You are on page 1of 29

Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga


panahong batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh. Ang pharaoh ang
tumayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt at itinuturing ding isang
diyos na taglay ang mga lihim ng langit at lupa. Para sa mga pharaoh, sila
ang tagapagtanggol sa kanilang nasasakupan. Sa pangkalahatan,
maituturing na kontrolado ng isang pharaoh ang lahat ng aspekto ng
pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian. Kabilang sa kaniyang mga
tungkulin ang pagsasaayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa kalakalan,
pagtatakda ng mga batas, pagpapanatili ng hukbo, at pagtiyak sa
kaayusan ng Egypt.

Ang mga iskolar na nag-aaral sa kasaysayan ng Egypt ay tinatawag


na mga Egyptologist. Batay sa isang tala, mahahati ang kronolohiya ng
kasaysayan ng Egypt sa sumusunod na pagpapanahon:
1 Pre-dynastic Period Nauna sa panahon ng mga Nauna sa 3100 BCE
Dinastiya

2 Early Dynastic Period Panahon ng mga Unang Una at Ikalawang Dinastiya (circa
Dinastiya 3100-2670 BCE)

3 Old Kingdom Matandang Kaharian Ikatlo hanggang Ikaanim na


Dinastiya (circa 2670-2150 BCE)

4 First Intermediate Period Unang Intermedyang Ikapito hanggang Ika-11 Dianastiya


Panahon (circa 2150-2040 BCE)

5 Middle Kingdom Gitngang Kaharian Ika-12 at Ika-13 Dinastiya (circa


2040-1650 BCE)

6 Second Intermediate Ikalawang Intermedyang Ika-14 hanggang Ika-17 Dinastiya


Period Panahon (circa 1650-1550 BCE)

7 New Kingdom Bagong Kaharian Ika-18 hanggang Ika-20 Dinastiya


(circa 1550-1070 BCE)

8 Third Intermediate Ikatlong Intemedyang Ika-21 hanggang Ika-25 Dinastiya


Period Panahon (circa 1070-664 BCE)

9 Late Period Huling Panahon Ika-26 hanggang Ika-31 Dinastiya


(circa 664-330 BCE)
Ang tinatawag na Unang Intermedyang Panahon ay panahon ng
Ikapito hanggang Ika-11 Dinastiya ng Egypt. Sa pagsapit ng 2160 BCE,
tinangka ng mga panibagong na pagblukuring muli sa Lower Egypt mula sa
kabisera nitong Heracleopolis. Sa kabilang dako, ang kanilang mga
katunggali sa Thebes ay binuo naman ang Upper Egypt. Dulot nito,
nagsagupaan ang dalawang magkaribal na dinastiya sa Egypt. Ang mga
pinuno mula sa Heracleopolis ay nagmula sa linya ng pharaoh na si Akhtoy
samantalang ang unang apat na pinuno mula Thebes ay pinangalanang
Inyotef o Antef.
Ang kaguluhang politikal ay nagtapos nang manungkulan si
Mentuhotep I. Sa mga sumunod na naghari, napag-isa muli ang Egypt.
Nalipat ang kabisera sa Itjtawi (ipinapalagay na ngayon ay El-Lisht) sa
Lower Egypt. Sa panahon ni Senusret I o Sesostris I (1970 – 1926 BCE),
nakipagtunggali siya sa bahaging Nubia. Noong 1878 BCE, ipinagpatuloy ni
Senusret o Sesostris III (1878 – 1842 BCE) ang kampanyang militar sa
Nubia. Sa una ring pagkakataon, tinangka niyang palawakin ang
kapangyarihan ng Egypt hanggang Syria. Ang pinakamahusay na pinuno ng
panahong ito ay si Amenemhet II (1929 – 1895 BCE) na namayani sa loob
ng 45 taon.
Hindi sa Lambak ng Nile naganap ang mga gawain ng karamihan sa
mga naging pinuno ng Ika-12 Dinastiya. Sa halip, maraming ekspedisyon
ang nagtungo sa Nubia, Syria, at Eastern Desert upang tumuklas ng
mahahalagang bagay na maaaring minahin o mga kahoy na maaaring
gamitin. Nagkaroon din ng kalakalan sa pagitan ng Egypt at Crete ng
kabihasnang Minoan.
Ang Ika-13 Dinastiya ay bahagi ng Gitnang Kaharian. Kaguluhan at
pagdating ng mga Hyskos mula sa Asya ang namayani sa panahong ito. Ang
katagang Hyskos ay nangangahulugang “mga prinsipe mula sa dayuhang
lupain.” Sinamantala nila ang mga kaguluhan sa Nile upang makontrol ang
lugar at palawigin ang kanilang kapangyarihan sa katimugan. Nagsimula
ang pamamayani ng mga Hyskos noong 1670 BCE at kanilang napasailalim
ang Egypt sa loob ng isang siglo. Hindi nagtagal, ang kanilang paggamit ng
mga chariot ay natutuhan din ng mga Egyptian. Nang lumaon, dahil sa
kawalan ng kontrol sa kabisera, nagsimula ang panibagong panahon sa
kasaysayan ng Egypt.
Nagpatuloy ang pamamahala ng mga Ika-13 at ika-14 na Dinastiya
sa alinman sa dalawang lugar, sa Itjtawy o sa Thebes. Subalit nang
lumaon, nagsimulang humina ang kanilang kontrol sa lupain. Ayon sa mga
tala, ang Ika-13 Dinastiya ay nagkaroon ng 57 hari. Ito ay nagpapahiwatig
ng kawalan ng kapanatagan at katatagan sa pamamahala. Ang Ika-15
Dinastiya ay nangingibabaw sa isang bahaging Nile Delta. Ang naging
pangunahing banta sa mga pharaoh ng Thebes ay ang Ika-16 na Dinastiya
na tinatawag ding Dinastiya ng Great Hyksos na namayani sa Avaris.
Nagawang palawigin ng mga pinuno rito ang kanilang kapangyarihan
hanggang sa katimugang bahagi na umaabot sa Thebes. Ang
pangingibabaw ng dinastiya ng mga Hyksos ay natapos sa pag-usbong ng
Ika-17 Dinastiya. Nagawang mapatalsik ng mga pinuno nito ang mga
Hyksos mula sa Egypt.
Ang Bagong Kaharian ay itinuturing na pinakadakilang panahon ng
kabihasnang Egyptian. Ito ay pinagsimulan ng Ika-18 Dinastiya. Tinatawag
din ito bilang Empire Age. Naitaboy ni Ahmose (1570 – 1546 BCE) ang mga
Hyskos mula sa Egypt noong 1570 BCE. Sinimulan niya ang dinastiya ng
mga dakilang pharaoh mula sa Thebes at namayani mula sa Delta
hanggang Nubia sa katimugan. Panahon din ito ng agresibong
pagpapalawak ng lupain ng Egypt sa kamay ng malalakas na mga pharaoh.
Ang kapangyarihan ng Egypt ay umabot sa Nubia sa katimugan hanggang
sa Euphrates River sa Mesopotamia, sa lupain ng mga Hittite at Mittani.
Si Reyna Hatshepsut (1503 – 1483 BCE), asawa ni Pharaoh
Thutmose II (1518 – 1504 BCE), ay kinilala bilang isa sa mahusay na
babaing pinuno sa kasaysayan. Siya ay nagpagawa ng mga templo at
nagpadala ng mga ekspedisyon sa ibang mga lupain. Sa kaniyang
pagkamatay, lalo pang pinalawig ni Thutmose III (1504 – 1450 BCE), anak
ni Thutmose II, ang Imperyong Egypt.
Isa sa mga tanyag na pharaoh noong ika-14 na siglo BCE ay si
Amenophis IV o Akhenaton (1350 – 1334 BCE). Tinangka niyang bawasan
ang kapangyarihan ng mga pari sa pamahalaan. Tinangla rin niyang
baguhin ang paniniwala ng mga tao ukol sa pagsamba sa maraming diyos.
Pinasimulan niya ang bagong relihiyon na nakatuon sa pagsamba sa iisang
diyos, si Aton, na sinasagisag ng araw. Sa kasamaang-palad, hindi
tinangkilik ng mga pari ang ganitong pagtatangka. Sa pagkamatay ni
Akhenaton, tuluyang nawala ang kaniyang sinimulan. Siya ay pinalitan ni
Tutankhamen (1334 – 1325 BCE) na noon ay siyam na taong gulang pa
lamang nang maupo sa trono.
Ang Ika-19 na dinastiya ay pinasimulan ni Rameses I (1293 – 1291
BCE). Siya ay sinundan nina Seti I (1291 – 1279 BCE) at Rameses II (1279 –
1213 BCE). Si Rameses II ay isa sa mahusay na pinuno ng mga panahong
ito. Sa loob ng 20 taon, kinalaban niya ang mga Hittite mula sa Asia Minor
na unti-unting pumapasok sa silangang bahagi ng Egypt. Natapos ang
alitan ng Egypt at Hittite nang lumagda sa isang kasunduang
pangkapayaaan si Rameses II at Hattusilis III, ang hari ng Hittite. Ito ang
kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang
imperyo sa kasaysayan ng daigdig. Pinaniniwalaang ang Exodus ng mga
Jew mula Egypt ay naganap sa panahon ni Rameses II. Muli na namang
humina ang pamamahala sa Egypt sa kaniyang pagpanaw.
Ang ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang Tanites, ay pinasimulan
ni Smendes (1070-1044 BCE) ng Lower Egypt. Ang dinastiyang ito ay
napalitan ng mga hari mula sa Libya na nagpasimula naman sa Ika-22
Dinastiya. Ang unang pinuno nito ay si Shoshenq I (946-91 BCE) na isang
heneral sa ilalim na nagdaanang dinastiya. Sa mga panahong ito,
maraming mga natutunggaliang pangkat ang nagnanais mapasakamay ang
kapangyarihan. Humantong ito sa pagbuo ng Ika-23 Dinastiya. Sa paglisan
sa Egypt, sa Sudan, isang prinsipe ang kumontrol sa Lower Nubia. Nang
lumaon, isang nagngangalang Piye ang sumalakay pahilaga upang
kalabanin ang mga naghahari sa Nile Delta. Umabot ang kaniyang
katunggaliang si Tefnakhte subalit pinayagan siyang mamuno sa Lower
Egypt. Sinimulan niya ang Ika-24 na Dinastiya na hindi naman nagtagal.
Nagsimula ang Ika-26 na Dinastiya sa ilalim ni Psammetichus (664 –
610 BCE). Nagawa niyang pagbuklurin ang Middle at Lower Egypt.
Nakontrol niya ang buong Egypt noong 656 BCE. Sa ilalim ni Apries, isang
hukbo ang ipinadala upang tulungan ang mga taga-Libya na puksain ang
kolonya ng Greece na Cyrene. Subalit ang malaking pagkatalo ng kaniyang
hukbo ay nagdulot ng kaguluhang sibil na humantong sa paghalili ni
Amasis II (570 – 526 BCE). Hindi naglaon, napasakamay ng mga Persian
ang Egypt. Ang pinuno ng mga Persian na si Cambyses II ang naging unang
hari ng Ika-27 Dinastiya.
Napalayas ng mga Egyptian ang mga Persian sa pagtatapos ng Ika-
28 Dinastiya. Sa pananaw ng Persia, ang Egypt ay isa lamang
nagrerebelyong lalawigan nito. Namuno ang mga Egyptian hanggang sa
Ika-30 Dinastiya bagama’t mahihina ang naging pinuno. Panandaliang
bumalik sa kapangyarihan ang mga Persian at itinatag ang ika-31
Dinastiya.
Noong 332 BCE, sinakop ni Alexander The Great ang Egypt at
ginawa itong bahagi ng kanyang Imperyong Hellenistic. Malawak ang
saklaw ng kaniyang imperyo na umabot ng Egypt, Macedonia, Asia Minor,
Persia, Mesopotamia hanggang Indus Valley sa India. Sa kanyang
pagkamatay noong 323 BCE, naging satrap o gobernador ng Egypt ang
kaniyang kaibigan at heneral na si Ptolemy.
Noong 305 BCE, itinalaga ni Ptolemy ang kaniyang sarili bilang hari
ng Egypt at pinasimulan ang Panahong Ptolemaic. Ang Dinastiyang
Ptolemaic ay naghari sa loob halos ng tatlong siglo. Si Cleopatra VII ang
kahuli-hulihang reyna ng dinastiya. Ang Egypt ay naging bahagi ng
Imperyong Roman noong 30 BCE.
Maraming siglo muna ang lumipas sa pagitan ng pagsisimula ng
pamumuhay sa ma pamayanan at pagkakaroon ng mga lipunang binuo ng
estado sa Mesoamerica. Ang mga sinaunang tao ay nagtatanim ng mais at
iba pang mga produkto sa matabang lupain ng Yucatan Peninsula at
kasalukuyang Veracruz noon pa mang 3500 BCE. Sa pagsapit ng 1500 BCE,
maraming taga-Mesoamerica ang nagsimulang manirahan sa mga
pamayanan. Naidagdag din sa kanilang karaniwang kinakain ang isda at
karne ng maiilap ng hayop.
Mababanaag na ang pagkakaroon ng politikal at panlipunang
kaayusan sa Mesoamerica sa pagitan ng 2000 BCE at 900 BCE. Sa
maraming rehiyon, ang maliliit subalit makapangyarihang pamayanan ay
nakaroon ng mga pinuno. Nagkaroon din ng ilang mga angkang
pinangibabawan ang aspektong pang-ekonomiya, pampolitika, at
panrehiyon. Ang pinakilala sa mga bagong tatag na lipunan ay ang Olmec.
Olmec (1500-500 BCE)

Ang kauna-unahang umusbong sa


Central America (at maaaring maging
kabuuang America) ay ang Olmec.
Ang katagang Olmec ay
nangangahuluang rubber people dahil
sila an kauna-unahang taong gumamit
ng dagta ng punong rubber o goma.
Ang kanilang kabihasnan ay
yumabong sa rehiyon ng Gulf Coast sa
katimugang Mexico na nang lumaon ay
lumawig hanggang Guatemala.
Ang panahong ito ay halos kasabayan
ng Dinastiyang Shang sa China.
Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural. Ang sistemang
irigasyon na itinayo rito ay nagbigay-daan upang masaka ang kanilang
lupain. Sila rin ay nakagawa ng kalendaryo, gumamit ng isang sistema ng
pagsulat na may pagkakatulad sa hieroglyphics ng mga Egyptian, at
nakalinang ng katangi-tanging akda ng sining. Naunawaan na rin nila ang
konseptong zero sa pagkukuwenta. Sa kasamaang palad ang kanilang
sulat ay hindi pa lubusang nauunawaan ng mga iskolar hanggang ngayon.
Dahil dito ang mga kaalaman sa Olmec at iba pang mga sinaunang tao sa
America ay hango mula sa iba pang labi ng kanilang panahon. Ang mga
likhang ito at maging ang paniniwalang Olmec ay may malaking
impluwensiya sa kultura ng mga sumunod na kabihasanan, tulad ng Maya
at Aztec.
Kulturang Olmec

Larong Pok-a-tok Ang rituwal sa kanilang paniniwala ay mahalaga sa


pamumuhay ng mga Olmec. Sila ay may panrituwal na laron
tinatawag na Pok-a-tok na tila kahalintulad ng larong
basketbol, subalit ang mga manlalaro ay hindi maaaring
gumamit ng kanilang kamay upang hawakan ang bolang yari sa
goma: Sa halip, gamit ang mga siko at baywang, tinatangka ng
mga manlalaro na ihulog at ipasok ang bola sa isang maliit na
ring na gawa sa bato at nakalagay sa isang mataas na pader.
Pinaniniwalaan ng mga arkeologo na ang ilang mga manlalaro
ay ginagawang sakripisyo matapos ang nasabing laro. Nang
lumaon, ito ay nilaro sa iba’t ibang sentro sa buong
Mesoamerica.
Lilok ng anyong Ang mga Olmec ay kilala rin sa paglilok ng mga anyong ulo
mula sa mga bato. Ang pinakamalaking ulo ay may taas na
ulo mula sa mga siyam na talampakan at may bigat na 44 libra. Maaari di
bato umanong ang mga lilok na ito ay hango sa anyo ng kanilang
mga pinuno. Sila rin ay nakagawa ng mga templong hugis
piramide sa ibabaw ng mga umbok na lupa. Ang mga
estrakturang ito ay nagsilbing mga lugar-simbahan ng kanilang
mga diyos.
Hayop na jaguar Mahalaga sa paniniwalang Olmec ang hayop na jaguar na
pinakakinakatakutan ng maninila (predator) sa Central
America at South America. Ito ay nagpapakita ng lakas,
katusuhan, at kakayahang manirahan saanmang lugar. Ito rin
ay agresibo at matapang. Sinasamba ng mga Olmec ang
espiritu ng jaguar.
Dalawa sa sentrong Olmec ay ang San Lorenzo at ang La Venta.
Ang mga lugar na ito ay mga sentrong pangkalakalan kung saan ang mga
produktong mineral tulad ng jade, obsidian, at serpentine ay nagmumula
pa sa malalayong lugar tulad ng Costa Rica.
Katulad ng iba pang kulturang umusbong sa America, ang
kabihasnang Olmec ay humina at bumagsak. Sinasabing sila ay maaaring
makihalubilo sa iba pang mga pangkat na sumakop sa kanila.
Gayunpaman, ang mga sinaunang taong sumunod sa kanila ay nagawang
maitatag ang dakilang lungsod ng Teotihuacan.
Teotihuacan
(250 BCE-650 BCE)

Sa pagsapit ng 200 BCE, ang ilan sa mga


lugar sa lambak ng Mexico ay naging mas
maunlad dahil sa ugnayang kalakalan at
pagyabong ng ekonomiya.
Isa sa mga dakila at pinakamalaking
lungsod sa panahong ito ay ang
Teotihuacan na nangangahulugang
“tirahan ng diyos”.
Pagsapit ng 150 CE, ito ay naging isang
lungsod na may halos 12.95 kilometro
kuwadrado na mahigit sa 20,000 katao.
Sa pagitan ng 150 CE at 750 CE, ang
populasyon nito ay minsang umabot sa
120,000.
Ang mga piramide, liwasan, at lansangan ay nagbigay ng karangyaan,
kadakilaan, at kapangyarihan sa lungsod. Maliban dito, ang mga pinuno nito ay
nagawang makontrol ang malaking bahagi ng lambak ng Mexico. Naging sentrong
pagawaan ang lungsod samantalang ito ay nagkaroon ng monopolyo sa
mahahalagang produkto tulad ng cacao, goma, balahibo, at obsidian. Ang obsidian
ay isang maitim at makintab na bato na nabuo mula sa tumigas na lava. Ginamit
ito ng mga Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim ng mga
kutsilyo. Matagumpay na pinamunuan ng mga dugong bughaw o nobility ang
malaking bahagdan ng populasyon. Ito ay naganap sa pamamagitan ng pagkontrol
sa eknomiya, pag-angkop sa relihiyon, at pagpapasunod nang puwersahan.
Ang pinakamahalagang diyos ng Teotihuacan ay si Quetzalcoatl, ang
Feathered Serpent God. Tinawag na diyos ng kabihasnan, pinaniniwalaang sa
kaniya nagmula ang iba’t ibang elemento ng kabihasnan n Teotihuacan. Kinatawan
din niya ang puwersa ng kabutihan at liwanag. Siya rin ang diyos ng hangin.
Noong 600 C.E., ang ilang mga tribo sa hilaga ay sumalakay sa lungsod at
sinunog ang Teoihuacan. Mabilis na bumagsak ang lungsod matapos ang 650 C.E.
Ang paghina ng lugar ay maaaring dulot ng mga banta mula sa karatig-lugar,
tagtuyot, at pagkasira ng kalikasan.
Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig
ay nag-iwan ng kani-kanilang mga pamana sa
sangkatauhan. Ang mga ito ay nagpapakita ng kadakilaan,
husay, at talento ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang
larangan at aspekto. Hindi natin napapansin subalit ang
ilang mga bagay na ating ginagamit araw-araw ay maaaring
mag-ugat sa malayong nakaraan. Gayundin, ang kasaysayan
ng iba’t ibang kaisipan, pilosopiya, at relihiyon sa
kasalukuyan ay maaaring tuntunin sa mga sinaunang
kabihasnang ito.
Ziggurat Ang Ziggurat ay estraktura kung saan
pinaparangalan at sinasamba ang diyos o patron
ng isang lungsod. Sentro rin ng pamayanan ang
Ziggurat.

Code of Hammurabi Ang katipunan ng mga batas ni


Hammurabi, na mas kilala bilang Code of
Hammurabi, ay isang napakahalagang
ambag. Ito ay naglalaman ng 282 batas na
pumapaksa sa halos lahat na aspekto ng
araw-araw na buhay sa Mesopotamia.

Cuneiform Ang kauna-unahang sistematikong paraan


ng pagsulat ng buong daigdig ay nalinang
sa Sumer. Ito ay tinatawag na Cuneiform.
Epic of Gilgamesh Sa larangan ng literatura, itinuturing ang Epic of
Gilgamesh bilang kauna-unahang akdang
pampanitikan sa buong daigdig. Ito ay kuwento
ni Haring Galgamesh ng lungsod-estado ng
Uruk sa Sumeria noong ikatlong siglo BCE.
Ang isa sa mga kabanata ng epikong ito ay
kahalintulad sa The Great Flood ng Bibliya.

Iba pang kontribusyon  water clock


 paggawa ng unang mapa
 sexagesimal system o pagbibilang na
nakabatay sa 60
 astronomiya
Sewerage System May sewerage system ang Mohenjo-Daro.
Bukod dito, ang mga pamayanan sa Indus ay
kinikilala bilang mga kauna-unahang
paninirahang sumailalim sa tinatawag na urban
o city planning o pagpaplanong panlungsod.
Ang mga kalsada sa matatandang lungsod ng
Mohejo-Daro at Harappa ay nakaayos na parang
mga nasasalubong na guhit o grid pattern.

Arthasastra Isinulat ni Kautilya ang Artasastra noong


ikatlong siglo BCE. Ito ang kauna-unahang akda
o tratise hinggil sa pamahalaan at ekonomiya.
Si Kautilya ay tagapayo ni Chandragupta
Maurya, ang tagapagtatag ng Imperyong
Maurya.

Ayurveda Ang Ayurveda o “Agham ng Buhay” ay isang


mahalagang kaisipang pangmedisina ng
sinaunang India. Tinawag itong “Agham ng
Buhay” sapagkat binigyang-tuon nito ang
pagpapanitili ng kalusugan at kaligtasan mula sa
mga karamdaman.
Ramayana at Mahabharata Ang dalawang epikong pamana ng India sa
larangan ng panitikan. Ang Mahabharata ay
isang salaysay hinggil sa matinding tunggalian
ng dalawang pamilya na magkakamag-anak –
ang mga Pandava na kumakatawan sa
kaguluhan at kasamaan. Ang Ramayana naman
ay isang salaysay tungkol sa buhay ni Prinsipe
Sita, ang kaniyang asawa, na sapilitang kinuha
ni Ravana, isang demonyong hari.
Iba pang kontribusyon  Pamantayan ng bigat at sukat
 Decimal System
 Paggamot at pagbubunot ng ngipin
 Halaga ng pi (3.1416)
 Taj Mahal
 Pinagmulan ng mga relihiyon (Hinduism,
Buddhism, Jainism, at Sikhism)
Great Wall of China Sa panahon ng Qin, tinatayang isang milyong
katao ang sapilitang pinagtrabaho upang itayo
ang Great Wall ng China. Ito ay nagsilbing
simbolo ng kabihasnang Tsino sa loob ng
mahabang panahon.

I Ching at Bing Fa Ang I Ching (Classic of Change) ay nagbigay


ng perspektiba at pamamaraan ng prediksyon
ukol sa iba’t ibang bagay at sitwasyon sa buhay
ng tao. Samantala, ang Bing Fa (Art of War) ay
itinuturing na isa sa mga kauna-unahan at
pinakatanyag na aklat ukol sa estratehiyang
militar na isinulat ni Sun Zi o Sun Tzu noong
510 BCE.

Feng Shui Ang paniniwala sa Feng Shui o Geomancy ay


nagmula rin sa China. Ang kaisiang ito ay ukol
sa tamang pagbalanse na yin at yang upang
makapagdulot ng magandang hinaharap sa
sinuman. Ang yin ay sumisimbolo sa
kababaihan – malambot at kalmado. Samantala
ang yang ay tumutukoy sa kalalakihan – matigas
at masigla.
Iba pang kontribusyon  Paggamit ng silk o seda
 Kalendaryo
 Star Map
 magnetic compass
 seismograph
 wheel barrow
 water clock
 sundial
 chopsticks
 abacus
 pamaypay
 payong
Pyramid Ang mga piramide ay hitik sa mga simbolismong
relihiyoso. Libingan ito ng pharaoh kung kaya sinisimbolo
nito ang kapangyarihan ng mamuno. Gayundin,
pinatunayan nito ang paniniwala sa buhay matapos ang
kamatayan. Lahat ng kayamanan at karangyaan ng pharaoh
ay makikita sa piramide bilang paghahanda sa kabilang
buhay.

Mummification Ang katawan ng isang yumao ay sumasailalim sa isang


preserbasyon bago ito tuluyang ilibing. Sa isang prosesong
tinatawag na mummification, ang mga Egyptian ay
gumagamit ng kemikal upang patuyuin ang bangkay.
Matapos nito, ang isang mummy o embalsamadong
bangkay ay pinipintahan, binabalutan ng linen, at
pinapalamutian ng alahas.

Hieroglyphics May sistema ng pagsusulat din sa mga Egyptian na


tinatawag na hieroglyphics. Sa simula, ang isang larawan
ay sumasagisag sa isang kaisipan. Ang hieroglyphics ay
nakasulat hindi lamang sa mga papel kundi nakaukit din sa
mga pampublikong gusali o kaya naman ay nakapinta sa
luwad o kahoy. Ang panulat na ito ay naging mahalaga sa
pagtatala at kalakalan. Ang mga rolyo ng pergamino o
paper scroll ay mula sa malatambong halaman na
tinatawag na papyrus.
Iba pang kontribusyon  Geometry
 Medisina tulad ng pagsasaayos ng nabaling
buto
 Kalendaryo na may 365 araw
 Sagradong pagdiriwang

You might also like