You are on page 1of 2

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya

Sumer (3500-2430 B.C.E.)


 Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga lupaing
sakahan ng lambak-ilog.
 Nabuo ang 12 lungsod estado (hal. Eridu, Kish, Lagash, Uruk,
at Ur) na pinamunuan ng isang hari.
 Tinawag na Ziggurat ang strukturang nagsilbing tahanan at
templo ng mga patron o diyos na makikita sa bawat lungsod.
 Naniwala sila sa maraming diyos at diyosa na
anthropomorphic o may katangian at pag-uugaling tao.
 Cuneiform (hugis-sinsel) ang paraan ng pagsulat na
ginamitan ng stylus at clay o luwad na lapida.
 Nag-alaga sila ng mga baka, tupa, kambing, at baboy.
 Madalas ang tunggalian ng mga lungsod-estado tungkol sa
lupa at tubig kaya hindi nakabuo ng isang matatag na
pamahalaan ang mga Sumerian.

ZIGGURAT

CUNEIFORM
Akkad (2340-2100 B.C.E.)
 Sinakop ni Sargon I (2334-2279 B.C.E.) ang mga lungsod-
estado at itinatag ang kauna-unahang imperyo sa
daigdig.
 Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia
sa lungsod- estado ng Akkad o Agade.
 Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadia si
Naram-Sin (2254-2218 B.C.E).
 Noong 2100 B.C.E., panandaliang nabawi ng lungsod
estado ng Ur ang kapangyarihan nito at pinamunuan ang
Sumer at Akkad.
 Bumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga
Amorite at Hurrian sa Mesopotamia. Sa loob ng sumunod
na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sa katimugan,
partikular ang Isin at Larsa, ay nagtunggalian upang
makontrol ang rehiyon.

Sargion I

NARAM-SIN

You might also like