You are on page 1of 4

KABIHASNAN SA EGYPT

-Malaki ang papel na ginampanan ng lambak-ilog ng Nile sa pag-unlad ng kabihasnang Egyptian sapagkat
kung pagbabatayan ang heograpiya ng Hilagang-Silangng Africa ay halos nababalutan ito ng disyerto.
-Nagsilbing pundasyon ng maunlad na kulturang Egyptian ang mga pakinabang na bigay ng Nile RIver.
Dito nagmula ang lahat ng mga pangangalailangan ng mga Egyptian.
-Dahil Dito, tinagurian ang Egypt bilang “Biyaya ng Nile River” o “The Gift of the Nile River.”
-Kinalaunan, nabuo ang ganap na sibilisasyon sa lambak-ilog ang Nile at pagsapit ng 3100 BCE ay nabuo ang
Egypt bilang isang matatag at mayamang estado.

>Panahong Predynastic hanggang sa Matandang Kaharian (Old Kingdom)


Paraon (pharaoh) - Tawag sa pinuno ng mga Egyptian sa sinaunang panahon na pinaniniwalaan din nila
bilang diyos.
-Orihinal na tumutukoy sa palasyo kung saan nakatira ang hari ng Egypt.

Predynastic Period
-Kung kailan wala pang mga namunong dinastiya sa kabuuan ng Egypt. (Bago ang pagsapit ng 3100 BCE)
-Isang mahalagang katangian ay ang pagkakalinang ng mga eskribano (scribes) ng sistema na tinawag na
HIEROGLYPHICS
Hieroglyphics – sistema ng pagsulat ng sinaunang egypt na ibigsabihin ay “sagradong pag-ukit” o “sacred
carving” dahil sinasabing ito ay unang ginamit ng mga pari.
-Dahil dito nagawa nilang maitala ang kanilang mga transaksiyon sa pakikipagkalakalan&mahahalagang
pangyayari sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Nomes – tawag sa mga dating pamayanan.
Nomarchs – Namumuno sa mga nomes na dating pamayanan.

Early Dynastic Period


-Dalawang kaharian ang nabuo sa egypt mula sa pakikipagkasundo at alyansa sa pamamagitan ng mga
pamayanan:
Lower Egypt sa Hilaga at Upper Egypt sa Timog.
-Sinakop ni Menes ang Lower Egypt at pinag-isa ang dalawang kaharian na dating magkatunggali.
Menes – kilala bilang isa mga pinakaunang paraon ng unang dinastiyang namuno sa pinag-isang Egypt; naging
sentro ng egypt ang Memphis.

Old Kingdom Period (Matandang Kaharian)


-Tinatayang nabuo noong 2613-2181BCE. Ang panahong ito sa egypt ay binubuo ng ikatlo hanggang
ikaanim na dinastiya.
-Tinuturing ang panahon bilang “Age of Pyramids”.

Pyramid – mga libingan ng mga paraon na nagsisilbi rin simbolo ng kadakilaan ng kanilang pamumuno.
-Sa kabila ng ilang mga talang nagsasaad ng libo-libong manggagawang Egyptian ang nagtayo nito, isang
malaking palaisipan pa rin sa makabagong mundo kung paano binuo ang mga ito nang hindi ginagamitan ng
makabagong anyo ng teknolohiya.
Great Pyramid of Cheops (Khufu) – matatagpuan sa Giza. Ang kahanga-hangang katangian ng pyramid na
ito sa Egypt ang naglagay rito bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.
-Kasamang inililibing sa mga pyramid ang ilang mahahalagang kayamanan at kagamitan at mga alipin ng
paraon sa paniniwalang kakailanganin sila ng paraon sa kabilang buhay.
-Dalawang siglo lamang ang kabuuang haba ng pagtatayo ng mga pyramid sa Egypt.
-Tinatayang nasa 80 lugar sa egypt ang pinatayuan ng mga pyramid ngunit sa kasalukuyan ay iilan na lamang
ang nakikitang nakatayo at buo.
Pepi II – pinakahuling paraon mula sa ikaanim na dinastiya. Itinuturi ring pinakamatagl na naging pinuno.
-Naging paraon nung siya ay 6 taong gulang at namatay nang 100 taong gulang (94 taon na pamumuno.)
-Naging hudyat ng paghina ng kaharian ang pagkamatay ni Pepi II.

>Panahong Intermediate sa Egypt


-Nahahati sa limang bahagi na tinatayang nagsimula noong 2181BCE-664BCE. Ang mga ito ay ang: First
Intermediate Period, Middle Kingdom Period, Second Intermediate Period, New Kingdom Period, Third
Intermediate Period.
-Nahati muli ang Egypt sa pagitan ng Lower Egypt na nakasentro sa Heracleopolis at Upper Egypt na
nakasentro sa Thebes.

First Intermediate Period


-Pamumuno ng ika7-ika11 dinastiya.
-Sumiklab ang mahabang serye ng labanan sa pagitan ng magkalabang dinastiya.

Middle Kingdom Period


-Pamumuno ng Ika-12 dinastiya. Muling napag-isa ng 11th dinastiya ang Egypt mula Thebes.
Mentuhotep II – isang pinuno ng ika-11 dinastiya.
-Nakasentro ang kapangyarihan sa Itj-tawy (Ijitayd).
12TH DINASTIYA:
Senusret III - nang maging pinuno, malaking bahagi na ng Nubia ang nasakop ng Egypt gayundin ang ilang
bahagi ng Syria.
Amenemhet III – pinakamahusay na paraon ng ika-12 dinastiya.
-Sa 45 taon ng kaniyang pamumuno ay namayani ang kapayapaan sa buong Egypt.
-Nakilala rin siya sa pagpapatayo niya ng mga daungan, monumento, at templo.
-Hindi na lamang natuon ang pamumuhay sa Egypt sa lambak-ilog ng Nile sa kaniyang pamumuno.
Amenemhet IV – ang panahon ng kaniyang pamumuno ang simula ng paghina ng ika12 dinastiya sa Egypt.

Reyna Sobekneferu – o Queen Sobekkara (asawa at half-sister ni Amenemhet IV) ay humalili bilang paraon
nang mamatay ang kaniyang asawa na si Amenemhet IV.
-Itinuturing bilang pinakaunang babaeng paraon ng Egypt batay sa ebidensiya.
-Ang kaniyang kamatayan na hindi nag-iwan ng tagapagmana ang naging hudyat ng pagwawakas ng paghahari
ng ika-12 dinastiya gayundin ng Gitnang Kaharian.
Ang pamumuno ng mga magkatunggaling dinastiya at pagpasok ng mga Hyksos ang hudyat naman ng
pagisismula ng Second Intermediate Period.
Second Intermediate Period
-Pamumuno ng ika-13--ika-17 dinastiya. Muling nagkawatak-watak ang Egypt at muling sumiklab ang
tunggalian sa pagitan ng Thebes at Itj-Tawy.
-Nabalot ng kaguluhan at kawalan ng katatagang pampolitika ang pamumuno ng mga paraon.
Great Hyksos Dynasty – o ika-16 dinastiya na tinatag ng mga Hyksos na nakasentro sa Avaris.
-Nakilala ang mga Hyksos sa husay nila sa paggamit ng chariot.
New Kingdom Period
-Pamumuno ng ika-18--ika-20 dinastiya
-Tinaguriang “Age of Empire” sapagkat nakilala ang bilang isang makapangyarihang imperyo.
Ahmose I – nagtatag at unang paraon ng ika-18 dinastiya. Nagtaboy sa mga Hyksos.
Thutmose II – isang paraon ng ika-18 dinastiya at asawa ni Hatshepsut
Reyna Hatshepsut – namuno matapos mamatay ang kaniyang asawa na si Thutmose II.
-Isa sa magigiting na pinunong babae sa kasaysayan. Nagpatayo siya ng mga obelisko at templo at
nakapagpadala ng mga ekspedisyong Egyptian.
Thutmose III – Humalili bilang paraon nang mamatay si Hatshepsut (Anak ni Hatshepsut at Thutmose II).
-Higit na lumawak ang teritoryong saklaw ng Imperyong Egyptian.
Amenophis IV – o Akhenaton ay isa sa mga kilalang paraon ng Bagong Kaharian dahil sa malalaking
pagbabagong ipinairal niya sa Egypt.
-Binawasan ang kapangyarihang pampolitika ng mga pari.
-Ipinakilala niya sa Egypt ang paniniwala sa iisang diyos na si;
Aton(Aten) – na isinisimbolo ang araw (sun-disk).
Reyna Nefertiti – asawa ni Akhenaton na katuwang niya sa pamumuno.
Hindi nagustuhan ng mga pari ang mga pagbabagong ipinakilala ni Akhenaton, nang mamatay siya ay
isinantabi ang mga pagbabagong ito ayon sa impluwensiya ng mga pari.
Rameses I – Nagsimula ang pamumuno ng ika-19 dinastiya sa panunungkulan niya.
Seti I – umupo bilang paraon noong 1291-1279BCE.
Rameses II – isa sa mahuhusay na pinuno ng New Kingdom.
-Kilala rin dahil sa naging ganap sa Exodus ng mga Israelite sa Bibliya
-Napahupa rin niya ang pananakop ng Hittite sa Egypt.

>Mga Pamana ng Kabihasnang Egyptian sa Sibilisasyon (Ambag sa Kasaysayan)


Sining at Arkitektura:
-Mga monumento, obelisko, irigasyon at pyramid.
-Hieroglyphics
-Kolorete sa mukha (makeup)
-Sphinx of Giza
-Great Pyramid of Cheops(Khufu)
Agham at Matematika:
-Sa larangan ng geometry
-Mummification
-Astronomiya(?)
Teknolohiya:
-Kalendaryong may 365 na araw
-Paper scrolls
Relihiyon at Paniniwala:
-Horus at Ra
-Pagsamba sa Pusa
-Paraon
-Aton (Aten)
Sistemang Pampolitika:
-Paraon
-Nomarchs
Kolorete sa Mukha (Makeup) – pinaniniwalang magbibigay ng proteksiyon ng kanilang mga diyos na sina
Horus at Ra.
-pinaniniwalang nagtataglay ng kapangyarihang salamangka.
Sphinx of Giza – Isa sa pinakamalaking single-stone statues sa buong mundo.

You might also like