You are on page 1of 2

ARALIN 11: KABIHASNANG MINOAN AT MYCENAEAN

Ang Kabihasnag Minoan

Larawan ng kabihasnamg minoan:

Fresco of bull-leaping from Knossos


Fresco of bull-leaping from Knossos (Photo credit: Wikipedia)

Ang unang sibilisasyon ng bansang Gresya ay lumitaw sa isla ng Crete sa pagitan ng 3000 at
2000 b.k.
Ang sibilisasyong ito ay tinawag na Minoan sa karangalan ni haring minos na sinasabing naghari
noon doon.
Sa Knossos, ang kabisera ng Crete, natagpuan ng mga arkeologo ang magarang palasyong
Minoan nang maghukay sila noong 1900.
Pagsapit ng mga banding 1600 b.k, naglitawan naman sa may Mycenae ang mga manggagaya sa
maluho at maunlad na pamumuhay ng mga taga-knossos.
Sa loob ng ilang panahon, kapwa nagpaligsahan ang mga sibilisasyong Minoan atMycenaean
upang masolo ang pangangalakal sa silangang bahagi ng dagat mediteraneo.
Naputol lamang ang paligsahang ito nang sinamangpalad na mawasak ang isla ng crete ng
malalaking along gawa ng pagsabog ng bulkan sa karatig-isla ng Thera.
Matapos mawasak ang crete, nagsimula namang mamayani ang mga taong siyang tinawag na
mga Griyego sa mga baying nakapalibot sa dagat Aegean.
Mula noong 2000 hanggang 1200 b.k., nagdatingan sila sa mga isla sa dagat Aegean at doon na
nanirahan.
Kasama ang mga taga-mycenae, maraming pananalakay na ginawa ang mga ito sa halos lahat ng
parte ng baybay-dagat ng mediteraneo.
Ang egipto ay ilang beses din nilang sinalakay bago sila tinalo at napatigil ng mga egipcio.
Makaraan ang 1200 b.k., ang mga dorian naman, na gumagamit ng wikang griyego, ang dumayo
at tumalo sa mga pinunong Mycenae.
Marunong nang gumamit ng a mga aristokratang naghahari sa Mycenae.l

Kabihasnang Mycenaean

Larawan ng kabihasnamg mycenaean:


Ang Mycenae o Misenas (Griyego: Μυκῆναι Mykēnai o Μυκήνη Mykēnē; Kastila:Micenas) ay
isang lugar na pang-arkeolohiya sa Gresya, na tinatayang nasa 90 km timog-kanluran ng Athens,
sa loob ng hilaga-silangan ng Peloponnese. Ang Argos ay 11 km papunta sa timog; ang Corinth,
48 km pakanluran. Mula sa burol na kinalalagyan ng palasyo, matatanaw ang kahabaan mula sa
Argolid hanggang sa Tangway na Saroniko.
Noong ika-2 milenyong BC, ang Mycenae ay isa sa pangunahing mga sentro ng kabihasnang
Griyego, isang matibay na tanggulang pangmilitar (kuta) na nangibabaw sa katimugang Gresya.
Ang kapanahunan ng kasaysayan ng Gresya magmula sa tinatayang 1600 BC magpahanggang sa
1100 BC ay tinatawag na Gresyang Miseno bilang pagtukoy sa Mycenae.

You might also like