You are on page 1of 48

Kabihasnang

Greek
Klasikal na
Panahon ng Europa
Heograpiya ng Kabihasnang
Greek
• nakasentro sa karagatan
• mabundok ang Greece kaya watak-
watak ang mga lungsod-estado
• ang klima ay angkop sa pagtatanim
ng ubas, olive, trigo at barley
• dahil malapit sa karagatan, naging
mga mangangalakal at
mangingisda ang mga tao
Heograpiya ng Kabihasnang
Greek
• umangkat ng mga produkto sa:
Egypt at Italy – butil-pagkain
Phoenicia at Sicily – prutas
Cyprus – tanso
Egypt – glassware
Phoenicia – dye
Africa - ivory
Panahong Hellenic (800-400 BCE)
• tawag ng Greek sa kanilang sarili ay
Hellenes
– Hellas – kabuuang lupain ng sinaunang
Greece
• namayagpag ang kabihasnan dahil sa
mga paligsahan ng mga laro bilang
parangal kay Zeus
• naganap ang unang laro sa Olympia
noong 776 BCE at ipinagpapatuloy
tuwing apat ng taon sa loob ng 1170
na taon
Panahong Hellenic (800-400 BCE)
• pawang mga lalaki ang mga manlalaro
sa mga larong:
– takbuhan
– boksing
– wrestling
– Paghahagis ng javelin at discus
• hubad ang mga manlalaro bilang
pagpupugay sa kagandahan ng
katawan ng tao
• ang nanalo ay binigyan ng putong na
yari sa dahon ng olive at
pinararangalan ng habangbuhay na
pagkilala
Polis
• dahil sa digmaan bago ang Panahong
Hellenic, nagtayo ang mga Greeks ng
kuta sa gilid ng mga burol at taluktok
ng bundok upang maprotektahan ang
sarili sa pagsalakay ng iba’t ibang
pangkat
• nagsimula ang mga lungsod-estado o
polis
• pulisya at politiko – hango ang mga
salitang ito sa polis
• may malalaki at maliit na polis
Polis
• dapat ay binubuo ng 5000 na
kalalakihan dahil ang mga lalaki
lamang ang natatala sa bilang ng
talaan ng populasyon
• karamihan ng polis ay may mga
pamayanang matatagpuan sa
matataas na lugar na tinatawag na
acropolis (mataas na lungsod)
• matatagpuan sa acropolis ang
matatayog na palasyo at templo kaya
naging sentro ito ng politika at relihiyon
ng Greeks
Polis
• samantala, ang ibabang bahagi ng
polis ay tinatawag na agora
(pamilihang bayan)
• napaliligiran ang agora ng mga
pamilihan at ibang gusali na nagbigay-
daan sa malayang bilihan at kalakalan
• Sa lungsod-estado, ramdam ng mga
Greeks na bahagi sila ng pamayanan
– Ibinigay nila ang kanilang katapatan at
paglilingkod sa polis
Polis
• Ang mga lehitimong mamamayan ay
binibigyang karapatang:
– bumoto
– magkaroon ng sariling ari-arian
– humawak ng posisyon sa pamahalaan
– ipagtanggol ang sarili sa korte
• Ang mga mamamayan ay dapat
makilahok sa pamahalaan at tumulong
sa pagtatanggol sa panahon ng
digmaan
• Lumago ang kalakalan at umunlad ang
lungsod-estado
Polis
• Mabilis ang paglaki ng populasyon na
naging dahilan sa paglipat ng ibang
lugar ng mga Greek
• Bagamat lumipat ng tirahan, hindi
nawala ang ugnayan sa pinagmulang
lungsod estado o metropolis
Impluwensiya sa Greek
• Phoenician
– nakuha ang ideya ng alpabeto at
ginawang batayang ng sarili nilang
alpabeto
– paggawa ng mas malaki at mabilis na
barko
• Sumerian – sistema ng panukat
• Lydian – paggamit ng sinsilyo at barya
sa pakikipagkalakalan
Sparta
• pamayanan ng mandirigma
• itinatag ng mga Dorian sa
Peloponnesus (timog na bahagi ng
tangway ng Greece)
• hindi umasa sa kalakalan sapagkat
may magandang klima, patubig at
matabang lupa na angkop sa
pagsasaka
• nagpalawak ng lupain sa pamamagitan
ng pagsakop sa karatig na lupang
sakahan
Sparta
• ang mga magsasakang mula sa
nasakop na lugar ay dinadala sa
Spartan upang maging helot o
tagasaka sa malawak na lupain
• ginawang alipin ang mga helot
• maraming pagkakataon na nagalsa
ang helot laban sa Spartan subalit
hindi sila nagwawagi
• nagdesisyon Spartan na palakasin ang
hukbong militar upang maging handa
sa pag-aalsang gagawin ng mga helot
Sparta
• pangunahing mithiin ng lungsod-
estado ng Sparta ay magkaroon ng
kalalakihan at kababaihan na
walang kinatatakutan at malakas
ang pangangatawan
• Ang mga bagong silang na sanggol ay
sinusuri
– kapag mahina, dinadala sa paanan ng
bundok at hinahayaang mamatay
– kung malusog, hinahayang lumaki at
maglaro sa tahanan
Sparta
• kapag 7 taon na, ang batang lalaki ay
dinadala sa kampo-militar upang
magsanay at madisiplina:
– malakas na pangangatawan
– katatagan
– kasanayan sa pakikipaglaban
– katapatan
• pinapayagan na makita ang pamilya
tuwing bakasyon
• pagsapit ng 20 na edad, magiging
sundalong mamamayan ang
kabataang lalaki at ipinadadala sa
hangganan ng labanan
Sparta
• sa edad na 30 na taon, inaasahang
mag-aasawa ngunit dapat kumain at
manirahan sa kampo
• pagdating ng 60 na taon, maaari ng
magretiro ang sundalo sa hukbo
Lipunan ng Sparta
• lahat ay nakikiisa upang mapigilan ang
pag-aalsa ng mga helot
• maraming natatamasang karapatan
ang kababaihang Spartan
– nagaasikaso ng lupain ng kanilang asawa
– pampalakasan
– malayang pakikihalubilo sa kaibigan ng
kani-kanilang asawa
– manood ng mga palaro (pagbubuno,
wrestling, boksing at karera)
Militar ng Sparta
• pinakamahusay na sandatahang lakas
• sa simula, labo-labo sila kung lumaban
– isa-isa nakikipaglaban sa mga kaaway
• nang lumaon, sama-sama sa
pagkakatayo pasulong o paurong sa
labanan hawak ang pananggalang sa
kaliwang kamay at espada sa kanang
kamay
• Phalanx – binubuo ng 16 na hanay ng
mandirigma
– kung namatay ang unang hanay, agad-
agad itong napapalitan
Phalanx
Athens
• 600 BCE – isang maliit na bayan sa
gitna ng tangway ng Greece na
tinatawag na Attica
• hindi angkop ang pagsasaka kaya
natratrabaho sila sa minahan at
gumagawa ng ceramics, o nagiging
mangangalakal o mandaragat
• hindi nanakop ng kolonya at sa halip
ay nagpalawak lamang ng lupain at
ang ibang lugar ay sumali sa kanilang
pamamahala
Athens
• Tyrant – pinunong nagsusulong sa
karapatan ng tao at maayos na
pamahalaan
– may ibang naging abuso sa posisyon
kaya nabago ang kahulugan ng tyrant
(malupit na pinuno)
• inihahalal ang hari ng asembleya ng
mamamayan at pinapayuhan ng mga
konseho ng maharlika
• binubuo ng mahaharlika ang konseho
ng mayayaman na may malalaking
kapangyarihan
Athens
• Archon – pinuno ng asembleya na
pinapaburan ang mga may kaya ng
lipunan
– dahilan nito, nagnais ng pagbabago ang
mga artisano at mga mangangalakal
• upang mapigilan ang mga karaniwang
tao, gumawa ang mga aristokrata ng
batas sa tulong ni Draco
– ngunit ginawa ni Draco ang
pagpantay-pantayin ang lipunan at
binawasan ang kapangyarihan ng mga
namumuno
Athens
• marami pa ring hindi nakuntento sa
batas, naging alipin at nagkaroon ng
malaking pagkakautang
• 594 BCE – Sa tulong ni Solon na mula
sa pangkat ng mga Aristokrata at kilala
bilang matalino at patas, inalis niya
ang pagkakautang mga mahihirap at
gumawa ng sistemang legal kung saan
maaaring makipagkalakalan ang mga
kalalakihang ipinanganak sa isang
Athenian at sila ay maaaring maging
hurado sa korte
Athens
• nagsagawa si Solon na repormang
pangkabuhayan upang maisulong ang
dayuhan kalakalan at mapabuti ang
pamumuhay ng mahihirap
• para sa mga aristokrata, labis na
pinaburan ni Solon ang mga mahihirap
• solon – ginagamit sa kasalukuyan
bilang tawag sa kinatawan ng
pambansang pamahalaan sa umuugit
sa batas
Athens
• 546 BCE – namuno sa Pisistratus sa
pamahalaan ng Athens
• Bagamat mayaman, nakuha niya ang
suporta ng mga karaniwang tao
• mas radikal na ipinatupad ang
pamamahagi ng malalaking lupang
sakahan sa walang lupang magsasaka
• nagbigay din siya ng pautang
• nagbukas ng proyektong pambuliko
• pinabuti din niya ang sistema ng
patubig
Athens
• 510 BCE – Sa pamumuno ni
Cleisthenes, nagbago ang sistemang
politikal sa pamamagitan na paghati sa
10 distrito
– 50 na kalalakihan ang magmumula sa
bawat distrito at maglilingkod sa konseho
ng tagapayo upang gumawa at ipairal ang
mga batas sa Asembleya
• Sa kauna-unahang pagkakataon,
nakaboto ang mga mamamayan may-
ari ng lupa o wala
Athens
• ipinatupad din ni Cleisthenes ang
sistema na sa bawat taon ay nagtuturo
ang mga mamamayan ng mga taong
nagsisilbing panganib sa Athens
• kung sakaling makakuha ng 6000 na
boto, siya ay palalayasin ng 10 taon
• isinulat ito sa pira-pirasong palayok
(Ostrakon)
• Ostracism – sistema ng
pagpapatapon o pagtatakwil sa isang
tao
Athens
• 500 BCE – dahil sa repormang
naipatupad, naganap ang pagsilang ng
demokrasya sa Athens kung saan
nagkaroon ng bahagi ang mga
mamamayan sa pamamalakad ng
kanilang pamahalaan
Banta ng persia
• 546 BCE – sa paghahangad ng Persia
na palawakin ang teritoryo, sinalakay
ni Cyrus the Great ang Lydia sa Asia
Minor
• ipinagpatuloy ni Darius I ang
hangaring ito
• 499 BCE – sinalakay nila ang kalapit
na kolonyang Greek
– nagpadala Athens ngunit natalo ang
kolonyang Greek sa labanang pandagat
sa Miletus noong 494 BCE
– nais ni Darius na parusahan ang Athens
Banta ng persia
• Sinimulan ng Athens na gumawa na
fleet bilang paghahanda
• Tinawag itong Digmaang Graeco-
Persia (499-479 BCE)
• 490 BCE – naganap ang unang
pagsalakay ng Persia subalit tinalo nga
10,000 puwersa ng Athens ang 25,000
na puwersa ng Persia
• Ipinagpatuloy ng anak ni Darius na si
Xerxes ang digmaan
Banta ng persia
• Sa ilalim ni Xerxes, naganap ang
labanan sa Thermopylae (makipot na
daanan sa gilid ng bundok ng Central
Greece)
• Ipinagkanulo ng isang hindi kilala
Greek ang isang lihim na daanan
patungo sa kampo ng Greek
• Sa pamumuno ni Leonidas, lumikas
ang mga tao habang pinagtatanggol
ng kanyang puwersa ang Thermopylae
Banta ng persia
• Dinala ni Themistocles ang labanan
sa dalampasigan ng pulo ng Salamis
kung saan ang dagat ay makipot
• Nahirapan iwasan ng malalaking barko
ni Xerxes
• Binutas ng maliliit na barko ng Athens
ang mga barko ng Persia
• Natalo si Xerxes sa pakikipagalyansa
ni Pausanias ng Sparta
– Kabilang sa alyansa ang Athens, Sparta,
Corinth at Megara
Digmaang Peloponnesian
• Sa pamumuno ni Pericles, nais
niyang mapanatili ang
kapayapaan sa kalapit ng lungsod
estado kasama na rin ang Persia
• Naging maunlad at
makapangyarihan ang Athens at
kinontrol nila ang Delian League
– Sa panahon Delian League, naging
isang ganap na imperyo ang Athens
Digmaang Peloponnesian
• Ang ibang lungsod estado kasama ang
Sparta at Corinth ay nagtatag na sarili
nilang alyansa na tinawag na
Peloponnesian League
• 431 BCE – nilusob ang Sparta ang
mga karatig pook ng Athens
• Batid ni Pericles na mahusay na
mandirigma sa lupa ang mga Sparta
kaya inatasahan niya ang
sandatahang lakas ng Athens na
lusubin ang karagatan ang mga
Spartan
Digmaang Peloponnesian
• 429 BCE – lumaganap ang sakit sa
Athens ay ikinamatay ng libo-libong
tao kasama si Pericles
• Lahat ng pumalit kay Pericles kasama
si Alcibiades ay hindi nagtagumpay
• Tumakas si Alcibiades sa Sparta
• Pinaglingkuran ni Alcibiades ang mga
Sparta
• Hindi naglaon, bumalik siya sa Athens
at binigyang muli ng pagkakataon
mamuno
Digmaang Peloponnesian
• Naipanalo ni Alcibiades ang ilang
laban nila sa Sparta subalit lubhang
malakas ang mga Sparta
• 404 BCE – sumuko ang mga Athenian
at ipinapatay ng mga Spartan si
Alcibiades
• 27 taon ang Digmaang Peloponnesian
– nagkaroon ng malawakang pagkawasak
ng ari-arian at pagkamatay ng tao
– lumala ang suliranin sa kawalan ng
hanapbuhay
– pagtaas ng presyo ng bilihin at
– kakulangan sa pagkain
Imperyong Macedonian
• Hinangad ni Philip, hari ng Macedonia
na pagisahin ang Greece
• 338 BCE – sinugod at tinalo ng
Macedonia ang Athens at Thebes at
naging hudyat ito ng pagtatapos ng
kapangyarihan ng lungsod estado
• Naging tanyag ang anak ni Philip na si
Alexander the Great
Alexander The Great
• Naging guro niya si Aristotle
• Magaling na mandirigma
• 21 taong gulang siya, namatay ang
kanyang ama at siya ang naging hari ng
Macedonia at Greece
• Sinalakay nila ang Persia at Egypt at
tumungo sa Afghanistan at Hilagang India
• Pinalaganap niya ang kaisipang Greek
sa Silangan
• 323 BCE – 32 taon gulang, namatay si
Alexander sa Babylon sa hindi malaman
na dahilan
Pangkatang Gawain – Pag-uulat ukol
sa Ambag ng Kabihasnang Greek
• Pangkat 1 - Pananampalataya
• Pangkat 2 - Arkitektura
• Pangkat 3 - Eskultura
• Pangkat 4 - Pagpipinta
• Pangkat 5 - Dula at Panitikan
• Pangkat 6 - Pilosopiya
• Pangkat 7 – Agham at Medisina
Gabay na tanong sa Pag-uulat

• 1. Ano-anong mga mahahalagang


naiambag ng Greek sa paksang
tatalakayin? Pumili lamang ng tatlong
konsepto.
• 2. Sa papaanong paraan ito nakatulong
upang umunlad sa kabihasnan?
• 3. Ano naging epekto nito sa
kasalukuyan?

You might also like