You are on page 1of 2

MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA SINAUNANG PANAHON SA KANLURANG ASYA

ANG PAGLITAW NG KATUTUBONG IMPERYO SA MESOPOTAMIA

IMPERYONG SUMERIAN (3500BCE)

 Dito unang nabuo ang sistema ng panulat na tinatawag na Cuneiform na ginagamitan ng patulis na bagay
na tinatawag na stylus.

 Natuklasan din nila ang gulong upang sila ay makagawa ng unang karuwahe.

 Sumerian din ang unang gumamit ng sistema ng panukat ng timbang at haba.

 Sila ang unang nagtatag ng organisadong puwersa sa pagtatayo ng mga dike.

IMPERYONG AKKADIAN (circa 2700-2230 B.C.E.)

 Pinamumunuan ni Sargon I

 Matatagpuan ang kanilang mga lupain sa Agade, nasa gitnang Mesopotamia.

 Magkahiwalay ang estado at relihiyon.

 Ang emperador o hari ang siyang kinilalang pinuno ng imperyo.

IMPERYONG BABYLONIAN (circa 1790-1595 B.C.E.)

 Isa sa mga pinakamahalagang ginawa ni Hammurabi ay ang pagtitipon at pag-oorganisa ng lahat ng


batas. Tinawag na Code of Hammurabi ang nabuong kalipunan ng batas.

IMPERYONG ASSYRIAN (circa 745-612 B.C.E.)

 Ang mga Assyrian ay matatagpuan sa hilagang Mesopotamia

 Gumamit sila ng dahas sa pagpapalawak ng nasasakupan.

 Nakaimbento ng mga sandatang yari sa bakal.

IMPERYONG CHALDEAN O BABYLONIAN II (612-539 B.C.E.)

 Sa ilalim na pamumuno ni Nebuchadnezzar muling sumigla ang Babylonia at nabawi ang kadakilaan na
dating natamo.

 Nalikha ang tanyag na Hanging Gardens, ito ay terrace ng mga halaman at bulaklak na ipinatayo ni
Nebuchadnezzar para sa kanyang asawa na si Amytis.

 Naging tanyag din ang Ziggurat na umabot sa halos 300 talampakan ang taas
ANG KABIHASNAN NG MGA KALAPIT-LUGAR NG MESOPOTAMIA

ARAMEAN (circa 1000-700 B.C.E.)

 Popular dahil sa wikang ipinalaganap nila sa buong Kanlurang Asya. Ang wikang Aramaic ang siyang pinakalaganap na
wika.

LYDIAN (circa 680-547 B.C.E.)

 Ang mga Lydian sa hilagang Turkey ang nagpasimula ng paggamit ng barya upang gamitin sa pagbili ng
produkto para sa kalakalan.

 Barter ang naging sistema ng kalakalan kung saan nakikipagpalit sila ng produkto sa ibang estado o
bansa.

PHOENICIAN (circa 1200-800 B.C.E.) –

 Tuyo ang lupain at maburol ang tahanan ng mga Phoenician kung kaya itinuon na lamang nila ang
kanilang lakas na maging magaling na manlalayag at tagagawa ng sasakyang pandagat.

 Sa kanilang pakikipagkalakalan, gumamit ang mga Phoenician ng alpabetong may 22 katinig

HEBREO (circa 1000-722 B.C.E.)

 Ang mga Hebreo sa rehiyon ng Palestine ay gumagamit ng wikang Semitic.

 Katangi-taging ambag ng mga Hebreo ang ideya ng monotheismo o paniniwala sa iisang diyos.

HITTITE (circa 1600-12 B.C.E.)

 Pinakamahalaga sa mga imbensyon ng mga Hittite ang pagmimina ng iron ore at paggawa ng iba’t ibang
kagamitang bakal.

 Natuklasan nila ang bagong pamamaraan ng pagpapanday at paghubog ng bakal.

You might also like