You are on page 1of 10

Proyekto

Sa
Araling
panlipunan
Ipinasa ni :
Ann nikkia mikaela adame

Ipinasakay:
Leyden dorado
LOKASYON AT LUPAIN
NG MESOPOTAMIA
-nangangahulugang “lupain sa dalawang ilog” sapagkat ito ay
nagmula sa pagitan ng dalawang lambak ng ilog na Tigris at
Eupharates
-ang lupain ng Mesopotamia ay mula sa Golpo ng Persia.
-tinagurian itong Fertile Crescent dahil sa hugis nito at sa
pagkakaroon ng matabang lupa.
-ang Mesopotamia aynagng tagpuan ng iba’ ibang grupo ng tao na
naghahanap ng matabang lupa, at bunga nito ay umiral ang isang
pamayanang agrikultural.
-sa kabila ng pagkakaroon ng ng matabang lupa, hindi naging
madali ang pamumuhay rito dahil sa panganib na dala ng pag apaw
ng ilog sa panahon ng tag-ulan.
MGA UMUSBONG NA
KABIHASANAN SA
MESOPOTAMIA
KABIHASNANG SUMER
(c. 3500 – 3000 BK)
-ang Sumer ang pinakaunang kabihasnang umusbong sa daigdig.
-binubuo ito ng mga lungsod-estado tulad ng Ur, Uruk, Eridu,
Lagash, Nippur, at Kish. Pinakatanyag at pinakamalaking gusali
sa Sumer ay ang ziggurat na halos katulad ng mga piramide ng
Ehipto. Ang namamahala sa Sumer ay tinatawag na patesi o paring
hari.Polythesim ang tawag sa pagsamba sa maraming diyos o
diyosa.Ang apat na pangunahing diyos ng mga Sumerian ay sina An
( diyos ng kalangitan ), Enlil ( diyos ng hangin), Enki ( diyos ng
katubigan ), Ninhursag ( diyosa ng lupa).Ang isa sa ambag ng
kabihasanang Sumer sa pandaigdigang kabihasnan ang cuneiform,
ang Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian.Ang pag-ukit sa mga
basang luwad ay tinatawag na clay tablet. Nagtataglay ito ng
kumpletong detalye, tulad ng petsa, lungsod, at pangyayari.Ang
pinakaunang epiko sa daigdig ay mula sa kabihasnang sumer, ang
epiko ng Gilgamesh.
IMPERYONG AKKADIAN
(c. 2700-2230 BK)
-kaunaunahang imperyong naitatag sa kasaysayan ng daigdig.
-ang emperador o hari ang pinuno ng Imperyong Akkadian.
-sentralisado ang uri ng pamahalaan, kung saan ang kapangyarihan
ay hawak ng hari.Si King Sargon I ang tumayong hari.
-namuno si King Sargon I sa imperyo sa loob ng 56 na taon.
-walang kakayahan ang mga hari pumalit kay King Sargon I, dahilan
kaya bumagsak ang Imperyong Akkadian.
IMPERYONG BABYLONIAN
(c. 1790-1595 BK)
-ang mga Amorite na kabilang din sa pangkat ng mga Semetic, ay
pinili ang Babylonia bilang sentro ng kanilang pamayanan.
-isa sa namuno sa pangkat na ito ay si Hammurabi.
-ipinakilala niya ang kanyang sarili bilang tagapagsalita ni Marduk,
ang punong diyos ng Babylon.
-tinawag na Kodigo ni Hammurabi ang tinipong mga mga batas na
isinulat sa isang clay tablet.
-itinaguyod ng Kodigo ni Hammurabi ang prinsiyong “mata sa mata,
ngipin sa ngipin.”
-bumagsak din ang Imperyong Babylonian, dahil sa pagsalakay at
pananakop ng mga Hittite,noong 1600 BK
IMPERYONG ASSYRIAN
(c. 745-612 BK)
-si King Sargon II ang nagtatag ng Imperyong Assyrian noong 700
BK.
-nasakop nito ang halos kabuuan ng Fertile Crescent, maging ang
Ehipto.
-estadong militar ang uri ng pamahalaang naitatag sa Assyria.
-dito, mga sundalo ang nangangasiwa sa araw-araw na gawain sa
imperyo.
-ang Assyria ay nakapagtatag ng isang malaking aklatan. Ito ang
naging pamana ng Imperyong Assyrian sa kabihasnan ng daigdig.
-mayroong pangkat etniko na nagkasundo sa pagsalakay sa Assyria
sapagkat hindi nila naibigan ang karahasan at kalupitan nito. Ang
pagbagsak ng Nineveh na kabisera ng Assyria, ang nagsilbing
hudyat ng tuluyang paglaho ng Imperyong Assyrian
IMPERYONG CHALDEAN
(612-539 BK)
-nagmula ang imperyong ito sa pagsanib ng puwersa ng mga
pangkat ng Chaldean at Medes.
-ang Imperyong Chaldean na pinamunuan ni Nebuchadnezzar.
-isang kilalang ambag ng Chaldea ang Hanging Gardens of
Babylon, isang terasa ng mga halaman at bulaklak na ipinatayo ni
Nebuchadnezzar para sa kaniyang asawa, sa ngayon ay kabilang
ito sa Seven Wonders of the Ancient World.
-hindi nagtagal ang Imperyong Chaldean sapagkat sa huli ay natalo
at nasakop ito ng mga Persiano
IMPERYONG PERSIANO
(c. 550-350 BK)
-Kilala rin ito sa katawagang Imperyong Achaemenid na hango sa
pangalan ng pinuno nito na si Achaemenes. Si King Cyrus na
tinaguriang Cyrus the Great, ang nagpasimula sa pagpapalawak ng
Imperyong Persiano. Nasakop din nito ang Medes, Chaldea, at
maging ang Asya Menor (Turkiya ngayon).Mas lalong lumawak
ang Imperyong Persiano sa ilalaim ni Darius the Great. Nadagdag
ang mga imperyong nasa Hilagang India. Hinati ang imperyo sa
mga satrapy o lalawigan na pinamumunuan ng mga satrap o
gobernador.Nakapagpagawa ang Persia ng tinatawag na Royal
Road o Daang Maharlika.Aramaic ang wikang ginagamit sa
imperyo.Nagsimula silang gumamit ng salaping barya sa pagbili
ng produkto.Ang pag-iral ng court etiquette o ang wastong asal sa
loob ng palasyo ng emperador.Ang relihiyong Zoroastrianism na
itinatag ni Zoroaster ang umiral na relihiyon sa buong
imperyo.Gaano man ang lakas ng Imperyong Persiano ay dumating
ang punto na nagapi ito. Ninais ng Persia na sakupin ang Gresya
subalit hindi ito nagtagumpay. Unti unti itong nanghina, hanggang
magapi ni Alexander the Great ng Macedonia.
KABIHASNANG PHOENICIAN
(c.1200-800 BK)
-tanyag ang kabihasnang ito sa pagiging bihasa sa
pakikipagkalakalan.
-dalawa sa pangunahin nilang kalakal o produkto ang mga bagay
na yari sa mga babasaging materyal at mga telang kinulayan ng
tinang kulay morado
-paggamit ng alpabeto na binubuo ng 22 katinig.

You might also like