Professional Documents
Culture Documents
- Ang mga kaganapan sa Sumer ay naitala - Ang Babylon ang naging kabisera ng
sa pamamagitan ng kanilang sistema ng imperyong babylonia.
Hammurabi`s Code
-Ang katipunan ng mga batas ni
Hammurabi, na mas kilala bilang code of
Hammurabi o batas ni Hammurabi, ay isa
sa pinakamahalagang ambag ng mga
sinaunang tao sa kabihasnan.
-Noong 1595 B.C.E., sinalakay ng mga
Hittite mula sa Anatolia ang Babylon.
Matagumpay sila at nakuha nila ang
estatwa ni marduk, ang patron ng
Babylon.
-Pinaniniwalaang ang mga kassite na
naghari sa Babylon at ang kaharian ng
hurrian sa mittani sa hilaga ang namayani
sa Mesopotamia.
-Ang mga kassite at hurrian ay mula sa
mga tala ng new kingdom sa Egypt at
Hittite sa kanluran. -Ang mga Hittite ay
orihinal na nagmula sa hilagang-silangan
bahagi ng black sea.
Ang imperyo ng mga Akkadian, isa sa pinakamakasaysayang imperyo sa kanilang panahon.
Ang Akkad o Akkadian ay pinamumunuan ni Haring Sargon I. Si Haring Sargon I ay natalo si
Lugal-Zage-Si sa laban sa Uruk at matapos nito ay napasakanya ang imperyo nito. Ang mga
magulang ni Haring Sargon I ay si La'Ibum o Itti-Bel, isang hardinero at kanyang ina ay isang
''priestess''. Nang nagsimulang mamuno ng imperyo si Sargon ay nanakop na siya ng mga
imperyo upang makabuo ng isang malaki at malakas na imperyo. Nagkaroon ng palitan ng
mga mineral ng pilak na mula sa Anatolia, Lapiz Lazuli mula sa Afghanistan, Cedars ng
Lebanon at Tanso na mula sa Magan. Dahil sa malawakang pangangakalakal ay naging
maunlad ang imperyong ito. Dahil din sa mga mineral na ito, nagpatayo si Sargon ng kanyang
replika na ipinatayo sa iba't ibang lugar sa Akkad, nagpagawa rin siya ng mga barya na may
mukha niya bilang simbolo ng pamumuno sa mga Akkadian/Akkad. Nang mamatay si Haring
Sargon I dala na ng kamatayan, ipinasa niya ang trono sa kanyang mga anak, Ito ay sina
Rimush (2278-2270 BCE) na nakipaglaban para sa imperyo, sumunod ay ang nakakatanda
nitong kapatid na si Manishtushu (2269-2255 BCE) na nakipaglaban sa maraming hari sa
dagat. Ang sumunod na namuno ay ang anak ni Rimush na si Naram-Sin. Si Naram-Sin ay
hinirang na rin na hari ng imperyong Akkadian. Habang si Naram-Sin ay namumuno, ang
Akkad ay mas umunlad, naging mas malinis, at nagkaroon ng buwis.
—https://soaringeagleons.weebly.com/mesopotamia.html