You are on page 1of 1

Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyonal na Panahon

Aralin 1: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europe

Olympics- isang pampalakasang paligsahan na nilalahukan ng mga atleta mula sa iba’t ibang bansa.
2008- Olympics sa Beijing, China
Olympia- naganap ang kauna-unahang Olympics noong 776 BC
- Isang lungsod estado ng sinaunang Greece; ang Olympics ay kontribusyon ng Klasikal na Kabihasnan sa
Europe na kinabibilangan ng kabihasnang Greece at Rome.

Kabihasnang Minoan at Mycenaean


Tangway ng Balkan- isang mabundok na bahagi ng Greece na naging sentro ng sianunang Greece
Karagatan ng Mediterranean- ang nagging tagapag-ugnay ng Greece sa iba pang panig ng mundo.
Karagatan- ang pinaka-mainam na daanan sa paglalakbay sa mundo ng mga sinaunag Greek.
Mainam na daungan – nakapaligid sa Greece na nagbigay- daan sa maunlad na kalakalang pandagat na naging dahilan ng
kanilang maunlad na kabuhayan.

Timeline sa Kabihasnang Greece


431 BCE Nagsimula
ang Peloponesian War
334 BCE Pananakop ni Alexander
499 BCE Nagsimula ang Persian War

700 BCE 600 BCE 500 BCE 400 BCE 300 BCE 200 BCE

00 BCE
Umusbong ang mga lungsod 460 BCE
at estado ng Greece Nagsimula ang Golden Age
404 BCE Tinalo ng Sparta ang Athens

Ang mga Minoans


Crete- nagsimula ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean, ayon sa mga arkeolog mga 3100 BCE o Before the Common
Era
Kabihasnang Minoan- ang tawag sa sibilisasyon sa Crete, batay sa pangalan ni Haring Minos, ang maalamat na haring
sinasabing nagtatag nito
Minoan- kilala bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya
Knossos- hindi nagtagal ay kinilala sila bilang isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng Crete;
ditto matatagpuan ang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at napapaligiran ng mga bahay
ng bato.
1600- 1100 BCE- narrating ng Crete ang kanyang tugatog, umunlad ng husto ang kabuhayan dito dulot na rin ng
pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Silangan at sa paligid ng Aegean.
4 na pangkat ng tao sa Minoan: mga maharlika, mga mangangalakal, mga magsasaka, at ang mga alipin
Ang kabihasnang Minoan ay tumagal hanggang mga 1400 BCE. Nagwakas ito ng salakayin ang Knossos ng mga di
nakikilalang mga mananalakay na sumira at nagwasak sa buong pamayanan. Tulad ng inaasahan, ang iba pang mga
lungsod ng mga Minoan ay bumagsak at isa-isang nawawala.

Ang mga Mycenaean


Mycenaea- matatagpuan 60 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean, ang naging sentro ng kabihasnang
Mycenaean.
- Ang mga lungsod dito ay ay pinag-uugnay ng maayos na daanan at mga tulay.
1400 BCE- isa nang napakalakas na mandaragat ang mga Mycenaean at ito ay nalubos ng masakop at magupo nila ang
Crete sa lumalagong kabihasnan sa Greece.
1100 BCE- isang pangkat ng tao mula sa Hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo ang mga Mycenaean, ang mga Dorian.
Ionia- pamayang itinatag ng mga pangkat ng taong may kaugnayan sa Mycenaean na tumungo sa timog ng Greece na
may lupain sa Asia Minor sa may hangganan ng karagatang Aegean.
Dark age o madilim na panahon- ang tawag sa mga pangyayaring nabanggit na tumagal din ng halos 300 taon.
Hellenes o Greeks- ang taeag sa sarili ng mga nakatira sa pamayanan sa baybayin ng Greece na nagkaroon ng malaking
bahagi sa sibilisasyong Ionia.
Kabihasnang Hellinic- mula sa salitang Greek na Hellas; kinilala sa kasaysayan; tumagal mula 800- 400 BCE at naging isa
sa mga pinakadakilang saibilisasyong naganap sa kasaysyan ng daigdig.

You might also like