You are on page 1of 53

Ang Daigdig sa Klasikal

at Transisyunal na
Panahon
REVIEW:
1. Ano ang mga yugto ng
Panahon ng Bato? Metal?
2. Ano ang mga kabihasnan na
tinalakay natin sa nakaraang
quarter?
Tungkol sa Greece
Map of Greece

Source:
https://geology.com/world/greece-
map.gif
Sa mundo ng Greece:
Ang karagatan ang pinakamainam na
daanan sa paglalakbay.
Ang lupain ng Greece ay mabato at
bulubundukin. Ito ang pangunahing
sagabal sa mabilis na daloy ng
komunikasyon sa mga pamayanan.
Ang klase ng lupain ng Greece ay naging
dahilan rin sa pagkaroon ng kani-kanilang
katangian ng bawat lungsod-estado.
Sa mundo ng Greece:
Ang mainam na daungan na nakapaligid
sa Greece ay nagbigay daan sa maunlad
na kalakalang pandagat na nagpaunlad ng
kabuhayan.
Ito rin ang nagbigay ng kaugnayan sa
iba’t-ibang uri ng tao na nakatulong sa
pagyaman ng kultura at makabahagi sa
iba’t-ibang larangan ng pamumuhay sa
sandaigdigan.
Kabihasnang Minoan
Ang kabihasnang Minoan ay:
Ang kauna-unahang sibilisasyong
Aegean, ayon sa mga arkeologo.
Ito ay nagsimula sa Crete, mga 3100
BCE o Before the Common Era.
Tinawag itong Minoan batay sa
pangalan ni Haring Minos; ang
maalamat na haring sinasabing nagtatag
nito.
Map of Greece

Source:
https://geology.com/world/greece-
map.gif
Ang mga Minoan ay:
Kilala bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba
pang teknolohiya.
Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo o
bricks.
May sistema na sila sa pagsusulat
Magagaling din silang mandaragat.
Sila ang pinaniniwalaang unang nakapagtayo ng
arena sa buong daigdig.
Minoan architecture
Source:
https://cdn.britannica.com/71/12
5071-050-EBF2AAD6/Portion-
palace-Minoan-Knossos-Greece-
Crete.jpg
Minoan boxing
Source:
https://upload.wikimedia.org/wik
ipedia/commons/e/e2/NAMA_Ak
rotiri_2.jpg
Minoan Fresco
Source: https://d2fc7ojl9ttfsq.cloudfront.net/web/LC_Assets/frg/images/02-bull-leaping-knossos-CXHGH1.jpg
Linear B writing system
Source:
https://omniglot.com/images/wri
ting/linearb_ideograms.gif
Apat na pangkat ng tao sa
pamayanang Minoan:
Maharlika
Mangangalakal
Magsasaka
Alipin
Ang lungsod ng Knossos ay:
Kinilalala bilang isang
makapangyarihang lungsod.
Ang kabisera ng kabihasnang
Minoan.
Sinakop nito ang kabuuan ng
Crete.
Map of Crete

Source:
https://geology.com/world/greece-
map.gif
Ano ang mga mahahalagang pangyayari sa
taong 1600 hanggang 1100 BCE?
Narating ng Crete ang kanyang
tugatog.
Umunlad ito ng husto dulo na rin ng
pakikipagkalakalan sa Silangan at sa
paligid ng Aegean.
Dumarami ang mga bayan at
lungsod.
Map of Greece

Source:
https://geology.com/world/greece-
map.gif
Anu-ano ang ipinagpalit ng mga Minoans sa
pagbili ng kanilang produkto?

Ginto
Pilak
Butil-pagkain
Hanggang saan tumagal ang
kabihasnang Minoan?
Ang kabihasnang
Minoan ay tumagal
hanggang mga
1400 BCE.
Paano natapos ang kabihasnang
Minoan?
Natapos ang
kabihasnang Minoan
nang sinakop sila ng
mga Mycenaean.
Mga Gabay na Tanong
1. Saan nagsimula ang Kabihasnang
Minoan?
2. Ano ang dahilan ng pag-unlad ng
kabuhayan ng mga Minoan?
3. Ano ang apat na pangkat ng tao sa
pamayanang Minoan?
4. Bakit nagwakas ang kabihasnanang
Minoan?
Kabihasnang
Mycenaean
Ang Mycenae ay:
Sentro ng kabihasnang
Mycenaean.
Ang mga lungsod dito ay pinag-
ugnay ng maayos na daanan at
mga tulay.
Napapaligiran ang mga lungsod ng
makapal na pader.
Mycenaean City

Source: https://www.realmofhistory.com/wp-content/uploads/2018/04/drone-video-mycenae-bronze-age-
greece_6-min.jpg
Mycenaean City

Source: https://www.historyhit.com/app/uploads/2021/02/Mycenae.jpg
Sino ang mga Mycenaean?
Sila ay isang pangkat mula
sa timog ng Greece na kilala
bilang mahusay na
manlalayag.
Ano ang mahalagang pangyayari
noong 1400 BCE?
Naging isang napakalakas
na mandaragat ang mga
Mycenaean at ito ay lubos
nang masakop at magupo
ang Crete.
Mycenaean Greece

Source:
https://upload.wikimedia.org/wikipedia
/commons/3/33/Mycenaean_World_en.
png
Paano naimpluwensiyahan ng kabihasnang Minoan
ang mga Mycenaean?
Maraming mga salitang Minoan ang
naidagdag sa wikang Greek.
Ang mga sining ay
naimpluwensiyahan ng mga istilong
Minoan.
Ilan sa mga alamat ng Minoan ay
naisama sa mga kuwento at alamat ng
Greek.
Mitolohiyang Greek

Source:
https://cdn3.vectorstock.com/i/1000x10
00/39/87/ancient-greek-gods-set-vector-
23913987.jpg
Paano umunlad ang kabihasnang
Mycenaean?
Sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan at
pananakop ng ibang lupain.
Ang pag-angkop at pagkatuto
sa iba’t-ibang larangan mula sa
Minoan.
Paano bumagsak ang kabihasnang
Mycenaean?
Natapos ang kabihasnang
Mycenaean nang pinasok ng
mga Dorian ang Greece at
iginupo ang mga Mycenaean
noong 1100 BCE.
Iba pang pangyayari matapos
salakayin ang Mycenae.
Isang pangkat ang
nagtungo sa timog ng
Greece at nagtatag ng
kanilang pamayanan. Sila ay
ang mga Ionian.
Iba pang pangyayari matapos
salakayin ang Mycenae.
Nagsimula ang dark age na
tumagal nang halos 300 taon.
Naging palasak ang mga digmaan
Nahinto ang kalakalan, pagsasaka at
ibang gawaing pangkabuhayan
Naudlot ang paglago ng sining at
pagsulat
Mga Gabay na Tanong
1. Saan nagmula ang mga Mycenean?
2. Paano umunlad ang kabihasnang
Mycenean?
3. Ano ang pangyayari na nagsimula sa
pagbagsak ng kabihasnang Mycenean?
4. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
kabihasnang Mycenean sa Minoan?
Karagdagang
Kaalaman
Ang kabihasnang Minoan at Mycenaean ay
binanggit ni Homer sa kaniyang mga akdang
Iliad.
Iliad
Ito ay isang epiko tungkol sa
naganap na labanan at umiinog sa
kuwento ni Achilles; isang
mandirigmang Greek, at ni Hector;
isang prinsipeng Trojan.
Trojan Horse

Source:
https://i.insider.com/54e62f0669bedd4
0063cbd83?width=1025&format=jpeg
Pagsusulit
1. Saan itinatag ang kabihasnang
Minoan?
A. Athens
B. Crete
C. Parthenon
D. Sparta
2. Ano ang ginawa ng mga Minoan upang
umunlad ang kanilang kabihasnan?
A. pinalawig ang pagmimina sa lugar
B. nagtatag ng mga arena upang kumita
C. nakikipagkalakalan sa mga karatig
lugar
D. nakipaglaban at umangkin ng iba
pang lupain
3. Anong pangkat ang nagpayaman sa Greece
dahil sa pagsakop nito sa mga Minoan?

A. Athenian
B. Minoan
C. Mycenaean
D. Spartan
4. Anong pangyayari ang sanhi ng
pagbagsak ng Mycenae?
A. Pagsakop ng mga Dorian
B. Pakikipagkalakalan sa ibang lugar
C. Pagkasira ng kanilang mga pananim
D. Epidemya at maraming tao ang
namatay
5. Sa anong aspeto magkatulad ang mga
kabihasnang Mycenaean at Minoan?
A. pareho sila umunlad dahil sa
pananakop ng ibang lugar.
B. pareho sila umusbong sa iisang isla.
C. parehong mahuhusay na manlalayag
D. parehong nagwakas ang kanilang
kabihasnan dahil sa epidemya
Sagot
1. Saan itinatag ang kabihasnang
Minoan?
A. Athens
B. Crete
C. Parthenon
D. Sparta
2. Ano ang ginawa ng mga Minoan upang
umunlad ang kanilang kabihasnan?
A. pinalawig ang pagmimina sa lugar
B. nagtatag ng mga arena upang kumita
C. nakikipagkalakalan sa mga karatig
lugar
D. nakipaglaban at umangkin ng iba
pang lupain
3. Anong pangkat ang nagpayaman sa Greece
dahil sa pagsakop nito sa mga Minoan?

A. Athenian
B. Minoan
C. Mycenaean
D. Spartan
4. Anong pangyayari ang sanhi ng
pagbagsak ng Mycenae?
A. Pagsakop ng mga Dorian
B. Pakikipagkalakalan sa ibang lugar
C. Pagkasira ng kanilang mga pananim
D. Epidemya at maraming tao ang
namatay
4. Sa anong aspeto magkatulad ang mga
kabihasnang Mycenaean at Minoan?
A. pareho sila umunlad dahil sa
pananakop ng ibang lugar.
B. pareho sila umusbong sa iisang isla.
C. parehong mahuhusay na manlalayag
D. parehong nagwakas ang kanilang
kabihasnan dahil sa epidemya

You might also like