You are on page 1of 14

Report in

Araling
Panlipunan
Kabihasnang Minoan
(2000 - 1400 BCE)

BCE- Before the common/ current era


Kabihasnan - Ito ay tinatawag din na sibilisasyon
-ito ay naglalarawan sa mga lipunan na may mataas na antas ng
kultural at teknolohikal na pag-unlad.

Kabihasnang Minoan- ayon sa mga arkeologo umusbong ang


kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete, ang pinakamalaking Isla sa
Timog Greece. Matatagpuan ang kabisera nito sa Knossos.

-ito ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean noong 3100 BCE


Sir Arthur Evans
Haring Minos

-natuklasan ni Sir Arthur Evans, Isang English Archeologist ang mga unang ebidensya ng kabihasnang
Minoan noong 1900 hanggang 1905.

-binansagan ni Sir Arthur Evans ang sibilisasyong ito na Minoan batay sa pangalan ni Haring Minos, ang
maalamat na hari na sinasabing nagtatag nito.

-hindi mga Greek ang mga Minoans sa kanilang wika, relihiyon at maging sa panipuang estruktura. Sila ay
tila produkto ng pagsasanib ng mga naninirahan sa Crete at mga nanlusob dito mula sa Asian Minor noong
2900 haggang 2200 BCE.
Kalakalan ng mga Minoan

-naging tanyag at makapangyarihan ang siyudad ng Knossos sa Isla ng Crete sa pamumuno


ni Haring Minos. Itinatag niya ang napakalakas na Hukbong Dagat kung saan walang kayang
kumalaban nito. Umusbong din ang kalakalang pandagat o maritime trade. Gayundin ang
kalakalan sa lupa o overland commerce sa mga siyudad ng Crete. Ang olive oil ay Isa sa mga
pangunahing produkto na kanilang Iniluwas sa Ibayong-dagat. May mga produkto din silang
Ipinagbili sa Ibang lugar gaya ng palayok na gawa sa luwad (clay) at mga sandata na gawa
sa tanso. Ipinagpalit nila ang mga Ito para sa ginto, pilak, at butil ng pagkain.

-ang mga produktong pangkalakal ng Crete ay nakarating sa malalayong lugar sa paligid ng


Asia Minor at sa Iba pang pulo ng Greece, Cyprus, Syria at sa Egypt.

-sa harap ng pagiging mayaman at makapangyarihan ng Crete ay walang makikitang pader


o moat sa pagitan nito dahil umano sa pagiging "commercial
empire" ng sibilisasyong Minoan at sa lakas ng hukbong pandagat nito. Ito din ay ebidensiya
ng kanilang maayos na pakikitungo sa kanilang katuwang sa kalakalan.
Overland Commerce Maritime Trade
Sining ng mga Minoan
-sa pamumuno ni Haring Minos naging makapangyarihan ang siyudad ng Knossos at sinakop
nito ang kabuuang Isla ng Crete. Sa Isla natagpuan ni Evans ang mga labi ng Palasyo ng
Knossos na Itinatag ni Haring Minos.

-makikita sa palasyo ang mga nakakamanghang katangian nito gaya ng 1. Indoor plumbing
na nagdala ng tubig para sa paliligo at flush toilet o pambuhos sa palikuran.
2. Ang sining ng pagpipinta na Ipinakita ng mga Minoan sa dalawang larangan. a.) sa mga
Fresco (mga larawang mabilisan subalit binasang Ipininta sa mga dingding na basa ng
plaster upang kumapit nang husto sa pader ang mga pigment ng metal at mineral oxide.

b. sa mga magagarang palayok na gawa nila sa malalayong lugar sa paligid ng baybayin ng


Asia Minor pati na rin sa maninland Greece.
Fresco Palayok ng mga Minoan
-noong hukayin ni Evans ang palasyo ng Knossos, natagpuan niya ang mga lapida na
gawa sa luwad (clay). Dalawang uri ng sistema ng pagsulat ang nakita niya na tinawag
niya bilang Linear A at Linear B.

-pinatunayan nina Michael Ventris (cryptologist) at John Chadwick ( classical


scholar) na ang Linear A ay sistema ng pagsulat ng mga Minoan samantalang
ang Linear B ay sa mga Myceanean.

Linear A Linear B
-tinaggap din ng mga Mihoan ang Impluwensya ng Egypt sa kanilang Sining. Ilan sa mga
Ito ay ang double axe, figure-of-eight shield at ang tridento.
Relihiyon ng mga Minoan

-ang kanilang relihiyon ay nakasentro sa Isang Inang diyosa.


-makiita sa mga fresco o sa mga pinta sa dingding ang mga
panrelihiyong ritual gaya ng bull leaping o bull dancing. Ipinapakita
nito ang pagpahalaga ng mga Minoan sa toro ayon sa Alamat ng
Minotaur.
Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao.
1.Maharlika
2.Mangangalakal
3.Magsasaka
4. Alipin

-sila ay mga masayahin at mahilig sa mga magagandang bagay at kagamitan. Sa


mga magagandang bagay at kagamitan. Sa palakasan ay hindi sila nagpapahuli kaya
sila ang unang nakagawa ng arena sa buang daigdig kung saan nagsasagawa ng
labanan sa boxing. Kilala din sila sa paggamit ng metal at Iba pang teknolohiya.
Ano ang Alamat ng Minotaur?
-ito ay makikita sa mitolohiyang Griyego
Minotaur- Ito ay sinasabing Isang halimaw na may katawan ng tao ngunit may
ulo at bunot ng Isang toro.
Ang Pagtatapos ng Kabihasnang Minoan

-sa pagitan ng 1400 hanggang 1200 BCE, natapos ang kabihasnang Minoan. May naniniwala na ang
pagtatapos nito ay maaring sanhi ng tsunami dalang lindol o pagputok ng bulkan. Ngunit mas marami ang
naniniwala na ang pagbagsak nito ay sanhi ng pananakop ng mga mainland Greeks na kung tawagin ay
mga Mycenaean. Kahit ano pa man ang kadahalinan, ang kabihasnang Minoan ay ang kumakatawan sa
gintong panahon sa kasaysayan ng Greece.

You might also like