You are on page 1of 3

ANG KABIHASNANG EGYPT

• Ang kabihasnan ng Egypt ay nag-umpisang umusbong sa lambak ng Nile.


• Kilala ang Egypt bilang “pamana ng Nile” dahil sa pagkakaroon ng biyaya ng tubig mula sa Ilog nito, kung wala ang ilog na
ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto.
• Nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakay ang ilog ng Nile.
• Ang putik na dala ng ilog ay tinatawag na delta.
• Gumawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng mga kanal.
• Matatagpuan ang Egypt sa Hilagang Silangan ng Africa. Pinapalibutan ito ng bansang Syria sa may hilaga, Nuba naman sa
may timog, Pulang Ilog sa silangan at Disyerto ng Libya naman sa may kanluran.

ASWAN DAM

➢ naitayo upang makapagbigay ng elektrisidad at masisisayos ang suplay ng tubig. Ang taunang pag-apaw nito ay
nagsilbing daan upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak. Ito ang nagsilbing susi sa pag-unlad ng
Kabihasnang Egypt.

ANG PAGHAHATI SA KAHARIAN

Dahil sa hindi pagkakasundo, hinati sa dalawa ang Egypt.

• Upper Egypt- Nasa katimugang bahagi mula sa Libyan Dessert hanggang sa Abu Simbul.
• Lower Egypt- nasa hilagang bahagi ng lupain kung saan ang Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea.
• Ang Nile na may 4160 milya ang haba ay dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.

URI NG TAO SA LIPUNAN

• Pharaoh - Hari (Pharoah- ang tawag sa hari ng Egypt. “Great House”)


• Nomarchs - pinuno ng pamayanan
• Vizier - pangunahing opisyal (mata ng hari)

KRONOLOHIYA NG KASAYSAYAN NG EHIPTO

• Ang matandang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh
➢ Ang pharaoh ay tumatayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt.
➢ Siya ay itinuturing din bilang isang diyos na taglay ang mga lihim ng langit at lupa.
➢ Para sa mga pharaoh sila ang tagapagtanggol sa kanilang nasasakupan.
• Ang mga iskolar na nag-aaral ukol sa mahabang kasaysayan ng Egypt ay tinatawag na mga Egyptologist.
• Batay sa ilang mga tala, ang kronolohiya ng Egypt ay maaaring hatiin sa mga sumusunod na mga pagpapanahon:
➢ (Pre-dynastic Period) Bago ang Panahon ng mga dinastiya - Panahon bago ang 3100 BCE.
➢ (Early Dynastic Period) Panahon ng mga Unang Dinastiya - Una at Ikalawang Dinastiya (circa 3100-2670 BCE.)
➢ (Old Kingdom) Matandang Kaharian - Ikatlo hanggang Ikaanim na Dinastiya (circa 2670-2150 BCE.)
➢ (First Intermediate Period) Unang Intermedyang Panahon - Ikapito hanggang Ika-11 Dinastiya (circa 2150-2040
BCE.)
➢ (Middle Kingdom) Gitnang Kaharian - Ika-12 at Ika-13 Dinastiya (circa 2040-1650 BCE.)
➢ (Second Intermediate Period) Ikalawang Intermedyang Panahon - Ika-14 hanggang Ika-17 Dinastiya (circa 1650-
1550 BCE.)
➢ (New Kingdom) Bagong Kaharian - Ika-18 hanggang Ika-20 Dinastiya (circa 1550-1070 BCE.)
➢ (Third Intermediate Period) Ikatlong Intermedyang Panahon - Ika-21 hanggang Ika-25 Dinastiya (circa 1070-664)
➢ (Late Period) Huling Panahon Ika-26 at Ika-31 na Dinastiya
• Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga pamayanang malapit sa Nile.
• Tulad sa mesopotamia, sumasailalim sila sa pamamahala ng mga lokol na pinunong may kontrol sa pakikipagkalakalan.

1. Bago ang Panahon ng mga dinastiya

▪ Ang mga sinaunang Egyptian ay nanirahan sa pamayanang malapit sa lambak ng Nile.


▪ Dito naitala ang kauna-unahang paggamit ng sistema ng panulat, ang Hieroglyphics.
➢ Hieroglyphics – ito ay isang sistema ng pagsulat na nangangahulugang “sagradong ukit” sa wikang Greek.
Ito ang kanilang ginamit sa patatala ng mga importanteng kaganapan sa kanilang kabihasnan.
▪ Sa Dinastiya na ito umusbong ang pinakaunang estado sa Egypt, ang Nomes, ito ay pinamunuan ng mga Nomarchs.
➢ Nomes – malalayang pamayanan, ang mga ito ang nagsilbing batayan ng mga binuong lalawigan ng mga
sinaunang estado ng Egypt.
➢ Nomarchs – mga pinuno ng Nomes, unti-unting nagbuklod ang mga ito para lumikha ng isang estado sa
Nile upang makabuo ng mas malaking pangrelihiyong pagkakakilanlan.

2. Panahon ng mga Unang Dinastiya Una at Ikalawang Dinastiya

▪ Sa panahon na ito ay nasakop ng upper Egypt ang Lower Egypt at tuluyan silang nagkaisa.
▪ Ang dalawang kaharian ay pinamunuan ni Haring Menes, siya ang pinakaunang Pharaoh sa kabihasnan ng Egypt.
▪ Maliban sa pagkakaroon ng pinag-isang pangangasiwa, nagtalaga rin siya ng mga gobernadora sa iba’t-ibang
lupain.
▪ Ang Memphis ay naging kabisera ni Menes.

3. Matandang Kaharian Ikatlo hanggang Ikaanim na Dinastiya

▪ Ito ang tinatawag na panahon ng piramids.


▪ Sa dinastiya na ito nagumpisa ang pagpapatayo ng mga batong istraktura kung saan nila hinihimlay ang kanilang
mga yumaong hari o pharaoh pati na ang kanilang mga pamilya at iba pang mga may mga tungkulin sakanilang
lipunan.
▪ Sa pamamayani ni Pepi II ay naitayo ang Great Pyramid ni Pharaoh Khofu na matatagpuan sa Giza.
➢ Pepe II (Neferkare) – Kahuli-hulihang Pharaoh ng ikaanim na dinastiya, pinaniniwalang namuno sa loob ng
94 na taon, ang pinakamatagal na naghari sa kasaysayan ng daigdig. Anim na taong gulang lamang ng
maupo sa trono at namatay sa edad na 100.

4. Unang Intermedyang Panahon Ikapito hanggang Ika-11 Dinastiya

▪ Sa panahon ng 2160 BCE, tinangka ng mga panibagong pharaoh na pagbuklurin muli ang lower Egypt mula sa
kabisera nitong Heracleopolis. Sa kabilang dako, ang kanilang mga katunggali sa Thebes ay binuo naman ang Upper
Egypt.
▪ Dulot nito, nagsagupaan ang dalawang magkaribal na dinastiya sa Egypt.
▪ Ang pinuno mula sa Heracleopolis ay nagmula sa linya ng mga Pharaoh na si Akhtoy, samantalang ang unang apat
na pinuno mula sa Thebes ay pinangalanang Inyotef o Antef

5. Gitnang Kaharian Ika-12 at Ika-13 Dinastiya

▪ Ang kaguluhang political ay natapos at nagkaisa muli ang lupain ng Egypt. Dito nakilala ang mga Hykos o mga
prinsipe mula sa mga dayuhang kaharian.
▪ Senusret o Sesostris I – nakipagtunggali siya sa bahaging Nubia.
▪ Senusret o Sesostris III – ipinagpatuloy niya ang kampanya sa Nubia. Sa una ring pagkakataon, tinangka niyang
palawakin ang kapangyarihan ng Egypt hanggang Syria.
▪ Amenemhet II
➢ Pinakamahusay na pinuno ng Gitnang Kaharian na namuno sa loob ng 34 na taon.
➢ Nakilala ang Thebes bilang kabisera ng Egypt.

6. Ikalawang Intermedyang Panahon Ika-14 hanggang Ika-17 Dinastiya

▪ Sa panahon na ito ay nagkaroon ng limampu at pitong hari na nagdulot ng kaguluhan sa pamamahala.


▪ Ang pangingibabaw ng dinastiya ng mga Hyskos noong ika-16 ng dinastiya na tinawag na “Great Hyskos Dinasty” ay
nagtapos sa pag-usbong ng ika-17 dinastiya.
▪ Ang mga pinuno ng ika-17 dinastiya ay nagawang mapatalsik ang mga Hyskos mula sa Egypt.

7. Bagong Kaharian Ika-18 hanggang Ika-20 Dinastiya

▪ Ito ang pinakamagandang panahon sa kabihasnan ng Egypt.


▪ Tinatawag rin ito na Empire Age.
▪ Mga matatalino na pharaoh ang naghari sa panahon na ito.
▪ Kinabibilangan ito nina Thutmose II, Thutmose III, Amenophis III at Rameses II.
▪ Dito rin nakilala si Reyna Hatshepsut, ang pinakamahusay na pinunong babae sa kasaysayan ng mundo.

8. Ikatlong Intermedyang Panahon Ika-21 hanggang Ika-25 Dinastiya

▪ Mula sa mga hari ng dinastiya, sila ay napalitan na ng mga heneral na galing sa Libya.
▪ Tinawag din bilang Tanites, pinasimulan ni Smendes ng Lower Egypt.
▪ Sosheng I – unang pinuno ng ika-22 dinastiya, isang heneral sa ilalim ng nagdaang dinastiya.
▪ Piye – sumalakay siya pahilaga ng Egypt upang kalabanin ang mga nangingibabaw sa delta ng Nile. Umabot ang
kanyang kapangyarihan hanggang sa Memphis.
▪ Tefnakhte – katunggali ni Piye na sumuko ngunit kalaunan ay pinayagang mamuno sa Lower Egypt. Sinimulan niya
ang panandaliang ika-24 na dinastiya.

9. Huling Panahon ika-26 hanggang ika-31 na Dinastiya

▪ Sa pamumuno ni Psammetichus muling nagbuklod ang Middle Egypt at Lower Egypt. Nakontrol niya ang buong
lupain ng Egypt.
▪ Apries – sa ilalim ng kanyang pamamahala, isang hukbo ang ipinadala upang tulungan ang mga taga-Libya na
puksain ang kolonya ng Greece na Cyrene. Natalo sila sa labanan at nagdulot ito ng kaguluhang sibil na humantong
sa paghalili sa kanya ni Amasis II. Sa kanyang pagkamatay noong 526 BCE, ang Egypt ay napasakamay na ng mga
Persiano.
▪ Cambyses II – Pinuno ng mga Persian na naging unang hari ng ika-27 dinastiya.
▪ Ika-30 dinastiya – ito ang kahuli-hulihang tala ng dinastiyang Egyptian na namuno sa kanilang lupain.
▪ Ang panandaliang pagbalik ng mga Persian sa kanilang lupain ay tinawag ding ika-31 na dinastiya.

Alexander the Great – sinakop niya ang Egypt taong 332 BCE at ginawa itong bahagi ng kanyang emperyong Hellenistic.
Ptolemy – kaibigan ni Alexander na humalili sa kanya ng siya ay pumanaw. Isa siyang heneral at naging satrap o gobernador
ng lupain. Itinalaga niya ang sarili bilang hari ng Egypt at pinasimulan ang panahong Ptolemaic.
Cleopatra VII – kahuli-hulihang reyna ng Ptolemaic Dinasty.

MGA PAMANA AT KONTRIBUSYON NG EGYPT:

Kalendaryo na may 365 araw sa isang taon na hinati sa 12 buwan.


Sistemang panulat na tinawag na Hieroglyphics. Binubuo ito ng mga salitang hiero, isang salitang Griyego na
nangangahulugang sagrado o banal, at glype na ang ibig sabihin ay paglililok.
Ang mga piramide ang kauna-unahang monumentong bato na nanatili pa hanggang sa kasalukuyan (Pyramids of Giza).
Ang Mastaba ay mga naunang bersyon ng piramide.
Ang pagkaimbento sa paggamit ng papel mula sa dahon ng halamang papyrus.
Ang pag-eembalsamo o mummification.
Ang pagtatayo at paggawa ng imbakan ng tubig na tinatawag na faiyum at irigasyon.
Paggawa ng mga istrakturang bato.
Amarna art noong panahon ni Ikhnaton na nagpapahalaga sa pagiging makatotohanan ng mga bagay na inilalarawan.

PAGBAGSAK NG EGYPT:

Mga sanhi:

Pagpapabaya sa Ekonomiya
Pag-aalsa ng mga kaharian
Pagsakot ng Egypt sa mga sumusunod: Assyrian, Persiano

Prepared by: Ashly


Group 5

You might also like