You are on page 1of 3

Organisado at Sentralisadong Pamahalaan

Ang mga Sumerian Ang unang pangkat ng tao na nanirahan at nagtatag ng kanilang mga lungsod
Estado sa masaganang lupain ng Sumer. Theocracy tumutukoy sa pamahalaan na pamumuno ng
puno ng simbahan. Patesi- pinunong pari ng mga Sumerian. Ang namamahala sa sistemang iregasyon
at pinakamakapangyarihang tagapamagitan sa mga tao sa kinikilala nilang diyos.

--- Matatagpuan ito sa rehiyon ng Fertile Crescent

- Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso na ang ibig sabihin ay pagitan
at potamos o ilog

- Nangangahulugang ang lupain sa dalawang ilog. Dalawang ilog ang dumadaloy rito: ang mga ilog Tigris
at Euphrates na parehong nagmula sa kabundukan ng Armenia at tumatagos sa Golpo ng Persia.

- Ang ilog Tigris at Euphrates ay nagiiwan ng matabang lupa na ginagamit naman sa pagsasaka. At
nagsisilbi din silang daanan ng mga kalakal na patungong Golpo mula sa dagat Mediterranean.

- Sa Mesopotamia nahubog ang apat na kabihasnan: Ang Sumer, Babylonia, Akkad at mga Assyria

--- Ang Katimugang Mesopotamia ay tinawag na Sumer. Ang mga [amayanang malapit sa ilog ay bumuo
ng 12 lungsod/estado na pinamumunuan ng isang lugal o hari.
- Matatagpuan sa bawat estado ang mga templong tinatawag na ziggurat.
- Ang ziggurat ay nagsisilbing sagradong tahanan at templo ng mga patron o diyos ng isang lungsod.
Samakatuwid, ang mga pari lang ang maaring pumasok dito.
- Ang kanilang mga diyos ay may katangian o katauhan ng isang tao (anthropomorphic).
- Ang mga kaganapan sa Sumer ay naitala sa pamamagitan ng kanilang sistema ng pagsusulat. Itoy
tinatawag na cuneiform na ibig sabihin ay wedge-shaped.
- Clay table at stylus ang kanilang ginagamit sa pagsulat.
- Mayroon din silang sasakyan na tinatawag na chariot.
- Nalikha nila ang gulong at araro.
- Mga tanim nila: barley, chickpeas, lentils, millet, wheat, dates, lettuce, leeks, singkamas, mustasa,
sibuyas at bawang.

You might also like