You are on page 1of 76

MGA

YAMANG
LIKAS NG
DAIGDIG
Magkakaiba ang kultura at
kabuhayang nahubog sa iba’t-
ibang kontinente ng mundo.
Bunga ito ng magkakaibang
katangiang pisikal ng kapaligiran
lalong-lalo na ang mga anyong
lupa, anyong tubig at yamang
likas.
 Karaniwang sinasabing mapalad
ang lugar na biniyayaan ng
maraming yamang likas,
sapagkat nangangahulugan itong
marami ang maaaring malinang
ng mga mamamayan dito upang
mapaunlad ang kanilang
pamumuhay.
AFRICA
AGRIKULTURA
 Ang agrikultura ang pinakamahalagang
pang-ekonomiyang gawain sa Africa.
 Mga 2/3 sa kontinente ay nagtatrabaho
sa sektor na agrikultura.
 Rehiyong basang tropikal- ang
mahalagang produkto ay pinya, kape,
cocoa at palm oil.
 Savannah- cassava, mani, paminta,
okra, talong, pipino, pakwan, millet at
sorghum.
 Disyerto ng hilagang Africa- date,
palm at bulak.
 Mediterranean- fig, oliba, kahel,
kamatis, sibuyas, repolyo at
cauliflower
KAGUBATAN
 Ang palagubatan ay isang
mahalagang gawaing pang-
ekonomiya ng Africa.
 Ang produktong nakukuha sa mga
kagubatan ay nagbigagay ng 6% sa
Gross Domestic product sa buong
kontinente.
Ito ay resulta ng malawak
na kagubatan na makikita
sa Kanlurang Africa.
Ang pagluwas ng mahogany at
okoume ay nagbigay ng malaking
kita sa mga bansa sa Congo Basin-
Cameroon, Central African Republic,
Republic of the Congo, Democratic
Republic of the Congo, Gabon at
Equatorial Guinea.
PALAISDAAN
 Nagbibigay ng malaking kita sa
10 milyong katao sa kontinente.
 Ang Namibia at South America
ay may malalaking pamilihan ng
isda at nagluluwas ng 80
hanggang 90 porsiyento taon-
taon.
Ang mga bansa sa South
Africa tulad ng Eritrea,
Djibouti, Somalia at Kenya ay
nangingisda sa Red Sea at
Indian Ocean.
Ang mga isdang tulad ng
herring, sardinas, tuna, cod,
hake at haddock ang mga
pangunahing produkto rito.
Victoria Lake-
pinakaproduktibong anyong
tubig na pinagkukunan ng
500,000 tonelada ng isda kada
tao.
PAGMIMINA
 Ang Africa ay mahalagang tagagawa
ng mga produktong:
1. Metal at Mineral tulad ng Uranium
-enerhiyang nukleyar
2. Platinum- alahas at aplikasyong
industriyal
3. Nickel- asero, magnet, barya at
baterya
4. Bauxite- aluminum
5. Cobalt- para
ipangkulay
 Ang mga yamang likas na
pinagkakakitaan ng kontinente ay
ang ginto at diyamante.
 Ang South Africa ay ang
pangunahing pinagkukunan ng
halos kalahati ng ginto sa
kontinente.
DRIEFONTEIN GOLD MINE
 isa sa pinakamalaking
minahan ng ginto sa
mundo na matatagpuan
sa Johannesburg sa
South Africa.
 Ang Africa rin ang nangunguna sa pamilihan
ng diyamante. Ito ay nagmimina ng 55% ng
diyamante sa buong mundo
 Ang pagkakaroon ng digmaang sibil sa ilang
lugar sa rehiyon ay naging dahilan para
tawagin ang mga diyamante na galing dito
bilang Conflict diamonds o Blood Diamonds.
KIMBERLEY PROCESS
CERTIFICATION SCHEME (KPCS)
 Ginawa ng United Nations
upang sertipikahan na ang mga
diyamante ay hindi galing sa
mga lugar na may sigalot at
ginagawang puhunan ang
pagbebenta nito.
Republic of Congo,
Democratic Republic of Congo,
at Cote d’Ivoire- tinanggal sa
KPCS dahil dito.
 Mayaman din sa deposito ng
langis at natural gas ang Africa na
minimina para sa enerhiya at
bilang panggatong.
 Ang Nigeria, Libya, Algeria,
Egypt at Angola ay ang mga
bansang nangunguna sa industriya
ng langis.
ASYA
YAMANG MINERAL
 Ang Asya ay may malaking
reserba ng carbon.
 Ang pinakamalaking reserba
ay makikita sa Siberia, India
at China. Mayroon din sa
China, Japan at North Korea
pero hindi gaanong kalaki.
NICKEL
makikita sa minahan sa
Norilsk, Siberia, Indonesia,
China at Pilipinas.
CHROMIUM
Malaki naman ang reserba ng
chromium sa Turkey,
Pilipinas, India, Iran at
Pakistan at may reserba din
nito sa Kazakhstan.
MANGANESE
Marami sa
Trancauscacia, Gitnang
Asya, Siberia, India at
China.
TANSO
Mayaman naman dito ang
Zhezkazgan, Qongyrat at
Siberia.
LATA O TIN
 Maraming reserba nito sa
China, Malay Peninsula,
Indonesia, Thailand,
Myanmar, Vietnam, Laos
at Siberia
GINTO
mayaman dito ang Myanmar,
Cambodia, Indonesia,
Yangtze River, India, North
at South Korea, Taiwan,
Pilipinas, Siberia at
Kazakhstan.
LANGIS AT NATURAL GAS
 Indonesia- nangungunang bansa
na nagluluwas ng langis sa
Timog- Silangang Asya.
 Ang may pinakamalaking
reserba ng langis sa Kanlurang
Asya ay Saudi Arabia, Iraq,
Kuwait, Iran, Qatar, at United
Arab Emirates.
 Ang Krygyztan, China at India
ay mayaman sa deposito ng
Uranium.
 Ang Ural Mountains, hilaga ng
Ob River, Lena River,
Azerbaijan at Uzbekistan ay
may mayamang reserba ng
gas.
 Ang South Korea, Sri Lanka at ang
maliliit na bansa sa Kanlurang Asya ay
may maliit na panustos ng bakal.
 Ang Japan ay nakadepende naman sa
pag-angkat ng bakal upang mapunan ang
pangangailangan nito sa industriya ng
bakal at asero.
YAMANG TUBIG
 Malaki ang potensiyal ng tubig sa
paglikha ng hydroelectricity at
pagpapatubig sa mga pananim.
 Lubhang apektado ang Gitna at
Silangang Kanlurang Asya dahil sa
Arid na klima nito.
 Ang potensiyal ng Timog Asya sa
pagpapatayo ng hydroelectric at
irigasyon ay nagbabago.
 Sa Pakistan, halos lahat ng
agrikultura nito ay nakadepende
sa Indus River at mga triburtayo
ng sa Punjab.
Sa Timog- Silangang Asya, ang
Mekong ay dumadaloy sa anim
na bansa na nagbibigay ng
pagkain at sapat na suplay ng
tubig.
Seryosong usapin sa Kanlurang
Asya ang tubig. Nagkakaroon ng
tensiyon sa pagitan ng Syria,
Israel at Jordan sa paggamit ng
Jordan River. Ganoon din sa
Tigris at Euphrates na kung saan
ang pinanggagalingan ng tubig ay
nasa Turkey.
KAGUBATAN
 Ang malaking bahagi ng Siberia
ay pinalilibutan ng kagubatan.
Ang kagubatang deciduous
ng Hilagang- Silangang
India, Myanmar, Thailand,
Malaysia, at Indonesia ay
may teak, kawayan at iba
pang puno.
Ang mga kagubatang
Mangrove ay makikita
naman sa Ganges,
Irrawaddy, Malay Peninsula,
Indonesia at Pilipinas.
Ang Pilipinas ay dating puno
ng kagubatan ngunit dahil sa
eksploytasyon, ito ay lubos na
lumiliit.
Ang kawayan ay bahagi ng
kagubatang evergreen, moist
deciduous at dry deciduous. Ito ay
makikita sa China, Bhutan, Japan,
Myanmar, at Bangladesh.
PANGISDAAN
Ang mga isda at iba pang
lamang dagat ay lubos na
nagagamit sa Silangan at
Timog Silangang Asya.
 Ang dalampasigan ng India,
Bangladesh at Thailand ay
pinauunlad para sa shrimp
farming.
 Ang paghuli sa sturgeon sa
Caspian Sea at sa mga ilog ng
Siberia ay laganap dahil sa
pangangailangan sa itlog at caviar
nito.
Ang Indus River ay
tinitirahan ng ilang species ng
dolphin, at samo’t saring isda
at ang mga ilog sa Timog Asya
ay tirahan naman ng isdang
giant mahseer.
TIMOG
AMERIKA
YAMANG MINERAL
Ang Timog Amerika ay
mayaman sa likas na yaman.
Ngunit iilang bansa ang may
reserba ng panggatong at
hilaw na materyales.
MINERAL NA PANGGATONG
 Ang malalaking dami ng
langis at natural gas ay
makikita sa iba’t- ibang lugar
sa kontinente.
VENEZUELA
Isa sa pinakamalalaking
tagaluwas ng langis sa
mundo. Ito ay makikita sa
paligid ng El Tigre.
BOLIVIA
 Ikaapat sa pinakamalaking
gumagawa ng lata sa mundo.
BRAZIL
Ang pangunahing
nagmimina ng ginto sa
Timog Amerika.
PERU
Pangunahing nagluluwas
ng pilak na matatagpuan
sa Cerro de Pasco
hanggang Huancayo sa
Andes.
Mayaman din sa
mamahaling bato ang Timog
Amerika. Ang mataas na
bahagi ng Brazil ay
mayaman sa precious at
semiprecious na bato tulad
ng diyamante
KAGUBATAN AT PANGISDAAN
 Tinatayang umaabot lamang sa 200
species ang mga uri ng puno sa
Timog Amerika. Ang pagpuputol ng
mga punongkahoy para sa
komersiyal na gamit ay nagsimulang
lumaki noong 1950 lalong-lalo na sa
Amazon.
CHILE
Pangunahing nagluluwas
ng wood chips, plywood
at paper pulp.
Maraming isdang tabang ang
makikita sa mga Ilog ng Timog
Amerika. Ito ang nagsisilbing
pagkain ng mga tao sa rehiyon ng
Amazon at Guiana. Ang trout at
tilapia na galing sa ibang lugar ay
dumami sa mga lawa at ilog ng
kontinente.
PERU
Ang naging pangunahing
bansa sa pangingisda ng
anchovy o dilis, pilchard at
jack mackerel.
CHILE
May malaking
pangisdaang komersiyal
pagdating sa salmon, trout
at hipon. Ang Ecuador
nangunguna naman sa
pagluluwas ng hipon.
YAMANG LUPA
Ang lupain ng Timog Amerika
ang mainam sa permanenteng
pagtatanim at pastulan. Suliranin
din ang kawalan ng trabaho sa
mga lugar na agrikultural.
 Ang mais ay isang tradisyunal na
produkto sa Timog Amerika.
 Ang Equador ang nangunguna sa
pagluluwas ng saging.
 Ang Paraguay naman ay naging
pangunahing tagaluwas ng soybean sa
Timog Amerika.
EUROPA
YAMANG MINERAL
 AngEuropa ay maraming mga
mineral na napapakinabangan
hanggang ngayon. Ang mga mineral
ay nagagamit sa enerhiya at
ginagawang materyales sa kemikal
sa paggawa. Ang pagmimina ay
nagbibigay ng trabaho sa lahat ng
bansa rito.
NONMETALLIC NA DEPOSITO
 Ang mga mineral na hindi
metal ay madaling makita sa
Europa.
 Ang carbon ay ginagamit sa
pagpapatakbo ng mga steam
engine at bilang coke para sa
pagtutunaw ng metal.
YAMANG TUBIG
Ang mga kabundukan at
matataas na bahagi ng Europa
ay nag-iipon ng tubig na
siyang nagtutustos sa mga
ilog at lawa.
Ang suplay ng tubig sa mababang
lugar ay kadalasang hindi sapat kung
kaya nagiging kuhanan ng tubig ang
mga balon at bukal.
 Ganito ang sitwasyon sa Sweden,
ang tubig ay kadalasang iniimbak,
binobomba, at hinihimok ang
ekonomiya na gamitin ulit ito.
 Ang hydroelectric power ay
napaunlad dahil sa pag-ulan at ang
anyong lupa ay nagbigay ng
magandang oportunidad para
maglagay ng dam sa mga ilog.
 Ang paggamit ng geothermal energy
ay makikita sa Italy at Iceland.
AUSTRALIA
KAGUBATAN AT PANGISDAAN
 Karamihan sa pangkomersiyal na
kagubatan ay nasa itaas na bahagi ng
Tasmania, Timog- Silangan ng Mainland
at Kanlurang Australia. Karamihan sa
mga rehiyon ay ginagawang wood pulp
at iniluluwas sa Japan.
MINERAL AT PAGMIMINA
 Ang industriya ng pagmimina ay maliit
ngunit may malaking kontribusyon sa
ekonomiya ng Australia.
 Ang Australia ay nangunguna sa mundo
sa paggawa ng bakal na iniluluwas sa
Japan, Taiwan at South Korea.
 Ang tungsten ay pangunahing
iniluluwas ng bansa.
 Makikita rin sa Australia ang
pinakamalaking deposito ng zinc at
lead partikular sa Broken Hill sa
kanluran ng New South Wales.
 Ang mahalagang metal tulad ng
ginto ay taglay rin ng Australia.
HILAGANG
AMERIKA
YAMANG MINERAL
 Ang Hilagang Amerika ay mayaman sa
iba’t ibang uri ng mineral
 Malaki ang suplay ng mga mineral na
hindi metal sa Hilagang Amerika tulad
ng Carbon, natural gas at langis. Ang
mga ito ay makukuha sa mga lawa,
mababaw na dagat at kabundukan.
ANTARCTICA
Isang malawak na lugar sa
palibot ng Timog Polo na
nababalutan ng yelo.
Karamihan sa mga likas na
yaman sa rehiyon ay
pinoprotekhan ng mga batas
at regulasyon.
 Antarctic Treaty and Protocol
on Environment Protection-
nagbabawal sa pagmimina sa
isang lugar.
 Convention for the
Conservation of Antartic Seals-
naglilimita sa pangangaso.
MINERAL
 Mga 98% lupain ng Antarctica ay
natatakpan ng yelo na may apat
na kilometro ang kapal.
 Ang paraan na lamang upang
makakuha ng mineral sa
Antarctica ay sa pamamagitan
ng panning.
- Wakas -

You might also like