You are on page 1of 26

MODYUL 2: ANG DAIGDIG SA KLASIKAL AT TRANSIYONAL NA PANAHON

Panimula
Change is inevitable. Karaniwan nang naririnig ang ganitong kasabihan. Lahat ng bagay sa mundo ay
dumadaan sa prosesong ito. Kahit ikaw, marami ka nang pinagdaanang pagbabago mula noon hanggang ngayon.
Kung iisipin, tao lang? Marahil ay may mga pangyayari na nagdulot ng malaking pagbabago. Nais mo ba itong
malaman?
Sa modyul na ito ay mauunawaan mo ang mga pangyayari sa kasaysayan ng daigdig sa klasikal at transisyonal
na panahon. Inaaasahang sa pagkatapos ng iyong paglalakbay panahon masasagot mo ang katanungang ito: Paano
nakaimpluwesiya ang mga kontribusyon ng Klasikal at Transiyonal na Panahon sa paghubog ng
pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig?
Mga Aralin at Sakop ng Modyul
Sa modyul na ito, inaasahang matutuhan ang mga sumusunod:
Aralin 1: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europe
a. Nasusuri ang kabihasnang Minoan at Mycenean
b. Naisusulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Sparta at Athens bilang mga lungsod estado ng
Sinaunang Greece
c. Naipaliliwanag ang mga mahahalagang pangyayari sa kabihasnang klasikal ng Rome
d. Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang kalsikal ng Europe sa pag-unlad
ng pandaigdigang kamalayan
Aralin 2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific
a. Nasusuri ang mga kaganapan sa kabihasnang klasikal ng America
b. Naipaliliwanag ang mga kaganapan sa mga klasikal na kabihasnan sa Africa (Mali at Songhai)
c. Nasusuri ang kabihasnang klasikal ng mga pulo sa Pacific
d. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasikal ng America, Africa, at
mga Pulo sa Pacific sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan
Aralin 3: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon: Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-usbong ng Europe
sa Panahong Medieval
a. Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang Katoliko bilang isang institusyon sa
Panahong medieval
b. Naipaliliwanag ang mga dahilan at bunga ng mga Krusada sa Panahong Medieval
c. Natataya ang epekto at kontribusyon ng ilang mahahalagang pangyayari sa Europe sa pagpapalaganap ng
pandaigdigang kamalayan

Aralin1: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europe


Ang Olympics ay isang pampalakasang paligsahan na nilalahukan ng mga atleta mula sa ibat ibang bansa.
Noong 2008, natuon ang pansin ng lahat sa Asia dahil sa ginanap na Olympics sa Beijing, China. Saan at kailan nga ba
nagsimula ang paligsahang ito?
Naganap ang kauna-unahang Olympics noong 776 BC sa Olympia-isang lungsod-estado ng sinaunang Greece.
Kontribusyon ito ng Klasikal na Kabihasnan sa Europe na kinabibilangan ng Kabihasnang Greece at Rome.
Gawain1: Ano Say Mo?
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
1. Ano ang masasabi mo tungkol sa tipikal na anyo ng isang lungsod-estado noong panahong klasikal? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
2. May pagkakatulad ba ang lungsod-estado noong panahaong klasikal sa karaniwang tagpo sa mga lungsod sa
kasalukuyang panahon? Patunayan.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

A. Ang mga Minoans


Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula sa Crete mga 3100 BCE o
Before the Common Era. Tinawag itong Kabihasnang Minoan batay sa pangalan ni Haring Minos, ang maalat na
haring sinasabing nagtatag nito. Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya.
Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo bricks at may sistema sila ng pagsulat. Magagaling din silang
mandaragat.
Hindi nagatagal, kinilala naman ang Knossos bilang isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang
kabuuan ng Crete. Dito ,matatagpuan ang isang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at
napapaligiran ng mga bahay na bato. Ang palasyo ay nasira ng sunud-sunod na sunog at iba pang mga natural na
kalamidad.
Paglipas ng ilan pang taon na tinataya 1600 hanggang 1100 BCE narating ng Crete ang kanyang tugatog.
Umunlad ng husto ang kabuhayan dito dulot na rin ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Silangan at sa paligid ng
Aegean. Dumarami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang naging pinakamalaki.
Sa pamayanang Minoan, ay may apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika, mga mangangalakal, mga
magsasaka, at ang mga alipin. Sila ay masayahing tao at mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan. Maging sa
palakasan ay di nagpahuli ang mga Minoan. Sila na siguro ang unang nakagawa ng Arena sa buong daigdigkung
saan nagsasagawa ng mga labanan sa boksing.
Ang mga Mycenaean
Bago pa man salakayin at sakupin ng mga Mycenaean ang Crete, nasimulan na nilang paunlarin ang ilang
pangunahing kabihasnan sa Timog Greece.
Ang Mycenaean na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean ang naging sentro
ng kabihasnang Mycenean. Ang mga lungsod dito ay pinag-ugnayan ng maayos na daanan at mga tulay.
Napapaligiran ng makapal na paderang lungsod upang magsilbing panganggalang sa mga maaaring lumusob dito.
Pagdating ng 1400 BCE, isa nang napakalakas na mandaragat ang mga Mycenaean at ito ay nalubos nang masakop
at magupo nila ang Crete. Naiugnay nila ang Crete sa lumalagong kabihasnan sa Greece. Maraming mga salitang
Minoan ang naidagdag sa wikang Greek. Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng mga istilong Minoan.
Ilan sa mga alamat ng Minoan ay naisama sa mga kuwento at alamat ng mga Greek.
Bagamat walang naiwang mga nakasulat na kasaysayan, ang pagsasalin-salin ng mga kuwento ng mga hari
at bayaning Mycenaean ay lumaganap. Di naglaon ang mga kuwentong ito ay nag-ugnay sa mga tao at sa mga diyosdiyosan. Ito ang sinasabing naging batayan ng mitolohiyang Greek. Sa bandang huli, hindi nailigtas ng mga pader na
kanilang ginawa ang mga Mycenaean sa paglusob ng mga mananalakay.
Noong 1100 BCE, isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo ang mga
Mycenaean. Sila ay kinilalang mga Dorian. Samantala, isang pangkat naman ng tao na mayroon din kaugnayan sa
mga Mycenaean ang tumungo sa timog ng Greece sa may lupain sa Asia Minor sa may gangganan ng karagatang
Aegean. Nagtatag sila ng kanilang pamayanan at tinawag itong Ionian. Nakilala sila bilang mga Ionian.
Ang mga pangayayaring ito ay tinaguriang dark age o madilim na panahon na tumagal din nang halos 300
taon. Naging palasak ang digmaan ng mga ibat ibang kaharian. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang
gawaing gawaing pangti ay kabuhayan. Maging ang paglago ng sining at pagsulat nang unti-unti ay naudlot din.
Mula sa labi ng madilim na panahon, unti-unting umusbong sa Ionian ang isang bagong sibilisasyon na
mabilis ding lumaganap sa kabuuan ng Greece. Ilang pamayanan sa baybayin ng Greece na tinatawag ang kanilang
sarili na Hellenes o Greeks ang nagkaroon ng malakaing bahagi sa sibilisasyong ito. Kinilala ito sa kasaysayan bilang
Kabihasnang Hellenic mula sa kanilang tawag sa Greece na Hellas. Ito ay tumagal mula 800 BCE hanggang 400 BCE
at naging isa sa mga pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan ng daigdig.

Gawain 2: Daloy ng mga Pangyayari


Panuto: Batay sa binasang teksto, isulat ang limang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng sibilisasyong
Minoan at Mycenean.

Minoan

Mycenean

Gawin 3: Pagpapaliwanag
1. Batay sa mga tekstong binasa, ano ang katangian ng Kabihasnang Minoan at Mycenean?
2. Ano-ano ang mga nakita mong pagkakaiba at pagkakatulad ng Kabihasnang Minoan at Mycenean?
3. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng nabanggit na mga kabihasnan sa pag-usbong ng Kabihasnang Greek?

B. Sparta, ang Pamayanan ng mga Mandirigma


Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus na nasa timog na bahagi ng
tangway ng Greece. Sa lahat ng mga lungsod-estado, ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan. Ito ay may
magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa pagsasaka. Pinalawak ng mga Spartan ang
kanilang lupain sa pamamagitan ng pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at pangangamkam nito. Ang mga
magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa malawak
nilang lupang sakahan. Samakatuwid, naging alipin ng mga Spartan ang mga Helot. Maraming pagkakataon na nagalsa laban sa mga Spartan ang helot ngunit ni isa rito ay walang nagtagumpay. Dahilan sa palagiang pag-aalsa ng mga
Helot, nagdesisyon ang mga Spartan na palakasin ang kanilang hukbong militar at magtatag ng isang pamayanan ng
mga mandirigma upang maging laging handa sa kahit anong pag-alsang gagawin ng mga Helot.
Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ng kalalakihan at kababaihang
walang kinatatakutan at may malalakas na pangangatawan. Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Kapag
nakitang mukhang mahina at sakitin ang isang sanggol ay dinadala sa paanan ng kabundukan at hinahayaang
mamatay doon. Samantala, ang malulusog na sanggol ay hinahayaang lumaki at maglaro sa kani-kanilang bahay,
hanggang sumapit ang ikapitong taon nila. Pagsapit ng pitong taon, ang mga batang lalaki ay dinadala na sa mga
kampo-militar upang sumailalim sa mahigpit na displina at sanayin sa serbisyo militar. Malakas na pangangatawan,
katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban, at katapatan ang ilan sa pangunahing layunin ng pagsasanay. Tinitiis nila ang
mga sakit at hirap nang walang reklamo.. Pinapayagan lamang sila na makita ang kanilang pamilya sa panahon ng
bakasyon. Sa gulang na 20, ang mga kabataang lalaki ay magiging sundalong mamamayan at ipinapadala na sa mga
hangganan ng labanan. Sa edad na 30, sila ay inaasahang mag-asawa na ngunit dapat na kumain at manirahan pa rin
sa kampo, kung saan hahati na sila sa gastos. Sa eadd na 60, sila ay maaari nang magretiro sa hukbo.
Sa lipunan ng mga Spartan, ang lahat ay nakikiisa upang mapigilian ang mga pag-aalsa ng mga Helot. Maging
ang mga kababaihan ay sinasanay na maging matatag. Di tulad ng mga Kababaihang Greek na limitado ang

ginagampanan sa lipunan, ang kababaihang Spartan ay maraming tinatamasang karapatan. Sila ang mga nag-aasikaso
ng lupain ng kanilang mga asawa habang ang mga ito ay nasa kampo-militar. Nangunguna din sila sa mga palakasan at
malayang nakikipaghalubilo sa mga kaibigan ng kani-kanilang mga asawa habang masya silang nanonood ng mga
palarong tulad ng pagbubuno o wrestling, boksing, at karera.
Ang Sparta ang responsable sa pagkakaroon ng pinakamahusay na sandatang lakas sa buong daigdig. Sa
simula, labo-labo kung makipagdigma ang mga Greek. Oo ngat sama-samang nagmamartsa sa lugar ng digmaan, ang
mga sundalo ay isa-sang nakikipaglaban sa mga kaaway hanggang sila ay manghina at mamatay. Nang lumaon ang
mga Griyego, lalo na ang mga Spartan, ay mas naging maparaan sa kanilang pakikipagdigma. Sa halip na lumusob ng
isa-isa sa mga kalaban, sila ay nananatiling sama-sama sa pagkakatayo pasulong man o paurong sa labanan, hawak
ang panganggalang sa kaliwang kamay at espada naman sa kanan. Ang hukbong ito na tinaguriang phalanx ay
karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga mandirigma. Kapag namatay ang mga sundalo sa unang hanay,
ito ay mabilis na sinasalitan ng susunod pang hanay. Ang phalanx ay hindi mga bayarang mandirigma, sila ay
tagapagtanggol ng kanilang polis.
C. Ang Athens at ang Pag-unlad Nito
Sa simula ng 600 BCE, ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na tinatawag
na Attica. Ang buong rehiyon ay hindi angkop sa pagsasaka kaya karamihan sa mga mamamayan nito ay nagtrabaho
sa mga minahan, gumawa ng mga ceramics, o naging mangangalakal o mandaragat. Hindi nanakop ng mga kolonya
ang Athens. Sa halip, pinalawak nito ang kanilang teritoryo na naging dahilan upang ang iba pang ngayon sa Attica ay
sumali sa kanilang pamamahala.
Sa sinaunang kasaysayan, ang Athens ay pinamumunuan ng mga tyrant na noon ay nangangahulugang mga
pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at maayos na pamahalaan. Bagamat karamihan sa kanila ay
naging mabubuting pinuno, may mangilan-ngilan din na umabuso sa kanilang posisyon na ngabigay ng bagong
kahulugan sa katawagang tyrant bilang malupit na pinuno sa ating panahon, sa kasalukuyan.
Sa simula, ang Athens ay pinamumunuan ng hari na inihalal ng asembleya ng mamamayan at pinapayuhan ng
mga konseho ng maharlika. Ang asembleya ay binubuo naman ng mayayaman na may malaking kapangyarihan. Ang
mga pinuno nito ay tinatawag na Archon na pinapaburan naman ng mga may kaya sa lipunan.
Hindi nagtagal, nagnais ng pagbabago ang mga atisano at mga mangangalakal. Upang mapigil ang
lumalalang sitwasyon ng mga di nasisiyahang karaniwang tao, nagpagawa ang mayayamang tao o aristokrata ng
nakasulat na batas kay Draco isang tagapagbatas. Malupit ang mga batas ng Greek at hindi ito binago ni Draco ngunit
kahit na paano ang kodigong ginawa niya ay nagbigay ng pagkapantay-pantay sa lipunan at binawasan ng mga
karapatan ang mga namumuno. Sa gitna ng pagbabagong ito nanatiling hindi kontento ang mga mamamayan ng
Athens. Maraming Athenian ang nagpaalipin upang makabayad ng malaking pagkakautang. Marami rin sa kanila ang
nagnais ng mas malaking bahagi sa larangan ng politika.
Ang sumunod na pagbabago ay naganap noong 594 BCE sa pangunguna ni Solon na mula sa mga pangkat
ng aristokrata na yumaman sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan. Kilala din siya sa pagiging matalino at patas. Inalis
niya ang mga pagkakautang ng mahihirap ayt ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa utang. Gumawa rin siya ng
sistemang legal kung saan lahat ng malayang kalalakihang ipinanganak mula sa mga magulang na Athenian ay
maaaring maging hurado sa mga korte. Ang mga repormang politika na ginawa ni Solon ay nagbigay ng kapangyarihan
sa mga mahihirap at karaniwang tao. Nagsasagawa rin siya ng mga repormang pangkabuhayan upang maisulong ang
dayuhang kalakalan at mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap. Nalutas ng repormang pangkabuhayan ang mga
ilang pangunahing suliranin ng Athens at napaunlad ang kabuhayan nito. Sa gitna ng malawakang repormang ginawa ni
Solon, hindi nasiyahan ang mga aristokrata. Para sa kanila, labis na pinaburan ni Solon ang mahihirap. Sa
kasalukuyan, ginagamit ang salitang solon bilang tawag sa mga kinatawan ng pambansang pamahalaan na umuugit ng
batas.
Noong mga 546 BCE, isang politikong nagngangalang Pisistratus, ang namuno sa pamahalaan ng Athens.
Bagamat mayaman siya, nakuha niya ang suporta at pagtitiwala ng karaniwang tao. Mas radikal ang mga pagbabagong
ipinatupad niya tulad ng pamamahagi ng malalaking lupang sakahan sa walang lupang mga magsasaka. Nagbigay siya
ng pautang at nagbukas ng malwakang trabaho sa malalaking proyektong pampubliko. Pinagbuti niya ang sistema ng
patubig.
Noong 510 BCE, naganap muli ang pagbabago sa sistemang politikal ng Athens sa pamumuno ni
Cleisthenes.

Hinati niya ang Athens sa sampung distrito. Limampung kalalakihan ang magmumula sa bawat distrito at maglilingkod
sa konseho ng tagapayo upang magpasimula ng batas sa Asembleya ang tagagawa ng mga pinaiiral na batas. Sa
kauna-unahang pagkakataon, nakaboto sa Asembleya ang mga mamamayan may-ari ng lupa o wala.
Upang mapanatili ang kalayaan ng mga mamamayan ipinatupad ni Cleisthenes ang isang sistema kung saan
bawat taon ay binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing panganib sa Athens.
Kapag ang isang tao ay nakakuha ng mahigit 6000 boto, siya ay palalayasin sa Athens ng 10 taon. Dahil sa ang
pangalan ay isinulat sa pira-pirasong palayok na tinatawag na Ostrakon, ang sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil
sa isang tao ay tinatawag na ostracism. Bagamat kaunti lamang ang naipon ng sistemang ito, nabigyan ng mas
malaking kapangyarihan ang mga mamamayan.
Sa pagsapit ng 500 BCE, dahil sa lahat ng mga reppormang naipatupad sa Athens, ang pinakamahalagang
naganap ay ang pagsilang ng demokrasya sa Athens, kung saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga
mamamayan sa pamamalakad ng kanilang pamahalaan.
Gawain 4: Paghahambing
Panuto: Sa tulong venn diagram, isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Sparta at Athens bilang mga lungsodestado ng sinaunang Greece.

Sparta

Athens

Mga gabay Tanong:


1. Paano nakaimpluwesiya ang lokasyon sa pamumuhay ng mga Spartan at Athenian?
2. Bakit mahalaga ang mga lungsod-estado ng Sparta at Athens sa pag-unlad ng Kabihasnang Greek?
3. Kung nabuhay ka noong panahong klasikal ng Greece, saan mo mas pipiliing tumira, sa Athens o sa Sparta?
Ipaliwanag ang sagot.
D. Ang Simula ng Rome
1.

2.
Ang Rome ay itinatag sa kalagitnaan
ng ikawalong sidlo BCE ng mga
unang Roman na nagsasalita ng
Latin, isang sangay ng wikang
nabibilang sa Indo-Europeo. Sila ay
lumipat sa gitnang Italy at nagatayo
ng sakahang pamayanan sa Latium
Plain.

3.

4.
AA
Ang kambal ay sinagip at inaruga ng
isang babaing lobo. Nang lumaki
ang dalawa at nalaman ang kanilang
pinagmulan, inangkin nila ang trono
at itinatag ang Rome sa pampang
ng Tiber River noong 753 BCE.

Ayon sa isang matandang alamat


ang Rome ay itinatag ng kambal
na sina Romulus at Remus.
Habang mga sanggol pa lamang,
inilagay sila sa isang basket at
ipinaanod sa Tiber River ng
kanilang amain sa takot na
angkinin
ngRoman
kambal
kaniyang
Ang mga
ay ang
itinalo
ng mga
trono.
Etruscan, ang kalapit na tribo sa
hiulaga ng Rome. Sila ay magagaling
sa sining, musika, at
sayaw.Dalubhasa rin sila sa
arkitektura, gawaing metal, at
kalakalan. Tinuruan nila ang mga
Roman sa pagpapatayo ng mga
gusaling may arko, mga aqueduct,
mga barko, paggamit ng tanso,
paggawa ng mga sandata sa

ubas, at paggawa ng alak.

Gawain 5: Isalaysay mo!


Paano nagsimula ang Rome?

Gawain 6: E-Postcard
Panuto: Pumili ng isang mahalagang kontribusyon ng mga Klasikal na Kabihasnan sa Europe. Lumkiha ng E-postcard
tungkol dito. Sundin ang format na nasa ibaba.

Larawan

Impormasyon

Kahalagahan sa kasalukuyan

ARALIN 2: PAG-USBONG AT PAG-UNLAD NG MGA KLASIKAL NA LIPUNAN SA AMERICA, AFRICA, AT MGA


PULO SA PACIFICA
Gawain 1: Magbasa at Matuto
Panuto: Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnang Maya.
A. Mga Kabihasnan sa Mesoamerica
Habang umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga sinaunang kabihasnan sa Mesopotamia, India, at
China, nagsisimula naman ang mga mamamayan sa Mesoamerica na magsaka. Ang maliliit na pamayanang
agrikultural na ito ay nabuo sa Gitna at Timog na bahagi ng Mesoamerica. Nang lumaon, naging makapangyarihan ang
ibang pamayanan at nakapagtatag ng lungsod-estado. Ang mga bumuo ng lungsod-estado ay nakapagtatag ng sarili
nilang kabihasnan.
Sumunod na nakilala sa Mesoamerica ang Kabihasnang Maya at Aztec. Naging maunlad din ang
Kabihasnang Inca sa Timog America. Katulad ng kabihasnang Greece, at Rome, ang pagiging maunlad at
makapangyarihan ay nagtulak sa mga kabihasnan sa Mesoamerica at Timog America na manakop ng lupain at
magtayo ng imperyo. Malawak ang naging impluwesiya ng mga Maya, Aztec, at Inca kung kayat itinuturing ang mga ito
na Kabihasnang Klasikal sa America.
Kabihasnang Maya (250 CE-900 CE)
Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucutan Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala.
Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa pamamahala. Pinalawig ng mga
pinunong tinatawag na halach uinic o tunay na lalaki ang mga pamayanang urban na sentro rin ng kanilang
pagsamba sa kanilang mga diyos.
Nang lumaon, nabuo rito ang mga lungsod-estado. Sila ay nagtataglay ng ganap na kapangyarihan. Naiugnay
ng malalawak at maayos na kalsada at rutang pantubig ang mga lungsod-estado ng Maya. Banaag sa kaayusan ng
lungsodAng pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunan. Hiwalay ang tirahan ng mahihirap at nakaririwasa. Ang sentro ng bawat
lungsod ay isang pyramid na ang itaas na bahagi ay dambana para sa mga diyos. May mga templo at palasyo sa tabi
ng pyramid.
Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa mga produktong pangkalakal ay mais, asin, tapa, pinatuyong isada,
pulot-pukyutan, kahoy, ay balat ng hayop. Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin. Ang pangunahing
pananim nila ay mais, patani, kalabasa, abokado, sili, pinya, papaya, at cacao. Dahil sa kahalagahan ng agrikultura sa
buhay ng mga Maya, ang sinamba nilang diyos ay may kaugnayan sa pagtatanim tulad ng mais gayundin ang tungkol
sa ulan.
Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos ang 600 CE. Subalit sa pagtatapos ng ikawalong siglo
CE, ang ilang mga sentro ay nilisan, ang paggamit ng kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrakturang panrelihiyon at
estado ay bumagsak. Sa pagitan ng 850 CE at 950 CE, ang karamihan sa mga sentrong Maya ay tuluyang inabandona
o iniwan. Wala pang lubusang makapagpaliwanag sa pagbagsak ng Kabihasnang Mayan. Ayon sa ilang dalubhasa,
maaaring ang pagkasira ng kalikasan, paglaki ng populasyon, at patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng
paghina nito. Maaari rin na sanhi ng panghihina nito ang pagbagsak sa produksiyon ng kakulangan sa sapat na
nutrisyon. Ang mga labi at natuklasang hindi gaanong kataasan samantalang mas manipis ang mga buto nito.
Gayunpaman, ang ilang lungsod sa hilagang kapatagan ng Yucutan ay nanatili nang ilan pang siglo, tulad ng
Chichen Itza, Uxmal, Edzna, at Copan. Sa paghina ng Chichen at Uxmal, namayani ang lungsod ng Mayapan sa buong
Yucutan hanggang sa maganap ang isang pag-aalsa noong 1450.

Gawain 7: Ipaliwanag Mo
Panuto: Patunayang may mataas na kabihasnan ang mga Mayan. Punan ng impormasyon ang dayagram.

Pamahalaan

Relihiyon

Ang mga Mayan ay may mataas na antas ng kabihasnan

Ekonomiya

Arkitektura

Napatunayan ko na may mataas na kabihasnan ang mga Mayan dahil

Kabihasnang Aztec (1200-1521)


Ang mga Aztec ay may mga nomadikong tribo na ang orihinal na pinagmulan ay hindi tukoy. Unti-unti silang
tumungo sa Lambak ng Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E. Ang salitang Aztec ay nangangahulugang isang
nagmula sa Aztlan, isang mitikong lugar sa Hilagang Mexico.
Noong 1325, itinatag nila ang pamayanan ng Tenochitlan, isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng Texcoco. Ang
Texcoco ay nasa sentro ng Mexico Valley. Nang lumaon, ang lungsod ay naging mahalagang sentrong pangkalakalan.
Angkop ang Tenoctitlan sa pagtatanim na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga Aztec dahil mayroon
itong matabang lupa. Sa kabila nito, hindi sapat ang lawak ng lupain upang matugunan ang pangangailangan ng mga
mamamayan. Ang hamong ito ay matagumpay na natugunan ng mga Aztec.
Bunga ng masaganang ani at sobrang produkto, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Aztec na
makipagkalakalan sa mga kalapit na lugar na nagbigay-daan upang sila ay maging maunlad. Ang kaunlarang ito ng
mga Aztec ay isa samga dahilan upang kilalanin ang kanilang kapangyarihan ng iba pang lungsod-estado.
Nakipagsundo sila sa mga lungsod-estado ng Texcoco at Tlacopan. Ang nabuong alyansa ang siyang sumakop at
kumontrol sa iba pang maliliit na pamayanan sa Gitnang Mexico.
Sa pagsapit ng ika015 siglo, nagsimula ang malawakang kampanyang militar at ekonomiko ng mga Aztec.
Ang isa sa mga nagbigay-daan sa mga pagbabagong ito ay si Tlacaelei, isang tagapayo at heneral. Itinaguyod niya ang
pagsamba kay Huitzilopochtli. Kinakailangan din nilang manakop upang maihandog nila ang mga bihag kay
Huitzilopochtli. Ang paninindak at pagsasakripisyo ng mga tao ay ilan sa mga sa mga naging kaparaanan upang
makontrol at mapasunod ang iba pang mga karatig-bansa na ito. Ang mga nasakop na lungsod ay kinakailangan ding

magbigay ng tribute o buwis. Dahil sa mga tribute at mga nagaping estado, ang Tenochtitlan ay naging sentrong
pangkabuhayan at politikal sa Mesoamerica mula sa Pacific Ocean hanggang Gulf of Mexico at mula sa hilagang
Mexico hanggang sa Guatemala.
Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhenyero at tagapagtayo ng mga estruktura tulad ng mga kanal o
aqueduct, mga dam, gayundin mng sistema ng irigasyon, liwasan, at mga pamilihan.
Sa pagdating ni Hernando Cortes at mga Espanyol sa Mexico noong 1519, natigil ang pamamyani ng mga
Aztec sa Mesoamerica. Si Cortes ang namuno sa ekspedisyong Espanyol na nanakop sa Mexico. Inakala ni
Montezuma II, pinuno ng mga Aztec, na ang pagdating ng mga Espanyol ay ang sinasabing pagbabalik ng kanilang
diyos na si Quetzalcoatl dahil sa mapuputing kaanyuan ng mga ito. Noong 1521, tuluyang bumagsak ang Tenochtitlan.
Gawain 2: Daloy ng mga Pangyayari
Panuto: Ipakita sa pamamagitan ng flowchart ang pag-unlad at pagbagsak ng Imperyong Aztec.

Gawain 3: Pagsulat ng Sanaysay


Panuto: Sumulat ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng mga kontribusyon ng mga Kabihasnang Klasikal sa
Mesoamerica. Gamiting gabay ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang kaugnayan ng heograpiya ng Mesoamerica sa pag-usbong ng mga Kabihasnang Maya at Aztec?
2. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang dalawang kabihasnan?
3. Ano-ano ang kanilang mga kontribusyon at bakit ito mahalaga?

Gawain 4: Magbasa at Matuto


Panuto: Basahin at unawin ang teksto tungkol sa Kabihasnang Inca.
Heograpiya ng South America
May magkakaibang klima at heograpiya ang South America kung ihahambing sa Mesoamerica. Magtatagpuan
sa hilaga ng Amazon River na dumadaloy sa mayayabong na kagubatan. Pawang ang mga prairie at steppe naman
ang matatagpuan sa Andes Mountains sa Timog na bahagi. Samantala, tuyot na mga disyerto ang nasa kanlurang
gulod ng mga bundok na kahilera ng Pacific Ocean.
Dahil sa higit na kaaya-aya ang topograpiya ng Andes, dito nabuo ang mga unang pamayanan. May mga
indikasyon ng pagsasaka gamit ang patubig sa hilagang gilid ng Andes noong 2000 BCE.
Sa pagsapit ng ika-11 siglo BCE maraming pamayanan sa gitnang Andes ang naging sentrong panrelihiyon. Ang
mga pamayanang ito ay umusbong sa kasalukuyang Peru, Bolivia, at Ecuador. Nang lumaon, nagawang masakop ng
ilang malalaking estado ang kanilang mga karatig-lugar Subalit sa kabila nito, wala ni isa man ang nangibabaw sa
lupain hanggang sa pagsapit ng ika-15 siglo.
Kabihasnang Inca (1200-1521)
Noong ika-12 siglo, isang pangkat ng mga taong naninirahan sa hilagang kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa
matabang lupain ng Lambak ng Cuzco. Sa pamumuno ni Manco Capac, bumuo sila ng maliliit na lungsod-estado.
Ang salitang Inca ay nangangahulugang imperyo. Hango ito sa pangalan ng pamilyang namuno sa isang
pangkat ng tao na nanirahan sa Andes. Unti-unting pinalawig ng mgfa Inca ang kanilang teritoryo hanggang sa
masakop nito anhg 3,220 kilometro kuwadrado sa kahabaan ng baybayin ng Pacific. Saklaw ng imperyong ito ang
kasalukuyang lupain ng Peru, Ecuador, Bolivia, at Argentina.
Noong 1438, pinatatag ni Cusi Inca Yupaggui o Pachakuti ang lipunang Inca sa pamamagitan ng pagkakaroon
ng isang sentralisadong estado. Sa ilalim ni Topa Yupanqui , pinalawig niya ang imperyo hanggang hilagang Argentina,
bahagi ng Bolivia, at Chile. Napasailalim din sa kaniyang kapangyarihan ang estado ng Chimor o Chimu na
pinakamatinding katunggali ng mga Inca sa baybayin ng Peru. Sa ilalim naman ni Huayna Capac, nasakop ng imperyo
ang Ecuador.
Dahil sa pagdating ni Francisco Pizarro, ang Espanyol na mananakop ng Inca noong 1523, ang lupain ng
Imperyong Inca ay sumasaklaw mula sa hilaga sa kasalukuyang Colombia hanggang sa katimugan sa bahagi ng Chile
at Argentina. Subalit dahil sa mga tunggalian tungkol sa pamumuno at kawalang kapanatagan sa mga nasakop na
bagong teritoryo, unti-unting humina ang imperyo. Dagdag pa rito ang tila napalaking salkaw ng Imperyong Inca na
naging malayo mula sa sentrong pangangasiwa sa Cuzco. Nariyan din ang malaking pagkakaiba ng mga pangkat ng
tao sa ilalim ng kanilang kapangyarihan.
Siya ang namuno sa mga Espanyol sa pananakop sa Imperyong Inca.
Samakatuwid, ang Imperyo ay nasa kaguluhang politikal na pinalubha pa ng epidemya ng bulutong na dala ng
mga sinaunang dumating na conquistador o mananakop na Espanyol. Sa katunayan, si Huayna Capac, isa sa mga
pinuno ng Inca, ay namatay sa isang epidemya noong 1525. Ang pagpanaw na ito ay nagdulot ng tunggalian sa
kaniyang mga anak na sina Atahuallpa at Huascar. Sa huli, nanaig si Atahuallpa. Nakilala niya si Pizarro habang
naglalakbay ito patungong Cuzco. Nang lumaon, binihag ni Pizarro ang Atahuallpa at pinatubos ng pagkarami-raming
ginto. Noong 1533, pinapatay si Atahuallpa at makalipas ang isang taon, sinakop ng mga Espanyol Cuzco gamit lamang
ang maliit na hukbo.
Sa kabila ng katapangan ng mga Inca, hindi nila nagawang manaig sa bagong teknolohiyang dala ng mga
dayuhan. Tulad ng mga baril at kanyon. Ang ilan sa mga Inca ay nagtungo sa kabundukan ng Vilcabamba at nanatili rito
nang halos 30 taon. Hindi nagtagal, ang huling pinuno ng mga Inca na si Tupac Amaru ay pinugutan ng ulo noong 1572.
Dito tuluyang nagwakas ang pinakadakilang imperyo sa Andes.

Gawain 5: KKK (Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan)


Panuto: Punan ng tamang sagot ang chart. Pagkatapos, isulat ang iyong paliwanag tungkol sa pamamagitan ng
pagdudugtong ng impormasyon sa pahayag na nasa ibaba.
Pamahalaan

Ekonomiya

Relihiyon

Kontribusyon

Maituturing
na Kabihasnang Klasikal ang naitatag ng mga Maya, Aztec, at Inca dahil
Maya
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
Aztec
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________

Inca

Heograpiya ng Africa
Mahalaga ang papel ng heograpiya kung bakit ang Africa ang huling pinasok sa huling nahati-hati ng mga
Kanluraning bansa. Tinawag ito ng mga Kanluranin na dark continent dahil hindi nila ito nagalugad kaagad.
Nanatiling limitado ang kaalaman ng mga bansang Kanluranin tungkol sa kontinenteng ito hanggang noong ika-19 na
siglo.
Ang pinakamaliit at pinakamaulang bahagi ng Africa ay yaong malapit sa equator. Matatagpuan dito ang
rainforest o isang uri ng kagubatan kung saan sagana ang ulan at ang mga puno ay malalaki, mataas, at may
mayayabong na dahon. Sa hangganan ng rainforest ay ang savanna, isang bukas at malawak na grassland o damuhan
na may mga puno. Sa grassland sa hilaga ng equator matatagpuan ang rehiyon ng Sudan. Sa bandang hilaga naman
ng rehiyon ng Sudan makikita ang Sahara, ang pinakamalawak na disyerto sa daigdig. Ang sahara na mamalaki pa sa
Europe ay hindi natitirhan maliban sa mga oasis nito. Ang oasis ay lugar sa disyerto kung saan may matabang lupa at
tubig na kayang bumuhay ng halamn at hayop. Tanging sa oasis lamang may mgamaliliit na pamayanan sa Sahara.
Hiwa-hiwalay at kalat-kalat ang mga kultura at kabihasnang sumibol at namayani sa malawak na kontinente ng Africa.

Bakit tinawag na dark continent ang Africa?

Ghana
Ipinag-utos ni haring Al-Bakri na ibigay sa kaniya
ang mga butil ng ginto at tanging mga gold dust ang
pinayagang ipagbili sa kalakalan. Sa ganitong
paraan, napanatili ang mataas na halaga ng ginto.
Mali
Nagsilbing sentro ng kalakalan ang Timbuktu.
Bukod dito, lumaganap rin ang relihiyong Islam at
tumaas ang antas ng kaalaman dulot ng
impluwensiya ng mga iskolar na Muslim. Ang
Sankore Mosque ay ipinagawa ni Mansa Musa
noong 1325.

Ghana, Mali at Songhai


Ang mga imperyong ito ay naging makapangyarihan
dahil sa kalakalan. Pangunahing produkto nila ang
ginto. Nagsilbi silang tagapamagitan ng mga African na
mayaman sa ginto at ng mga African na mayaman sa
Sa panahong ito, ginagamit ng mga
asin.
African ang ginto upang ipambili ng
asin, Ginagamit ng mga African ang
asin upang magpreserba ang kanilang
mga pagkain.

Gawain 6
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno.

Ano ang naging batayan ng kapangyarihan ng Imperyong Ghana, Mali, at


Songhai?
Bakit mahalaga ang asin para sa mga African?

Ang mga Pulo sa Pacific


Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islands ay nahahati sa tatlong malalaking pangkat- ang Polynesia, Micronesia,
at Melanesia. Ang mga katawagang ito ay iginawad ng mga Kanluranin matapos nilang makita ang kaayusan ng mga
pulo at ang anyo ng mga katutubo nito.
Polynesia
Matatagpuan sa gitna at Timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa silangan ng Melanasia at
Micronesia.
Ang Polynesi ay higit na malaki kaysa pinagsamang lupain ng Melanasia at Micronesia.
Binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis at Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa,
American Samoa, Ninie, Cook Islands, French Polynesia, Austral Islands, Society Islands, Tuamotu,
Marquesas,
at Pitcairn.
Batay sa dami ng pinagkukunan ng pagkain ang laki ng pamayanan sa Polynesia. Umabot hanggang 30
pamilya ang bawat pamyanan dito. Ang sentro ng pamayanan ay ang tohua na kadalasang nasa gilid ng mga
bundok. Ito ay tanghalan ng mga ritwal at pagpupulong. Nakapaligid sa tohua ang tirahan ng mga pari at mga
banal na estruktura.
Ang pangunahing kabuhayan nila ay ang pagsasaka at pangingisda. Ang karaniwang tanim nila ay taro o
gabi, yam o ube, breadfruit, saging, tubo, niyog. Sa pangingisda naman nakakakuha ng tuna, hipon, octopus,
at iba pa. Nanghuhuli rin sila ng pating.
Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na kapangyarihan o mana. Ang katagang
mana ay nangangahulugang bisa o lakas. Sa mga sinaunang Polynesian, ang mana ay maaaring nasa
gusali, bato, bangka, at iba pang bagay.

Micronesia
Ang maliliit na pulo at atoll ng Micronesia ay matatagpuan sa hilaga ng Melanesia at silangan ng Asya.
Ang Micronesia ay binubuo ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon a
Kiribati), at Nauru. Ang mga sinaunang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa mga lawa o dagat-dagatan.
Ito ay upang madali para sa mga tao ang lumabas at maglayag sa karagatan. Itinatag nila ang kaniulang mga
pamayanan sa bahaging hindi gaanong tinatamaan ng bagyo o malalakas na ihip ng hangin.
Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian. Nagtatanim sila ng taro, breadfruit,
niyog,

at pandan. Sagana ang mga ito sa asukal at strach na maaaring gawing harina. Pangingisda ang isa pang
ikinabubuhay ng mga Micronesian. May kaalaman din sa paggawa ng simpleng palayok ang mga lipunan ng
Marianas, Palau, at Yap.
Malimit din ang kalakalan ng magkakaratig-pulo. Sa Palau at Yap, bato at shell ang ginagamit bilang
Paraan ng palitan. Gumagamit din ang Palau ng batong ginawang pera (stone money) at mababang pulo (lowlying coral atolls). Ipinagpapalit ng mga taga-high-lying island ang turmeric na ginagamit bilang gamot at
pampaganda. Samantala, ang mga taga-low-lying coral atoll ay nakipagpalitan ng mga shell/bead, banig na
yari sa dahon ng pandan, at magaspang na tela na galing sa saging at gumamela. Bilang tela, ginagawa itong
palda ng kababaihan at nahag ng kalalakihan.
Animismo rin ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian. Ang mga rituwal para sa mga
makapangyarihang diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay ng unang ani.
Melanesia
Matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng Australia. Ito ay kasalukuyang binubuo ng New
Guinea, Bismarck Archipelago, Papau New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides), New
Caledonia, at Fiji Islands.
Taro at yam ang pangunahingsinasaka sa Melanesia. Nagtatanim din dito ng pandan at sago palm na
pinagkukunan ng sago. Pangingisda, pag-aalaga ng baboy, at pangangaso ng mga marsupial at ibon ang iba
pang kabuhayan dito. May kalakalan din sa pagitan ng mga pulo. Karaniwang produktong kinakalakal ng mga
Melanesian ay mga palayok, kahoy, yam, baboy, asin , apog, gayundin ang mga gawa nilang bangka.
Naniniwala rin sa animism ang mga sinaunang Melanesian. Ipinababatid ng diyos ng kalikasan ang
mga kaganapan tulad ng tagumpay sa labanan, sakuna, kamatayan, o pag-unlad ng kabuhayan. Laganap din
sa Solomon Islands at Vanuatu ang paniniwala sa mana.
May sariling katangian at kakanyahan ang mga isla sa Pacific. Nakabatay ang kanilang pamumuhay sa
pakikipagkalakalan sa iba-ibang isla at kontinente.
Bagamat hindi ito kasing-tulad, kasing-tanyag at kasing-yaman ng mga kabihasnan at imperyo sa
America at Africa, nakaimpluwesiya rin ito sa mga mamamayang naninirahan sa mga isla sa Pacific at sa mga
karatig bansa nito sa Timog-Silangang Asya sa kasalukuyan.
Gwain 7: Pagsagot sa Chart
Panuto: Punan ang kinakailangang impormasyon ang talahanayan.
Isla

Kahulugan ng Pangalan

Kabuhayan

Relihiyon

Polynesia
Micronesia
Melanesia

Gawain 8: AdBakit?
Panuto: Pumili ng isang kontribusyon ng Kabihasnang Klasikal. Gumawa ng dalawang pahinang pamphlet na
Front
nagsusulong ng adbokasiya upang mapangalagaan ang
mga Page
kontribusyon nito sa kasalukuyan. Sundin ang format sa
ibaba.
Larawan ng Kontribusyon

First Page

Second Page

Ipaliwanag ang kahalagahan


Ng kontribusyon sa
kasalukuyang panahon sa:
Daigdig
Pilipinas

Sumulat ng maikling
pahayag na naglalaman
ng iyong adbokasiya
upang mapangalagaan ang
kontribusyon na iyong napili

ARALIN 3: ANG DAIGDIG SA PANAHON NG TRANSISYON: MGA PANGYAYARING NAGBIGAY-DAAN SA


PAG-USBONG NG EUROPE SA PANAHONG MEDIEVAL
Gawain 1: Daloy ng Kasaysayan
Panuto: Suriin ang diagram at sagutin ang kasunod na mga tanong.
Kakulangan
bg mga
Tapat at
may
kakayahan

Paglubha
ng krisis
Pangkabuhayan

Paghina ng
Hukbong
Roman

Pagkawala
ng
Katuturan
ng
Pagkamam

Pagbaba ng
Moralidad
ng mga
Roman

Pagsalakay
ng mga
Barbaro

Roman

Tanong:
1. Mula sa mga ipinakitang salik sa diyagram, ano sa tingin mo ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng Imperyong
Roman? Bigyang katuwiran ang iyong sagot.
2. Sa iyong palagay, ano ang magiging epekto ng pagbagsak ng Imperyong Roman sa kabuuan ng Europe?
A. Mga salik na Nakatulong sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Kapapahan
Apat ang pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Rome.
Pangunahin na rito ang pagbagsak ng Imperyong Roman na siyang nagbunsod sa kapangyarihan ng kapapahan.
Pagbagsak ng Imperyong Roman
Ang pagbagsak ng Imperyong Roman noong 476 CE, na naghari sa Kanluran at Silangang Europe sa
Gitnang Silangan at sa Hilagang Africa sa loob ng halos 600 taon.
Tinutukoy ni Silvian, isang pari, na kalooban ng mga Roman ang bunga ng kanilang mga kasamaan.
Ang mga kayamanang umagos papasok sa Rome ang naging sanhi ng palasak na kabulukan sa pamahalaan
ng imperyo. Sa walang tigil na pagsasamantala sa tungkulin ng mga umuugit ng pamahalaan, nahati ang
lipunan sa dalawang panig ang pinakamaliit na bahagi ng lipunan na binubuo ng mayayaman at malalakas na
pinuno sa pamahalaan at mga nakararaming maliliit na mamamayan.
Lubhang nakapagpaniha ang kabulukan sa pamahalann at ang kahabag-habag nakalagayan ng
pamumuhay ng mga pangkaraniwang tao sa katayuan ng Imperyong Roman. Noong 476 CE, tuluyan itong
bumagsak sa kamay ng mga barbaro na dati ng nakatira sa loob ng imperyo mula pa noong ikatlong siglo ng
Kristiyanismo.
Sa kabutihang- palad, ang Simbahang Kristiyano, na tanging institusyong hindi pinakialaman ng mga
barbaro, ang nangalaga sa mga pangangailangan ng mga tao. Sa kawalan ng pag-asang maibalik ang dating
lakas-militar at kasaganaang materyal ng imperyo, bumaling ang mamamayan sa Simbahang Katoliko sa
pamumuno at kaligtasan. Binigyang-diin nila angh kalagayan ng kaluluwa sa ikalawang buhay ayon sa
pangako ng Simbahan para sa mga nailigtas sa pamamagitan ni Kristo.
Sa kabilang dako, nahikayat naman ang mga barbaro sa kapangyarihan ng Simbahan. Pumayag sila
na binyagan sa pagka-Kristiyano at naging matapat na mga kaanib ng pari.
Gawain 2
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Ano-ano ang mga dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Roman?
Mula sa binasa, paano nakaimpluwensiya ang Simbahan sa panahon ng pagbagsak ng Imperyong Roman?

Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan


Noong mgaunang taon ng Kristiyanismo, karaniwang tao lamang ang mga pinuno ng Simbahan na
nakilala bilang mga presbyter na pinili ng mga mamamayan. Mula sa mga ordinaryong taong ito lumitaw ang
mga pari at mga hirarkiya.
Isang diyosesis ang kongregasyon ng mga Kristiyano sa bawat lungsod na pinamunuan ng obispo.
Nasa ilalim ng obispo ang maraming pari sa iba-ibang parokya sa lungsod. Nang lumaganap ang Kristiyanismo
mula sa lungsod patungo sa mga lalawigan, sumagguni sa mga obispo ang mga pari sa kanilang pamumuno.

Sa ilalim ng pamumuno at pamamahala ng obispo, hindi lamang mga gawaing espirituwal ang pinangalagaan
ng mga pari, kundi pinangasiwaan din nila ang gawaing pangkabuhayan, pang-edukasyon at pagkawanggawa
ng Simbahan. Bukod dito, ang obispo rin ang namamahala sa pagpapanatili ng kaayusan at katarungan sa
lungsod at sa iba pang mga nasasakupan.
Tinatawag na mga arsobispo ang mga obispo na nakatira sa malalaking lungsod na naging unang
sentro ng Kristiyanismo. Bukod sa panrelihiyong pamamahala ng kanilang sariling lungsod, may
kapangyarihan ang isang arsobispo sa mga obispo ng ilang karatig na maliit na lungsod. Ang Obispo ng Rome,
na tinatawag bilang Papa, ang kinikilang katas-taasang pinuno ng Simbahang Katoliko sa Kanlurang Europe.
Kabilang siya sa mga arsobispo, obispo at mga pari ng mga parokya.
Mula noong kalagitnaan ng ika-11 siglo, pinipili ang mga Papa ng Kolehiyo ng mga Kardinal sa
pamamagitan ng palakpakan lamang, depende kung sino ang gusto ng matatandang kardinal. Sa konseho ng
Lateran noong 1719, pinagpasyahan ng mayorya ang paghalal ng Papa.
Ang kapapahan (Papa) ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng
panunungkulan, at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng
Simbahang Katoliko, gayundin ang kapangyarihang pampolitika bilang
pinuno ng estado ng Vatican.
Ang salitang Pope ay nangangahulugang AMA na nagmula sa salitang
Latin na Papa. Noong unang panahon itinuturing ng mga Kristiyano ang
Papa bilang ama ng mga Kristiyano, na siya pa ring tawag sa kaniya sa
kasalukuyan.

Gawain 3
Panuto: Ilarawan ang tungkulin ng sumusunod:
Pari_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
Obispo_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
Arsobispo_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

Uri ng Pamumuno sa Simbahan


Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas ng pundasyon ng
Simbahang Katoliko Roman at Kapapahan. Ilan lamang sa mahahalagang tao ng Simbahan at ang kanilang
mga nagawa ang makikita sa talahanayan.
Pinuno/Papa

Paraan ng Pamumuno

Cinstantine the Great

Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga Kristiyano sa buong imperyo ng Rome at


ang Konseho ng Nicea na kaniyang tinawag.
Pinalakas niya ang kapapahan sa pamamagitan ng Konseho ng Constantinople. Sa
kapulungang ito, pinag-uri-uri ng mga obispo ang iba-ibang malalaking lungsod sa
buong imperyo. Gayundin, pinili ang Rome bilang pangunahing diyosesis at dahil dito,
kinilala ang obispo ng Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko
Roman.

Papa Leo the Great


(440-461)

Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine, ang doktrinang nagsasabing ang obispo ng
Rome, bilang tagapagmana ni San Pedro, ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo. Sa
kaniyang mungkahi, ang emperador sa kanlurang Europr ang nag-utos na kilalanin ang
kapangyarihan ng obispo ng Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahan.
Makalipas ang ilang daang taon, ibinigay ang pangalang Papa sa obispo ng Rome.
Mula noong kapanahunan ni Papa Leo, kinilala ang Kanlurang Europe. Tumanggi
naman ang Simbahang Katoliko sa Silangang Europe na kilalanin ang Papa bilang
pinakamataas na pinuno ng Kristiyanismo hanggang sa panahong ito.

Papa Gregory I

Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at pagsisikap sa paglilingkod bilang pinuno
ng lungsod at patnubay ng Simbahan sa buong Kanlurang Europe.
Natamo niya ang sukdulan ng tagumpay nang magawa niyang sumampalataya ang
iba-ibang mga barbarong tribo at lumaganap ang Kristiyanismo sa malalayong lugar sa
kanlurang Europe. Dahil dito, nagpadala siya ng mga misyonero sa iba-ibang bansa na
hindi pa sumampalataya sa Simbahang Katoliko. Buong tagumpay na nagpalaganap
ng kapangyarihan ng Papa ang mga misyonerong ito nang sumampalataya sa
Kristiyanismo ang England, Ireland, Scotland, at Germany.

Papa Gregory VII

Sa kaniyang pamumuno naganap ang labanan ng kapangyarihang sekular at


eklesyastikal ukol sa power of investiture o sa karapatang magkaloob ng tungkulin sa
mga tauhan ng Simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry IV ng Germany.
Itiniwalag kaagad niya sa Simbahan si Haring Henry IV na gumanti naman nang ipagutos niya ang pagpapatalsik kay Papa Gregory VII. Ngunit nang maramdaman ni Henry
IV n kaanib ni Papa Gregory VII ang mga Maharlika sa Germany, sumuko siya sa Papa
at humingi ng kapatawaran. Binawi ng Papa ang kaparusahang pagtitiwalag sa
Simbahan pagkatapos ang lubhang paghihirap sa pagtawid sa Alps at napahamak
pagkaraan nang malaon at masidhing pag-aaregluhan.

Gawain 4: Pagpapaliwanag
Panuto: Ipaliwanag ang tanong sa ibaba.
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahusay na pinuno sa
pagtatag ng isang organisasyon? Ipaliwanag.

Pamumuno ng mga Monghe


Binubuo ang mga monghe ng isang pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong
pamumuhay at nanirahan sa mga monasteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling displina. Sila ang
mga regular na kasapi ng mga pari at itinuturing na higit na matapat kaysa mga paring sekular. Tuwiran
nasa ilalim lamang ng kontrol at pangangasiwa ng Abbot at Papa ang mga monghe.
Namumuhay ang mga monghe sa ilalim ng mahigpit na mga alituntunin ng monasteryo. Dahil dito,

malaki ang kanilang impluwesiya sa pamumuhay ng tao noong Panahong Medieval. Dahil sa kanilang
paniniwalang Ang pagtatrabaho at pagdarasal, nagsikap sila sa paglinang at pagtanim sa mga lupain na
nakapaligid sa kanilang monasteryo. Dahil dito, hindi lamang kapaki-pakinabang ang kanilang pagsisikap sa
mga monasteryo, kundi higit pang nakaimpluwesiya ito sa pag-unlad ng agrikultura sa buong Europe noong
Panahong Medieval.
Mga Gawain ng mga Monghe. Nagtiyaga ang mga monghe sa pag-iingat ng mga karunungang
klasikal ng mga sinaunang Griyego at Roman. Dahil sa hindi pa natutuklasan ang palimbangan at ang
paggawa ng papel, ang lahat ng mga libro na kanilang iniingatan sa mga aklatan sa monasteryo ang
kanilang matiyagang isinusulat muli sa mga sadyang yaring balat ng hayop. Dahil sa ginawang pagsisikap
ng mga monghe, ang mga kaalaman tungkol sa sinauna at panggitnang panahon ay napangalagaan sa
kasalukuyan.
Ang makatarungang pamumuno ng mga monghe sa Kanlurang Europe ay nakatulong din sa
lawak ng katanyagan at kapangyarihan ng Simbahan sa ilalim ng pamumuno ng Papa. Nagpakain ang mga
monasteryo sa mahihirap, nangalaga sa mga maysakit at kumupkop sa mga taong nais makaligtas sa
kanilang mga kaaway. Bumalangkas ang Simbahan ng isang sistema ng mga batas at nagtatag ng mga
sariling hukuman sa paglilitis ng mga pagkakasala na kinasasangkutan ng mga pari at mga pangkaraniwang
tao. Dahil walang sinuman ang nagsasagawa ng ganitong paglilingkod pagkatapos bumagsak ang imperyo
ng Rome, nahikayat ang mga tao sa Simbahan para sa kaayusan, pamumuno, at tulong.
Pinakamahalaga sa mga ginampanang tungkulin ng mga monghe ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo sa utos ng Papa sa iba-ibang dako ng Kanlurang Europe.
Gawain 5: Diyagram ng Aking Natutuhan
Panuto: Batay sa binasang teksto, isa-isahin ang mga salik na nakatulong sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa
Europe. Ipaliwanag ang sagot.

Salik sa
Paglakas ng
Kapangyari
han ng
Papa

B. Ang Krusada
Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni
Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong
Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak salakayin ng mga Turkong Muslim
ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine sa Papa sa Rome lalo pa at sa
pagsalakay na ito ay mapalaganap ang relihiyong Islam. Sa panawagan ni Papa Urban, hinimok niya ang mga

kabalyero (knights) na naging krusador at pinangakuan niya ang mga ito na papatawarin sila sa kanilang mga
kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang at kalayaang pumili ng fief mula sa lupa na kanilang masakop.
Unang Krusada
Ang unang Krusada ay binuo ng 3000 kabalyero at 12000 na mandirigma sa pamumuno ng Prinsipe at
mga Pranses na nabibilang sa nobility. Matagumpay na nabawi ng pangkat na ito ang Jerusalem noong 1099 at
nagtatag sila ng Estadong Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa Jerusalem, maraming
Muslim ang napatay, pati na ang mga hudyo at Kristiyano. Nanatili sila ng mga limampung taon sa Jerusalem
ngunit sinalakay din ila ng mga Muslim.
Ikalawang Krusada
Sa paghihikayat ni St. Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Luis VII ng France at Emerador
Conrad III ng Germany. Maraming balakid na naranasan ang pangkat na ito sa pagpunta sa Silangan at ang
pinakatagumpay nila ay ang pagsakop ng Damascus.
Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang Europe ay nalunod na si Frederick ar si Philip naman ay
bumalik sa France dahil nag-away sila ni Richard. Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni
Saladin, ang pinuno ng mga Turko. Sa kahuli-hulihan nagkasundo silang itigil ang labanan. Sa loob ng tatlong
taon ang mga Kristiyano ay malayang nakapaglakbay sa Jerusalem.
Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa baybayin.
Krusada ng mga Bata
Noong 1212 isang labindalawang taong French na ang pangalan ay Stephenay na naniwala na siya ay
tinawag ni Kristo na mamuno ng Krusada. Libong mga bata ang sumunod sa kaniya ngunit karamihan sa kanila
ay nagkasakit, nasawi sa karagatan at ang iba ay ipinagbili bilang alipin sa Alexandria.
Ikaapat na Krusada
Inilunsad noong 1202 ay naging isang iskandalo. Ang mga Krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal
ng Venetra na Kristiyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kaya sila ay idineklarang
excomunicado. Nagpatuloy sa pangdarambong ang mga krusador hanggang sa Constantinople kung saan
nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik sa Constantinople at naibalik ang
Imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay napasakamay ng mga Muslim at ito ay
naging simula ng paghina ng Krusada.
Iba pang Krusada
Nagkaroon ng iba pang krusada noong 1219, 1224, 1228 ngunit lahat ng mga ito ay naging bigo sa
pagbawi muli sa Holy Land. Sa kabuuan, ang mga krusada ay pawang bigo, maliban sa una na nahawakan nila
ang Jerusalem sa loob ng isang daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik na naman sa kamay ng mga
Turkong Muslim ang lupain.
Resulta ng Krusada
Kung mayroon mang magandang naidulot ang Krusada, ito ay sa larangan ng kalakalan.
Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga lungsod at malalaking daungan. Ang
kulturang Kristiyano ay napayaman din.
Ang salitang Crusade ay nagmula sa Latin na crux na
nangangahulugang cross. Ang mga Krusador ay taglay ang simbolo ng
Krus sa kanilang kasuotan.

Sa kabilang panig, ang krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin ng mga sumama sa gawaing
ito. Hindi pagmamalasakit sa simbahan ang naging dahilan sa pagsama sa banal na laban na ito kundi ang
pagkakataong makapaglakbay at mangalakal.

Gwain 1
Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang kahalagahan ng krusada sa kasaysayan ng daigdig?


2. Sa kasulukuyan, anong pangyayari ang maikukumpara sa naganap na krusada noong Panahong Medieval?
Ipaliwanag.
3. Anong aral ang natutuhan mo? Paano mo ito maiuugnay sa iyong pang-araw-araw na buhay? Ipaliwanag.
Gawain 2: Lesson Closure
Panuto: Ibuod ang mga pangyayaring nagbunsod sa paglulunsad ng mga Krusada. Punan ng impormasyon ang mga
patlang upang mabuo ang talata.

Ang Krusada ay isang ___________________________________ na


inilunsad ng
Mga taga Europe sa panawagan ni ____________________. Layunin
nito na
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_______________________________________________________. Sa
kasalukuyan, maraming Krusada ang naganap. Ilan sa mga ito ay
ang _______________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Sa kabuuan, masasabi na hindi nagtagumpay ang mga
nailunsad na Krusada dahil
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Gawain 3: Video-Kasaysayan
Panuto: Bumuo ng isang pangkat na may tatlong miyembro. Sundin ang GRASPS chart sa pagbuo ng isang video
tungkol sa pagmamalaki at pagpapahalaga sa isang pamanang Klasikal at Transisyonal na panahon.

Goal

Makagagawa ng isang video na nagpapakita ng pagmamalaki at pagpapahalaga sa isang


pamanang Klasikal at Transisyunal na Panahon.
Bigyang-tuon ang mga sumusunod sa paggawa ng video.
a. Komprehensibong pagpapakila sa isang pamana ng Klasikal at Transisyonal na Panahon
b. Pangangatuwiran ng pangangalaga sa nasabing pamana
c. Kahalagahan ng napiling pamana sa iyong henerasyon

Role
Audience
Situation

Miyembro ng isang organisasyong pang-nag-aaral na may adbokasiyang ipaalam sa mga


kapuwa mag-aaral ang kahalagahan ng mga pamanang Klasikal at Transisyonal na
Panahon.
Mga kapuwa mag-aaral
Magdaraos ng isang seminar tungkol sa pagpapahalaga sa mga pamanang Klasikal at
Transisyunal na Panahon.

Product/Performance Video
Standards

Ang video-kasaysayan ay mamarkahan batay sa sumusunod na pamantayan

MODYUL 3: ANG PAG-USBONG NG MAKABAGONG DAIGDIG: Ang Transpormasyon tungo sa pagkabuo ng


Pandaigdigang Kamalayan
Panimula

Ang mga pagbabago ng kamalayan mula sa Panahong Medieval ang nagpasimula sa pag-usbong ng
makabagong daigdig. Ang mga pangyayari sa paglakas ng Europe, paglawak ng kapangyarihan nito at ang pagkamulat
sa mga bagong kaalaman at ideya ay nagdala ng transpormasyon sa Europe at bumago sa buong daigdig.
Sa modyul na ito ay tutuklasin mo ang pangyayari sa transpormasyon ng daigdig tungo sa pagbuo ng
pandaigdigang kamalayan. Iuugnay mo ang mga ito sa kasalukuyan upang makabuo ng mga bagong kaalaman na
makatutulong sa pagharap sa pagbabago ng daigdig.
Aalamin mo rin kung paano lumakas ang Europe. Ano-ano ang dahilan at epekto ng paglawak ng
kapangyarihan nito? Paano nakaapekto ang pag-usbong ng makabagong daigdig sa transpormasyon ng mga
bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa siyensiya, politika, at ekonomiya tungo
ng modernong pandaigdigang kamalayan?
Mga Aralin at Sakop ng Modyul
Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:
Aralin 1: Paglakas ng Europe
a. Nasusuri ang konsepto ng bourgeoisie, merkantilismo, national monarchy, renaissance, Simbahang
Katoliko, at repormasyon sa daigdig.
b. Napahahalagahan ang kontribusyon bourgeoisie, merkantilismo, national monarchy, renaissance,
Simbahang Katoliko, at repormasyon sa daigdig.
Aralin 2: Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe
a. Nsusuri ang unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon sa Europe
b. Natataya ang mga dahilan at epekto ng unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon sa Europe
c. Nasusuri ang mga kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Industriyal
d. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
Aralin 3: Pagkamulat: Kaugnayang Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses at Amerikano
a. Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan ng mga Rebolusyong Panses at
Amerikano
b. Naipahahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng konsepto ng nasyonalismo sa Europe at ibat
ibang bahagi ng daigdig

Aralin 1: Paglakas ng Europe


Gawain 1: Word Hunt

Panuto: Hanapin sa puzzle box ang mga terminong tinutukoy sa bawat mga pahayag sa kahon na nasa ibaba. Gamitin
ang una at huling titik ng salita gabay sa paghahanap ng bawat salita.
A
D
V
C
E
T
N
M
P
E
R
Y

L
I
S
O
M
S
I
N
A
M
U
H

A
M
I
K
D
K
R
L
T
Y
L
C

M
B
O
A
K
U
S
W
P
M
R
R

E
S
L
T
E
Y
F
C
L
B
E
A

R
E
P
O
R
M
A
S
Y
O
N
N

K
T
R
L
A
T
G
B
A
U
A
O

A
N
O
I
L
T
U
S
S
R
I
M

N
A
T
K
S
A
M
N
H
G
S
L

T
T
S
O
E
P
O
R
R
E
S
A

I
S
E
W
A
T
Y
B
E
O
A
N

L
E
T
H
R
K
A
N
O
I
N
O

I
T
O
P
L
N
S
C
P
S
C
I

S
O
R
S
K
G
O
T
Y
I
E
T

M
R
P
E
E
P
O
R
U
E
S
A

O
P
R
I
S
R
U
K
G
A
P
N

1.
B______________R Nagmamay-ari o namamahala ng bangko
2. B______________E Panggitnang uri ng mamamayan sa Europe
3. E______________E Pangalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig
4. H______________O Isang kilusang kultural na nakatuon sa panunumbalik at pagbibigay-halaga sa kulturang klasikal
ng Griyego at Romano
5. K______________O Nangangahulugang universal
6. M______________O Sistemang ekonomiko na nakabatay sa konseptong ang yaman ng bansa ay nasa dami ng
kanyang ginto at pilak
7. N______________L Dahil sa pagkatatag nito, muling lumakas ang kapangyarihang M__________Y ng hari
8. P______________E Mga tumutol o sumalungat sa turo ng Simbahang Katoliko
9. R______________E Nangangahulugan itong muling pagsilang
10. R_____________N Krisis sa relihiyon kung saan ang mga ibang bansang Katoliko ay yumakap sa ibang relihiyon
Gawain 2: Burgis Ka!
Panuto: Basahin at unawain mo ang teksto tungkol sa bourgeoisie. Iyong itala ang mahahalagang datos na nakapaloob
dito at punan ang cloud call out at concept map ng nasabing datos tungkol sa bourgeoisie. Isulat ito sa kuwaderno.
Pag-usbong ng Bourgeoisie
Ang terminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan sa Medieval France na binubuo ng
mga artisan at mangangalakal. Ang mga artisan ay mga manggagawang may kasanayan sa paggawa ng mga
kagamitang maaaring may partikular na gamit o pandekorasyon lamang.
Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bourgeoisie sa pamumuhay ng aristokrasya, mga magsasaka, o
ng mga pari. Ang daigdig nila ay hindi ang manor o simbahan kundi ang pamilihan. Hindi nakatali ang mga kasapi ng
uring ito sa mga panginoong may lupa. Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa kundi sa industriya at
kalakalan. Ang mga artisan, halimbawa, ay naninirahan sa mga nabuong pamayanan. Hindi sila nakadepende sa
sistemang piyudal at binabayaran sila sa kanilang paggawa.
Sa huling bahagi ng ika-17 na siglo, naging isang makapangyarihangpuwersa ang bourgeoisie sa Europe.
Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker, mga shipower, mga pangunahing mamumuhunan, at mga negosyante.
Hindi na kabilang sa kanila ang mga artisan na sa panahong ito naiuuri na sa manggagawa. Ang kapangyarihan ng
bourgeoisie ay bunga ng kayamanan at pakikipag-alyansa sa hari laban sa mga landlord. Subalit ang kanilang
kapangyarihan sa nasabing panahon ay pang-ekonomiya lamang.
Maiuugat ang English Revolution, American Revolution, at French Revolution sa pagnanais ng bourgeoisie na
palayain ang sarili mula sa animo ng piyudalismo, pakikialam ng monarkiya sa personal na kalayaan, at sa karapatan
sa kalakalan, at pagmamay-ari.
Nagkaroon lamangng politikal na kapangyarihan ang mga bourgeoisie pagdating ng ika-19 na siglo. Nagkamit
sila ng karapatang politikal, panrelihiyon, at sibil sa pamamagitan ng pagtataguyod ng liberalismo

Ang mga bourgeoisie ay

______________________
______________________
___
Sino-sino ang
mga
bourgeoisie?

Katangian ng
mga
bourgeoisie

Halaga sa
Lipunan
(Noon at
Ngayon)

Gawain 3: Magbasa at Unawain!


Panuto: Basahin mo at unawain ang teksto hingil sa merkantilismo. Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong
mga tanong.
Ang pag-unlad ng isang bagong doktrinang tinatawag na merkantilismo ay makatulong din sa
pagkabuo at paglakas ng mga nation-estate sa Europe. Nabuo ang prinsipyo ng merkantilismo upang
itinaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya at kapangyarihang politikal ng isang bansa. Bagamat
kadalasang ikinakatergorya bilang patakarang pang-ekonomiya, ang merkantilismo ay isang sistema na
ang pangunahing mga layunin ay politikal. Ang mga layuning ito ay ang magkaroon ng malaking kitang
magbibigay daan upang ang hari ay makapagpagawa ng mga barko, mapondohan ang kaniyang hukbo,
at magkaroon ng pamahalaang katatakutan at rerespetuhin ng buong daigdig.
Ang doktrinang bullionism ay sentral sa teorya ng merkantilismo. Sa ilalim ng doktrinang ito, ang
tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito.
Ibig sabihin, kung mas maraming ginto at pilak ang makukuha ng isang bansa, mas maraming pera ang
malilikom nito bilang buwis. Nangangahulugan ito na mas magiging mayaman at makapngyarihan ang
naturang bansa.

MERKANTILISMO
S

Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa mga kaisipan at konseptong naipahayag sa teksto, ano ang kahulugan ng merkantilismo?
2. Bakit sinasabing hindi lamang pang-ekonomiya kundi pampolitika rin ang layunin ng merkantilismo?

Gawain 4: Hagdan ng Pag-unawa!


Panuto: Paano nga ba nakatulong ang pagtatatag ng national monarchy sa paglakas ng Europe? Sa tulong ng kasunod
na teksto, itala mo sa ladder diagram ang mga kaganapan na nagbunsod sa pagyabong ng national monarchy.
Pagtatag ng National Monarchy

Malaki ang naitulong ng pagtatatag ng national monarchy sa paglakas ng Europe. Matatandaan na sa panahon
ng piyudalismo, walang sentralisadong pamahalaan. Mahina ang kapangyarihan ng hari. Ang naghahari ay ang mga
noble na sila ring mga panginoong maylupa. Ang hari ay itinuturing lamang na pangunahing panginoong may lupa.
Subalit nabago ang katayuan ng monarkiya sa tulong ng mga bourgeoisie. Ang hari na dating mahina ang
kapangyarihan ay unti-unting namayagpag sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo at pag-bubuo ng matatatag
na sentralisadong pamahalaan. Humirang siya ng mamamayang nagpapatupad ng batas at nagsasagawa ng paglilitis
at pagpaparusa sa korte ng palasyo. Bilang resulta, ang katapatan ng mamamayan ay lumipat mula sa panginoong
maylupa tungo sa pamahalaan na may kakayahang protektahan sila. Handa silang magbayad ng buwis para sa
proteksiyong ito.
Sa pamamagitan ng buwis, nagkaroon ng pondo ang hari upang magbayad ng mga sundalo. Dahil dito, nakalaya
ang hari mula sa proteksiyon na dating ibinigay ng mga knight ng panginoong maylupa. Dahil ang katapatan ng mga
sundalo ay nasa hari, maaari silang gamitin ng hari laban sa mga knight ng panginoong maylupa kung kinakailangan.
Bukod dito, maaari nang humirang ang hari ng mga edukadong mamamayan bilang kolektor ng buwis, hukom,
sekretarya, at administrador.
Pag-usbong ng mga Nation-state
Sa pagbabago sa konsepto ng monarkiya, naitatag na rin ang mga batayan ng mga nation-state sa Europe. Ang
nation-state ay tumutukoy sa isang estado na pinananahanan ng mamamayan na may magkatulad na wika, kultura,
relihiyon, at kasaysayan. Dahil sa kanilang pagkakahalintulad na kultura, ang mga mamamayan ay isang nagkakaisang
lahi. Bukod sa pagiging nasyon, isa rin silang estado sapagkat nananahan sila sa isang tiyak na teritoryo at may
pamahalaan silang may soberanidad o kasrinlan. Isa silang nagkakaisang lahi na may katapatan sa kianilang bansa.
Mahalagang katangian ng nation-state sa panahong ito ang pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan sa
ilalim ng isang pambansang monarkiya na may kakayahan at kapangyarihan na magpatupad ng batas sa buong
nasasakupan. May mga bagong institusyon na umusbong bunga ng pagiging nation-state. Isa rito ang pagkabuo ng
isang hukbo ng mga propesyunal na sundalo na tapat sa hari.
Tungkulin ng hukbo na palawigin ang teritoryo at kapangyarihan ng monarkiya kahit mangahulugan ito ng
digmaan. Nagsimula rin ang institusyon ng burukrasya sa mga opisyal o kawani na may kasnayan para patakbuhin ang
pamahalaan ayon sa kautusan ng monarkiya. Kabilang sa katungkulan ng mga opisyal at kawani ang pangongolekta ng
buwis, pagpapatupadng batas, at pag-kakaloob ng hustisya.
Dahil sa makapangyarihan ang mga nation-state, nagpakita ng ibayong lakas ang Europe. Nabuo sa Europe
ang mga bagong institusyong pampolitika, panlipunan, at pang-ekonomiya. Ang paglakas ng Europe ay nagbigay-daan
din sa pagpapalawak nito ng impluwensiya. Naganap ito sa panghihimasok at pananakop ng mga Europeong nationstate sa Asya, America, at nang kinalaunan, sa Africa.

PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY

You might also like