You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN

Kabihasnang Klasiko ng Africa

Sa pagtatapos ng ika-20 siglo, natuklasan ng mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao sa timog-kanlurang
Egypt malapit sa hangganan nito sa Sudan.

Simula pa man noong unang panahon, tinawag na bilang “handog ng Nile” ang Egypt sa kadahilanang kung wala ang ilog na
ito, magiging disyerto ang lupain.
Aswan Dam – ito ang dam na ipinatayo noong 1970 upang makapagbigay ng elektrisidad at maisaayos ang suplay ng tubig,
nahinto din ang pagbaha simula nung ipatayo ito.
Egyptologist – ito ang mga dalubhasang nag-aaral ukol sa kasaysayan ng Egypt.
Pharaoh – ito ang tawag sa mga pinuno ng Egypt na pinapangkat sa mga pamilya at dinastiya. Itinuturing ito na isang diyos
at sila din ang tagapagtanggol sa nasasakupan. Ang salitang ito ay nangangahulugang “Great House”.
Nagkaroon ng bahaging Lower Egypt (umokupa sa rehiyong delta ng Nile) at Upper Egypt (tumatahak patimog mula sa
delta nang halos 800 km kung nasaan ang kasalukuyang Aswan).
Nahahati ng kronolohiya ng kasaysayan ng Egypt sa ganitong pagpapanahon;

Pre-dynastic Period (panahon bago 3100 BCE)

Nakapaglinang ang mga eskribano ng kanilang sariling panulat na tinatawag na hieroglyphic.


Hieroglyphic – ito ang panulat ng mga eskribano na nangangahulugang “sagradong ukit” sa wikang Greek. Nakasulat ito
hindi lamang sa mga papyrus kundi nakaukit sa pampublikong gusali o nakapinta sa luwad o kahoy.
Nomes – ito ang malalayang pamayanan na nagging batayan ng mga binuong lalawiga ng sinaunang estado.
Nomarchs – ito ang tawag sa mga pinuno ng mga nomes na unti-unting nakapagbuklod ng isang estado sa Nile na mas
nagging malaking yunit na panrehiyon.
Eskribano – sila ang mga indibidwal na nakapag-aaral na nagsilbing tagapagtala o tagapagsulat noong unang panahon.

Early Dynastic Period (Una at ikalawang Dinastiya)

Menes – isang pinuno na sumakop sa lower Egypt na siyang nagbigay-daan upang mapag-isa ang lupain sa mahabang
panahon.
Naging kabisera ni Menes ang Memphis.

Old Kingdom (ika-3 hanggang ika-6 na Dinastiya)

Piramide – nagsilbi itong mga monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh bialng huling bantunaw sa kanilang
pagpanaw. Halimbawa: Great Pyramid ni Khufu Cheops sa Giza.
Tanging ang mga piramide lamang ang mga nanatiling estraktura sa kasalukusyang panahon na kabilang sa tinaguriang
“Seven Wonders of the World” ng mga Greek.
Pepi II – siya ang kahuli-huliang pharaoh ng ikaanim na dinastiya na namuno sa loob ng 94 taon, ang pinakamahaba sa lahat
ng mga namuno sa kasaysayan. Nagsimula siyang mamuno nung 6 na taon palang siya at namatay sa edad na 100. Sa
kanyang pagkamatay, bumagsak ang old kingdom, nasadlak ang lupain sa kaguluhan sa loob na halos 200 taon.

First Intermediate Period (ika-7 hanggang ika-11 Dinastiya)


Middle Kingdom (ika-12 at ika-13)

Amenemhat I – tinapos niya ang kaguluhang political at pinag-isa muli ang lupain. Inilipat niya ang kabisera sa Lower Egypt.
Senusret I – siya ang sumunod na humalili na nakipagtunggali sa bahaging Nubia.
Senusret III – ipinagpatuloy niya ang kampanyang military sa Nubia.
Amenemhat II – siya ang pinakamahusay na pinuno sa panahong ito, na namuno sa 45 na taon.
Hyksos – ito ang mga prinsepeng mula sa dayuhang lupain.

Second Intermediate Period (ika-14 hanggang ika-17)


New Kingdom (ika-18 hanggang ika 20)

Ito ay itinuturing bilang pinakadakilang panahon ng kabihasnang Egypt.


Ang New Kingdom ay tinatawag bilang Empire Age.
Ahmose I – naitaboy niya ang mga Hyksos noong 1570 BCE at kaniyang sinimulan ang dinastiya ng dakilang pharaoh mula
sa Thebes at namayani mula sa delta hanggang sa Nubia.
Reyna Hatshepsut – asawa ni Thutmose II. Siya ay kinilala bilang isa sa pinakamahusay na pinunong babae sa kasaysayan,
napagawa siya ng mga templo at nagpadala ng mga ekspidisyon patungo sa ibang lupain.
Amenophis IV – o Akhenaton ay isang natatangiang pharaoh noong 1300 BCE, tinangka niyang bawasan ang kapangyarihan
ng mga kaparian sa pamahalaan.
Aton – siya ang isang mataas na diyos na sinasagisag ng araw.
Exodus – sila ang pinaniniwalaang mga Israelite mula sa Egypt na naganap sa panahon ni Remenes II.

Third Intermediate Period (ika-25 dinastiya na tinatawag ding Libyan Period)

Late Period (ika-26 hanggang ika-31)

Alexander the Great – sinakop niya ang Egypt at ginawang bahagi ng kaniyang Imperyong Hellenistic.
Ptolemy I Soter o Ptolemy Lagides – isang heneral na nagging satrap at isang kaibigan ni Alexander the great. Noong 305
BCE, itinalaga niya ang kaniyang sarili bilang hari ng Egypt at pinasimulan ang dinastiyang Ptolemaic.
Cleopatra VII – siya ang kahuli-huliang linya ng nasabing dinastiya at kahuli-huliang aktibo na namuno sa Egypt.
Satrap – ito ang tawag sa gobernadora ng lupain.

Mummification – gumagamit ang mga Egyptian ng mga kemikal upang patayuin ang bangkay.
Mummy – ang salitang ito ay hango sa Latin na mumia at Persian na mum. Nangangahulugan ito na inembalsamong patay
o ang mismong sangkap na ginagamit sa preserbasyon (bitumen).
Book of the Dead – ito ay sinaunang kasulatang nauukol sa mga yumao na ginamit simula New Kingdom hanggang 50 BCE.
Naglalaman ito ng mga magic spell. Ito ay posibleng nangangahulugan bilang Book of Coming Forth by Day.
Rosetta Stone – ito ay isang lapidang bato sa delta na natuklasan ng mga French noong 1799.
Jean Francois Champollion – isang iskolar na French na nagsagawa ng pagtuklas sa mga kahulugang ito.
Papyrus Scrolls – matutunghayan ang kaalaman ng mga sinaunang Egyptian ukol sa medisina.

Kabihasnang Klasiko sa America

Mesoamerica – ito ay tumutukoy sa rehiyong saklaw ng gitnang Mexico at Central America. Nangangahulugang ito na
“gitnang America” mula sa salitang meso na ang ibig sabihin ay gitna.

 Dito nailuwal ang pinakamalaking kabihasnang klasiko ng America tulad ng kabihasnan.


 Limang heograpikal na rehiyon:
Mayan
Oaxacan
Central Highlands
Kanlurang Mexico
Gulf Region

Topograpiya – ay kakikitaan ng mga talampas sa gitna at mga kabundukang bumabagtas mula hilaga patungong timog.
Obsidian – ito ay isang uri ng matalas na batong itim mula sa bulkan at nakukuha sa mga kabundukan.
Mahalaga ang mga seashells at mga balahibo ng mga ibong tropical mula sa mga kapatagan at baybayin, sa mga ritwal na
panrelihiyon.

Olmec
Ang mga Olmec ang nagtatag ng kauna-unahang kabihasnang American noong bandang 1200 BCE.
San Lorenzo at La Venta ang pangunahing sentro ng kabihasnang Olmec.
Tinatawag itong “mother culture of Americas” dahil sa impluwensiya nito sa sumunod na mga sibilisasyon ng rehiyon.
Ang Olmec ay nangangahulugang “rubber people” dahil sa paniniwalang ang mga Olmec ang unang gumamit ng rubber
trees.
Hieroglyphic – ito ang Sistema ng pagsusulat ng mga Olmec gaya ng sa Egypt.
Pok-a-tok – ito ang seremonya ng larong bola na sinasabing kasalukuyang basketball, hindi maaring hawakan ng mga
manlalaro sa pamamagitan ng kamay ang bola sa larong ito.
Nakagawa ang mga Olmec ng hugis pyramid na templo, ang templong ito ay inayon sa hugis ng mga kabundukang
pinaniniwalaang malapit sa mga diyos.
Jaguar – ito ang itinutring na diyos ng ulan.

Ang mga Teotihuacan


Ang unang lungsod sa Mesoamerica ay naitatag sa matabang lupain ng Valley of Mexico. Tinatawag itong Teotihaucan na
itinuturing na tagapagluwal ng mayayamang kultura ng Mesoamerica.
Ang salitang ito ay nangangahulugang “where the gods live”.
Tinatayang 200 000 ang populasyon ng nasabing lungsod.
Ang mga Teotihuacanos ay sinasabing naniniwala sa daan-daang diyos.
Quetzalcoatl – (The featured Serpent god) ito ang pinakamahalagang diyos ng mga Teotihuacanos. Ito ay diyos ng
kapayapaan at pagkamapagkumbaba.
Artisan – ito ang tawag sa mga manggagawa noon.

Maya
Katulad ng Olmec at Teotihuacan, nagkaroon din ng mahalagang papel ang relihiyon sa kabihasnang maya.
Yum Kaax – siya ang isa sa mga pinapahalagahang diyos, ito ang nangangalaga ng mga kagubatan at mga kabukiran.
Ang pinakamahalagang Gawain ng pari ayon sa mga salaysay ay ang pagtitiyak na maisagawa ang mga seremonya sa
takdang oras.
Ang mga pari o lider espiritwal ay ang mga lider panrelihiyon, na kinokunsulta sa kapalaran ng isang indibidwal ayon sa
araw ng kaniyang kapanganakan. Siya rin ang nagtatakda ng tamang araw kung kailan dapat magpakasal, magtanim,
makipagkalakalan, makidigma o kung kailan dapat magtayo ng templo.
Haab – ito ang kalendaryong sibil na mayroong 365 na araw, 18 buwan at 20 araw bawat buwan.
Tzolkin – ang sagradong kalendaryo na mayroong 260 na araw.
Halach uinic – ito ang namumuno sa bawat lungsod-estado sa Maya na nangangahulugang “true man”. Sila ang itinuturing
na lider na sinasabing nanguna sa mga gawaing pangkabuhayan at pamamahala.
Maykaya – ito ang mga nagpapatakbo ng pamahalaan.
Mandirigma – ang mga ito naman ang silang nagtatanggol sa kanilang lungsod-estado.
Mais ang ipinangbabayad-buwis ng mga magsasaka.
Stela – batong patag sa ibabaw kung saan nila itinatala ang mga nagawa ng kanilang mga pinuno.

Aztec
Nagtatag ang mga grupo ng pamayanan na tinawag na Tenochtitlan, itinatag ito sa isa isang isla sa Lake Texcoco.
Kilala rin ang mga Aztec sa katawagang Tenochca o kaya’y Mexica n amula sa terminong Mexico na ipinalit sa lungsod ng
Tenochtitlan.
Chinampa – ito ang artipisyal na isla na nagmula sa pinagpatong-patong na lupa at ugat ng mga puno kung saan sila
nagtanim.
Sinakop ng mga mandirigmang Aztec ang mga teritoryo sa gitnang Mexico at ang mga lupain na kasalukuyang bahaging
Guatemala.
Moctexuma – siya ang namuno sa pagsakop sa gitnang Mexico at siya din ang itinuturing na pinakamahusay na lider-
mandirigma at kinilala bilang “Ama ng Imperyong Aztec”.
Ang mga pinuno ng imperyong Aztec ay kinikilala bilang pinuno ng estado, punong military, at punong panrelihiyon.
Naniningil sila ng buwis sa lupang sakop na siyang ginagamit sa pagpapatakbo ng pamahalaan.
Huitzilopochtli – siya ang pinakamahalagang diyos ng mga Aztec at diyos ng pakikidigma at simbolo ng araw. Ang galit ng
diyos na ito ay nagdudulot ng kadiliman at pagkamatay ng lahat ng tao.

Inca

Ang mainam na topograpiya ng rehiyong Andes sa Timog America ang siyang nag-udyok sa mga Inca upang manakop ng
teritoryo rito.
Sa mga lupaing Peru, Chile, Ecuador, Bolivia at Argentina, Nakagawa ng mahusay na Sistema ng irigasyon ang mga Inca at
nakapagtanim sa mga palayan.
Viracocha – ito ang diyos na may likha ng buhay sa mundo
Quila – Diyosa ng Buwan
Illapa – Diyos ng kidlat
Pachamama – Diyos ng Kalupaan
Inti – Diyos ng Araw
Cuzco ang sentro ng pamaahalaan ng mga Inca na itinatag ni Pachacuti.
Tawantisuyu o Land of the Four Corners – ito ang tawag nila sakanilang imperyo.
Quechua – ito ang kanilang opisyal na wika.
Coricancha – ito ang templo ng Araw na itinayo sa Cuzco, itinuturing na sentrong panrelihiyon.
Bernabe Cobo – inilarawan niya ang Coricancha bilang “bahay ng ginto” dahil madami itong ginto sa loob.
Mamakuna – ito ang tawag sa mga babaeng sinasanay para manilbihan sa mga gawaing panrelihiyon.
Yamacuna – ito naman ang tawag sa mga kalalakihan na sinasanay para manilbihan sa mga gawaing panrelihiyon.
Quipu – Ito ay ginagamit nila imbis na Sistema ng pagsulat, Bawat buhol ay may katumbas na bilang,tunog o salita.

Kabihasnang Klasiko sa mga Pulo ng Pacific

Austronesyano – ito ang mga grupo ng taong naglayag mula Timog China hanggang sa makarating sa mga Pulo ng Pacific.
Sila din ang kinilalang ninuno ng mga tao sa Timog-silangang Asya kabilang ang Pilipinas. Maaring tumukoy ang
Austronesyano sa “language tree”.

 Polynesia
Ang terminong ito ay mula sa Greek na polus na nangangahulugang marami at nesos na ang ibig sabihin ay pulo.
Ito ang pinakamalawak na subrehiyon sa Pacific na binubuo ng mahigit 1000 na pulo.
Polynesian Triangle – ito ang tawag sa Hawaii, New Zealand at Easter Island dahil sa hugis na nilikha kapag pinagdugtong ang mga ito sa
mapa.
Charles De Brosses – siya ang unang gumamit ng terminong Polynesia nang marating niya ito noong 1766.
Dumont d’Urville – iminungkahi niya sa isang lektura ng Geographical Society na gamitin lamang ang “Polynesia” upang tukuyin ang
kasalukuyang saklaw nito.
Out of Taiwan Theory – ito ang pinakakilalang teorya na nagpapaliwanag sa maaring pinagmulan ng mga ninuno ng Polynesia.
Peter Bellwood – isang Professor Emeritus ng Arkeolohiya sa Australian National University, na may gawa ng Out of Taiwan Theory.
Nusantao – ito ang tawag sa mga Austronesyano, ang terminong ito ay binuo ni Solheim mula sa wikang Austronesyano na nusa na
nangangahulugang “isla o pulo” at tau na nangangahulugang “tao”.
Sekondaryong paglilibing – ito ay paraan ng paglilibing kung saan hihintayin munang maagnas ang bangkay at pagkatapos nito ay
muling ililibing sa pamamagitan ng paglipat ng mga buto sa tapayan.
Papua New Guinea, Solomon Islands, Caroline Islands at Vanuatu ang mga maliliit na pamayanan rito.
Lapita – nakilala ito dahil sa mga ebidensya ng natatanging disenyo ng palayok nito.
Ang mga pinuno at mga commoner o pangkaraniwang tao ay sa Hawaii, Tahitt at Tunga ang mayroong panggitnang uri ng estrakturang
pamahalaan.
Mana – ito ay ang espiritwal na kapangyarihan na taglay ng mga diyos at mga pinuno.
Tapu – nangangahulugang restriktong esperitwal, may mga lugar na hindi maaring puntahan, mga bagay na di maaring galawin o
pagkain na di maaring kainin.

 Micronesia

Ito ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Pacific na binubuo ng Federated States of Micronesia, Palau, Kiribati, Marshall
Islands at Nauru.
Ang terminong Micronesia ay mula sa salitang Greek na mikrosna nangangahulugang maliit at nesos na nangangahulugang
“isla o pulo”
Ito ay tinawag na “the forgotten zone of the Pacific”.
Stick chart – unang ginamit bilang navigational map na nagpapakita ng lokasyon ng mga pulo at ang galaw ng tubig.
Hos – ito ay tinatawag din na weather charm na maihahalintulad sa mga anting-anting.

Yalulawei – siya ang diyos ng karagatan at ang pinakamahalagang diyos nila.


Wayfinding – ito ang paggamit ng araw, buwan at mga bituin bilang gabay sa paglalayag.

 Melanesia

Tinaguriang “black islands” at matatagpuan sa hilaga ng Australia at silangan ng Indonesia.


Ian Campbell – ayon sakanyang libro na History of the Pacific Islands (1989) hindi lamang iisang uri ang pisikal na anyo ng
mga mamamayan ng Melanesia.
Hortikultura – ito ang tawag sa pagtatanim ng mga halamang ugat.
Big Man – ito ang tawag sa mga mayayaman, ayon sa mga iskolar, sila ay yumaman dahil sa pagsisikap lalo na sa
pagbebenta ng mga produktong ani.
Ang komunidad ng Melanesia ay binubuo lamang ng mga kamag-anakan na sama-samang naninirahan. Mabuting diyos –
ito ang nagdudulot ng kabutihan at kayamanan ng mga tao.
Masasamang diyos – ito ang diyos na maaring makapagdulot ng sakit o kamatayan. Nagsasagawa sila ng ritwal at
seremonya upang maiwasan ang mga sakit.
Malinaw sa kasaysayan at kultura ng Melanesia ay Austronesyano ang pinagmulan ng higit 1200 wika nito.
Unang napasok ng mga dayuhan ang Melanesia nang sakupin ang mga Dutch ang New Guinea noong 1660.

You might also like