You are on page 1of 40

Heograpiya ng Egypt

 Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang


Egypt, mahalagang tandaan na ang
tinutukoy na Lower Egypt ay nasa bahaging
hilaga ng lupain o kung saan ang Nile ay
dumadaloy patungong Mediterranean Sea.
Samantala, ang Upper Egypt ay nasa
bahaging katimugan mula sa Libyan Desert,
hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile na may
4, 160 milya ang haba ay dumadaloy mula
katimugan patungong hilaga.
 Noon pa mang
unang panahon,
ang Egypt ay
tinawag na bilang
“Pamana ng Nile”
dahil kung wala
ang ilog na ito, ang
buong lupain nito
ay magiging isang
disyerto.
Kronolohiya ng Kasaysayan ng Egypt
 Ang matandang kasaysayan ng Egypt ay
kadalasang hinahati sa mga panahong batay
sa dinastiya ng naghaharing pharaoh.
 Ang pharaoh ay
tumatayong pinuno at
hari ng sinaunang
Egypt. Siya ay
itinuturing din bilang
isang diyos na taglay
ang mga lihim ng
langit at lupa. Para sa
mga pharaoh sila ang
tagapagtanggol sa
kanilang
nasasakupan.
 Ang mga iskolar na nag-aaral ukol sa mahabang
kasaysayan ng Egypt ay tinatawag na mga
Egyptologist. Batay sa ilang mga tala, ang
kronolohiya ng Egypt ay maaaring hatiin sa
sumusunod na mga pagpapanahon:
 Pre Dynastic Period
 Early Dynastic Period
 Old Kingdom
 First Intermediate Period
 Middle Kingdom
 Second Intermediate Period
 New Kingdom
 Third Intermediate Period
 Late Period
 Ang bawat dinastiya ay nangingibabaw
hangga’t hindi ito napapatalsik o kaya
nama’y walang tagapagmanang
susunod sa trono. Ang mga petsa ng
mga kaganapan sa kasaysayan ng Egypt
ay patuloy pa ring paksa ng mga
panananaliksik. Kung kaya ang tiyak na
pagtatakda ng mga petsa, partikular sa
mga dinastiya, ay lubhang
napakahirap.
Pre-Dynastic Period
(Bago ang Panahon ng mga Dinastiya – Panahon
bago ang 3100 BCE.)
 Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga
pamayanang malapit sa Nile.
 Tulad ng mga panirahang matatagpuan sa
Mesopotamia, ang mga ito ay nasa ilalim ng
pamamahala ng mga lokal na pinunong may
kontrol sa pakikipagkalakalan.
 Ang mga eskribano ay nakapaglinang din ng
kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag
na Hieroglyphics.
 Hieroglyphics - Ito ay
isang sistema ng
pagsulat na
nangangahulugang
“sagradong ukit” sa
wikang Greek. Ang
sinaunang panulat na
ito ay naging mahalaga
sa pakikipagkalakalan
at pagtatala ng mga
kaganapan.
Pagsapit ng ikaapat na milenyo BCE ang ilang
pamayanan ay naging sentro ng pamumuhay ng
sinaunang Egypt.
 Nomes – Malalayang pamayanan. Ang mga ito
ang nagsilbing batayan ng mga binuong
lalawigan ng mga sinaunang estado ng Egypt.
 Nomarchs – Mga pinuno ng Nomes. Unti-
unting nagbuklod ang mga ito para lumikha ng
isang estado sa Nile upang makabuo ng mas
malaking panrelihiyong pagkakakilanlan.
Early Dynastic Period
(Panahon ng mga Unang Dinastiya – Una at
ikalawang dinastiya)

 Ang proseso ng pagbubuo ng isang lungsod


estado ay nagtagal ng ilang siglo. Mahalagang
salik ang pagkakaroon ng mga alyansa sa harap
ng mga mabilis na pagbabago sa aspektong
pangkabuhayan at politikal.
 Unti-unti ring lumaki ang populasyon na
nangailangan ng mas intensibong irigasyon
para sa mga lupang sakahan.
 Dalawang kaharian ang nabuo sa
kahabaan ng Nile – ang Upper
Egypt at Lower Egypt.
 Noong 3100 BCE., isang pinuno ng
Upper Egypt sa katauhan ni Menes,
ang sumakop sa Lower Egypt na
nagbigay daan upang mapag-isa ang
lupain sa mahabang panahon.
 Menes – Isa sa mga
pinakaunang pharaoh sa
panahon ng mga Unang
Dinastiya ng Egypt.
Maliban sa pagkakaroon
ng isang pinag-isang
pangangasiwa,
nagtalaga rin siya ng
mga gobernador sa iba’t
ibang lupain. Ang
Memphis ay naging
kabisera ni Menes.
Old Kingdom
(Matandang Kaharian – Ikatlo hanggang ika-anim
na dinastiya.)
 Tinawag itong panahon ng pyramid. Sa
panahong ito nagsimula ang pagtatayo
ng mga piramide sa Egypt na
nagsilbing libingan ng mga pharaoh.
Ang mga pyramids na ito ay nagsilbi
ring monumento ng kapangyarihan ng
mga pharaoh.
 Ang pagtatayo ng mga
ganitong uri ng
istruktura ay
nangangailangan ng
husay mula sa mga
arkitektong nagdisenyo,
gayundin para sa libo-
libong taong nagtayo
nito.
 Ang ilan sa mga
halimbawa nito ay ang
Great Pyramid ni
Khufu o Cheops sa
Giza.
 Makalipas ang dalawang siglo , nahinto ang
mga pagapapatayo ng ga piramide. Sa
kabuuan, tinatayang may 80 lokasyon ang
pinagtayuan ng mga piramide sa Egypt
subalit ang karamihan sa mga ito ay gumuho
na.
 Ang mga piramide ang tanging estrakturang
Egyptian na nananatili sa kasalukuyang
panahon.
 Kabilang ito sa Seven Wonders of the Ancient
World na itinala ng mga Greek na
pinakamagandang arkitektura sa mundo
 Bagaman natigil ang pagpapagawa ng
piramide, itinuon na lamang ng mga
pharaoh ang panahon sa iba pang mga
pampublikong gawain.
 Kabilang dito ang paghuhukay ng mga
kanal upang iugnay ang Nile River at
Red Sea at nang mapabiis ang
kalakalan at transportasyon. Guyundin
ang pagsipsip ng mga latian ng Nile
Delta upang maging bagong taniman.
 Pepi II (Neferkare) –
Kahuli-hulihang
pharaoh ng ika-anim na
dinastiya.
Pinaniniwalaang
namuno sa loob ng 94
na taon, ang
pinakamatagal na
naghari sa kasaysayan
ng daigdig. Siya ay anim
na taong gulang lamang
nang maupo sa trono at
namatay sa edad na 100.
First Intermediate Period
(Unang Intermedyang Panahon – ika pito
hanggang ika-labing-isang dinastiya)

 Sa panahon ng 2160 B.C.E, tinangka ng


mga panibagong pharaoh na
pagbuklurin muli ang Lower Egypt
mula sa kabisera nitong
Heracleopolis.Sa kabilang dako, ang
kanilang mga katunggali sa Thebes ay
binuo naman ang Upper Egypt.
Dulot nito, nagsagupaan ang
dalawang magkaribal na dinastiya
sa Egypt.
Ang mga pinuno mula sa
Heracleopolis ay nagmula sa linya
ng mga Pharaoh na si Akhtoy
samantalang ang unang apat na
pinuno mula sa Thebes ay
pinangalanang Inyotef o Antef.
Middle Kingdom
(Gitnang Kaharian – ika-12 at ika-13 na dinastiya)
 Ang kaguluhang politikal ay nagtapos nang manungkulan
si Mentuhoteo. Sa mga sumunod na naghari, napag-isa
muli ang lupain. Nalipat ang kabisera sa Lower Egypt.
 Senusret o Sesostris I – Nakipagtunggali siya sa bahaging
Nubia.
 Senusret o Sesostris III – Ipinagpatuloy niya ang
kampanya sa Nubia. Sa una ring pagkakataon, tinangka
niyang palawakin ang kapangyarihan ng Egypt hanggang
Syria.
 Amenemhet II – Pinakamahusay na pinuno nang Gitnang
Kaharian na namuno sa loob ng 34 na taon.
 Kaguluhan at
pagdating ng mga
Hyksos ang
namayani sa
panahong ito.
 Ang katagang
Hyksos ay
nangangahulugang
“Mga prinsipe mula
sa dayuhang lupain”
 Nagsimula ang pamamayani ng mga
Hyksos noong 1670 BCE at kanilang
napasailalim ang Egypt sa loob ng
isang siglo.
 Hindi nagtagal, ang kanilang paggamit
ng mga chariot ay natutuhan din ng
mga Egyptian.
 Nang lumaon, dahil sa kawalan ng
kontrol sa kabisera, nagsimula ang
panibagong panahon sa kasaysayan.
Second Intermediate Period
(Ikalawang Intermedyang Panahon – ika-14 at
ika-17 na dinastiya)

Ayon sa mga tala, ang ika-13


dinastiya ay nagkaroon ng 57 na
hari. Ito ay nagpapahiwatig ng
kawalan ng kapanatagan at
katatagan sa pamamahala.
Ang pangingibabaw ng dinastiya
ng mga Hyskos noong Ika-16 ng
dinastiya na tinawag na Great
Hyskos Dinasty ay nagtapos sa pag-
usbong ng ika-17 dinastiya.
Ang mga pinuno ng ika-17
dinastiya ay nagawang mapatalsik
ang mga Hyskos mula sa Egypt.
New Kingdom
(Bagong Kaharian – ika-18 at ika-20 na dinastiya)

 New Kingdom ang itinuturing na


pinakadakilang panahon ng kabihasnang
Egypt. Tinawag din ito bilang Empire Age.
 Panahon ito ng agresibong pagpapalawak
ng lupain ng Egypt sa kamay ng malalakas
na mga pharaoh. Ang ilan sa mga kilalang
pharaoh ng panahong ito ay sina Thutmose
II, Thutmose III, Amenophis III at Rameses
II.
 Reyna Hatshepsut – Asawa ni
Thutmose II ay kilala rin bilang isa sa
mahuhusay na babaing pinuno sa
kasaysayan.
 Amenophis IV o Akhenaton –
Tinangka niyang bawasan ang
kapangyarihan ng kaparian sa
pamahalaan gayun din ang paniniwala
ng mga tao ukol sa pagsamba sa
maraming diyos.
 Tutankhamen – Humalili sa pamumuno
kay Akhenaton sa edad na siyam na taon.
 Rameses II – Isa sa mahusay na pinuno
ng Bagong Kaharian. Sa loob ng 20 taon
kinalaban niya ang mga Hittite mula sa
Asia Minor na unti-unting pumapasok sa
silangang bahagi ng Egypt.
Pinaniniwalaang ang Exodus ng mga
Israelita o Few mula sa Egypt ay naganap
sa panahon ng kanyang pamamahala.
Third Intermediate Period
(Ikaltlong Intermedyang Panahon – ika-21 at ika-
25 na dinastiya)

 Ang ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang


Tanites, ay pinasimulan ni Smendes ng
Lowe Egypt. Ang dinastiyang ito ay
mapapalitan ng mga hari mula sa Libya na
magpapasimula naman ng ika-22 na
dinastiya.
 Shosheng I – Unang pinuno ng ika-22
dinastiya. Isang heneral sa ilalim ng
nagdaang dinastiya.
 Piye – Sumalakay siya pahilaga ng
Egypt upang kalabanin ang mga
nangingibabaw sa delta ng Nile.
Umabot ang kanyang kapangyarihan
hanggang sa Memphis.
 Tefnakhte – Katunggali ni Piye na
sumuko ngunit kalaunan ay
pinayagang mamuno sa Lower Egypt.
Sinimulan niya ang panandaliang ika-
24 na Dinastiya.
Late Period
(Huling Panahon – ika-26 at ika-31 na dinastiya)

Psammetichus – Sa ilalim ng
kanyang pamumuno nagawa
niyang pagbuklurin ang Middle at
Lower Egypt na nagpasimula sa
Ika-26 na Dinastiya. Nakontrol
niya ang buong Egypt noong 656
BCE.
 Apries – Sa ilalim ng kanyang
pamamahala, isang hukbo ang ipinadala
upang tulungan ang mga taga-Libya na
puksain ang kolonya ng Greece na
Cyrene. Natalo sila sa labanan at nagdulot
ito ng kaguluhang sibil na humantong sa
paghalili sa kanya ni Amasis II. Sa
kanyang pagkamatay noong, 526 BCE,
and Egypt ay napasakamay na ng mga
Persian.
Cambyses II – Pinuno ng mga
Persian na naging unang hari ng
ika-27 na Dinastiya.
Ika-30 Dinastiya – Ito ang kahuli-
hukihang tala na dinastiyang
Egyptian na namuno sa kanilang
lupain. Ang panandaliang pagbalik
na mga Persian sa kanilang lupain
ay tinawag ding ika-31 na dinastiya.
 Alexander the Great –
Sinakop niya ang Egypt taong
332 BCE at giawna itong bahagi
ng kanyang Imperyong
Hellenistic.
 Ptolemy – Kaibigan ni
Alexander na humalili sa kanya
nang siya ay pumanaw. Isa
syang heneral at naging satrap
o gobernador ng lupain.
Itinalaga niya ang sarili bilang
hari ng Egypt at pinasimulan
ang Panahong Ptolemaic.
 Cleopatra VII – Kahuli-
hulihang reyna ng Ptolemaic
Dinasty.
Pamana ng Kabihasnang
Egyptian
 Ang kalendaryo na may 365 araw sa isang taon na hinati sa 12
buwan ay mula sa mga sinaunang Ehipsyanong astronomo
noong 424BCE. Ginawa nila ito upang masubaybayan ang
paghaba ng Nile.
 Nabuo ang sistemang panulat ng mga sinaunang Ehipsyano na
tinawag na Hieroglyphics o hiroglipiko noong 3000 BCE. Itoay
binubuo ng mga salitang hiero, isang salitang Griyego na
nangangahulugang sagrado o banal, at glype na ang ibig sabihin
ay paglililok. Unang ginamit ng mga pari sa mga ritwal ang
hiroglipiko. Binubuo ito ng mga ideogramo at ponogramo.
Mayroon itong 24 simbolo at ang bawat isa ay may tig-isang titik
ng katinig. Bukod sa 24 simbolo, mayroon pang 80 simbolo na
may tig-dalawang katinig.
 Ang mga piramide ang kauna-unahang monumentong bato na
nananatili pa hanggang sa kasalukuyan. Ang pinakamalaking
piramide ay ang piramide ni Khufu o Cheops na nasa Giza.
 Ang pagkakaimbento ng papel mula sa dahon ng halamang
papyrus ay nagmula rin sa mga sinaunang Ehipsyano.
 Ang mummification o proseso ng pag-eembalsamo ay
nagsimula noong 2600 B.C. sa ilalim din ng pamumuno ni
Khufu. Natagpuan ang pinakalumang mummy sa Medum
ni Sir Flinders Petrie na tinatayang inembalsamo noong
panahong iyon.
 Ang mastaba ay mga naunang bersyon ng piramide. Una
itong itinayo sa panahon ni Haring Djer noong 2900BC
 Naimbento rin ang araro sa panahong ito.
 Pagtatayo ng malaking imbakan ng tubig na tinawag na
faiyum na nagtustos ng tubig sa panahon ng tagtuyot.
Ginagamit pa rin hanggang ngayon ang sistemang ito ng
irigasyon.
 Amarna art noong panahon ni Ikhnaton na nagpapahalaga
sa pagiging makatotohanan ng mga bagay na inilalarawan.

You might also like