You are on page 1of 5

Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Maliban sa Kanlurang Asya, naging sentro din ang Timog Asya ng isa sa
mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Ito ang Harappa at Mohenjo-Daro
na matatagpuan sa kasalukuyang India at Pakistan.

Kalagayang Heograpikal ng India

Mga labi ng Mohenjo-Daro


Mga labi ng Harappa

Matatagpuan ang India sa malaking bahagi ng Timog Asya. Ang rehiyong


ito ay tinatawag na “subcontinent of Aisa”. Kahugis ng Indian
subcontinent ang nakabaligtad na tatsulok, at mas malaki kaysa
kanlurang Europe.

Sentro ng kabihasnan sa rehiyon ang matabang lupain sa lambak ng


Indus River. Lumalandas ang naturang ilog sa kabundukan ng Himalayas
at dumadaloy sa China, India, at Pakistan.

Ang mayamang deposito ng banlik at tubig mula sa Indus River ang


nagpataba sa paligid ng lambak Indus. Dahil dito, Indus River ang
nagpataba sa paligid ng lambak Indus. Dahil dito, naganyak ang mga
sinaunang tao na manirahan at magtatag ng mga pamayanan sa nasabing
pook. Sa katunayan, pinatotohanan ng mga arkeologo na may mga
nanirahan sa rehiyon sa mga taong 7000 B.C.E.

Ihinihiwalay ng mga nakapaligid na anyong lupa at anyong tubig ang


Timog Asya sa iba pang rehiyon ng Asya. Matatagpuan ang nagtataasang
Himalayas sa hilaga ng rehiyon. Dito matatagpuan ang Mt. Everest, ang
pinakamataas na bundok sa daigdig. Ang mga nagtatayugang
kabundukang ito ang nagsisilbing hangganan ng Timog Asya sa China at
iba pang pook sa Hilagang
Asya at Silangang Asya.

Ang Hindu Kush sa kanluran kung saan may likas na lagusan na tinatawag
na Khyber Pass ang nagsilbing daanan ng mga dayuhang nais magtungo sa
rehiyon. Nasa silangan ng Indus Valley ang Thar Desert (o Great Indian
Desert) samantalang ang Indian Ocean ang hangganan ng Timog Asya sa
timog.

Malaki ang epekto ng heograpikal na kinaroroonan ng Timog Asya sa mga


sinaunang taong nanirahan dito. Ilan sa mga hamong kinaharap ng mga
katutubo ang pag-apaw ng tubig sa Indus River at matinding tagtuyot o
tag-ulan na dala ng hanging monsoon. Ang mga akapaligid na kabundukan
ay nagbibigay-proteksiyon laban sa mga dayuhang mananakop.
Nakatulong naman sa mahusay na pakikipagkalakalan ng mga sinaunang
Asyano ang paglalayag sa Indus River at Indian Ocean.

Kasaysayan at Pamumuhay ng Kabihasnang Indus

Karaniwang nakabatay ang salaysay ng kabihasnang Indus sa mga


artifact at labi nito. Ito ay dahil hindi pa nauunawaan ng mga
historyador ang Sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao sa India.

Walang malinaw na batayan kung paano umusbong ang kabihasnan sa


India. Ipinapalagay ng mga eksperto na naglayag mula sa Africa ang mga
nandayuhang tao sa India. Ang iba ay maaaring dumaan sa Khyber Pass.

Bagama’t hindi naitala ang simula ng kasaysayan ng kabihasnang Indus,


natitiyak ng mga arkeologo na may mga pamayanang umunlad sa lambak
Indus. Ang mga natuklasang mahigit sa 100 pamayanan sa naturang
lambak ang nagpapatunay na may mahusay na pamumuhay ang mga
sinaunang tao sa Timog Asya.

Dalawa sa pinakantanyag na lungsod sa kabihasnang Indus ang Harappa


at Mohenjo-Daro. Matatagpuan ang Harappa sa hilagang bahagi ng Indus
River, samantalang nasa timog ng ilog ang Mohenjo-Daro. Magkalayo ang
dalawang lungsod na ito ng halos 640 kilometro. Sa kabila nito, pinag-isa
ng Indus River ang mga katutubo ng Harappa at Mohenjo-Daro.
Gumamit sila ng mga bangka upang makipag-ugnayan sa isa’t-isa.

Pamumuhay sa Kabihasnang Indus

Ipinapalagay ng mga historyador na naging maunlad ang Harappa at


Mohenjo-Daro mula dakong 2500 B.C.E. hanggang dakong 1600 B.C.E.
Tinatayang may 30,000 ang populasyon sa bawat lungsod. Bunsod nito,
nangailan ang dalawang lungsod ng maayos at kongkretong pangangasiwa
upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa kani-kanilang lugar.

Isa sa natatanging katangian ng kabihasnang Harappan ay ang pagiging


planado ng mga lungsod nito. Tunghayan ang Pigura 6.2 para sa
paglalarawan ng naturang kabihasnan.

Pangunahing ikinabuhay ng mga tao sa kabihasnang Indus ang pagtatanim


ng palay at gulay. Natutuhan nila ang Sistema ng patubig upang
madiligan ang kanilang mga sakahan kahit sa panahon ng tagtuyot.
Marami rin sa mga taga-Indus ang nag-alaga ng hayop tulad ng tupa,
baka, at kambing.

Mahusay rin sa pakikipagkalakalan ang mga sinaunang tao sa Harappa at


Mohenjo-Daro. May mga natuklasang artifact na Indus stone seal na
ipinapalagay na ginamit ng mga mangangalakal upang matukoy ang
kanilang mga produkto. Patunay ito na nakipagkalakalan sila hindi lamang
sa mga karatig-pook, kung hindi sa malalayong pamayanan tulad ng
Mesopotamia at Egypt.
Kinakitaan din ng iba pang kabuhayan ang mga taga-Harappa at
Mohenjo-Daro tulad ng paghahabi ng tela at paggawa ng palayok at
kasangkapang metal.

Sa wika, maraming clay tablet na may Harappan pictogram o larawang


simbolo ang natuklasan ng mga arkeologo sa iba’t ibang bahagi ng mga
lungsod sa Indus. Sa kasalukuyan, hindi pa naisasalin sa makabagong
wika ang mga sulat at pictogram ng mga taga-Indus kung kaya’t kakaunti
pa rin ang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng Harappa at Mohenjo-Daro.

Paghina ng Kabihasnang Indus

Isa sa taglay na hiwaga ng kabihasnang Indus ang misteryosong


pagwawakas ng Harappa at Mohenjo-Daro. Ayon sa mga arkeologo,
humina at tuluyang bumagsak ang kabihasnang Indus sa pagitan ng 1600
B.C.E. at 1500 B.C.E. Ipinapalagay na ilan sa mga sanhi nito ay pagbabago
ng klima, matinding pagbaha sa mga lungsod, malakas na lindol, at
paglihis ng agos ng Indus River. Ang pagdating ng mga dayuhang tinawag
na Aryan sa India ang sinasabing tuluyang nagpabagsak sa kabihasnang
Indus.

You might also like