You are on page 1of 17

KABIHASNANG

SUMER
Kabihasnang Sumerian
Sumerian
– nagmula sa isa sa mga
pamayanang agrikultural na malapit sa
kabundukan ng Elsburz at Zagros ng
Turkiya .
– noong 4000 B.K. ng lumikas
sila sa kapatagan ng Ilog Tigris at
Euphrates
Paraan ng Pamumuhay
– pagsasaka , pangangaso , at
paghahayupan ang uri ng pamumuhay.
– natutuhan din nila ang paggawa ng
kanal at Dam dahil sa madalas na
pagbaha .
– ang irigasyon at sistema ng patubig
ay nakatulong ng malaki sa pagtaas ng
produksyon ng mga pananim.
Sistemang Panlipunan
– nahahati sila sa mga Lungsod Estado
– ika – 19 at ika – 20 siglo natuklasan
ng mga arkeologo ang labi ng lungsod
ng Ur at Uruk
– Ur  kanluran ng Euphrates
Uruk  sa kasalukuyang Warka
Ang Lungsod ng Ur at Uruk
Relihiyon at Paniniwala
Teokrasya – uri ng pamahalaan kung
saan ang Diyos ang pinakamataas na
pinuno.
Paring hari – ang namumuno sa bawat
lungsod estado.
– walang limitasyon ang kapangyarihan
– ang Sumerian ay maraming Diyos
– Bawat distrito ay may lokal na diyos
at isang templo na tinatawag na
“Ziggurat”.
Ziggurat
Ziggurat – sentrong gawaing
panlipunan at pangkabuhayan.
– matataas ang mga ito upang
magsilbing hagdan patungong langit.
– itinuturing na tulay sa pagitan ng
tao at mga diyos.
Ziggurat ng Elamite sa Choga Zanbilna itinayonoong
1300 B.K. ang pinakamataas
Sistemang Panglipunan
– 1/3 ng kabuuang sakahan ng
Sumerian ay pag-aari ng templo na
maaring bilhin o ipagbili.
– nahahati ito sa tatlong parte :
• lupain ng panginoon na nakalaan sa
pagkain ng pari at tauhan ng templo.
•Lupang para sa magsasaka at iba pang
opisyales na naglilingkod sa lupain ng
panginoon.
•at araruhing lupa para sa mga
magsasaka na nag-aalay ng 1/7 o 1/8 ng
ani sa templo.
Sistema ng Pagsulat
– Naimbento ng mga Sumerian ang
sistemang “Cuneiform” o pagsulat sa
tabletang putik gamit ang tambo na
pinutol paparisukat sa dulo.
– Ang orihinal ay gumagamit ng
pictographic sa paglalarawan ng tao at
ideya.
Iba pang Sistema
Sistema ng Numero :
Sexagesimal – nakabase sa 60
Sining :
paggupit ng selyo o tatak sa pag-
ukit sa bato o kaya’y sa metal.
– Nang lumaon gumamit rin ng
simbolong phonetic para sa mga
pangalan upang mabawasan ang bunto ng
mga ulat nakatago sa templo.
– Nang mapagaan ang sistemang
Cuneiform ay ginaya ito ng ibang pang
tribo.
Pagbagsak ng Sumer
- hindi matatag at kulang sa
pagkakaisa ang pamahalaang Sumer
- noong 2350 B.K sinakop ni
Sargon the Great , pinuno ng Akkad ang
lungsod estado ng mga Sumerian.
- sinakop at ginawa niyang bahagi
ng kanyang nasasakupan ang Sumer.
- Lumawig ito hanggang
Mediteraneo, Persia , at Dagat Itim.
- Pinamunuan ni Sargon ito sa loob
ng 160 taon atsa panahong ito
lumaganap ang sibilisasyong Sumer.
Ang Ginintuang Panahon
- Subalit nag – alsa ang mga lungsod
estado laban sa mga Akkadian.
- nabawi ng Ur ang kapangyarihan
mula sa mga Akkad noong 2100 B.K. at
pinamahalaan ang Sumer at Akkad.
- Ang Ginintuang Panahon ay nakamit
sa panahon ng lungsod estadong Ur.
Muling Pagbagsak
- maraming nagtangkang lusubin
ang kapatagan ng Tigris at Euphrates.
- naglaban ang mga Elamite mula sa
Persia at Amorite o Babylonian ng
dalawang taon , nagtagumpay ang mga
Amorite sa pamumuno ni Hammurabi.

You might also like