You are on page 1of 2

Sumerians

Sila ang nakatala na pinaka matanda at unang sibilisasyon sa ating daigdig na


umusbong noong taong 3500-3000 B.C.E
Sibilisasyon
Ang sibilisasyon ay isang yugto ng isang pamayanan kung saan ito ay
magtataglay ng sariling wika, angking galing sa sining, husay sa
arkitektura mayroong gawin na pangkaisipan, may pamahalaan, at may
kakayahan na ipagtanggol ang kanilang mga sarili. At ang lahat ng ito ay
mayroon ang Sumerian.
Ang Sumerian ay binubuo ng mga nagsasariling lungsod estado, ang Ur,
Uruk, Eridu, Lagash, Nippur, at ang Kish. Sila ay walang control sa
isa’t-isa ngunit pinagbubuklod ng iisang paniniwala.
Cuneiform
Ang Cuneiform ay hango sa latin word na cuneus “wedge” at forma
“form” ang uri ng panulat na ito ay naimbento ng mga Sumerian noong
3500 BCE. Sa mga tabletang luwad nila itinatala ang mga transaksyong
pangnegosyo.

Haring Sargon sya ang nagtatag ng unang imperyo ang Akkadian at ang sumakop
sa Sumerian noong 2334-2154 BCE. Nagawa ni Haring Sargon na pagisahin muli
ang mga Lungsod-estado at pinamunuan nya ang mga ito, tumagal ang kanyang
panunungkulan ng 56 na taon. Hanggang sa siya ay mamatay.

Si Rismush ay anak ni Haring Sargon na pumalit sa pamumuno sa


Akkadian mula nung namatay ang kanyang Ama. Tinatayang 2215 BC
nya pinamunuan ito at tumagal ng 9 na taon sa kanyang pwesto dahil sya
ay humarap sa napaka raming rebolusyon sa kanyang panunungkulan.

Si Manishtushu ay isa pang anak ni Sargon na namuno sa loob ng 15 na


taon.

Naram-Sin
Si Naram-Sin ay pang-apat na namuno sa mga Akkadian. Siya ay anak
ni Manishtushu, na namuno ng 56 na taon-ng napakaunlad. Siya ay
pinangalanang King of the four corners of the Universe dahil nagawa
nyang mapalawak ang sakop ng Akkad mula sa Mediterranean coast at
hilagang Turkey hangang Timog Persian Gulf.

Sharkalisharri
Si Sharkalisharri ay anak ni Naram-Sin. Nabigo siyang patakbuhin ang
Akkadian at noong 2154 BC ay tuluyan ng bumagsak ang Imperyo ng
Akkadian.

You might also like