You are on page 1of 25

Kabihasnang Indus sa

Timog Asya
Group 2
Nazareno, Jonas
Bacolod, Jemmena
Bautista, Leslie
Cayas, Maysa
Del Rosario, Michaella
Vergara, LA
Sa rehiyong Timog Asya nagsimula
ang kabihasnang Indus na nakasentro sa
mga lambak ng Indus River. Dumadaloy
ang Indus River sa kasalukuyang bansang
India at Pakistan. Sa nasabing ilog
umunlad ang kambal na lungsod ng
kabihasnang Indus: ang Harappa at
Mohenjo-Daro.
Matatagpuan sa kasalukuyang Punjab
na bahagi ng Pakistan. May 350 milya ang
layo nito mula sa Mohenjo Daro pahilaga.
Harappa
Ang Mohenjo-Daro ay nasa katimugang
bahagi ng daluyang Indus River.
Mohenjo-Daro
Natuklasan ang dalawang lungsod na ito
sa lambak Indus at tinatayang umusbong
ito noong 2700 B.C.E.
Sinasabing ang mga Dravidian ang bumuo
ng kabihasnang Indus.
Planado at malalapad ang mga kalsada
nito.
Ang mga gusali ay hugis parisukat at ang
mga kabahayan ay may malalawak na
espasyo.
Ang pagkakaroon ng mga palikuran ng
mga kabahayan ay itinuturing na kauna-
unahang paggamit sa kasaysayan ng
sistemang alkantarilya o sewerage
system.
• Nanirahan sa maliliit na pamayanan ang
mga Dravidian. Ang kanilang lugar ay
matatagpuan sa mababang bahagi ng
lupain, may mainit na klima at halos
walang mapagkukunan ng suplay ng
bakal.
• Ang pagkukulang sa mga kinakailangang
suplay ay napupunan sa tulong ng
pakikipagkalakalan hanggang sa
katimugang Baluchistan sa kanlurang
Pakistan.
Ang irigasyon ng lupa ay mahalaga sa
pagsasaka ng mga Dravidian.
Nagaalaga rin sila ng mga hayop tulad ng
elepante, tupa, at kambing.
Maaaring sila rin ang kauna-unahang
taong nagtanim ng bulak at nakalikha ng
damit mula rito.
Mayroon din silang masistemang
pamantayan para sa mga timbang at
sukat ng butil at ginto.
Samantala, ang mga artisano ay gumamit
ng tanso, bronze, at ginto sa kanilang
mga gawain.
Ang lipunang Indus ay kinakitaan ng
malinaw na pagpapangkat-pangkat ng
mga tao. Nakatira sa bahagi ng moog ang
mga naghaharing-uri tulad ng mga
mangangalakal. May mga bahay ring may
tatlong palapag. Maaaring katibayan ito
ng pagkakahati-hati ng lipunan sa iba’t
ibang uri ng tao.
Nagtatag ng mga daungan sa baybayin ng
Arabian Sea.
Natagpuan din sa Sumer ang selyong
Harappan na may pictogram na
representasyon ng isang bagay sa anyong
larawan. Dahil dito, inaakalang ginamit
ang selyong ito upang kilalanin ang mga
paninda.
Alam mo bang…
ang Terracottang ito
ay maaaring
nagpapakita ng
kasuotan nila noon?
hanggang ngayon,
hindi pa rin nasasalin
ang mga nakasulat
sa mga terracotta
clay na gawa ng mga
Indus?
ilang pendant ang natagpuan sa Indus na
mayroong UNICORN na pinaniniwalaang
ginamit nila noon bilang pasaporte?
Kapuna-punang wala ni isa mang pinuno
mula sa sinaunang kabihasnang Indus
ang kilala sa kasalukuyan. Maaaring
hanggang ngayon ay hindi pa
nauunawaan ng mga iskolar ang sistema
ng pagsulat ng kabihasnang ito kaya hindi
nababasa ang mga naiwang tala.
Narating ng mga Dravidian ang tugatog
ng kanilang kabihasnan noong 2000
B.C.E. subalit matapos ang isang
milenyong pamamayani sa Indus, ang
kabihasna at kulturang umusbong dito ay
nagsimulang humina at bumagsak.
May iba’t ibang paliwanag ukol sa
pagtatapos ng kabihasnang Indus. May
nagsasabing bunga ito ng pagkaubos ng
mga puno, mga labis na pagbaha, at
pagbabago sa klima. Maaari rin daw
nagkaroon ng lindol o pagsabog ng
bulkan.
May mga ebidensiya rin na ang pagkatuyo
ng Sarasvati River ay nagresulta sa
pagtatapos ng kabihasnang Harappa
noong 1900 B.C.E.
Isang lumang paliwanag ang teoryang
Mohenjo Daro at Harappa ay nawasak dahil
sa paglusob ng mga pangkat nomadiko-
pastoral mula sa gitnang Asya, kabilang ang
mga Aryan. Walang malinaw na ebidensiya
na naglabanan nga ang mga Dravidian at
Aryan na nagdulot ng wasak sa kabihasnang
Indus.
Ang mga Aryan ay pinaniniwalaang nagmula
sa steppe ng Asya sa kanluran ng Hindu Kush
at nakarating sa Timog Asya sa pamamagitan
ng pagdaan sa Khyber Pass. Sila ay mas
matatangkad at mapuputi kung ihahambing
sa mga naunang taong nanirahan sa lambak
ng Indus. Dumating ang mga Aryan sa
panahong mahina na ang kabihasnang Indus.
Panahong Vedic
Ang mga Aryan ay nagtungo sa kanluran
ng Europe at timog-silangan ng Persia at
India.
Dinala nila sa mga rehiyong ito ang
wikang tinatawag ngayong Indo-
European.
Ang Sanskrit, ang wikang klasikal ng
panitikang Indian, ay nabibilang sa
pamilya ng Indo-European. Ang mga
makabagong wika tulad ng Hindi at
Bengali ay nag-ugat din sa Indo-
European.
Sanskrit
Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang
“marangal” sa wikang Sanskrit.Ginamit ito
upang tukuyin ang mga pangkat ng tao o
lahi.
Ang kaalaman ukol sa unang milenyong
pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at
hilagang kanlurang India ay hango sa apat
na sagradong aklat na tinatawag na Vedas:
ang Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda, at
Atharva Veda. Ang Vedas ay tinipong
himnong pandigma, mga sagradong rituwal,
mga sawikain, at mga salaysay.
Makikita sa Vedas kung paano namuhay ang
mga Aryan mula 1500 B.C.E. hanggang 500
B.C.E. na tinatawag ding panahong Vedic.
Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos
at kulturang pinangingibabawan ng mga
lalaki. Ngunit unti-unti rin silang umangkop
sa kanilang bagong kapaligiran.Hindi na
pagpapastol ang kanilang kabuhayan, natuto
silang magsaka.Nakabuo rin sila ng sistema
ng pagsulat.
Pagsapit ng 1100 B.C.E.,tuluyang nasakop ng
mga Aryan ang hilagang bahagi ng India.
Ang lipunan ng mga sinaunang Aryan ay may
tatlong antas lamang: –maharlikang
mandirigma, mga pari, at mga
pangkaraniwang mamamayan.
Ang isang mandirigma ay pinipili upang
pamunuan at pangasiwaan ang pang-
araw-araw na pamumuhay ng mga tao.
Malinaw rin ang mga tungkuling
nakaatang sa kalalakihan at kababaihan.
Nagtatatag ng kaharian at pagiging
pinuno ay nagsimulang mamana. Naging
mahalaga sa kanilang paniniwala ang mga
rituwal at sakripisyo ng mga pari.
Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na
sistemang caste sa India. Ang katagang
ito ay unang ginamit ng mga Portuguese
na nakarating sa India noong ika- 16 na
siglo. Ang terminong ito ay hango sa
salitang casta na nanganga-hulugang
”lahi” o ”angkan.
Caste

You might also like