You are on page 1of 46

MGA SINAUNANG

KABIHASNAN
Biyernes, Agosto 1, 2014

Kahulugan at Pagkabuo ng Kabihasnan

Ang kabihasnan ay tinatawag ding sibilisasyon, ang pagsasaka ay susi sa pag-unlad ng isang
kabihasnan. Ang maayos at mahusay na pagsasaka ay nagbubunga ng sapat o sobrang pagkain. Ang
pagkakaroon ng sobrang pagkain ang nagbigay-daan para sa espelisasyon ng paggawa. May mga taong
nag-iba ng kanilang gawain upang maging artisano, mangangalakal, pinunong politikal, pari, o kaya ay
sundalo. Ang mga bagong gawaing ito ay nagdala ng makabagong larangan na mahalaga sa paghubog ng
isang kabihasnan.

Upang matawag na mayroong sibilisasyon ang isang lipunan dapat may taglay na katangian na:

 Pagkadalubhasa sa Paggawa
- Ang pagkakaroon ng mga taong may tiyak na gawaing ginagampanan tulad
ng tagagawa ng palayok, tagahabi ng tela, o tagapanday ng metal.

 Pag-aantas ng Lipunan
- Ang mga pangkat na maituturing na dalubhasa ay nagkakaroon ng kapangyarihan sa
lipunan tulad ng mga pari, sundalo, at artisano.

 Pagtatag ng mga Lungsod


- Ang pagkakaroon ng mga lungsod ay nagsisilbing sentro ng
kalakalan, pamamahala, at pananampalataya.

 Pagkakaroon ng maunlad na sistema ng pamamahala


- Taglay ng isang sibilisadong lipunan ang mga taong mamamahala, magpapatupad ng
batas, at mangangalaga sa mga nasasakupan.

Pagkakaroon ng maunlad na sistema ng pagsulat


- Upang magkaroon ng maayos na pagsasagawa ng trabaho sa
pamamahala, pakikipagkalakalan, at pagtala ng kasaysayan at kalinangan ng isang lipunan.

 Pagkakaroon ng mataas na kalinangan


- Ang pagkakaroon ng magkakatulad na pananampalataya, paniniwala, at kaugalian ay
nagsisilbing batayan ng pagkakaisa at pagkakakilanlan ng isang lipunan.
KABIHASNAN SA MESOPOTAMIA
Kasaysayan ng Mesopotamia:

 Panahong Eridu (5500-4300 BC)


 Panahong Ubaid (4300-3500 BC)
 Panahong Uruk (3500-3100 BC)
 Panahong Uruk III at IV (3100-2900 BC)
 Panahon ng Maagang Dinastiya (2900-2334 BC)

Heograpiya

Ang lambak-ilog ng Mesopotamia ay napapalibutan ng:

Kabundukang Taurus - Hilaga


Kabundukang Zagros - Silangan

Ang hangganan naman ng Mesopotamia ay ang:

Disyerto ng Arabia - Timog


Golpo ng Persia - Timog-Silangan

Ang pangalan ng Mesopotamia ay galing sa


salitang Griyego na ang kahulugan ay "lupain sa pagitan ng mga ilog". Ang dalawang ilog na tinutukoy
rito ay ang Ilog Tigris atIlog Euphrates, ang mga ilog na ito ay pumapalibot sa Mesopotamia. Dahil sa
matabang lupain at mainam na patubig mula sa ilog, bahagi ang Mesopotamia sa tinatawag na Fertile
Crescent na mga lupain sa Kanlurang Asya.

Pagbuo ng mga Lungsod-estado sa Sumer

Sa paglipas ng panahon, ang maliliit na pangkat ng mga magsasaka sa Mesopotamia ay nagsanib


upang bumuo ng mga lungsod-estado tulad ng

Uruk

Lagash
Kush

Umma
Ur

Ang unang uri ng pamahalaan ng mga Sumeryano ay pinamumunuan ng pari na naninirahan sa mga
templo na tinatawag na ziggurat. Ang mga pari ang tagapamagitan at taga-ugnay ng mga tao sa diyos at
tagapamahala rin sa pagbuo ng irigasyon. Gayunman, dulot ng madalas na pakikidigma, unti-unting
pinalitan ang mga pari ng mga pinuno ng mga mandirigma na kalaunan ay naging mga hari.

Ang lipunan ng Sumer ay napapangkat sa apat:

 Unang Pangkat - mga pari at hari


 Ikalawang Pangkat - mayayamang mangangalakal
 Ikatlong Pangkat - mga magsasaka at artisano
 Ikaapat na Pangkat - mga alipin

Meron ring tagapangasiwa sa pamahalaan at namumuno sa pagtatanggol noon, ito ay ang:

En - nangangasiwa ng ilang gawain sa pamahalaan


Lugal - namumuno sa pagtatanggol ng siyudad kung may digmaan

Ang mga Unang Imperyo

Akkadian

Sa ilalim pamamahala ni Haring Sargon, lumawak ang sakop ng Akkad at kinilala bilang unang
imperyo. Nagtagal ang unang imperyo ng mahigit 200 taon.

Busto ni Haring Sargon

Assyrian

Mula 850 hanggang 650 BCE, sinakop ng mga Assyrian ang mga lupain sa Mesopotamia, Egypt, at
Anatolia. Ngunit hindi rin nagtagal ang imperyo ng mga Assyrian dahil nag- alsa ang kanilang
nasasakupang mamamayan. At pagsapit ng 612 BCE, tuluyan nang nagwakas ang kanilang
imperyo nang talunin ng mga Chaldean at iba pang kaanib na kaharian.

Chaldean

Busto ni Hammurabi

Sa pagkatalo ng mga Assyrian, itinatag ng mga Chaldean ang kanilang kabisera sa matandang
lungsod ng Babylon. Naging sentro ng bagong imperyo muli ang Babylon makalipas ang mahigit 1000
taon nang una itong maging kabisera sa pamumuno ni hammurabi. Naging tanyag na hari ng mga
Chaldean si Nebuchadnezzar, ito ay dahil pinagawa niya ang Hanging Garden. Pagsapit ng 586 BCE,
nasakop ng mga Persyano ang kaharian ng mga Chaldean.

Babylonian

Sa pagitan ng mga taong 1792 hanggang 1750 BCE nakamit ng imperyong Babylonian ang rurol ng
kapangyarihan sa ilalim ng pamumuno ni Hammurabi. Makalipas ang dalawang siglo, nabuwag ang
imperyo dahil sa pananalakay ng mga mananakop na pastoralistang nomadiko.

Relihiyon

Ang mga Sumeryano ay tinutukoy na may politiestikong pananampalataya. Meron din silang mga
Diyos:

Enlil
Enlil - ang pinakapangyarihang diyos
- diyos ng hangin at mga ulap

Shamash - diyos ng araw

Inanna - diyosa ng pag-ibig at digmaan

Shamash

Masasamang Udug
- pinakamababa naman sa antas ng mga diyos
- pinaniniwalaang tagapaghatid ng sakit, kamalasan, at gulo

Pagsulat

Noong 3100 BC, lumitaw ang unang dokumentong nakasulat sa istilong Sumer hanggang natutunan
nila ang paggamit ng cuneiform o clay tablet. Sinusulat sa mga tabletang putik ang cuneiform gamit
ang isang stylus. Ginagamit rin ito ng mga Akkadian, Babylonian, Assyrian, Cananeo, Hititte at iba pang
tribo.

Noong 1300 BC, dahil sa mga Arameo isang bagong sistema sa alpabeto na batay sa Phoenicia na
tinatawag na "Alpabetong Aramaiko".

KABIHASNAN SA EGYPT
Heograpiya
Natatangi ang lokasyon ng Egypt sapagkat napalilibutan ito ng mga
disyerto. Matatagpuan ang:

 Disyerto ng Sinai - Silangan


 Disyerto ng Nubai - Timog
 Disyerto ng Sahara - Kanluran

Umaasa ang mga Ehipsiyo sa regular na pag-apaw ng Ilog Nile na may dalang pag-unlad sa Egypt
kaya inilarawan ni Herodotus na angEgypt ay "handog ng Nile". Gayunpaman, nakaranas din ng
taggutom ang mga Ehipsiyo kung hindi sapat ang pag-apaw.

Simula ng Kabihasnan

Namuno si Menes noong 3100 BC. Itinatag niya ang kabisera ng Memphis at itinaguyod ang unang
dinastiya sa Egypt. Noong 2600 na taon ay nagkaroon ng 31 dinastiya kaya hinati niya ito sa tatlong
bahagi at tinawag na Lumang Kaharian, Gitnang Kaharian, at Bagong Kaharian.

Lumang Kaharian

Sa panahong ito nagsimulang tawagin na paraon ang pinuno ng kaharian. Ang paraon ay itinuturing
nilang isang diyos. Tinatawag ding "Panahon ng Piramide" ang Lumang Kaharian dahil sa panahong ito
nagsimulang magpatayo ang paraon ng libingan na hugis piramide.

Piramide ni Paraon Djoser

Ang unang piramide ay ang kay Paraon Djoser na bai-baitang ang disenyo na matatagpuan sa Saqqara.

Ang piramide ay patunay ng katatagan ng pamamahala ng mga paraon at husay ng kanilang


kabihasnan. Nagwakas ang Lumang Kaharian culot ng magkakaugnay na suliranin.

Gitnang Kaharian
Haring Mentuhotep II

Sa pamumuno ni Haring Mentuhotep II, muling napag-isa ang Egypt. Tinatawag ding "Panahon ng
Maharlika" ang Gitnang Kaharian. Sa panahong ito, nakipag-ugnayan ang mga Ehipsiyo sa Syrian upang
kumuha ng crypress,lapis at iba pa. Nakipagkalakalan din sila sa Nubia upang kumuha ng ebony at
insenso. Nakitungo din sila sa mga Crete upang kumuha ng palayok, tela at mga alahas. Nagpapatayo
din sila ng mga pamayanang Hyksos. Ang mga Hyksos ang mga migrante na may angking paggamit ng
mga chariot at pagpapanday ng bronse para gawing sandata.

Nagdala ng kaayusan at kaunlaran ang pamumuno ng mga Hyksos sa loob ng 160 taon. Napatalsik
lamang sila sa Egypt sa isnag pag-aalsa na pinamumunuan ni Ahmose I ng Thebes.

Bagong Kaharian

Nagsimula ang Bagong Kaharian sa paghahari ni Ahmose I. Binuo muli ni Ahmose I ang Egypt sa
iisang kaharian sa ilalim ng kabisera ng Thebes. Tinawag ding "Panahon ng Imperyo" ang Bagong
Kaharian.
Reyna Hatsepshut

Thutmose III

Kabilang sa mga natatanging paraon sa Bagong Kaharian ay siReyna Hatsepshut, ang unang
babaeng paraon na nagdala ng katahimikan at kaunlaran sa Egypt sa loob ng 19 na taon. SiThutmose
III ang humalili kay Reyna Hatsepshut. Sinakop niya ang Ehipsiyo hanggang Ilog Euphrates sa silangan at
hanggang sa timog ng Nubia.

Nang maging paraon si Rameses II, ipinatayo niya ang lungsod ng Pi-Ramesses, mga gusali ng Abu
Simbel, at templo ng Ramesseum.
Pi-Ramesses

templo ng Ramesseum
gusali ng Abu Simbel

Si Tutankhamun naman ang pinakabatang paraon. Ang kanyang kabaong ay may limang bahagi na
natagpuan ni Howard Carter noong 1922 sa Valley of the Kings. Ang kanyang kabaong ay pinapagitan ng
dalawang diyos na si Isis at Nephtys sa pamamagitan ng kanilang pakpak. Hanggang ngayon ay malaking
misteryo pa rin ang pagkamatay ni Tutankham.

Relihiyon

Mahigit 2000 ang mga Diyos ng mga Ehipsiyo


Ra - Diyos ng Araw
Horus - Diyos ng Liwanag
Isis - Diyosa ng mga Ina at asawa

Naniniwala rin ang mga Ehipsiyo na may buhay pa matapos ang kamatayan. Ayon sa kanila, ang
ginawa ng tao habang nabubuhay pa ay batayan sa paghuhusga kung siya ay mapupunta sa :
Mangangain ng Kaluluwa

Paraiso
Anubis

Si Anubis ang maghahatid kung saan siya dapat mapupunta kapag mamatay na ang isang Ehipsiyo.
Tinatawag ding Kamatayan si Anubis.

Khufu's Pyramide

Ang pinakamalaking piramide sa lahat ay ang pinatayo ni Cheops (Khufu) na may taas na 40 palapag at
may lawak na 13 arcres.
Pagsulat

Hieroglyphics

Papyrus reeds

Sa panahon ng sinaunang Egypt, tinutumbasan ng hugis o larawan ang isang bagay. Hieroglyphics ay ang
sistema ng kanilang pagsulat. Ang papel nila ay galing sa Papyrus reeds.

Agham at Teknolohiya

Ang mga imbensyon ng mga Ehipsiyo ay tugon sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Gumamit sila ng heometriya sa pagsukat ng kanilang lupain matapos ang regular na pag-apaw ng Ilog
Nile. Bumuo rin ang mga Ehipsiyo ng isang kalendaryo na nakabase sa bituin ng Sirius.

KABIHASNAN SA INDIA
Heograpiya
Sa hilagang bahagi ng sub-kontinente ng Insia sumibol ang isang kabihasnan na matatagpuan sa
lambak-ilog ng Indus. Matatagpuan ang:

 Hindu Kush - Hilaga Pinagmulan


 Karakoram - Hilaga < ng tubig
 Himalaya - Hilaga ng ilog

 Disyerto ng Thar - Silangan


 Bulubundukin ng Sulayman at Kirthar - Kanluran < Ang matabang lupain
na pinamahayan ng mga tao

Tinatayang umabot sa mahigit 100 lungsod ang matatagpuan sa pampang ng ilog. Ang pinakamalaking
lungsod ay ang Kalibangan, Mohenjo-Daro, at Harappa.

Harappa

Ang katangi-tangi sa kabihasnan ng mga taga-Indus ay ang pagsasaayos ng kanilang lungsod.


Nakalatag ang kanilang mga gusali sa planong grid system, kung saan nahahati ng mga kalsada ang
buong lungsod at nagkakaroon ng mga bloke ng lupain na pagtatayuan ng mga tahanan at ibang
estraktura.
Kalibangan

Sa kanluran ng mga kabahayan ay ang citadel na tinayuan ng mga pampublikong gusali, malaking
paliguan, at mga templo. Sa labas ng lungsod ay ang libingan at mga imbakan ng pagkain.

Mohenjo-Daro

Itinuturing na nauna ang mga taga-Indus sa paglikha ng sistema ng maayos na mga daluyan at kanal
na naglabas ng maruming tubig mula sa mga tahanan. Patunay lamang na mayroong isang matatag at
sentralisadong pamahalaan ang mga taga-Indus.

Panahong Vediko ng mga Aryano


Vedas

Nagmula sa Gitnang Asya ang mga mananakop na Aryano na pumasok sa lambak ng Indus simula 1500
BCE. Kabilang sila sa lahing Indo-Europeo na mga nomadikong pastoralista na nag-ambag sa pagsulong ng
kabihasnan sa India. Ang tanging tala ng kanilang buhay ay mahahalaw sa mga Vedas.

Antas ng mga Tao sa Lipunan

Ang mga Aryano ang nagpasimula ng sistemang kasta (caste system) na ang layunin ay ihiwalay ang
mga Aryano sa mga nasakop nilang Drabidyano. Nahati sa apat na uri ang uri ng mga tao sa lipunang
Aryano:
 Brahmin - binubuo ng kaparian
 Kshatriya - binubuo ng pinuno at mandirigma
 Vaishya - binubuo ng mga mangangalakal at magsasaka
 Shudra - pangkat nang mga hindi Aryano

Itinuturing namang hindi kabilang sa kasta ang mga dalit o tinatawag na mga untouchable.

Panitikan

Sa larangan ng panitikan, dalawang dakilang epiko ang nagmula sa India :


angMahabharata at Ramayana.

Tinatayang nabuo ang Mahabharata ng 100 hanggang 700 BCE. Ito ay naglalaman ng 90 000 talutod at
itinuturing na isa sa mga pinakamahabang tula sa mundo.

Samantala, ang Ramayana ay nasa anyong patula rin. Inilalahad sa epikong ito ang buhay ni Haring
Rama at ng kaniyang asawa na si Sita. Ayon sa salaysay, dinukot si Sita ng pinunong si Ravana. Dahil dito,
nakipaglaban si Rama upang mabawi si Sita.
Pananampalataya ng mga Aryano

Tampok na pinaunlad ng mga Aryano ang


pananampalatayang Hinduismo. Ayon sa kanila, ang relihiyon ang tanging paraan upang lumaya ang
kaluluwa ng tao sa mga kabiguan, pagkakamali, at kalungkutan sa buhay. Sinuri ng mga guro ang
nilalaman ng mga Vedas at kanilang nabuo ang aklat na Upanishads. Ang Upanishads ay kalipunan ng
diyalogo ng isang guro at mag-aaral. Patungkol ang mga diyalogong ito sa mga paraan kung paano
makakamit ng tao ang paglaya niya mula sa pagdurusa. Batay sa sulatin, kailangang maunawaan ng tao
ang kaugnayan ng atman ( ang kaniyang kaluluwa) at ang Brahman (ang kaluluwa ng mundo). Kapag
nakamit na ng tao ang moksha (ganap na pagkakaunawa sa ugnayan ng atma at Brahman), makakamit
niya ang kalayaan mula Samsara (siklo ng pagsilang, kamatayan, at muling pagkabuhay). Gayunman,
nakasaad din sa sulatin na hindi makakamit ng isang tao ang kalayaan sa isang buhay lamang.
Magkakaroon ng inkarnasyon ang kaluluwa na paulit-ulit na magaganap hanggang sa makamit na ng tao
ang moshka.

Sa paglaganap ng relihiyon ng mga Aryan at ng kanilang sistemang kasta, maraming tao ang
tumutol sa patakaran. Dahil dito, dalawang relihiyon ang sumibol bilang pagtutol sa Hinduismo. Ito ay
ang Buddhismo at ang Jainisimo.
Siddharta Gautama

Ang Buddhismo

Ang nagturo ng Buddhismo sa India ay si Siddharta Gautama na kabilang sa pamilya na naghari sa


Kapilavastu na matatagpuan sa kasalukuyang Nepal. Mulas araw na nagmedetasiyon si Siddharta
Gautama sa ilalim ng punong Bo, tinawag siyang Buddha na nangangahulugang "siyang naliwanagan".
Ang kaliwanagan ni Buddha ay nakabatay sa "Apat na Dakilang Katotohanan" (Four Noble Truths)

1. Ang buhay ay puno ng pagdurusa at kalungkutan.


2. Ang dahilan ng pagdurusa ay ang paghahangad at pagnanasa ng tao sa mga materyal na
bagay.
3. Ang pagwawaksi sa pagnanasa ay kailangan upang mawakasan ang pagdurusa.
4. Ang pagkakamit ng nirvana ay sa pagtahak sa daan ng Eightfold Path o Middle Way.
Nilalaman ng Eightfold Path ang mga sumusunod:

1. Wastong pananaw
2. Wastong hangarin
3. Wastong pananalita
4. Wastong kaasalan
5. Watong pamumuhay
6. Wastong pagsusumikap
7. Wastong pag-iisip
8. Wastong pagmumuni-muni
Dahil itinakwil ni Buddha ang sistema ng kasta, marami sa kaniyang mga naging tagasunod ay mga
manggagawa at artisano. Sa paglipas ng panahon, nahati ang Buddhismo sa dalawang pangkat

 Theravada - lumaganap sa Sri Lanka, Thailand, Burma, Cambodia, at Laos


 Mahayana - lumaganap sa China, Tibet, Japan, Korea, Mongolia, at Vietnam
Merong pagkakaiba ang dalawang pangkat. Ang Theravada ay naniniwala lamang sa makasaysayang
Buddha (Gautama) at sa ibang pinaniniwalaang mga Buddha sa nakalipas. Ang Mahayana naman kay
Gautama Buddha at Amithaba, at mga Medicine Buddha.

Jainismo

Ayon sa mga nananalig ng Jainismo, lumitaw sa mundo sa magkakaibang panahon ang 24 na guro
na nagturo sa mga tao upang mapalaya ang kanilang sarili mula sa karma. Tinawag silang mga Jina na
nangangahulugang "mananakop" at mga tirthankaras o "silang mga nakahanap ng landas sa kaligtasan".
Kinikilala si Vardhamana bilang ika-24 sa mga gurong ito at itinuturing na tagapagtatag ng samahang
Jainismo, kung kaya tinanghal siyang Mahavira o "dakilang bayani". Ang mga tagasunod ng Jainismo ay
tinatawag na Ajainaor.

Karamihan sa mga tagasunod ng Jainismo ay mga monghe na inaasahang susunod sa limang gabay
sa pamumuhay.

1. Ahimsa - pamumuhay ng payapa at pagwaksi sa karahasan sa anumang may buhay


2. Satya - pagpapahalaga sa pagsasabi ng katotohanan
3. Asteya - pag-iwas sa pagnanakaw
4. Brahma-charya - pag-iwas sa anumang gawain at pag-iisip na makamundo
5. Aparigraha - paglayo sa hangarin ng pagkakaroon ng kaligayahang materyal.

Imperyong Maurya

Chandragupta Maurya

Noong 321 BCE, kinilala bilang hari ng Magadha si Chandragupta Maurya. Siya ay isang pinunong
militar na nagpatalsik sa pamilyang Nanda na naghahari noon sa Magadha. Upang maayos na
mapangasiwaan ang imperyo, bumuo si Chandragupta ng isang sentrilisadong kawanihan na
magpapatakbo sa pamahalaan. Hinati rin niya ang imperyo sa apat na lalawigan na pinamunuan ng
isang prinsipe.
Bindusara

Noong 301 BCE, humalili sa trono ni Chandragupta ang kaniyang anak na si Bindusara. Sa loob ng 32
taon, napanatili ni Bindusara ang katatagan ng imperyo at pinalawig pa sa katimugang India ang
kapangyarihan ng imperyo. Pagsapit ng 269 BCE, ang anak ni Bindusara ang itinanghal na hari ng
Imperyong Maurya.

Asoka

Upang malaman ng buong imperyo ang mga bagong patakaean ni Asoka, nagpatayo siya ng malalaking
haligi kung saan nakaukit ang kaniyang mga kautusan. Sa pagpanaw ni Asoka noong 232 BCE, pawang
mahihina ang sumunod na hari na humantong sa tuluyang pagkawatak-watak ng imperyo.

Imperyong Gupta

Makalipas ang 500 taong kaguluhan at digmaan, mayroong lumitaw na mahusay na pinuno sa
kaharian ng Magadha. Siya ay si Chandra Gupta na nagtatag ng imperyong Gupat noong 320 CE. Mula
kay Chandra Gupat at sa humaliling hari pagkatapos niya, nakaranas ang imperyo ng katahimikan at
pag-unlad ng kabuhayan. Muling tumatag ang pamahalaan at lumawak pa ang teritoryo ng imperyo.
Sinasabing sa panahon imperyong Gupta, nakaranas ang India ng isang ginintuang panahon sa
matematika, agham, at panitikan.

Sa larangan ng matematika, ipinakilala ng mga paham ang konsepto ng pagbibilang mula una
hanggang ikasiyam na bilang. Sa astronomiya, malaki naman ang ambag ni Aryabhata sa pag-aaral
patungkol sa eklipse at sa taoryang pag-inog bg mundo sa araw. Sa larangan ng panitikan, kinilala
naman si Kalidasa sa husay ng kaniyang mga isinulat na dula tulad ng Shakuntala at Vikramoruasiyam.

Pagsapit ng huling bahagi ng ika-5 siglo CE, pawang mahihina ang sumunod na mga haring Gupta.
Humantong ito sa pagkakawatak-watak ng imperyong Gupta sa maliliit na kaharian.

KABIHASNAN SA CHINA
Heograpiya

Sa lambak sa pagitan ng mga Ilog ng Huang Ho at Yangzte sumibol ang mga unang pamayanan sa
China.

Hangganan ng lambak

 Disyerto ng Gobi - Hilaga


 Karagatang Pasipiko - Silangan
Kabundukan

 Kabundukan ng Tien Shan - Kanluran


 Kabundukan ng Himalaya - Kanluran
 Kagubatan ng Timog-silangnag Asya - Timog

Mga Unang Dinastiya

Dinastiyang Hsia

Yu

Ayon sa tradisyonal na kasaysayan ng China, pinag-isa ng dinastiyang Hsia ang mga


pamayanan sa paligis ng Huang Ho. Ang unang hari nito ay si Yu na isnag inhinyero at matematiko. Sa
pamumuno ni Yu, nagsasagawa ang mga Tsino ng mga proyektong pang-irigasyon na hahadlang sa
mapaminsalang pagbaha ng ilog.

Dinastiyang Shang
oracle bones

Pumalit sa dinastiyang Hsia ang dinastiyang Shang noong 1500 BCE. Ang tatlong
pangunahing katangian ng paghahari ng mga Shang ay ang pag-uumpisa ng pagsulat, kaalaman sa
paggamit ng bronse, at ang pag-aantas sa lipunan. May sistema ng pagsulat ang dinastiyang Shang
subalit ito ay itinatala sa mga piraso ng kawayan kaya hindi nagtagal. Ang tanging ebidensya ng
kanilang sistema ng pagsulat ay mula sa oracle bones. Hinati sa dalawa ang lipunan sa panahon ng
dinastiyang Shang. Ang unang pangkat ay ang mga maharlika at mandirigma. Pangalawa, binubuo ng
magsasaka.

Dinastiyang Zhou

Noong taong 1027 BCE, napatalsik ng mga Zhou ang dinastiyang Shang. Bilang pagpapatibay
ng kanilang pamamahala, ipinagpatuloy nila ang konsepto ng Tian Ming o "mandato ng langit" na ang
hari ang kinikilalang kinatawan ng langit sa mundo. Ang siklo ng pagtatag, pagbagsak, at pagpapalit ng
dinastiya ayon sa mandato ay tinaguriang siklong dinastiko (dynastic cycle).

Pagsapit ng 300 BCE, nagsimulang mawalan ng kontrol ang dinastiyang Zhou sa mga lalawigan
at namayani ang malalakas na warlord. Ang malagim na panahong ito sa kasaysayan ng China ay
tinaguriang "Panahon ng mga Nagdidigmaang Estado".

Dinastiyang Qin

Shi Huangdi

Tinawag ng pinuno ng Qin ang kaniyang sarili na Shi Huangdi na nangangahulugang unang
emperador. Sa layunin na mapatatag ang bagong dinastiya, iniutos ni Shi Huangdi sa lahat ng
maharlikang pamilya ng bawat estado sa buong China na manirahan sa kabisera ng imperyo na
Xianyang. Hinati niya ang mga estado sa 36 na distrito na pinamumunuan ng mga tapat na opisyal ng
Qin. Sa pagnanais naman na masupil ang mga tumutuligsa, ipinag-utos ni Shi Huangdi ang pagsunog sa
mga isinulat ng mga guro ng Confucianismo at pagpaslang sa kanila. Ang ganitong pamahalaayn ay
tinatawag na autocracy.

Ang mga naunang pader ay pinahaba pa niya ng 1400 kilometro na nag-uumpisa sa baybayin
ng Ilog Huang He at nagwawakas sa Tibet. Sa kasalukuyan, ang mga pader na ito ay kinikilala bilang
Great Wall of China. Noong 202 BCE, tatlong taon matapos mamatay si Shi Huangdi, bumagsak ang
dinastiya nang mag-alsa ang mga tao. Matapos nito ay napunta na ang "mandato ng langit" sa mga Han.

Mga Pilosopiyang Lumitaw sa Huling Dalawang Dinastiya

Tatlong pilosopiya ang nabuo sa China sa mahaba nitong kasaysayan. Ito ay


angConfucianismo, Taoismo, at Legalismo.

Confucianismo

Confucius

Si Confucius ay ipinanganak noong 551 BCE, sa panahon na dinastiyang Zhou ay unti-unting


nawawasak dahil sa digmaan ng mga estado. Namuhay siya bilang isang iskolar at dapat taglayin ng
bawat isa ang jen o ang kabutihan at pagmamahal sa kapwa. Maipapakita ang jen sa pagsasaayos ng
limang ugnayan sa kapwa:

1. Ugnayan ng pinuno at mamamayan


2. Ugnayan ng ama ta anak
3. Ugnayan ng mag-asawa
4. Ugnayan ng matandang kapatid sa nakababata
5. Ugnayan ng magkaibigan
Naniwala rin si Confucius na ang edukasyoon ay susi upang ang isang karaniwang tao ay maging
maginoo. Ito rin ay nagbigay-daan sa pagkakalikha ng burukrasya sa pamahalaan. Ayon pa kay
Confucius, dapat ding taglayin ng isang maginoo ang mga sumusunod na apat na mabuting asal:

1. Maging magalang sa pakikitungo sa iba


2. Maglingkod nang tapat sa pinuno
3. Tugunan o higitan pa ang mga pangangailangan ng mga tao
4. Maging makatarungan da pakikitungo sa mga tao

Taoismo

Lao-Tzu

Itinuro ito ng pilosopong si Lao-Tzu na namuhay noong 6 BCE. Ayon sa aklat niyang Tao Te Ching,
mayroong puwersa ng kalikasan na namamahala sa lahat ng mga bagay sa mundo. Ito ay tinatawag
na Tao o ang "landas".

Bahagi ng paniniwala ng mga Taoist (tagasunod ng Taoismo) ang konsepto ng yin at yang na
dalawang puwersa na nagpapakilos sa kalikasan.

 Yin - sumisimbolo sa lupa, dilim, at kababaihan


 Yang - sumisimbolo sa langit, liwanag, at kalalakihan

yin at yang

Ayon sa mga Taoist, ang dalawang puwersang ito ang dahilan ng pagkakabuo ng lahat ng mga bagay
sa mundo. Kailangang mapanatili na balanse ang ugnayan ng yin at yang upang matiyak ang kapayapaan
at kaayusan. Dahil sa lubos na pinahahalagahan ng mga Taoist na makamit ang pakikiisa sa kalikasan,
sinusunod din nila ang feng shui. Ang feng shui ay isang sistema ng pagsasaayos sa lupain at tahanan
upang bumagay sa kapaligiran at panatilihing balanse ang yin at yang.
Legalismo

Hanfeizi

Sina Hanfeizi at Li Su ay dalawa sa mga nagsulong ng pilosopiyang Legalismo. Ayon sa


pilosopiyang ito, ang isang malakas at mahusay na pamahalaan ang susi sa pagpapanatili ng kaayusan.
Sa ilalim ng prinsipyong "ang pinuno ang namamahala at ang tao ay sumusunod", tungkulin ng pinuno na
panghimasukan ang kaisipan at kilos ng kaniyang mamamayan.

Li Su

Noong ika-4 na siglo, lumakas ang estado ng Qin na dating kabilang sa mga teritoryo ng kaharian
ng Zhou. Ayon sa teorya ng legalista, binago ng Qin ang uri ng pamamahala, ekonomiya, at sistemang
pangmilitar nito upang maging malakas. Tuluyan nang bumagsak ang dinastiyang Zhou at hindi nagtagal
ay sinakop ng imperyo ng Qin ang mga estado nito.

IBA PANG KABIHASNAN SA ASYA


Ang mga Hitito

mga Hitito

Nagmula sa nga damuhan ng Gitnang Asya ang mga Hitito. Noong 1650 BCE, nabuo ang imperyong
Hitito at itinatag nila bilang kabisera ang lungsod ng Hattusass. Dalawa ang susi sa tagumpay sa
digmaan ng mga Hitito. Una ay mabibilis na chariot at ang pangalawa ay kanilang kaalaman sa
pagpapanday.

Ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga Hitito sa kanilang mga nasasakupan ay mabubuod sa


konsepto ng pag-aangkin at pang-aangkop (adopt and adapt). Marami silang hiniram mula sa mga taga-
Mesopotamia sa larangan ng panitikan, sining, wika, politika, at mga batas.

Ang mga Phoeniciano

Ang mga Phoeniciano, kabilang sa pangkat ng lahing Semitiko ay nananahan sa mauunlad na


lungsod-estado sa may baybayin ng Dagat Mediteraneo. Sila ay mahuhusay sa paggawa ng barko,
manlalayag, at mangangalakal.

alpabeto ng mga Phoenciano

Kung ihahambing sa mga haring mandirigma ng ibang kabihasnan, ang mga pinuno ng mga
lungsod-estado ng mga Phoeniciano ay mga haring mangangalakal.Ang maituturing na
pinakamahalagang ambag ng mga Phoeniciano sa sangkatauhan ay ang alpabeto. Simple lang ang
alpabeto ng mga Phoenciano na nakabase sa ponetiko.

Ang mga Persyano

Darius

Kabilang ang mga Persyano sa lahing Indo-Aryano. Ang salitang Persia ay halaw sa
katagang Persis na bansag ng mga Griyego sa lugar na iyon. Sa ilalim ni Cyrus the Great, lumawak ang
imperyo ng Persia mula sa lambak-ilog ng Indus hanggang sa baybayin ng Dagat Aegean. Sa taong 525
BCE, matagumpay na nalupig ng tagapagmana ni Cyrus na si Cambyses II ang mga kaharian ng Egypt at
Libya sa Africa. Nang humalili si Darius bilang bagong hari, lalo pang lumawak ang kapangyarihan ng
Persia noong 521 hanggang 485 BCE. Itinuturing na isa ang imperyong Persyano sa pinakamalaking
imperyo noong panahong iyon sapagkat nagawa nilang mapalawak ang kanilang teritoryo na umabot sa
tatlong kontinente: Asya, Africa, at Europe.

Pamahalaan

Sa simula, naging mahirap para sa mga Persyano na pamahalaan ang napakalawak nilang
imperyo. Bunsod nito, hinati nila sa 20 satrapy o lalawigan ang kanilang teritoro. Pinamumunuan ang
bawat lalawigan ng isang satrap o gobernador na hinirang ng hari.
kahabaan ng Royal Road

Sa mahabang panahon, napanatili ng mga Persyano ang katatagan ng kanilang imperyo dahil sa
mahusay na sistema ng kanilang komunikasyon. Nagpagawa sila ng isang Royal Road na may habang 2
400 kilometro at ang hangganan ay mula Susa (bahagi ng Iran) patungong Sardis (bahagi ng Turkey).

Ang pangunahing wikang ginagamit ng mga Persyano ay Aramaic na ginagamit ng mga eskriba sa
lahat ng bahagi ng imperyo.

Relihiyon

Ahura Mazda

Ang sinaunang relihiyon ng mga Persyano ay kahalintulad ng mga Aryano ng India. Gayunpaman,
noong 600 BCE, ipinahayag ng propetang Zoroaster na may iisang diyos lamang at tinawag niya ang
diyos nila na Ahura Mazda na pinagmumulan ng kaliwanagan at katotohanan. Dagdag pa niya na bukod
kay Ahura Mazda, may espiritu ng kasamaan na kinilala niya bilang si Ahriman. Naniniwala si Zoroaster
na patuloy ang digmaan ng pwersa ni Ahura Mazda at Ahriman. Sa pamamagitan ng paglilingkod kay
Ahura Mazda at sa pamumuhay nang tama lang makaliligtas ang mga tao.

ANG MGA KABIHASNAN SA AMERICA


Ang mga Olmec
Tinatawag na Olmec o taong goma ang mga pamayanan na naninirahan sa baybayin ng Golpo ng
Mexico noong 1 200 BCE.

Nakasentro sa relihiyon ang buhay ng mga Olmec. Ang mga pinuno nila ay nagpatayo ng mga
templo na hugis piramide at sa tuktok ng mga templong ito nagaganap ang mga seremonyang
panrelihiyon. Isa pang paraan ng pagsamba ng mga Olmec ay sa pamamagitan ng paglalaro ng bola na
goma. Ang mga matatalong manlalaro ay isasakripsyo sa kanilang mga diyos.

Binubuo ang sistema ng kanilang pamilang ng tatlong simbolo:

 dot - katumbas ng 1
 bar - katumabas ng 5
 0

Ginamit nila ang sistema ng pagbilang sa pagtatala ng mga eklipse at paggalaw ng mga planeta.
Lumikha rin sila ng dalawang kalendaryo na gamit sa pang-araw-araw at sa mga panrelihiyong
seremonya.

Ang mga Teotihuacano

Matatagpuan sa lambak ng Mexico ang tinaguriang "Lupain ng mga Diyos" oTeotihuacan. Ang
Teotihuacan ay kinilala bilang unang lungsod sa America. Mula 100 CE, ang lugar na ito ay naging sentro
ng mga magsasaka, artisano, arkitekto, at musikero.

Quetzacoatl

Mapayapa ang pamuuhay ng mga Teotihuacano na nakasentro lamang sa pagsasaka, kalakalan,


at relihiyon. Sa paglipas ng panahon, nakamit nila ang pinakamalawak na ugnayang kalakalan sa
Gitnang America.

Sinasamba ng mga Teotihuacano ang diyos na si Quetzalcoatlo Feathered Serpent. Pangunahin


sa kaniyang kautusan ay patungkol sa kapayapaan, kababaang-loob, at pagmamalasakit sa kapwa.

Nagapi ng sumalakay na Chichimec ang mga Teotihuacano noong 700 CE at sinunog ang lungsod
ng huli. Lumikas ang mga tao at ito ang nagsilbing katapusan ng makapangyarihang lungsod.
Ang mga Mayan

Nagsimulang sumibol ang kabihasnan ng mga Mayan mula sa mga pamayanang nagsasaka na
nagtayo ng mga sentrong panrelihiyon para sa kanilang mga diyos. Mula rito, lumaki ang mga
pamayanan at naging mga lungsod tulad ng Tikal, Copan, Uxmal, at Chichen Itza na matatagpuan sa
katimugang Mexico at sa Gitnang America.

Nahahati sa apat na antas ang lipunan ng mga Mayan:

1. Maharlika
- tinatawag na halach uinic (tunay na tao) ang pinuno ng lungsod na siya ring pinuno ng hukbo.

2. mga pari
- tinatawag na Ah Kin Mai (The Highest One of the Sun).

3. magsasaka
4. mga alipin

Relihiyon

Poleistiko ang mga Mayan dahil naniniwala sila sa maraming diyos. Ang mga pari ang namumuno sa
mga seremonya ng pag-aalay. Tinularan din ng mga Mayan ang seremonya ng mga Olmec na paglalaro
ng bola bilang pagsamba sa kanilang diyos. Tinawag nila itong poc-ta-tok na nilalaro rin sa isang
ballcourt.

Katangian ng Kabihasnan sa Iba't Ibang Larangan

Sa pamamagitan ng pagtala ng pagkilos ng araw at buwan, nakabuo ang mga pari ng isang
kalendaryong banal na may 260 araw at isang kalendaryong solar na binubuo ng 20 buwan na may tig-8
araw.

Ang mga Mayan ay nakalikha rin ng sistema ng pagsulat. Binubuo ito ng 800 simbolong hieroglyph.
Ito ay kanilang nililok sa mga pader ng mga gusali,at isinulat sa mga palayok at mga papel na mula sa
balat ng puno.

Sa larangan ng arkitektura, nagtayo ng mga piramide ang mga Mayan na pinagdarausan ng pag-
aalay sa kanilang mga diyos. Isa sa natatanging templo ay angPyramide of the Jaguar na matatagpuan
sa Tikal.

Sa matagal na panahon, hindi lumago ang kabihasnan ng mga Mayan. Mula 850-950 CE, unti-
unting iniwan ng mga tao ang mga lungsod dahil sa kawalan ng pagkain.

Ang mga Aztec

Nagmula sa hilagang Mexico ang mga nomadikong Aztec na kilala rin sa tawag na Mexina. Noong
1325, nang maitatag ng mga Aztec ang kanilang kabisera sa Tenochtitlan, unti-unti nilang sinakop ang
mga kalapit na kaharian.

Itinuturing na extractive empire ang pamamahala ng mga Aztec. Ito ay dahil kapag nasakop nila
ang isang lungsod o kaharian, hindi nila pinapalitan ang mga pinuno.
Lipunan

Nahahati sa tatlong antas ang lipunang Aztec:

 Una - maharlika na kinabibilangan ng pamilya ng hari, kaparian, at mga pinuno


ng hukbo.
 Ikalawa - ordinaryong mamamayan tulad ng magsasaka, mangangalakal, sundalo,
at artisano.
 Ikatlo - alipin
Mayroon ding pangkat ng mga mangangalakal na tinatawag na pochteca na pinahahalagahan ng lipunang
Aztec.

pochteca

Relihiyon

Kabilang sa mga diyos ng mga Aztec ay sina Tlaloc, Huitzilopochtli, Quetzalcoatl, at Tezcatlipoca.
Naniniwala silang kailangang alayan ng buhay ng tao ang diyos, kaya madalas silang nangangailangan ng
mga isasakripisyong tao. Ang pangangailangang ito ang nagbusod sa digmaan na tinatawag na Flowery
Wars. Mayroon ding seremonya ng paglalaro ng bola na tinatawag na ullamaliztli.

Flowery wars

Katangian ng Kabihasnan
Ang isang taon ay binubuo ng 365 araw at tinatawag na xiuhpohuali. Mayroon din silang
kalendaryong panrelihiyon na tinatawag na tonalpohuali na binubuo ng 260 araw. Sa larangan ng
pagsasaka, lumikha ang mga Aztec ng mga chinampa. Ito ay mga taniman na yari sa banig na damo at
tinambakan ng lupa.

xiuhpohuali

chinampa

Nagwakas ang imperyo ng Aztec nang mapasailalim ito sa kapangyarihan ng Spain noong 1519. Sa
pangunguna ni Hernan Cortes, nagapi ng mga Espanyol ang mga Aztec. Natalo sila bunsod na rin ng
digmaan at pagkalat ng sakit.
Ang mga Inca

Umabot ang teritoryong sakop nito sa Peru, Bolivia, Ecuador at mga bahagi ng Chile at Argentina.
Sa pamumuno ni Pachacuti Inca, lumawak ang nasasakuoan ng mga Inca at nakabuo sila ng isang
imperyo. Tinawag na Tahuantinsuya (Land of he Four Lord) ang imperyo.

Pachacuti Inca

 Chinchasuyu - Equador at hilagang Peru


 Antisuyu - silangan ng Cuzco hanggang sa kagubatan ng Amazon
 Contisuyu - Kanluran ng Cuzco hanggang sa baybayin ng Peru
 Collasuyu - timog ng Cuzco at sakop ang mga lupain sa Bolivia, Argentina,
at Chile.

Pamahalaan

Ibinatay ng mga Inca sa allyu ang pamamahala sa kanilang imperyo. Ang allyu ay ang
pagtutulungan ng mga pangkat ng mga tao para sa ikabubuti ng kanilang pamayanan. Pimamgkat ng
mga Inca ang kanilang mga mamamayan sa tig-10, 100, 1000 at 10 000 allyu.

Ang pangunahing hinihingi ng mga pinunong Inca sa kanilang nasasakupan ay ang pagganap sa
tungkulin ng mita o ang pagtatrabaho para sa imperyo.

Relihiyon
Viracocha

Maraming sinasambang diyos ang mga Inca. Pangunahin dito si Viracocha na pinaniniwalaang
tagapaglikha ng mundo at si Inti na diyos ng araw.

May mga pari na namumuno sa seremonya ng pagsamba na tinutulungan ng mga mamakuna o


"birhen ng araw".

Kabuhayan

Ang lahat ng mga lupaing sakop ng mga Inca ay pag-aari ng imperyo. Hinati ito sa lupain para sa
hari, sa relihiyon, at sa mga mamamayan. Upang maiwasan ang pagkabulok ng patatas, nakabuo ng
isang paraan ng preserbasyon ang mga Inca na tinatawag na chuno.

Katangian ng Kabihasnan

Ang mabundok na lupain ng imperyo ay hindi naging sagabal sa mabilis na komunikasyon sa mga
lungsod ng mga Inca. Nagpagawa sila ng mahigit 12 000 milyang kalsada sa gilid ng kabundukan.

quipu

Walang sistema ng pagsulat ang mga Inca. Nakabatay lamang sa memorya ta quipu ang mga tala
ng kautusan o batas ng kanilang pamahalaan. Ang quipu ay mga nakabuhol na lubid na may iba't ibang
kulay.
Nagwakas ang imperyo ng mga Inca ang dumating ang mga Espanyol at sinakop sila. Noong 1532,
sa pangunguna ni Francisco Pizarro, natalo ang pwersa ni Atahualpa at nabihag.

KABIHASNAN SA AFRICA

taong Nok

Isa sa mga sinaunang kultura ay ang mga taong Nok na naninirahan sa Nigeria mula 500 BCE hanggang
200 CE. Ang mga Nokay mga magsasaka na unang nakaalam ng paraan ng pagpapanday ng bakal sa
bahaging iyon ng Africa. Samantala, sa Kanlurang Africa naman nagmula ang mga Bantu. Sila ay mga
magsasaka at tagapastol ng mga baka.

Ang mga Kushite

Sa mahigit 2 000 taon, napasailalim sa kapangyarihan ng mga Ehipsiyo ang rehiyon ng Nubia (ngayon ay
Sudan) na matatagpuan sa katimugan ng Ilog Nile. Sa katimugan ng Nubia matatagpuan ang imperyop
ng Kush. Mula ika-16 at ika-15 siglo BCE, unti-unting nakamit ng mga Kushite ang kanilang kalayaan.

Haring Pianki

Kinikilala si Haring Pianki bilang unang pinuno ng imperyong Kushite. Naging maikli lamang ang
natamasang tagumpay ng imperyo ng Kush dahil noong 671 BCE, tinalo sila ng mga Assyrian.

Ang lupain ng Meroe, matatagpuan malapit sa Red Sea, ay nabiyayaan ng masaganang yamang-
mineral. Ito ang nagpasigla sa industriya ng pagpapanday ng mga armas at kagamitan sa pagsasaka ng
mga Kushite.

Gayunman, katulad ng ibang mga kaharian, unti-unti ring humina ang Meroe mula 250 hanggang
150 BCE, tuluyan na itong bumagsak nang mapasailalim ito sa mga Aksumite.

Ang mga Aksumite

Ayon sa alamat, ang pagkakatatag ng kaharian ng Aksum ay pinasimulan ng anak ng Reyna ng


Sheba at ni Haring Solomon ng Israel. Ang kaharian ng Aksum ay matatagpuan sa hilagang-silangnag
bahagi ng Africa.

Ang lokasyon ng kaharian ng Aksum ang pinaniniwalaang susi ng kanilang tagumpay. Sentro ito ng
ruta ng mga caravan patungong Egypt at Meroe. Ang baybayin ng Aksum ay nagsilbing daungan ng mga
barko ng mangangalakal na naglalayag sa Red Sea at Karagatang Insian.

stelae

Sa paghahangad na mapalawak ang kaharian ng Aksum, ipinag-utos ni Haring Ezana na sakupin ang
lupain ng yemen. Tinawag na cosmopolitan ang kultura ng mga Aksumite sanhi ng kanilang pakikipag-
ugnayan at pagiging bukas sa impluwensiya ng mga dayuhan.

Sa larangan ng arkitektura, isang mahusay na arkitektura na nagawa nila ay ang mga stelae o
higanteng haligi na gawa sa bato.

Ang kaharian ng Aksum ay tumagal hanggang 800 taon. Humina ang kaharian sanhi ng mga
mananakop na Muslim.

Ang mga Imperyong Pangkalakalan

Ang kalakalan ang pangunahing gawain na bumubuhay sa mga imperyo sa Africa. Sa pamamagitan
ng pakikipagkalakalan, lumago ang mga pamayanan sa Africa na naging mga imperyo. Ito rin ang
nagsilbing paraan upang ikalat ang relihiyon, sining, edukasyon, at pamahalaan mula sa ibang lugar.

Ang Ghana

Ang mga mamamayan ng Ghana ay tinatawag na Soninke. Pangunahing ikinabubuhay ng mga


Soninke ang pagsasaka at pagpapanday. Saklaw ng teritoryo ng Ghana ang tanging rutang dinaraanan ng
mga caravan g ginto mula sa Wangara sa Mali at asin na mula namn sa hilagang disyerto.

Nakamit ng Ghana ang rurok ng kanilang kapangyarihan noong 1000. Nagtayo sila sa kanilang
imperyo ng dalawang kabisera, ang Kumbi Saleh at El Ghaba.

Kumbi Saleh

Noong 1054, ang mga Almoravid ng Morocco ang sumalaky sa kaharian. Bunsod nito, unti-unting
humuwalay ang ilang maliliit na estado na lubusang nagpahina sa imperyo.

Ang Mali

Mansa Musa

Ang unang mansa o emperador ng Mali ay si Sundata. Pinatunayan niya na hindi lamang mahusay sa
digmaan, kundi pati na rin sa pamamahala. Isa pa sa kinikilalang pinakadakilang pinuno ng Mali ay
si Mansa Musa, katulad ni Sundata mahusay siya sa pamamahala.

Ang Songhai

Sunni Ali
Isa sa natatanging pinuno ng Songhai ay siSunni Ali. Sinakop niya ang Timbuktu, Gao, at ang Djene
na sentro ng kalakalan sa Africa. Tumagal ang kaniyang paghahari sa loob ng 30 taon. Nang mamatay si
Sunni Ali noong 1492, humalili bilang pinuno ng kaharian ang kaniyang anak.

Ang nagpabagsak sa imperyo ng Songhai ay ang kakulangan nito sa makabagong armas. Nasakop ng
mga Moroccan ang Songhai.

Ang ibang mga Estado sa Africa

Maliban sa mga Imperyo, may mga naitayo ring lungsod sa Africa. Ang mga ito ay angHausa at
ang kaharian ng Benin.

Ang mga Hausa

Matatagpuan sa hilagang Nigeria ang mga itinayo nilang mga lungsod ng Kano, Katsina, at Zazzau.
Ang pinuno ng bawat lungsod ay isnag hari. Madalas na nakikipagdigma ang mga Hausa sa isa't isa kaya
hindi sila nakabuo ng isang imperyo. Pagsasaka, paghahayupan, at paghahabi ang kabuhayan ng mga
Hausa.

Ang Benin

Itinayo ang kaharian ng Benin sa pampang ng Ilog Nile. Noong ika-15 siglo, lumaki ang sakop ng
kaharian sa pangunguna ni Haring Ewuare. Tumagal ng ilang siglo ang kaharian hanggang sa sakupin ito
ng Great Britain.

Ang Imperyo sa Katimugang Africa

Noong 1000, nanirahan sa isang kapatagan sa pagitan ng mga ilog Zambei at Limpopo ang isnag
pangkat na kinilala bilang Shona. Kinikilala ngayon ang lungsod na ito bilang Great Zimbabwe (pangalan
na Zimbabwe sa salitang Shona na ibig sabihin ay "pader na bato").

Mutota

Pagsapit ng taon 1450, nilisan ng mga Shona nag Great Zimbabwe. Ang imperyong pumali sa Great
Zimbabwe ay itinatag ng isnag prinsipeng Shona na si Mutota. Tinawag siyamg Mwene Mutapa o
mananakop ng kaniyang mga mamamayan.
Noong ika-16 na siglo, tinangkang sakupin ng mga Portuges ang imperyo ngunit sila ay nabigo. Ang
tumapos sa imperyong Mwene Mutapa ay ang pananalakay ng ibang mga kaharian sa Africa.

KABIHASNAN SA PASIPIKO

Kulturang Pasipiko

Ang rehiyon ng Oceania ay matatagpuan sa Karagatang Pasipiko. Kabilang sito ang mga rehiyon
ng Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ito ay binubuo ng libo-libong pulo na tinitirahan ng mga
mamamayang nasanay sa kulturang pangkaragatan.

Polynesia

Ang pangalang Polynesia ay galing sa mga katagang Griyego na polus na ibig sabihin ay "marami"
at nesos na ibig sabihin ay "pulo". Sakop nito ang malaking triyangulong teritoryo mula sa:

 Hilagang-silangan - Hawaii
 Timog-silangan - Easter Island
 Kanluran - New Zealand

Kabialng ang mga mamamayang Polynesian sa lahing Austronesyano a pinaniniwalaang nagmula sa


Timog China at Formosa noong mga 5000 hanggang 3000 BCE.

Kultura at Kabuhayan

Ang mga polynesian ay umangkop sa uri ng kanilang kapaligiran. Sila ay naging mga bihasang
manlalayag. Ang tahanan ng mga Polynesian ay yari sa kahoy, kawayan, at mga dahon ng puno ng niyog.
Nakasalalay ang kanilang pamumuhay sa pangingisda at pagtatanim.

Hiwa-hiwalay ang mga pamayanan ng mga Polynesian. Nagkaroon na ng malalakas na pinuno na


sumakop ng ilang mga pamayanan. Ang mga halimbawa nito ay sina Haring Kamehameha ng
Hawaii at Haring Laupepa ng Samoa.

Mahusay ring gumawa ng mga bangka ang mga Polynesian na ginagamit nila sa pakikipagkalakalan
sa iba't ibang pulo. Naimbento ng mga Polynesian ang bangkang tinatawag na catamaran (bangkang may
dalawang hull o katawan). Kilala ang mga Polynesian sa paglalayag. Sanay sila sa paggamit ng araw at
mga bituin sa kalangitan bilang gabay upang matukoy ang kanilang lokasyon sa karagatan. Mahilig din
ang mga Polynesian sa mga palamuti.
Micronesia
Halaw sa salitang Griyego na mikros na ibig sabihin ay "maliit" at nesos na ibig sabihin ay "mga
pulo". Bahagi rin ito ng Oceani na matatagpuan sa silangan ng Pilipinas, Indonesia, at Papua sa New
Guinea.

Kultura

Ang mga Micronesian ay galing din sa lahing Austronesyano na nanggaling sa Timog China at
Formosa. Tulad ng Polynesian, ang mga Micronesian ay mahusay ring manlalayag sa karagatan.
Gumagamit din sila ng teknolohiyang wayfinding sa kanilang pangingisda o ang paggamit ng araw,
buwan, at mga bituin bilang gabay sa paglalayag. Mahusay rin silang gumawa ng bangka tulad ng utng
mga Carolinian at ng parao ng mga Chamorro.

Ang mga pamahalaan naman ng mga Micronesian ay karaniwang hiwa-hiwalay na pamayanan. Ang
wika naman ng mga Micronesian ay kabilang sa grupo ng mga wikang Austronesian. Iba't iba ang mga
wikang ito tulad ng:

 Chamorro - Marianas
 Chuukese - taga-Chuuk
 Yapese - Yap
 Kosraeese - Kosrae
 Pohnpeinese - Pohnpei

Melanesia

Halaw ang pangalan nito sa mga katagang Griyego na melas na ang ibig sabihin ay "maitim"
at nesos na ang ibig sabihin ay "mga pulo". Ang mga pulo ng Melanesia ay tinitirahan ng mga taong
maitim ang balat.

Mga Mamamayan

Tinatayang matagal nang naninirahan ang mga ninuno ng mga Melanesian sa New Guinea bago ito
nagsimulang lumipat sa mga pulo sa Timog Pasipiko 35 000 taon na ang nakalipas. Nakaabot sila
hanggang Solomon Islands at maliliit na pulo na malapit dito. Ang kanilang wika ay galing sa grupo ng
mga wika na tinatawag na Papuan.

Credits to: UPFA


Diwa Learning Systems Inc.

Ipinaskil ni puchiarchiar sa 7:11 AM Walang komento:


I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa TwitterIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

Home
Mag-subscribe sa: Mga Post (Atom)
Tungkol sa Akin
puchiarchiar
Tingnan ang aking kumpletong profile

Archive sa Blog
 ▼ 2014 (1)
o ▼ August (1)
 Kahulugan at Pagkabuo ng Kabihasnan ...

Watermark na tema. Pinapagana ng Blogger.

You might also like