You are on page 1of 6

KABIHASNANG INDUS

Ang lambak-ilog ng Indus at Ganges ay makikita sa Timog Asya.

Ang rehiyong ito ay binabantayan ng matatayog na kabundukan sa hilaga - ang kabundukan ng


Himalayas at ang hindu kush.

May ilang daanan na nagsisilbing lagusan ng mga mandarayuhan at mananakop sa kanlurang asya ito
ang Khyber Pass.

ang Indus at ganges ay taunang umaapaw dahil sa pagkatunaw ng yelo sa Himalayas at pagbagsak ng
ulan.

Ang Pamayanang Neolitiko Bago ang Indus

Noong 3500 B.C.E tinatayang lumitaw ang mga neolitikong pamayanan sa Baluchistan ( nasa Pakistan
ngayon ) nasa bandang kanluran ng Ilog Indus.

Mergash - batay sa mga nahukay na labi, agrikultural at sedementaryo ang pamumuhay ng mga tao rito.

ebidensiya din ang pag -aalaga ng tupa, kambing, at ox.

nagsimula din sa panahong neolitiko ang paggawa ng palayok na may pintura at paghumo ng tinapay
gawa sa cereal.

ang kanilang mga bahay ay gawa sa ladrilyo mula sa luwad tulad ng sa sumer.

Sistemang Pampulitikal at Pang - ekonomiya

Umusbong ang kabihasnan ng timog Asya noong 1922 natuklasan ang mga labi ng sinaunang
kabihasnan.

Bandang 2700 B.C.E nabuo ang ilang lungsod sa indus dito limang lungsod ang nahukay dalawa sa
pinakaimportanteng Lungsod ay ang Harappa at Mohenjo - Daro umabot ang populasyon sa dalawa sa
40, 000 katao.

sinasabi na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus.

katulad sa sumer kulang rin sa mga likas na yaman ang Indus tulad ng metal, kahoy, at mga semi -
precious stone.

upang makontrol ang pag -apaw ng tubog sa indus, gumawa ng irigasyon, kanal, at dike ang mga
dravidian.

ilan sa kanilang pananim ay trigo, barley, melon, date, at bulak.

nakikipag - kalakalan din ang Dravidian sa mga bayabayin ng Arabian Sea at Persian Gulf hanggang sa
mga lungsod ng Sumer.

lulan sa kanilang barko ang samu't saring mga produkto tulad ng perlas, tela , ivory comb, at mga butil.

Harappa at Mohenjo - Daro

Pagsasaka ang pangunahing gawain.


mga planado at organisadong lungsod.

citadel o mataas na moog at mababang bayan.

Nasa bansang kanluran ng lungsod ang moog.

nakapatong sa plataporma na ladrilyo na may taas na 12 metro at napalilibutan ng pader.

ang malaking imbakan ng butil ay nasa loob ng malaking bulwagan at pambulikong paliguan.

nakalatag sa ibaba ng moog ang lansangan nakadisenyong kwadrado ( grid - patterned ) at pare - pareho
ang sukat ng bloke ng kabahayan. Bahay - gawa sa mga ladrilyo na pinapatayo sa pugon.

pantay ang bubong at karaniwang nakatalikod sa pangunahing kalsada.

may mga bahay na umaabot sa 2 o 3 na palapag at may balkonahe na gawa sa kahoy.

Bawat bahay ay may isa o higit pang bayo na nakakonekta sa sentralisadong sistema ng tubo at imburnal
sa ilalim ng lupa.

patunay ito na may sentralisadong pamahalaan ang mga Dravidian na namamahala ng paggawa ng mga
pampublikong proyekto tulad ng irigasyon at imburnal.

Maraming nahukay na artifact sa mga lungsod ng Harappa at mohenjo - Daro wala namang artifact ng
anumang armas o sandata.

Sistemang Panlipunan

Ang kabihasnang Indus ay sinasabing may Hirar Kiya ng uring Panlipunan.

Ang mga nakatira sa mataas na moog ay ang mga mataas na uri.

Nasa ilalim nito ang mangangalakal, artisano, at magsasaka.

Gumagawa ng mga dike ang mga magsasaka .

ang mga nasa lungsod na artisano ay abala sa paggawa ng samu't saring produkto.

Sistema ng Pagsulat

Ang mga Ebidensiya ng pagsulat na ito ay mga selyo na may " pictogram".

wala pang nakakatuklas kung paano basahin ang mga pictogram o simbolo ng indus.

Dahil dito, kulang ang kaalaman sa Kabihasnang Indus.

Ang Dravidian ay isang sistema ng pagsukat at pagtimbang.

Paglaho ng Kabihasnan

Untiunting gumuho ang kabihasnang Indus noong 1750 B.C.E.

May mga iba't - ibang paliwanag ang mga iskolar ukol dito.

Isa na rito ang ekolohiya na problema.


sinasabi rin na nagkaroon ng lindol at pagsabog ng bulkan.

May mga iba't - ibang pangkat ng nomadiko - pastoral mula sa Gitnang asya na nakarating sa Indus.

isa na rito ang aryan.

simula noong 1500 B.C.C, ang lungsod bg Harappa at Mohenjo- Daro ay nilisan na.

Kabihasnang Indus

Maliban sa Kanlurang Asya, naging sentro din ang Timog Asya ng isa sa mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig. Ito ang Harappa at Mohenjo-Daro na matatagpuan sa kasalukuyang India at Pakistan.

Kalagayang Heograpikal ng India

Matatagpuan ang India sa malaking bahagi ng Timog Asya. Ang rehiyong ito ay tinatawag na
“subcontinent of Aisa”. Kahugis ng Indian subcontinent ang nakabaligtad na tatsulok, at mas malaki
kaysa kanlurang Europe.

Sentro ng kabihasnan sa rehiyon ang matabang lupain sa lambak ng Indus River. Lumalandas ang
naturang ilog sa kabundukan ng Himalayas at dumadaloy sa China, India, at Pakistan.

Ang mayamang deposito ng banlik at tubig mula sa Indus River ang nagpataba sa paligid ng lambak
Indus. Dahil dito, Indus River ang nagpataba sa paligid ng lambak Indus. Dahil dito, naganyak ang mga
sinaunang tao na manirahan at magtatag ng mga pamayanan sa nasabing pook. Sa katunayan,
pinatotohanan ng mga arkeologo na may mga nanirahan sa rehiyon sa mga taong 7000 B.C.E.

Ihinihiwalay ng mga nakapaligid na anyong lupa at anyong tubig ang Timog Asya sa iba pang rehiyon ng
Asya. Matatagpuan ang nagtataasang Himalayas sa hilaga ng rehiyon. Dito matatagpuan ang Mt.
Everest, ang pinakamataas na bundok sa daigdig. Ang mga nagtatayugang kabundukang ito ang
nagsisilbing hangganan ng Timog Asya sa China at iba pang pook sa Hilagang

Asya at Silangang Asya.

Ang Hindu Kush sa kanluran kung saan may likas na lagusan na tinatawag na Khyber Pass ang nagsilbing
daanan ng mga dayuhang nais magtungo sa rehiyon. Nasa silangan ng Indus Valley ang Thar Desert (o
Great Indian Desert) samantalang ang Indian Ocean ang hangganan ng Timog Asya sa timog.
Malaki ang epekto ng heograpikal na kinaroroonan ng Timog Asya sa mga sinaunang taong nanirahan
dito. Ilan sa mga hamong kinaharap ng mga katutubo ang pag-apaw ng tubig sa Indus River at matinding
tagtuyot o tag-ulan na dala ng hanging monsoon. Ang mga akapaligid na kabundukan ay nagbibigay-
proteksiyon laban sa mga dayuhang mananakop. Nakatulong naman sa mahusay na pakikipagkalakalan
ng mga sinaunang Asyano ang paglalayag sa Indus River at Indian Ocean.

Kasaysayan at Pamumuhay ng Kabihasnang Indus

Karaniwang nakabatay ang salaysay ng kabihasnang Indus sa mga artifact at labi nito. Ito ay dahil hindi
pa nauunawaan ng mga historyador ang Sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao sa India.

Walang malinaw na batayan kung paano umusbong ang kabihasnan sa India. Ipinapalagay ng mga
eksperto na naglayag mula sa Africa ang mga nandayuhang tao sa India. Ang iba ay maaaring dumaan sa
Khyber Pass.

Bagama’t hindi naitala ang simula ng kasaysayan ng kabihasnang Indus, natitiyak ng mga arkeologo na
may mga pamayanang umunlad sa lambak Indus. Ang mga natuklasang mahigit sa 100 pamayanan sa
naturang lambak ang nagpapatunay na may mahusay na pamumuhay ang mga sinaunang tao sa Timog
Asya.

Dalawa sa pinakantanyag na lungsod sa kabihasnang Indus ang Harappa at Mohenjo-Daro. Matatagpuan


ang Harappa sa hilagang bahagi ng Indus River, samantalang nasa timog ng ilog ang Mohenjo-Daro.
Magkalayo ang dalawang lungsod na ito ng halos 640 kilometro. Sa kabila nito, pinag-isa ng Indus River
ang mga katutubo ng Harappa at Mohenjo-Daro. Gumamit sila ng mga bangka upang makipag-ugnayan
sa isa’t-isa.

Pamumuhay sa Kabihasnang Indus

Ipinapalagay ng mga historyador na naging maunlad ang Harappa at Mohenjo-Daro mula dakong 2500
B.C.E. hanggang dakong 1600 B.C.E. Tinatayang may 30,000 ang populasyon sa bawat lungsod. Bunsod
nito, nangailan ang dalawang lungsod ng maayos at kongkretong pangangasiwa upang mapanatili ang
kaayusan at katahimikan sa kani-kanilang lugar.

Isa sa natatanging katangian ng kabihasnang Harappan ay ang pagiging planado ng mga lungsod nito.
Tunghayan ang Pigura 6.2 para sa paglalarawan ng naturang kabihasnan.
Pangunahing ikinabuhay ng mga tao sa kabihasnang Indus ang pagtatanim ng palay at gulay. Natutuhan
nila ang Sistema ng patubig upang madiligan ang kanilang mga sakahan kahit sa panahon ng tagtuyot.
Marami rin sa mga taga-Indus ang nag-alaga ng hayop tulad ng tupa, baka, at kambing.

Mahusay rin sa pakikipagkalakalan ang mga sinaunang tao sa Harappa at Mohenjo-Daro. May mga
natuklasang artifact na Indus stone seal na ipinapalagay na ginamit ng mga mangangalakal upang
matukoy ang kanilang mga produkto. Patunay ito na nakipagkalakalan sila hindi lamang sa mga karatig-
pook, kung hindi sa malalayong pamayanan tulad ng Mesopotamia at Egypt.

Kinakitaan din ng iba pang kabuhayan ang mga taga-Harappa at Mohenjo-Daro tulad ng paghahabi ng
tela at paggawa ng palayok at kasangkapang metal.

Sa wika, maraming clay tablet na may Harappan pictogram o larawang simbolo ang natuklasan ng mga
arkeologo sa iba’t ibang bahagi ng mga lungsod sa Indus. Sa kasalukuyan, hindi pa naisasalin sa
makabagong wika ang mga sulat at pictogram ng mga taga-Indus kung kaya’t kakaunti pa rin ang
kaalaman tungkol sa kasaysayan ng Harappa at Mohenjo-Daro.

Paghina ng Kabihasnang Indus

Isa sa taglay na hiwaga ng kabihasnang Indus ang misteryosong pagwawakas ng Harappa at Mohenjo-
Daro. Ayon sa mga arkeologo, humina at tuluyang bumagsak ang kabihasnang Indus sa pagitan ng 1600
B.C.E. at 1500 B.C.E. Ipinapalagay na ilan sa mga sanhi nito ay pagbabago ng klima, matinding pagbaha
sa mga lungsod, malakas na lindol, at paglihis ng agos ng Indus River. Ang pagdating ng mga dayuhang
tinawag na Aryan sa India ang sinasabing tuluyang nagpabagsak sa kabihasnang Indus.

Ang kabihasnan sa Indus Valley ay

umusbong sa lambak ng Indus

River at Ganges River na matatagpuan sa

Timog Asya. Mayroon silang tinatawag na

kambal na lungsod - ang Harappa at

Mohenjo-Daro.
Ang mga bahay dito ay parisukat ang

hugis na dikit-dikit ngunit

may malalawak na espasyo. Ang bawat

bahay doon ay may kanya-kanyang

palikuran

kung kaya't sila ang kauna-unahang

gumamit ng Sewerage System.

Pottery o paggawa ng palayok at

sculpting o pag-ukit sa bato

ang pinagkakabalahan ng mga taong

naninirahan dito.

Sila ay nagsasaka at nag-aalaga rin ng

mga hayop tulad ng

tupa at kambing na siyang pinagkukunan

ng mga makakain nila.

You might also like