You are on page 1of 22

Ang Kabihasnang Egyptian

Group 4
Heograpiya ng Egypt
- Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang
tandaan
na ang tinutukoy na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain
o kung saan ang Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean
Sea. Samantala ang upper Egypt ay nasa bahaging katimugan mula
sa Libyan Desert, hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile na may 4,160
milya ang haba ay dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.
-Ang mga bansang may internasyunal na hangganan sa Egypt ay
ang sinasakop na Palestinian na teritoryo ng Gaza Strip, Israel,
Libya, at Sudan.
Kabisera ng Egypt
Ang Cairo ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng
Egypt. Ang metropolitan area ng lungsod ay ang
pinakamalaking sa Middle East at sa mundo ng Arab, at
ika-15 sa pinakamalaki sa mundo, at nauugnay sa
sinaunang Egypt, dahil ang sikat na Giza pyramid complex
at ang sinaunang lungsod ng Memphis ay matatagpuan sa
Heograpikal na lugar.
- Noon pa mang unang
panahon, ang Egypt ay
tinawg na bilang “Pamana ng
Nile” dahil kung wala ang
ilog na ito, ang buong lupain
nito ay magiging isang
disyerto.
Kronoholiya ng Kasaysayan ng Egypt
● Ang matandang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa
mga panahong batay sa dinastiya ng naghaharing pharoah.
Ang pharoah ay
ay tumatayong pinuno at
hari ng sinaunang
Egypt. Siya ay itinuturing
din bilang isang diyos
na taglay ang mga lihim ng
langit at lupa. Para sa mga
pharaoh sila ang
tagapagtanggol
sa kanilang nasakupan.
● Ang mga iskolar na nag-aaral ukol sa mahabang kasaysayan ng Egypt
ay tinatawag na mga Egytologist. Batay sa ilang mga tala, ang
kronolonhiya ng Egypt ay maaring hatiin sa sumusunod na mga
pagpapanahon:
- Pre Dynastic Period
- Early Dynastic Period
- Old kingdom
- First Intermediate Period
- Middle Kingdom
- Second Intermediate Period
- New Kingdom
- Third Intermediate Period
- Late Period
● Ang bawat dinastiya ay nangingibabaw
hangga’t hindi ito napapatalsik o kaya nama’y
walang tagapagmanang susunod sa trono.
Ang mga petsa ng mga kaganapan sa
kasaysayan ng Egypt ay patuloy pa ring paksa
ng mga pananaliksik. Kung kaya ang tiyak na
pagtatakda ng mga petsa, partikular sa mga
dinastiya, ay lubhang napakahirap.
Pre-Dynastic Period
(Bago ang panahon ng mga Dinastiya- Panahon bago ang
3100 BCE)
- Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga
pamayanang malapit sa Nile.
- Tulad ng mga panirahang matatagpuan sa Mesopatamia,
ang mga ito ay nasa ilalim ng pamamahala ng mga lokal na
pinunong may kontrol sa pakikipagkalakaran.
- Ang mga eskribano (Isa itong taong may natatanging pagsasanay
sa pagbasa at pagsulat ng mahusay)ay nakapaglinang din ng
kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na
Hieroglyphics(mga larawang titik na may kahulugan).
● Hieroglyphics- Ito ay isang
Sistema ng pagsulat na
nangangahulugang
“sagradong ukit” sa
wikang greek.
Ang sinaunang panulat na
ito ay nagging mahalaga sa
pakikipagkalakaran at
pagtatala ng mga kaganapan .
● Nomes - Malalayang pamayanan. Ang mga ito ang
nagsilbing batayan
ng mga binuong lalawigan ng mga sinaunangestado
ng Egypt.
● Nomarchs - Mga pinuno ng Nomes.
Unti unting nagbuklod ang mga ito para lumikha
ng isang estado sa Nile upang makabuo
ng mas malaking panrelihiyong pagkakakilanlan.
Early Dynastic Period
(Panahon ng mga Unang Dinastiya - Una at
ikalawang dinastiya)
• Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng Nile -
ang Upper Egypt at Lower Egypt.
Noong 3100 BCE., isang pinuno ng Upper Egypt sa
katauhan ni Menes, ang sumakop sa Lower Egypt na
nagbigay daan upang mapag-isa ang lupain sa
mahabang panahon.
● Menes - Isa sa mga
pinakaunang pharaoh sa
panahon ng mga Unang
Dinastiya ng Egypt.
Maliban sa pagkakaroon
ng isang pinag-isang
pangangasiwa, nagtalaga
rin siya ng mga
gobernador sa iba't ibang
lupain. Ang Memphis ay
naging kabisera ni Menes.
Old Kingdom
(Matandang Kaharian – Ikatlo hanggang ika-anim
na dinastiya.)
Tinawag itong panahon ng pyramid. Sa panahong
ito nagsimula ang pagtatayo ng mga piramide sa
Egypt na nagsilbing libingan ng mga pharaoh. Ang
mga pyramids na ito ay nagsilbi ring monumento
ng kapangyarihan ng mga pharaoh.
First Intermediate Period
(Unang Intermedyang Panahon - ika pito hanggang ika-labing-isang
dinastiya)
• Sa panahon ng 2160 B.C.E, tinangka ng mga panibagong pharaoh
na pagbuklurin muli ang Lower Egypt mula sa kabisera nitong
Heracleopolis.Sa kabilang dako, ang kanilang mga katunggali sa
Thebes ay binuo naman ang Upper Egypt.
• Dulot nito, nagsagupaan ang dalawang magkaribal na dinastiya sa
Egypt.
Ang mga pinuno mula sa Heracleopolis ay nagmula sa linya ng mga
Pharaoh na si Akhtoy samantalang ang unang apat na pinuno mula
sa Thebes ay pinangalanang Inyotef o Antef.
Middle Kingdom
(Gitnang Kaharian – ika-12 at ika-13 na dinastiya)
Ang kaguluhang politikal ay nagtapos nang manungkulan si
Mentuhoteo. Sa mga sumunod na naghari, napag-isa muli ang
lupain. Nalipat ang kabisera sa Lower Egypt.
• Senusret o Sesostris I - Nakipagtunggali siya sa bahaging Nubia.
• Senusret o Sesostris III - Ipinagpatuloy niya ang kampanya sa
Nubia. Sa una ring pagkakataon, tinangka niyang palawakin ang
kapangyarihan ng Egypt hanggang Syria.
Amenemhet II - Pinakamahusay na pinuno nang Gitnang Kaharian
na namuno sa loob ng 34 na taon.
Second Intermediate Period
Ikalawang Intermedyang Panahon - ika-14 at
ka-17 na dinastiya)
Ayon sa mga tala, ang ika-13 dinastiya ay nagkaroon ng 57 na hari.
Ito ay nagpapahiwatig ng kawalan ng kapanatagan at katatagan sa
pamamahala.
• Ang pangingibabaw ng dinastiya ng mga Hyskos noong Ika-16 ng
dinastiya na tinawag na Great Hyskos Dinasty ay nagtapos sa pag-
usbong ng ika-17 dinastiya.
Ang mga pinuno ng ika-17 dinastiya ay nagawang mapatalsik ang
mga Hyskos mula sa Egypt.
New Kingdom
(Bagong Kaharian - ika-18 at ika-20 na dinastiya)
⚫ New Kingdom ang itinuturing na pinakadakilang panahon ng
kabihasnang Egypt. Tinawag din ito bilang Empire Age.
• Panahon ito ng agresibong pagpapalawak ng lupain ng Egypt sa
kamay ng malalakas na mga pharaoh. Ang ilan sa mga kilalang
pharaoh ng panahong ito ay sina Thutmose II, Thutmose III,
Amenophis III at Rameses II.
Reyna Hatshepsut - Asawa ni Thutmose II ay kilala rin bilang isa sa
mahuhusay na babaing pinuno sa kasaysayan.
• Amenophis IV o Akhenaton - Tinangka niyang bawasan ang
kapangyarihan ng kaparian sa pamahalaan gayun din ang paniniwala
ng mga tao ukol sa pagsamba sa maraming diyos.
-Tutankhamen - Humalili sa pamumuno kay Akhenaton sa
edad na siyam na taon.
- Rameses II - Isa sa mahusay na pinuno ng Bagong Kaharian.
Sa loob ng 20 taon kinalaban niya ang mga Hittite mula sa
Asia Minor na unti-unting pumapasok sa silangang bahagi ng
Egypt. Pinaniniwalaang ang Exodus ng mga Israelita o Few
mula sa Egypt ay naganap sa panahon ng kanyang
pamamahala.
Third Intermediate Period
(Ikaltlong Intermedyang Panahon - ika-21 at ika
25 na dinastiya)
⚫ Ang ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang Tanites, ay pinasimulan ni
Smendes ng Lowe Egypt. Ang dinastiyang ito ay mapapalitan ng mga hari mula
sa Libya na magpapasimula naman ng ika-22 na dinastiya.
⚫ Shosheng I - Unang pinuno ng ika-22 dinastiya. Isang heneral sa ilalim ng
nagdaang dinastiya.
⚫ Piye - Sumalakay siya pahilaga ng Egypt upang kalabanin ang mga
nangingibabaw sa delta ng Nile. Umabot ang kanyang kapangyarihan
hanggang sa Memphis.
⚫ Tefnakhte - Katunggali ni Piye na sumuko ngunit kalaunan ay pinayagang
mamuno sa Lower Egypt. Sinimulan niya ang panandaliang ika-24 na
Dinastiya.
Late Period
(Huling Panahon - ika-26 at ika-31 na dinastiya)
⚫ Psammetichus - Sa ilalim ng kanyang pamumuno nagawa niyang
pagbuklurin ang Middle at Lower Egypt na nagpasimula sa Ika-26 na Dinastiya.
Nakontrol niya ang buong Egypt noong 656 BCE.
• Apries - Sa ilalim ng kanyang pamamahala, isang hukbo ang ipinadala upang
tulungan ang mga taga-Libya na puksain ang kolonya ng Greece na Cyrene.
Natalo sila sa labanan at nagdulot ito ng kaguluhang sibil na humantong sa
paghalili sa kanya ni Amasis II. Sa kanyang pagkamatay noong, 526 BCE, and
Egypt ay napasakamay na ng mga Persian.

You might also like