You are on page 1of 9

AP TERM EXAM REVIEWER

made by: alekis navarro, mariya andal, cadie de roxas, cjiji villanera, sir rj :DDD

KABIHASNANG SUMER
(Sinaunang Kabihasnan:The Fertile Crescent)
- ang unang pangkat na lumikha ng gulong kasama ang kariton.
- nakaimbento din sila ng pang-araro na hinila ng toro, gilingan ng buti at orasan,
imburnal sa ilalim ng mga kalye, pampaganda at mga alahas na gawa sa kristal.

Heograpiya
- Maladisyerto ang lupain sa pagitan ng Persian Gulf at Mediterranean Sea sa
Kanlurang Asya.
- Matatagpuan sa hugis arkong lupain na nagkakaloob ng napaka yamang
lupaing sakahan sa rehiyon.

Fertile Crescent: tinawag Fertile Crescent dahil sa hugis nitong buwan o boomerang
- kasalukuyang binubuo ng Iraq, Syria, Jordan at Israel.

Mesopotamia
- lupain sa pagitan ng dalawang ilog
- Mula sa mga salitang “Meso” (Gitna) at “Potamos” (Ilog)
- Bahagi ng Fertile Crescent.

Ang Kambal na Ilog - Ang Tigris at ang Euphrates


- Nagmumula sa Turkey patungong Syria, at Iraq patungong Timog-Silangan
hanggang Persian Gulf.

Mga Hamon na hinarap ng mga Sumerian sa Fertile Crescent:


● Kakulangan ng Pagkain
- Ang kawalan ng ulan ay nag resulta sa maladisyertong lugar
● Lumalaking populasyon
- limitado ang kanilang likas na yaman dahil sa paglaki ng populasyon, na
nagresulta rin sa kakulangan ng pagkain
● Pag-apaw ng ilog
- Hindi nakakapghanda ang mga sumerian sa mga biglaang baha dahil
mahirap kalkulahin ang pag apaw ng tubig
● Ang Irigasyon
- Paano mapapanatili ang Irrigation System (maintenance)ng mga
Sumerian dahil minsan ay may mga buhangin o clay (silt) na bumabara
● Paglusob ng mga ibang grupo
- Ang mesopotamia ay walang likas na hangganan (boundary), kaya
dinayo at nasakop nito ng iba’t-ibang tribo

SUMERIANS
- Noong 3000 BCE, nakapagtatag ang mga Sumerians ng mga lungsod-estado na
binubuo ng mga lungsod na magkatulad ng kultura.
- Ang Sentro ng lungsod-estado ay isang templo na kung tawagin ay Ziggurat
- Ziggurat: Dito naganap ang pakikipag-ugnayan ng pari at pinuno ng mga
sumerian sa kanilang mga diyos

Pamahalaan ng Sumerians

Patesi: Pinunong Pari ng mga Sumerian

Theocracy- sistema ng pamahalaan kung saan ang pari ang namumuno sa isang
pamahalaan sa ngalan ng kanilang diyos.

Politeismo: Paniniwala sa maraming diyos. Mga halimbawa ng diyos/diyosa:


- Anu: god of heavens and king of the gods
- Enlil: god of air, wind, and storms, Enlil held the “Tablets of Destiny”
- Enki: shaper of the world as well as god of wisdom, intellect, and magic.
- Utu: god of the sun as well as justice and the law
- Inanna: goddess of love and war.
- Nanna: (also called Sin) - god of the moon

Cultural Diffusion: Pakikilahok o pagsasama-sama ng isa o ilan pang kultura.


Halimbawa: “Ang pagsikat o pagkilala ng isang Musika sa iba’t ibang parte ng mundo”
“ Ang kultura ng Japan tulad ng kanilang pagkain na sushi ay nakilala sa
Buong mundo”

-Sa Sumeria ang kanilang kultura ay nakilala ng iba’t ibang grupo na dumating sa
punto na ginaya ito ng ibang grupo tulad ng Cuneiform at paggamit ng gulong.

Mga Imbensyon o ambag:

Paraan ng Pagsusulat
- Noong unang panahon ang mga Sumerian ay nagsusulat sa pamamagitan ng
Cuneiform, pinakaunang paraan ng pagsusulat.

Gulong (sumerian wheel)


- Natagpuan noong 3500 BC, dahil dito nabuo ang iba’t ibang uri ng
transportasyon.

SINAUNANG EHIPTO
Egypt: nasa pinaka tuktok na bahagi ng hilagang-silangan ng kontinenteng Africa
- 386,662 milya kuwadrado
- “Pamana ng Nile”: kung wala ang Ilog Nile, ang buong lupain ng mga Ehipto ay
magiging disyerto
- “Black Land”: ang tawag sa Egypt dahil sa kanyang maitim at matabang lupa
- nasa kanluran ng Libya, Timog ng Sundan, Silangan ng Red Sea & Israel, at
Hilaga ng Dagat Mediterranean
- “Red Land” dahil sa disyerto o desert sand na tila kulay pula ang itsura

3150 BCE: ang Lower at Upper egypt ay pinamumunuan ng dalawang kaharian


hanggang sa ito ay napagkaisa ni Haring Menes bilang kauna-unahang hari ng Upper
at Lower Egypt.

PAMAHALAAN
Divine Monarchy: ang namumuno ay isang Hari o Reyna subalit pinapaniwalaan na
reincarnation ng isang diyos.

● Pharaoh: tumatayong Pinuno/Hari ng Egypt (divine king)


- Diyos sa lupa o sa mundo
- “Reincarnation” ng falcon god na si Horus

Pyramide: nagsisilbing patunay ng katatagan ng pamahalaang Paraon.

● Great Pyramid of Giza: (pyramid Khufu o pyramid of Cheops) pinakamalaki sa


tatlong Pyramid of Giza.

RELIHIYON
Polytheism: ang mga Ehipto ay naniniwala at sumasamba sa maraming diyos at diyosa
- Nasa higit na 3,000 na pangalan ng diyos sulating ehipto

Pagtayo ng Templo: uri ng pagsamba, pagdakila, at pagpaparangal sa kanilang mga


diyos at diyosa.

MGA PINUNO
Lumang Panahon “Panahon ng Pyramide” 2686-2181 BCE
● Haring Djoser: unang nagpatayo ng Piramide, kasama sa isa sa pinakasikat sa
ikatlong dinastiya ng Pharaoh.
● Haring Khufu: nagpatayo ng pinakasikat na Piramide sa buong mundo, namana
ang kanyang posisyon mula sa amang si Sneferu.

Gitnang Panahon “Panahon ng Maharlika” 2055-1650 BCE


- Nagsimula sa pamumuno ni Haring Mentuhotep II
- Muling napag-isa ang Egypt
- Tagapangalaga ng mga tao (Shepherd of the People) ang mga Pharaoh
- Mga Maharlika ang nagpakilos sa pamahalaan

Bagong Kaharian “ Panahon ng Pananakop” 1550-1070 BCE


● Thutmose II (1492-1476 BCE): pinakasalan ang kanyang half sister na si
Hatshepsut - at sa kanya nanggaling ang trono.

● Hatshepsut (1472-1458 BCE): namuno rin si Thutmose II bago siya, ngunit hindi
nagtagal na namuno din siya

● Thutmose III (1458-1425 BCE): nagsilbi sa militar, kaya hindi siya natalo kahit
isang beses sa digmaan

● Akhenaten (1390-1352 BCE): monotheism ang ambag, may kinalaman sa sun-god


na si ‘Aten’, “Magnificent King”

● Tutankhamun: pinakabatang Pharaoh, nagpatupad ng Polytheism, namuno ng


9-10 years old, misteryo ang kanyang pagkamatay

● Ramses II (1279-1213 BCE): kinalaban at itinibay ng mga Hittites, “Living God”,


anak ni Seti Ramses, ikatlong pinuno ng 19th dynasty

KULTURA
Hanap buhay: Pag aalaga ng mga hayop, pangingisda at pagtatanim
Paniniwala: Ang ating mga kaluluwa ay hindi namamatay (afterlife)
- Karamihan sa mga impormasyon tungkol sa relihiyon ay galing sa mga
inskripsyon sa mga monumento.
AMBAG
Sistema ng pagsulat: (Hieroglyphics)
- “sagradong ukit” (carvings)
- banal o sagrado
- 3000 B.C.
- wall paintings
- naging mahalaga sa pakikipag-kalakalan

Kalendaryo: 365 na araw, nahati sa 12 na buwan


Mga Piramide: Nagsilbing libingan ng mga paraon
Mummification: pag-eembalsamo ng patay

SINAUNANG APRIKA
● Ang Aprika ay pangalawa sa pinakamalaking kontinente sa daigdig. Sakop nito
ang ikalimang bahagi ng kabuuang kapuluan ng daigdig.

KAHARIAN NG KUSH (2,000 - 350 CE)


- Ito ay matatagpuan sa kahabaan ng Ilog Nile at hilaga ng Mediterranean
- Naging kolonya ng mga kushites ang Ehipto sa loob ng 500 taon.
- Naging makapangyarihan sa Ehipto ang Kush ngunit itinaboy sila palabas ng
Ehipto matapos tulungan ng mga Assyrians ang mga sinaunang Ehipsyano.
- Inilipat ng mga kushites ang kanilang kabisera sa timog ng Meroe sa Ehipto.

Pamumuhay sa Kush:
- Aktibo sa pagsasaka at pakikipagkalakalan.
- Trigo, barley, millet at bulak.
- Pag-aalaga ng hayop.
- Gumagawa ng mga espada, sibat, pana, gunting, palakol, pala at sipit.

Wika sa Kush:
Wikang Ehipto: ang salita ng mga Kushites
Wikang Meroitic: simbolikong panulat-salita

Pagbagsak ng Kush: Nagsimulang humina ng sakupin ng mga Romano noong 23 BCE.


IMPERYONG GHANA (Trade Empire)

Soninke: Ang mga sinaunang tao sa Ghana.


- Sila ay masisipag na negosyante at ang kanilang paninda ay asin, ginto, at
bakal na kanilang ipinagpapalit naman sa garing at mga alipin.
- Sinaunang pangkat ng tao sa Kanlurang Africa.

● Ang paggamit ng bakal ay nakatulong ng malaki sa pagpapaunlad ng Imperyo


ng Ghana kilala sila sa minahan ng ginto.
● Natutunan din ang paggawa ng iba’t ibang gamit tulad ng mga sandatang
kahoy, buto at bato.
● Nanguna ang Ghana sa larangang militar at napasakamay nila ang malaking
bahagi ng Kanlurang Africa.
● Sinisiguro ng pinuno ng Ghana na higit ang kanyang yaman kaysa sinuman sa
kaharian nagtatabi siya ng malaking bahagi ng ginto.
● Ipinagbabawal ang mga karaniwang tao ang magmay-ari ng pira-pirasong
ginto.
● Sapilitan ang pagbabayad ng tributo o buwis ang mga mamamayan sa mga
lupaing nasupil o nasakop bilang pagkilala sa kanilang lakas at kapangyarihan

Silent Barter: sistema ng pagpapalitan produkto kung saan ang mga nangangalakal ay
hindi nag-uugnayan o nag-uusap bunsod ng pagkakaiba ng wika o may nais silang
ikubling lihim ukol sa pinagmumulan ng produkto lalo na ang asin at ginto.

Pangunahing Lungsod ng Ghana


1. Timbuktu
● Ang sentro para sa caravan na tumatawid sa Sahara. Ito rin ang sentro ng
edukasyon at kalakalan. (Trans Saharan Trade)
● Ang mga kalakal na dumaraan sa Ghana pahilaga at patimog ay ginawaran ng
Hari ng Ghana ng buwis.
● Nagtatag ang Hari ng Ghana ng hukbo upang mapanatili ang kapayapaan at
kaligtasan ng Ruta.
● Ang magandang lokasyon ng Timbuktu na malapit sa Niger River at sa kabilang
banda ay disyerto kaya ito naging sentro ng kalakalan.

2. Djenne
● Ang sentro ng koleksyon ng ginto at alipin.

3. Kumbi
● Ang kabiserang lungsod ng Ghana.
● Dito matatagpuan ang palasyo ng hari, pook taggulan, mga gusaling
napaliligiran ng mga matataas na pader at sentro ng kalakalan, na
kinaroroonan ng mga pamilihan at tirahan ng mga negosyanteng Arab,
maharlika at manggagawa.

Relihiyon ng Ghana
- Dahil sa pakikipag-ugnayan ng mga taga Ghana sa mga mangangalakal na
Arabo nahikayat silang maging Muslim (Islam).

Ang Pagbagsak ng Ghana


● Lumaganap ang Islam sa buong Hilagang Africa.
● Naging muslim din ang mga Berber (Pangkat Etniko ng Hilagang Africa)

Almoravid
● Isang pangkat ng mga Berber.
● Sumakop sa Ghana, ngunit inabot ng dalawampu’t isang taon bago nila nasakop
ang lungsod ng Kumbi.
● Sinira nila ang iba pang lungsod ng Imperyo.

Mga Salik sa Pagbagsak ng Ghana


1. Pananalakay ng Almoravids, pangkat ng mga Muslim na nasa Hilagang Africa.
2. Pagdadala ng mga Almoravid ng pinapastol na mga hayop.
3. Pag-aalsa ng mga mamamayan ng mga bansang sakop ng Ghana noong 1200
CE hanggang sa kanilang makontrol ang kabuuang imperyo.

IMPERYONG MALI (1235 - 1670 CE)


- Napasailalim ng Mali ang mga ruta ng caravan at mga lungsod ng Ghana.
- Si Sundiata, ang unang Mansa o emperador ng Mali.
- Niani ang kabisera ng Imperyo.

Mansa Musa: Isa sa pinakadakilang pinuno ng Mali, na mahusay sa pananakop at


pamamahala. Nagpatayo ng mga moske at mga lungsod-kalakalan tulad ng Timbuktu.
- Ang Timbuktu ay naging sentro ng kaalamang muslim.
- Sa pagkamatay ni Mansa Musa-hindi na nakayanan ng kanyang anak na
pamunuan ang imperyo.
- Ang mga maliliit na kanyang sinakop ay humiwalay na, at unti-unti ang imperyo
ay bumagsak.

Sundiata Kieta: Isang Muslim na Aprikan na nagtatag ng Imperyong Mali.

Mansa Musa I: Isang mayamang emperador ng Mali, na nanungkulan simula 1312-1337


(25/dalawampu’t limang taon). Ang kanyang asawa ay si Inari Kunate.

IMPERYONG SONGHAI (1460 - 1591 CE)

- Pangkat na humiwalay sa Mali noong ika-14 na siglo


- Kilala ang mga Songhai sa lakas at galing sa pakikipagdigma
- Pinakamalaki at pinakamakapangyarihang Imperyong Pangkalakalan sa
Kanlurang Aprika.

Naging pinuno sa Songhai ang ilang maharlikang Dia sa Ghana.


- Dia - Bayani/champion

Sunni Ali: Kilala bilang “Ali Ber” o “Ali the Great”, na 30 taon naghari.
- May kaalamang militar at may Agresibong pamumuno (never lost a war)
- Sinakop niya ang Timbuktu, Gao, at Djenne sa Aprika

Dahilan ng pagbagsak: Bumagsak ang Songhai sa kakulangan ng makabagong armas


- Inatake ng mga Moroccan ang imperyo gamit ang pulbura (gunpowder) at
kanyon noong 1591.

GOODLUCK!!! - maria <333


See u next term HAHAHAA - alexies
WALANG BABAGSAK SA EXAM RIL
Walang bagbagsak sa AP!!!! - Sir RJ
Goodluck-sijey
OAOWODAWDJNSKRVSKN NJRSAKDAJEDKMS pinagsasabi nyuo ewan stop bad cady
stop it :((
yayayyayayyaayyayayayayayayayayayayayyayayayayayayayayayayayayayayayay
ayayayayayayayayayaayayayayaya rawrrawrrawr

You might also like