.

a. Phidias
b. Herodutos
c. pericles
d. Hippocrates
9. Mataas ang kaalaman ng mga Greek sa larangan ng
Astronomiya. Anong konklusyon ang maaaring mabuo rito?

A. Nagsilbing batayan ng kaalaman sa astronomiya ng mga Greek ang


paniniwala sa iba’t ibang diyos

B. Nagmula sa mga Greek ang lahat ng kaalaman tungkol sa Astronomiya


C. Natutuhan ng mga Greek ang kaalaman sa Astronomiya mula sa mga
Roman
D. Naitatag ng mga Greek ang pundasyon ng kaalaman sa astronomiya
noong Panahong Hellenistic
10. Ano ang pinakamahalagang ambag ng Athens sa
daigdig?

a. Phalanx
b. demokrasya
c. arena
d. wrestling
Heograpiya ng Sinaunang Gresya
• Sentro ng sinaunang Greece ang mabundok na bahagi ng tangway ng
Balkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean.
Samantala, ang karagatan ng Mediterranean ang naging tagapag-
ugnay ng Greece sa iba pang panig ng mundo
• Para sa mga sinaunang Greek, ang karagatan ang pinakamainam na
daanan sa paglalakbay. Karamihan sa mga pamayanan nila ay
matatagpuan lamang mula sa baybay-dagat.
Heograpiya ng Sinaunang Gresya
• Likas na mabato at bulubundukin ang Greece. Isa sa mga pangunahing naging sagabal
sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan nila at naging mabagal ang
paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. Ngunit ito rin ang naging dahilan upang ang
bawat lungsod-estado ay nagkaroon ng kani-kanilang kakaibang natatanging kultura.
• Naging mainam na daungan na nakapaligid sa Greece at ito’y nagbigay- daan sa
maunlad na kalakalang pandagat na naging dahilan na napgpapaunlad ng kabuhayan.
Ito rin ang dahilan upang magkaroon ng kaugnayan sa iba’t ibang uri ng tao na
nagbigay daan upang mapayaman nila ang kanilang kultura at naibahagi sa iba’t
ibang larangan ng pamumuhay sa sandaigdigan.
Ang Kabihasnang Minoans
• Batay sa mga arkeologo, ang pinakaunang sibilisasyong Aegean ay
nagsimula sa Crete mga 3100 B.C.E.
• Tinawag itong Kabihasnang Minoan hango sa pangalan ni
Haring Minos, ang haring sinasabing nagtatag nito.
• Mahuhusay silang gumamit ng metal at iba pang teknolohiya. Sila
ay nakatira sa mga bahay na yari sa laryo (bricks) at mayroon na
silang sistema ng pagsulat. Sila’y magagaling na mandaragat.
Ang Kabihasnang Minoans
• Knossos isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng
Crete. Matatagpuan dito ang isang napakataas na palasyo at napapaligiran
ng mga bahay na bato. Ang palasyo ay nasira dahil sa sunog at iba pang
mga kalamidad.
• Tinataya noong 1600 hanggang 1100 BCE narating ng Crete ang kanyang
pag-unlad. Umunlad nang husto ang kabuhayan dulot ng
pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa silangan at sa paligid ng Aegean.
Naging marami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang naging
pinakamalaki at pinakasentro.
Apat na pangkat ng tao sa pamayanang Minoan

1. Ang mga Maharlika


2. Ang mga Mangangalakal
3. Ang mga magsasaka
4. Ang mga Alipin.
Ang Kabihasnang Mycenaean

• Ang Mycenaea ay matatagpuan sa


aplaya ng karagatang Aegean ang
naging sentro ng kabihasnang
Mycenaean.
Ang Kabihasnang Mycenaean
Dorian- mga pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa
Greece at tinalo ang mga Mycenaean noong 1100 BCE .

Ionian - Isang pang pangkat ng tao na mayroon din


kaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog ng
Greece na nagtatag sila ng kanilang pamayanan at tinawag
itong Ionia.
Pagbuo ng klasikong kabihasnang Greece

• Ang mga Greek ay nakilala sa kanilang sarili bilang mga Hellenes,


hango sa salitang Hellas na tumutukoy sa kabuuang lupain ng
sinaunang Greece.
• Ang Panahong Hellenic ay panahon ng pag-unlad ng kabihasnang
Greek na ang yunit ng samahang pampolitika at panlipunan sa
Greece ay ang polis.
• Ang Polis ay lungsod-estado na karaniwang pinamumunuan ng
isang hari.
Pagbuo ng klasikong kabihasnang Greece
(Pag-unlad)
Umunlad ang ganitong uri ng pamahalaan sa Athens dulot
ng mga pagbabago na isinagawa nina:
• SOLON – binigyang diin niya ang karapatan ng pagiging
mamamayan ng mga manggagawa at nilikha niya ang
Council of 400 na binubuo ng tig-100 kinatawan mula sa
pangunahing tribo ng Athens.
• PISISTRATUS – Ipinagtatanggol niya ang katayuan ng
mahihirap. Ipinamahagi niya ang mga lupain at ari-arian ng
mayayaman sa mahihirap at walang lupa.
Pagbuo ng klasikong kabihasnang Greece
(Pag-unlad)
Umunlad ang ganitong uri ng pamahalaan sa Athens dulot
ng mga pagbabago na isinagawa nina:
• CLEISTHENES – sinimulan niya ang Sistema ng ostracism, na kung saan
palayasin ang sinumang opisyal na sa kanilang paniniwala ay mapanganib
para sa Athens.
• PERICLES – Pina-iiral niya ang demokrasya sapagkat kahit mahirap ay
maaaring maglingkod sa pamahalaan. Direct Democracy ang ipinatupad
tuwirang nakibahagi ang Mamamayan sa pamamahala ngunit hindi
kabahagi Ang kababaihan at banyaga. Naging pinuno si Pericles sa Athens
nagpatayo siya ng magagandang gusali tinawag na Parthenon at nagtatag
siya ng imperyong komersiyal at paglikha ng malalakas na plota sa Me-
ditteranean Sea
Digmaang Kinasangkutan ng Sinaunang
Greece

• Digmaang Graeco- Persia(499-479


B.C.E.) naganap ang madugong
labanan naganap sa pulo ng Salamis
sa pangunguna ni Themistocles.
Digmaang Kinasangkutan ng Sinaunang
Greece

• Ang Digmaang Peloponnesian ay


digmaan sa pagitan ng Athens at nang mga
kaanib nito laban sa Sparta at mga kaalyansa
nito. Ang Delian League(Athens) laban
Peloponnesian League(Sparta)
Diyosa ng
dalampasiagan,
dapugan o apuyan
at tahanan.

You might also like