You are on page 1of 5

Kabihasnang Africa

KABIHASNANG KLASIKAL NG AFRICA


• Ang Africa ay tinawag na Dark Continent ng kanluranin dahil ito ay hindi pa naggagalugad ng mga Europeo at maaaring
ang mga taong nakatira rito ay kulay itim ang balat.
• Malaking bahagi nito ay ang disyerto ng Sahara. Kahit ito ay disyerto, naging malago ang kalakalan dito noon

TRANS-SAHARAN TRADE
• Ang trans-saharan trading ay umunlad sa pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan.
• Tinatawid ng mga nomadikong mangangalakal ang Sahara sa pamamagitan ng Caravan, dala-dala ang iba't-ibang uri ng
kalakal
• Kamelyo ang kanilang gamit sa paglalakbay.
• Kasabay nila ang mga Caravan sa pag-lalakbay

ANG KATANGIANG PANG-HEOGRAPIYA


• Ang simula at pag unlad ng sinaunang Aprika ay impluwensya ng heograpiya.
• Ang Aprika ay pangalawang pinkamalaking kontinente sa daigdig.
• Binubuo ng disyerto: sa timog ay matatagpuan ang Kalahari Desert at sa hilagang bahagi naman ay matatagpuan sa
Sahara desert.

Oasis - ay lugar sa disyerto kung saan may matatagpuang mga halaman na tumutubo sa disyerto at mga bukal ng tubig.
• Sa gitna ng kontinente ay isang tropikal at maulang gubat na kadalasan ay umuulan mula lima hanggang walong
pulgada sa isang taon.

Savanna - Ito ay nasa pagitan ng gubat at malawak na disyerto. Ito din ay isang kapatagan kung saan maraming talahib
at damo na tumutubo. Marami sa taga-Aprika ay naninirahan dito.

MGA IMPERYONG PANGKALAKALAN


Kalakalan - pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay sa mga imperyo sa Aprika.
• Lumago ang mga pamayanan sa Aprika na kinalaunan ay naging imperyo.

IMPERYONG AXUM
100 CE: Sumibol ang Axum sa Silangang Africa na malapit sa Red Sea (ngayon ay Ethiopia)
Lumago ang kalakalan kaya't sila ay umunlad. Nangangalakal sila mula sa Persia at Arabia.
Haring Ezana ng Meroe ang kanilang pinuno.

Stelae/Obelisk ng Axum
• Mga naglalakihang bato na nililok upang maging Obelisk saka itinayo.
• Iniutos ni Haring Ezana ang pagpapatayo ng obelisk bilang pagpapaalala ng kanyang tagumpay.

Lalibela -Dahil sa simbahang natagpuan na ito isinasabi na lumaganap din ang Kristiyanismo sa panhong ito.

IMPERYONG KUSH
• 700 BCE: Naagaw ng mga Kushite ang upper Egypt at nagtungo sa Timog at nagapi ang Meroe na sentro ng kalakalan
sa hilagang-silangang asya.
• 200 CE: Naging makapangyarihan ang Kush sa Africa.

IMPERYONG GHANA
• Unang dakilang imperyo sa kanlurang Africa.
• Matatagpuan sa kasalukuyang Mauritania, Mali at Senegal.
• Sentro nito ang Sudan
• Soninke: ang unang taong nanirahan dito
• Naging maunlad dahil sa kalakalan at nakontrol ang rutang ito.
• Naningil ng buwis mula sa kalakalan sa gubat at disyerto.
• Kolumbi Saleh ang naging sentro ng Impryong Ghana.
• Ang mga Berbers ang mga taong nanirahan sa disyerto at nagsasagawa ng kalakalan ng asin at ginto sa Ghana.
• Pinakamyamang minahan ng ginto sa panahong iyon
• Marami silang nakukuhang ginto sa Bambuk at ilog Senegal.
• Ito ay tinatawag na “Lupain ng Ginto"
• Sundiata Keita ang naging pinuno ng bandang huli.

• Sakop ng teritoryo ng Ghana ang rutang daanan ng kalakalan ng mga caravan ng ginto mula sa Mali at asin mula sa
hilagang disyerto.
• Asin - mahalagang kalakal. Kailangan ito pang preserba sa pagkain.
• Umunlad ang ang imperyo dahil sa pagpataw ng buwis. .
• Ang kalakalan din ang nagbigay-daan sa pagpasok ng kulturang Muslim.

• Nakatulong din ang bakal sa pagpapaunlad ng imperyong Ghana.


• Noong 300 BCE, natutong gumawa ng iba't ibang gamit tulad ng mga sandatang kahoy, buto, at buto ang mga taga-
Ghana. Ito ang dahilan ng pangunguna nila sa larangang militar.
• 300 taon - Nakontrol nila ang malaking bahagi ng lupain sa kanlurang Aprika at Europa.

ANG PAGBAGSAK NG GHANA


• Noong 700 C.E., Lumaganap ang relihiyon islam sa Hilagang Aprika
• Sinakop sila ng mga Almoravid noong 1055 C.E. Sinira nila ang iba pang lungsod ng imperyo
• Hindi rin nag nagtagal at napaalis din nila ang mga taga almoravid.
• Noong 1420 C.E. ang Ghana ay naging bahagi na ng imperyong mali

IMPERYONG MALI
• Pumalit ito bilang makapangyarihan sa kanlurang Sudan.
• log Niger at Ilog Senegal ang naging sentro nito.
• Itinatag ni Sundiata Keita
• Nagsimula ito sa Kangaaba; isang maliit na outpost ng Imperyong Ghana.
• Inilipat sa Niani ang kanilang kabisera
• Islam ang kanilang pangunahing relihiyon
• "Mansa" ang tawag sa hari nila na ibi sabihin ay "emperor o sultan"
• Si Mansa Musa ang tanyag na hari dito. Siya ang pinakamayamang hari noon. Tinatayang 400 bilyon dollars.
• Ang paglalakbay ni Musa sa Mecca ay naging dahilan ng pagyakap niya sa Islam. Ang paglakbay nya ay naging
pinakamarangya sa kasaysayan. Binabahagi niya ang kanyang kayamanan sa mg lungsod na dinaraan.
• Binubuo ng 3 estado at 12 na lalawigan
• Timbuktu: sentro ng kaalaman at komersyo sa kanlurang Sudan
• Djenne at Gao: naging kabisera din ng Songhai. Naging malawak ang imperyo dahil kay Mansa Musa.

• Ikalawang pinakamalaking imperyo sa daigdig.


• Sundiata – unang pinuno o emperador ng mali.
• Niana – ang kabisera ng imperyo.
• Mansa Musa – sumunod na magaling na pinuno
• Timbuktu – naging sentro ng kaalamang muslim.

IMPERYONG SONGHAI
• Si Askia Muhammad ang kumontrol ng silangang teritoryo ng Mali kabilang ang sentro ng komersyo at minahan.
• Naging makapangyarihan sa kanlurang Africa na naninirahan sa baybayin ng ilog Niger.
• Nakipagkalakalan sa mga Berber sa ruta ng ilog niger.
• Si Dia Kossoi; hari ng Songhai ay tinanggap ang Islam
• Gao: ang naging kabisera
• Timbuktu: naging sentro ng karunungan at kalakalan
• Sunni Ali Ber: ay isa sa pinakamatapang na hari ng Songhai, namatay pagkatapos ng 28 na taong pamumun
• Hinati ang imperyo sa lalawigan at nagtalaga ng Gobernador
• Noong 1600 na siglo ang Songhai ang pinakamalaking Imperyo sa Africa, saklaw nito ang Gambia, Senegal, Mali,
Mauritania, Guinea.

KAHARIANG BENIN
• Pinakamaunlad at pinakamatagal na kaharian sa kagubatan ng kanlurang Africa
• Itinatag ng mga Edo
• Matatagpuan ito sa kasalukuyang Nigeria
• Benin city ang kabisera nito
• Ang palasyo ng Oba ay may dekorasyon na gawa sa tanso
• Tanyag sila sa sining at arkitektura.

• Oba Ewuare: ang pinuno nito na nagpalawak at nagpaunlad ang kaharian. Binigyang proteksyon ang nasasakupan na
hindi ipagbili ang mga alipin sa mga Europeo.
• Nasakop sila ng British Nigeria ng lumaon.

KAHARIANG ZIMBABWE
• Naging sentro ng minahan ng ginto sa timog-silangang Africa.
• Yumaman ito dahil sa malaking reserba ng ginto.
• Malalaki ang mga palasyo rito na napapaligiran ng mga pader na tinatawag na "Great Enclosure”
• Ang ibig sabihin ng Zimbabwe sa salitang bantu ay “Bahay na bato”
• Sinasabing pinakamatandang guho sa Sub-Sahara Africa
• Sumibol ito ng ika-10 na sig, itinayo sa isang burol ang palasyo upang hindi agad masalakay ng Tsetse fly
• Gawa sa bato ang kanilang kaharian.
• Tsetse fly – isang uri ng insekto na naninirahan sa kagubatan, nakamamatay na "Sleeping sickness" sa tao at hayop.

V1: Klasikong Kabihasnan sa Africa, America at mga Pulo ng Pacific


Ang panahon ng klasiko ay ang pag-usbong at pag-unlad sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay ng mga tao.
Klasikong Kabihasnan ng Africa:
Kaharihan ng Axum (Aksum)
• Sentro ng kalakalan noong 350 CE. Malawak ang pakikipagkalakalan nito at sa katunayan ito ay may pormal na
kasunduan ng kalakalalan sa mga Griyego.
• Mga elepante, ivory, sungay ng rhinoceros, pabango, at pampalasa o rekado ang karaniwang kinakalakal sa
Mediterranean at Indian Ocean.
• Kapalit nito, umaangkat ang mga Axum ng tela, salamin, tanso, bakal, at iba pa.
• Kristiyanismo ang naging opisyal na relihiyon ng kaharian ng Axum noong 395 CE.
Sa kabilang dako, ang kanlurang Africa ay naging tahanan din ng mga unang kabihasnan. Dito umusbong ang imperyo ng
Ghana, Mali, at Songhai.

Imperyo ng Ghana
• Ang Ghana ang unang estado na naitatag sa kanlurang Africa
• Sumibol ang isang malakas na estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa timog na dulo ng kalakalang
Trans-Sahara.
• Nagkaroon sa Ghana ng malaking pamilihan ng iba’t ibang produkto. Tulad ng ivory, ostrich, feather, ebony, at ginto.
• Ito at ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso, figs, dates, sandatang yari sa baka, katad at iba pang produktong wala
sila.

Imperyo ng Mali
• Ang Mali ang tagapagmana ng Ghana. Nagsimula ang Mali sa estado ng Kangaba, isa sa mahalagang outpost ng
Imperyo ng Ghana.
• Sundiata Keita – Ang pag-akyat ng Mali sa kapangyarihan ay sinimulan ni Sundiata Keita.
– Noong 1240 CE ay sinalakay niya at winasakan ng imperyo ng Ghana.
– Sa pamamagitan ng patuloy na pananalakay, ang imperyo ng Mali ay lumawak
– Sa kanyang pagpanaw noong 1255, ang Imperyo ng Mali ang pinakamalaki at pinakamakapangyarihan
sa buong kanlurang Sudan.

Imperyo ng Songhai
• Simula a noong ikawalong siglo ay nakikipagkalakalan na ang Songhai sa mga Berber (pangkat etniko mula sa Hilagang
Africa
• Maliban sa kalakal, ay dinala rin ng mga Berber ang impluwensiya ng kanilang paniniwala sa relihiyong Islam.
• Sa pagsapit ng 1010 CE, ay tinaggap ni Dia Kossoi ang relihiyong Islam.

V2: Kabihasnang Klasikal sa Africa: Ghana, Mali, at Songhai


• Ang pag-unlad ng kabihasnan sa Africa ay may malaking kinalaman sa heograpiya nito. Ang Africa ang pangalawang
pinakamalaking kontinente sa ating daigdig.
• Para sa mga kanluranin, ang Africa ay itinuturing nila bilang Dark Continent. Ito ay sa kadahilanang nahirapan silang
halughugin ang kontinente at kakaunti lamang ang kanilang nalalaman ukol dito bago pa dumating ang 19 th century.
• Malaking bahagi ng Africa ay binubuo ng mga disyerto. Sa katunayan, sa hilaga, matatagpuan ang Sahara Desert.
Habang sa timog naman, makikita ang Kalahari Desert. Sa gitna ng Africa, makikita ang mga tinatawag na Tropical
Rainforest.
• Sa pagitan ng mga gubat at disyerto, ay ang mga tinatawag na Savanna. Ang mga savanna ay ang mga kapatagan kung
saan maraming damo at talahib ang tumutubo. Marami ring mga taga-Africa ang nakatira sa bahaging ito.
• Tatlong sinaunang sibilisasyon ang umusbong sa kontinente ng Africa. Ito ay ang Ghana, Mali, at Songhai.

Imperyong Ghana
• Tinawag na Soninke ang mga taga-Ghana. Ito ang katawagan na ibinigay sa mga taong kabilang at nakatira sa
imperyong Ghana.
• Sila ay nakilala bilang masisipag na negosyante at mahuhusay sa pagpapanday. Sila rin ay nakilala dahil sa kanilang
panindang asin, ginto, at bakal na kanilang ipinagpapalit sa mga ivory at alpin.
• Dahil sa lokasyong taglay, lumago ang imperyo. Saklaw ng teritoryo ng Ghana ang rutang daanan ng kalakalan ng mga
caravan ng ginto mula sa Mali at asin mula sa hilagang disyerto.
• Mula rin sa mga dumaraang mga caravan ay nagpataw ng buwis ang mga taga-Ghana na lalong nagpalawak ng kaban
ng yaman ng kanilang imperyo.
• Natutong gumawa ng mga gamit tulad ng mga sandatahang kahoy, buto, at bato ang mga taga-Ghana. Ito ang dahilan
ng pangunguna nila sa larangan ng militar.
• Sa loob ng 300 taon, nakontrol ng Ghana ang malaking bahagi ng kanlurang Africa.
• Ang mga pangunahing lungsod ng Ghana ay binubuo ng Djenne, Timbuktu, at Koumbi.
• Ang Timbuktu ang sentro ng mga caravan na tumatawid sa Sahara. Ito rin ang sentro ng edukasyon at kalakalan.
• Ang Djenne ang sentro ng koleksiyon ng ginto at aliping nagmula sa mga kagubatan.
• Ang Koumbi ang kabiserang lungsod ng Ghana. Sa lugar na ito matatagpan ang palasyo ng hari na isang pook
tanggulan, mga pamilihan, at tirahan ng mga negosyante.
• Dahil sa pakikipagkalakalan ng mga taga-Ghana sa mga mangangalakal na Arabo, marami ang nahikayat na umanib sa
relihiyong Islam. Lalong lumaganap ang Islam dahil sa paaralang muslim na naitayo sa loob ng imperyo. Dahil ditp,
marami ang nahikayat na umanib sa Islam bilang relihiyon.
• Noong 1055 CE, sinakop ng mga Almoravid ang Ghana. Umabot ng 21 taon bago nasakop ng mga Almoravid ang
lungsod ng Koumbi. Sapilitan silang naningil ng mga buwis at nagpasanib sa relihiyong Islam. Dahil dito, maraming taga-
Ghana ang lumikas.

Imperyong Mali
• Naging bahagi ng Mali ang Ghana sa pamamagitan ng isang digmaan.
• Sa pamamagitan ng pamumuno ni Sundiata, ang kauna-unahang muslim na mansa o emperador ng Mali, lalong
napalawak ang imperyo. Dahil din dito, nakamtan ng Mali ang titulong ikalawang pinakamalaking imperyo sa buong
daigdig.
• Si Sundiata ay namili ng mga eksperto na siyang mangangasiwa sa iba’t-ibang aspekto ng lipunan. Piantunayan ng
aksiyong ito na siya ay mahusay na pinuno.
• Pinasigla ring muli ni Sundiata ang kalakalan ng asin at ginto sa Niani, ang kabisera ng imperyo.
• Yumaman ang Mali sa pakikipagkalakaran at naging sentro rin ito ng edukasyon o pag-aaral.
• Naging pinakadakilang lider ng Mali si Mansa Musa na umupo sa trono noong 1312 CE. Sa loob ng kanyang 25 taong
pamamahala, nagkaroon ng katahimikan sa loob ng imperyong Mali. Niyakap niya ang Islam bilang relihiyon at itinuro
ang konsepto ng hustisya batay sa Quran.
• Nakilala rin si Mansa Musa sa kanyang pagmamahal sa karunungan.
• Sa pagkamatay ni Mansa Musa, humina ang imperyong Mali at nagkaroon ng mga agawan sa trono.

Imperyong Songhai
• Noong 1450 CE, ang mayamang lungsod ng Gao ay lumitaw sa kanlurang Africa kung saan nag-umpisa ang imperyong
Songhai.
• Nakilala ang imperyong Songhai sa kanilang galing sa pakikidigma.
• Ang Ghana rin ang nagsilbing kabisera ng imperyo. Ang mga maharlikang diya ang nagsilbing pinuno ng Songhai. Ang
mga diya ang kinilalang bayani ng Songhai.
• Nakilala rin si Sunni Ali, na siya ring kilala sa pangalan na Ali Der o Ali the Great. Noong 1464 CE, naging pinuno siya ng
Imperyong Songhai.
• Sa kanyang taglay na galing sa pakikidigma, nakabuo siya ng mga hukbong pandagat at mga sundalong kabayohan na
naging daan upang kanyang masakop ang kabuoan ng Timbuktu.
• Ang Songhai ay isang mahusay na estado na naitatag sa kanlurang Africa. Ito ay isinaayos pa ni Askia Muhammad na
isa sa naging pinuno ng kaharian. Kanyang pinatatag ang Sistema ng transportasyon, komunikasyon, pagbubuwis, at
kalakalan ng mga ginto at asin. Gayundin, mas lalo niyang pinalakas ang Timbuktu bilang sentro ng imperyo.
• Noong 1591, sumalakay ang mga Morocco sa imperyo gamit ang mga pulbura at kanyon. Dahil dito, nagkawatak-watak
ang kaharian. Dahil din sa dami ng mga probinsyang humiwalay na nagbunsod sa pagtatapos ng isa sa mga
pinakamakapangyarihang imperyo sa buong daigdig.

You might also like