You are on page 1of 13

Kabihasnang Minoan at Mycenaean

Ang Kabihasnang Minoan ay ang kauna-unahang Aegean Civilization sa pulo ng Crete na nagsimula
noong 3100 BCE. Hango ang salitang "Minoan" sa pangalan ni Haring Minos na sinasabing nagtatag nito.
Ito rin ang sinasabing simula ng kasaysayan ng Europa.

Kilala ang mga Minoan na magagaling na mandaragat na nakatira naman sa bahay na yari sa bricks. May
mga produkto rin silang ipinangkakalakal sa ibang pamayanan tulad ng palayok na yari sa luwad at
sandata na yari sa tanso. Nakararating ito sa Aegean Sea, Greece, Cyprus, Syria, at Egypt. ANg mga
produkto ay ipinagpapalit nila ng ginto, pilak, at butil. Sa sining, naipakita nila ito sa pamamagitan ng
Fresco at mga palayok. Mayroon na rin silang sistema ng pagsulat. Tinawag itong Linear A para sa
sistema ng pagsulat ng mga Minoan samantalang Linear B naman sa Mycenaean. Maliban pa rito, kilala
rin sila sa mga sinaunang mamamayan ng Europa na mahuhusay sa paggamit ng metal at iba pang
teknolohiya.

Nahukay naman ni Sir Arthur Evans, isang English Archeologist, noong 1899 ang lungsod ng Knossos. Ito
ay sinasabing kabisera ng Kabihasnang Minoan.

Kinilala ang Knossos bilang isang makapangyarihang lungsod na sumakop naman sa kabuuan ng Crete.
Matatagpuan dito ang isang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektaryang lupain na
napaliligiran naman ng mga bahay na bato. Ang palasyo ay kalauna'y nasira dulot ng sunog at iba't ibang
kalamidad. Ang katanyagan ng Minoan at bumagsak sa kamay ng mga mananakop.

Samantala, bago pa man salakayin ng mga Mycenaean ang Crete, nasimulan na nilang paunlarin ang
ilang pangunahing kabihasnan sa Timog Greece. Matatagpuan ang sentro ng kanilang kabihasnan sa
layong 16 kilometro sa aplaya ng karagatang Aegean. Ang mga lungsod dito ay pinag-ugnay ng maayos
na daanan at mga tulay. Ang mga makapal na pader na nakapaligid sa lungsod ay nagsilbing
pananggalang nila sa iba pang manananakop. Noong 1400 BCE, isa nang napakalakas na mandaragat ang
mga Mycenaean lalo na noong masakop at magupo nila ang Crete. Ang Crete ay lumalagong Kabihasnan
sa Greece noon.

Bagama't nasakop ng mga Mycenaean ang Crete na sinasabing pinagmulan din ng kabihasnang Minoan,
malaki ang naging impluwensya ng mga Minoan sa Greek. Kabilang na sa mga impluwensiyang ito ang
wika, sining, alamat, at kwento.

Noong 1100 BCE, Sinalakay ang Mycenaean ng mga Dorian, isang pangkat mula sa Hilaga. Samantala, isa
pang pangkat na may kaugnayan sa Mycenaean ang tumungo sa Timog ng Greece sa may lupain ng Asia
Minor, hangganan ng karagatang Aegean. Dito, nagtatag sila ng pamayanang Ionia at nakilala naman
bilang Ionian.

Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang Dark Age o Madilim na panahon ng Greece. Naging palasak ang
digmaan ng iba't ibang kaharian, nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan.
Kasama rin dito pagtamlay ng sining at pagsulat.

Mula naman sa madilim na panahon, umusbong sa Ionia ang bagong sibilisasyon na mabilis na
lumaganap sa kabuuan ng Greece. Tinawag nila ang kanilang sarili na Hellenes o Greeks. Kinilala ang
panahong ito na kabihasnang Hellenic mula sa kanilang tawag sa Greece na Hellas. Tumagal ito mula 800
BCE hanggang 400 BCE na sinasabing pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan ng daigdig.

Ang mga Polis

Sa panahon ng Dark Age ng Greece, nagtayo ang mga Greek ng mga kuta sa gilid ng mga burol at
taluktok ng bundok upang maprotektahan sila sa pagsalakay ng iba pang mga pangkat. Hindi naglaon,
ang mga ito'y naging pamayanan na pinag-usbungan din ng mga lungsod-estado o Polis. Ang Polis ay
hango sa salitang pulisya, politika, at politiko. Ito'y binubuo lamang ng 5000 kalalakihan na itatala sa
opisyal na talaan ng populasyon ng lungsod-estado. Karamihan sa mga polis ay matatagpuan sa
matataas na lugar na tinatawag na acropolis o mataas na lungsod. Ito ang takbuhan ng mga Greek sa
panahon ng digmaan na naging sentro naman ng politika at relihiyon. Agora o pamilihang bayan naman
ang tawag sa ibabang bahagi ng acropolis.

Ang Kabihasnag   Minoan

Larawan ng kabihasnamg minoan:

Fresco of bull-leaping from Knossos (Photo credit: Wikipedia)


Ang unang sibilisasyon ng bansang Gresya ay lumitaw sa isla  ng Crete sa pagitan ng 3000
at 2000 b.k.

Ang sibilisasyong ito ay tinawag na Minoan sa karangalan ni haring minos na sinasabing


naghari noon doon.

Sa Knossos, ang kabisera ng Crete, natagpuan ng mga arkeologo ang magarang


palasyong Minoan nang maghukay sila noong 1900.

Pagsapit ng mga banding 1600 b.k, naglitawan naman sa may Mycenae ang mga


manggagaya sa maluho at      maunlad na pamumuhay ng mga taga-knossos.

Sa loob ng ilang panahon, kapwa nagpaligsahan ang mga sibilisasyong


Minoan atMycenaean upang masolo ang pangangalakal sa silangang bahagi ng dagat
mediteraneo.

Naputol lamang ang paligsahang ito nang sinamangpalad na mawasak ang isla ng crete ng
malalaking along gawa ng pagsabog ng bulkan sa karatig-isla ng Thera.

Matapos mawasak ang crete, nagsimula namang mamayani ang mga taong siyang tinawag
na mga Griyego sa mga baying nakapalibot sa dagat Aegean.
Mula noong 2000 hanggang 1200 b.k., nagdatingan sila sa mga isla sa dagat Aegean at
doon na nanirahan.

Kasama ang mga taga-mycenae, maraming pananalakay na ginawa ang mga ito sa halos
lahat ng parte ng baybay-dagat ng mediteraneo.

Ang egipto ay ilang beses din nilang sinalakay bago sila tinalo at napatigil ng mga egipcio.

Makaraan ang 1200 b.k., ang mga dorian naman, na gumagamit ng wikang griyego, ang
dumayo at tumalo sa mga pinunong Mycenae.

Marunong nang gumamit ng a mga aristokratang naghahari sa Mycenae.

Pati ang siyudad ng Troy na nasa gawing hilagang-kanluran ng asya minor ay kanilang
sinalakay at sinakop.

Kabihasnang Mycenaean

Larawan ng kabihasnamg mycenaean:

 Ang Mycenae o Misenas (Griyego: Μυκῆναι Mykēnai o Μυκήνη Mykēnē; Kastila:Micenas)
ay isang lugar na pang-arkeolohiya sa Gresya, na tinatayang nasa 90 km timog-kanluran
ng Athens, sa loob ng hilaga-silangan ng Peloponnese. Ang Argos ay 11 km papunta sa
timog; ang Corinth, 48 km pakanluran. Mula sa burol na kinalalagyan ng palasyo,
matatanaw ang kahabaan mula sa Argolid hanggang sa Tangway na Saroniko.

Noong ika-2 milenyong BC, ang Mycenae ay isa sa pangunahing mga sentro ng
kabihasnang Griyego, isang matibay na tanggulang pangmilitar (kuta) na nangibabaw sa
katimugang Gresya. Ang kapanahunan ng kasaysayan ng Gresya magmula sa tinatayang
1600 BC magpahanggang sa 1100 BC ay tinatawag na Gresyang Miseno bilang pagtukoy
sa Mycenae.
 Ginawa ni:

Lynsay Casinsinan

Ang mga Polis

     Dahil sa mga digmaan


bago pa ang Panahong Hellenic, nagtayo ng mga kuta ang mga Greek sa mga lugar sa may gilid
ng mga burol at sa mga taluktok ng bundok upang maprotektahan ang kanilang sarili sa
pagsalakay ng iba’t ibang pangkat. Ang mga pook na ito ay naging pamayanan. Dito nagsimula
ang mga lungsod-estado o polis kung saan hango ang salitang may kinalaman sa pamayanan
tulad ng pulisya, politika at politiko. May malalaki at maliliit na polis. Ang pinakahuwarang
bilang na dapat bumuo ng isang polis ay 5,000 na kalalakihan dahil noon ay sila lamang ang
nailalagay sa opisyal na talaan ng populasyon ng lungsod – estado. Karamihan sa mga polis ay
may mga pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar na tinawag na acropolis o mataas na
lungsod.
Acropolis – Ang
pinakamataas na na lugar sa mga lungsod-estado kung saan itinayo ng mga Greek ang kanilang
mga templo.

Sa panahon ng digmaan, ito ang naging


takbuhan ng mga Greek para sa kanilang proteksyon. Sa acropolis, matatagpuan ang matatayog
na palasyo at templo kung kaya’t ito ang naging sentro ng politika at relihiyon ng mga Greek.
Samantala, ang ibabang bahagi naman ay tinawag na agora o pamilihang bayan. Napapaligiran
ng mga pamilihan at iba pang mga gusali na nagbigay daan sa malayang bilihan at kalakalan.

Agora – Isang bukas na lugar sa gitna ng lungsod


kung saan maaaring magtinda o magtipon-tipon ang mga tao.
Sa mga lungsod-estado, naramdaman ng mga Greek na sila ay bahagi ng pamayanan. Ito ang
dahilan kung bakit ipinagkaloob naman nila dito ang kanilang katapatan at paglilingkod. Hindi
lahat ng mga nasa lungsod – estado ay mamamayan nito. Ang mga lehitimong mamamayan ay
binigyang karapatang bomoto, magkaroon ng ari -arian, humawak ng posisyon sa pamahalaan,
at ipagtanggol ang sarili sa mga korte.

Bilang kapalit, sila ay dapat na makilahok sa pamahalaan at tumulong sa pagtatanggol sa mga


polis sa panahon ng digmaan. Ang lahat ng ito, dagdag pa ang paglago ng kalakalan, ay
nagbigay daan sa pag-unlad ng mga lungsod-estado. Kasabay nito ang mabilis na paglaki ng
populasyon na naging pangunahing dahilan naman kung bakit nangibang lugar ang mga Greek.
Ang iba ay napadpad sa paligid ng mga karagatang Mediterranean at Iton. Bagamat napunta sila
at nanirahan sa malalayong lugar, di nawala ang kanilang ugnayan sa pinagmulang lungsod –
estado o metropolis.

Mula sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang panig ng daigdig, natutuhan ng mga Greek ang mga
bagong ideya at teknik. Mula sa mga Phoenician ay nakuha nila ang ideya ng alpabeto na
naging bahagi naman ng kanilang sariling alpabeto. Ginamit din nila ang mga teknik ng mga
Phoenician sa paggawa ng mas malalaki at mabibilis na barko. Sa mga Sumerian naman ay
namana nila ang sistema ng panukat. Mula naman sa mga Lydian ay natutuhan nila ang
paggamit ng sinsilyo at barya sa pakikipagkalakalan.

SPARTA: Isang Mandirigmang Polis


Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus na nasa timog
na bahagi ng tangway ng Greece. Sa lahat ng mga lungsod-estado, ang Sparta lamang ang hindi
umasa sa kalakalan. Ito ay may magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na
angkop sa pagsasaka. Pinalawak ng mga Spartan ang kanilang lupain sa pamamagitan ng
pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at pangangangamkam nito. Ang mga magsasaka
mula sa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa
malawak nilang lupang sakahan. Samakatuwid, naging alipin ng mga Spartan ang mga helot.
Maraming pagkakataon na nag-alsa laban sa mga Spartan ang mga helot ngunit ni isa rito ay
walang nagtagumpay. Dahilan sa palagiang pag-aalsa ng mga helot, nagdesisyon ang mga
Spartan na palakasin ang kanilang hukbong militar at magtatag ng isang pamayanan ng mga
mandirigma upang maging laging handa sa kahit anong pag-aalsang gagawin ng mga helot.
Buhay ng isang batang spartan

Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ng mga kalalakihan


at kababaihang walang kinatatakutan at may malalakas na pangangatawan. Ang mga bagong
silang na sanggol ay sinusuri. Kapag nakitang mukhang mahina at sakitin ang isang sanggol ay
dinadala sa paanan ng kabundukan at hinahayaang mamatay doon. Samantala, ang malulusog
na sanggol ay hinahayaang lumaki at maglaro sa kani-kanilang bahay, hanggang sumapit ang
ikapitong taon nila. Pagsapit ng pitong taon, ang mga batang lalaki ay dinadala na sa mga kampo
– militar upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo militar. Malakas na
pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban, at katapatan ang ilan sa pangunahing
layunin ng pagsasanay. Tinitiis nila ang mga sakit at hirap nang walang reklamo. Pinapayagan
lamang sila na makita ang kanilang pamilya sa panahon ng bakasyon. Sa gulang na 20, ang mga
kabataang lalaki ay magiging sundalong mamamayan at ipinapadala na sa mga hangganan ng
labanan. Sa edad na 30, sila ay inaasahang mag-aasawa na ngunit dapat na kumain at manirahan
pa rin sa kampo, kung saan hahati na sila sa gastos. Sa edad na 60, sila ay maaari nang magretiro
sa hukbo.
Estatwa ni Haring Leonidas bayani ng Labanan ng
Thermophylae

Sa lipunan ng mga Spartan, ang lahat ay nakikiisa upang mapigilan ang mga pag-aalsa ng mga
helot. Maging ang mga kababaihan ay sinasanay na maging matatag. Di tulad ng mga
kababaihang Greek na limitado ang ginagampanan sa lipunan, ang mga kababaihang Spartan ay
maraming tinatamasang karapatan. Sila ang mga nag-aasikaso ng lupain ng kanilang mga
asawa habang ang mga ito ay nasa kampo militar. Nangunguna din sila sa mga palakasan at
malayang nakikipaghalubilo sa mga kaibigan ng kani-kanilang mga asawa habang masaya
silang nanonood ng mga palarong tulad ng pagbubuno o wrestling, boksing, at karera.

Ang Sparta ang responsable sa pagkakaroon ng pinakamahusay na sandatahang lakas sa buong


daigdig. Sa simula, labu – labo kung makipagdigma ang mga Greek. Oo nga’t sama-samang
nagmamartsa sa lugar ng digmaan, ang mga sundalo ay isa-isang nakikipaglaban sa mga kaaway
hanggang sila ay manghina at mamatay. Nang lumaon ang mga Griyego, lalo na ang mga
Spartan, ay mas naging maparaan sa kanilang pakikipagdigma. Sa halip na lumusob ng isa-isa sa
mga kalaban, sila ay nananatiling sama-sama sa pagkakatayo pasulong man o paurong sa
labanan, hawak ang pananggalang sa kaliwang kamay at espada naman sa kanan. Ang hukbong
ito na tinaguriang phalanx ay karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga
mandirigma. Kapag namatay ang mga sundalo sa unang hanay, ito ay mabilis na sinasalitan ng
susunod pang hanay. Ang phalanx ay hindi mga bayarang mandirigma, sila ay tagapagtanggol ng
kanilang polis.
Phalanx

Higit na binigyang halaga ng Sparta ang pagkakaroon ng malalakas at magagaling na sundalo.


Nanatili rin ang Sparta sa pagkakaroon ng pamahalaang Oligarkiya.

Kabihasnang Klasiko ng Greece: Ang Athens at ang Pag-unlad nito

Ang Athens at ang Pag-unlad nito

Kumpara sa Sparta na pangunahing layunin ang magpalakas at sumakop ng ibang lupain, ang Athens ay
namuhay upang maging minero, manggagawa ng ceramics, mandaragat, at mangangalakal.

Ang Athens noong 600 BCE ay isa lamang maliiit na bayan sa gitna ng tangway ng Greece na tinatawag
na Attica. Hindi angkop sa pagsasaka ang buong rehiyon kaya naman ang karamihan sa mga
mamamayan nito ay nagtatrabaho sa minahan, gumagawa ng ceramics, mandaragat, at mangangalakal.

Pinamunuan noon ang Athens ng mga Tyrant o pinunong umabuso sa kanilang kapangyarihan. Bago pa
ito, pinamunuan muna ng haring nahalal ng asemblea at mga payo mula sa konseho ng mga maharlika.
Ang asemblea ay binubuo ng mga mamamayan na may malaking kapangyarihan at pinamumunuan ng
Archon na pinapaburan ng mga may kaya sa lipunan. Hindi naglaon, naghangad ng pagbabago ang mga
artisano at mangangalakal. Upang mapigil ang lumalalang sitwasyon, nagpagawa ng batas ang mga
aristokrata o mayayamang tao. Si Draco na isang tagapagbatas ay nagsulat ng batas na nagbigay-daan sa
pagkakapantay-pantay sa lipunan at binawasan ng kapangyarihan sa mga namumuno. Hindi pa rin ito
ikinasiya ng mga simpleng mamamayan kaya naghangad pa ito ng maraming pagbabago. Marami sa
kanila ang nagpaalipin upang makabayad sa kanilang utang.
Nagkaroon ng pagbabago noong 594 BCE sa pangunguna ni Solon na mula sa pangkat ng aristokrasya na
yumaman sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan. Inalis niya ang pagkakautang ng mahihirap at
ginawang ilegal ang pagkakaalipin dahil sa utang. Gumawa rin siya ng sistemang legal na magbibigay ng
kalayaan sa kalalakihan na maging hurado sa korte. Ito ay nagbigay kapangyarihan sa mga simpleng
mamamamayan. Nagsagawa rin si Solon ng repormang pangkabuhayan para sa mga mahihirap subalit
hindi pa rin ang naging dahilan para maging kuntento ang mga simpleng mamamayan.

Noong 546 BCE, namuno si Pisistratus sa Athens. Bagamat mayaman siya, nakuha naman niya ang
suporta at tiwala ng mga simpleng mamamayan. Sa kanyang pamumuno, ipinamahagi niya ang mga
lupaing sakahan sa walang lupa, nagbigay rin siya ng pautang at nagbukas ng malawakang trabaho sa
malalaking proyektong pampubliko, at pinabuti niya ang sistema ng patubig.

Naganap muli ang pagbabago sa sistemang ng Athens noong 510 BCE sa pangunguna ni Cleisthenes. Sa
kanyang pamumuno, hinati niya ang Athens sa sampung distrito. Limampung kalalakihan ang
magmumula sa bawat distrito at maglilingkod sa konseho ng tagapayo upang bumuo ng batas sa
Asembleya - ang tagagawa ng mga batas na pinaiiral sa lugar. Nagkaroon dito ng pagkakataon na
makaboto ang mga mamamayang may pagmamay-ari ng lupa at wala. Binigyan din ng pagkakataon ang
mga mamamayan na ituro ang taong banta sa Athens kada taon upang maipanatili ang kalayaan ng
lugar. Sa sistemang ito na tinatawag na Ostrakon, ang mga mamamayan ay magsusulat ng pangalan sa
pira-pirasong palayok ng taong nais ipatapon o itakwil ng Athens. Kapag nakakuha ng mahigit 6,000 na
boto ang isang tao, ipapatapon o itatakwil siya palabas ng Athens sa loob ng sampung taon. Ostracism
ang tawag sa sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil. Sa sistemang ito, nabigyan ng malaking
kapangyarihan ang mga mamamayan.

Noong 500 BCE, isinilang ang demokrasya sa Athens. Ito ang pinakamahalagang naganap noon dahil sa
pagpapatupad ng maraming reporma sa Athens.
Banta ng Persia

Mapa ng Digmaang Persiano

 Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo nito sa kanluran.


 Noong 546 B.C.E., sinalakay ni Cyrus the Great ang Lydia sa Asia Minor.
 Ipinagpatuloy ni Darius I, ang nagmana ng trono ni Cyrus the Great, ang hangaring ito.
 Noong 499 B.C.E., sinalakay niya ang mga kalapit na kolonyang Greek. Nagpadala ng
tulong ang Athens ngunit natalo ang mga kolonyang Greek sa labanang pandagat sa
Miletus noong 494 B.C.E.
 Bagamat natalo ang puwersa ng Athens, nais ni Darius na parusahan ang lungsod sa
ginawang pagtulong at gawin itong hakbang sa pagsakop sa Greece.
 Bilang paghahanda sa napipintong pananalakay ng Persia, sinimulan ng Athens ang
pagpapagawa ng isang plota o fleet na pandigma.

You might also like