You are on page 1of 57

Mga Sinaunang Kabihasnan

sa Daigdig
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Sa itinatag na mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, ang pangkat ng mga taong nanirahan at nagtatag ng
mauunlad na pamayanan sa Mesopotamia ang kauna-unahang nakapagtaguyod ng kabihasnan. Binubuo ang
kabihasnang Mesopotamia ng mga lungsod-estado ng Sumer, at mga itinatag na imperyo ng Akkad,
Babylonia, Assyria, at Chaldea.

Sumer Chaldea

Babylonia

Akkad Assyria
Mga Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
Mga Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
Mga Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
Mga Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
Mga Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
Mga Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
Mga Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
Sa silangan ng Mesopotamia, partikular sa kasalukuyang Iran, umunlad ang
pamayanang Persian at tuluyang nakapagtatag ng malakas na imperyo.
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Sa rehiyong Timog Asya nagsimula ang kabihasnang Indus na nakasentro sa mga lambak ng Indus River.
Dumadaloy ang Indus River sa kasalukuyang bansang India at Pakistan. Sa nasabing ilog umunlad ang
kambal na lungsod ng kabihasnang Indus: ang Harappa at Mohenjo-Daro
Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Kapuna-punang wala ni isa mang pinuno mula sa sinaunang kabihasnang Indus ang kilala sa
kasalukuyan. Maaaring hanggang ngayon ay hindi pa nauunawaan ng mga iskolar ang sistema ng
pagsulat ng kabihasnang ito kaya hindi nababasa ang mga naiwang tala.

Narating ng mga Dravidian ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong 2000 B.C.E. subalit
matapos ang isang milenyong pamamayani sa Indus, ang kabihasnan at kulturang umusbong dito ay
nagsimulang humina at bumagsak.

May iba’t ibang paliwanag ukol sa pagtatapos ng kabihasnang Indus. May nagsasabing bunga ito
ng pagkaubos ng mga puno, mga labis na pagbaha, at pagbabago sa klima. Maaari rin daw nagkaroon ng
lindol o pagsabog ng bulkan. May mga ebidensiya rin na ang pagkatuyo ng Sarasvati River ay nagresulta sa
pagtatapos ng kabihasnang Harappa noong 1900 B.C.E.

Isang lumang paliwanag ang teoryang Mohenjo Daro at Harappa ay nawasak dahil sa paglusob ng
mga pangkat nomadiko-pastoral mula sa gitnang Asya, kabilang ang mga Aryan.
Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Ang mga Aryan ay pinaniniwalaang nagmula sa steppe ng Asya sa kanluran ng Hindu


Kush at nakarating sa Timog Asya sa pamamagitan ng pagdaan sa Khyber Pass. Sila ay mas
matatangkad at mapuputi kung ihahambing sa mga naunang taong nanirahan sa lambak ng Indus.
Dumating ang mga Aryan sa panahong mahina na ang kabihasnang Indus.

Dinala nila sa rehiyong ito ang wikang tinatawag ngayong Indo-European. Ang Sanskrit, ang
wikang klasikal ng panitikang Indian, ay nabibilang sa pamilya ng Indo-European. Ang mga makabagong
wika tulad ng Hindi at Bengali ay nag-ugat din sa Indo-European.

Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang “marangal” sa wikang Sanskrit.

Ang kaalaman ukol sa unang milenyong pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at hilagang
kanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag na Vedas: ang Rig Veda, Sama Veda, Yajur
Veda, at Atharva Veda. Ang Vedas ay tinipong himnong pandigma, mga sagradong rituwal, mga sawikain, at
mga salaysay. Makikita sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula 1500 B.C.E. hanggang 500
B.C.E. na tinatawag ding panahong Vedic
Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos (na kadalasan ay mga lalaki at mapandigma) at
kulturang pinangingibabawan ng mga lalaki.

Ang lipunan ng mga sinaunang Aryan ay may tatlong antas lamang: – maharlikang mandirigma,
mga pari, at mga pangkaraniwang mamamayan. Kapansin-pansing ang mga kasapi ng bawat antas ay
maaaring makalipat sa ibang antas ng lipunan. Ang isang mandirigma ay pinipili upang pamunuan at
pangasiwaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Malinaw rin ang mga tungkuling nakaatang sa
kalalakihan at kababaihan.

Subalit ang pagsakop nila sa Lambak ng Indus ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang
pamumuhay. Ang lipunan ay naging mahigpit at masalimuot nang lumaon. Nagtatatag ng kaharian at
pagiging pinuno ay nagsimulang mamana. Naging mahalaga sa kanilang paniniwala ang mga rituwal at
sakripisyo ng mga pari.
Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Ang katagang ito ay unang ginamit
ng mga Portuguese na nakarating sa India noong ika-16 na siglo. Ang terminong ito ay hango sa salitang
casta na nangangahulugang ”lahi” o ”angkan.
Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Pagbuo ng mga Kaharian at Imperyo (500 B.C.E.- 500 C.E.)

Pagsapit ng 500 B.C.E.,ang malaking bahagi ng hilagang India ay pinanirahan at sinaka ng mga
Aryan. Ang dating payak na pamamahala ng mga pinuno sa maliliit na pamayanan ay napalitan ng mas
malalaking estadong nasa ilalim ng monarkiyang namamana.

Isa ang Magadha sa mga pinakamatatag at pinakamasaganang kaharian sa bahagi ng Ganges


River.
Isa sa mahusay na pinuno ng Magadha si Bimbisara (545-494 B.C.E.) Nagpagawa siya ng mga
kalsada, isinaayos ang pangangasiwa sa mga pamayanan, at pinalakas ang kaharian kung ihahambing sa
mga karatig-lugar.

Lalo pang pinalawig ng sumusunod na pinuno ang teritoryo ng kaharian. Nang lumaon,
nagawang mapamunuan ng Magadha ang kalakhang kapatagan ng Ganges at buong hilagang India
hanggang Punjab. Ito ang naging pinakamalawak na kaharian sa panahong ito. Ang kabisera nito ay nasa
Pataliputra na ngayon ay makabagong Patna sa Bihar

Noong 518 B.C.E. nasakop ni Darius, ang pumalit kay Cyrus, ang mga Lambak ng Indus at
Punjab. Ang bahaging ito ng India ay napasailalim ng Persia sa loob ng halos dalawang siglo.
Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Tinapos ni Alexander, The Great ng Macedonia ang kapangyarihan ng Persia. Tinalo niya ang
mga Persian sa mga labanan bago tuluyang tinahak ang landas patungong India noong 327 B.C.E. Matapos
ang madugong pakikipagtunggalian ng hukbo ni Alexander sa pinagsamang puwersa ng mga Persian at
Indian, nagawa rin nilang matawid ang Indus River. Subalit dahil sa layo ng kanilang nilakbay at labis na
kapaguran, ang mga tauhan ni Alexander ay nagbantang mag-alsa laban sa kaniya. Dahil dito, napilitang
lisanin ni Alexander ang India. Mahihinuhang pagod na ang mga tropa at maaaring tinamaan sila ng sakit
o ng sakuna. Bukod dito, kulang na ang pantustos sa kanilang mga pangangailangan. Sa pagkamatay ni
Alexander noong 323 B.C.E., ang bahagi ng hilagang-kanlurang India ay naiwang walang mahusay na
pinuno.
Pagkatapos nito, iba’t ibang mga imperyo ang naitatag sa India.
Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Iba’t - ibang mga imperyo ang naitatag sa India.


Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Iba’t - ibang mga imperyo ang naitatag sa India.


Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Iba’t - ibang mga imperyo ang naitatag sa India.


Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Iba’t - ibang mga imperyo ang naitatag sa India.


Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Iba’t - ibang mga imperyo ang naitatag sa India.


Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Iba’t - ibang mga imperyo ang naitatag sa India.


TSINO

INDUS
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

Ang mga natural na hadlang sa China tulad ng mga disyerto, bulubundukin, at dagat ang
nagbigay-daan sa pagpapanatili ng natatanging kultura ng mga sinaunang Tsino at pag-unlad ng isang
kabihasnang tumagal ng halos 3000 taon.
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Kabihasnang Egyptian

Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa


dinastiya ng naghaharing pharaoh. Ang pharaoh ang tumayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt at
itinuring ding isang diyos na taglay ang mga lihim ng langit at lupa. Para sa mga pharaoh, sila ang
tagapagtanggol sa kanilang nasasakupan. Sa pangkalahatan, maituturing na kontrolado ng isang
pharaoh ang lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian. Kabilang sa kaniyang mga
tungkulin ang pagsasaayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa kalakalan, pagtatakda ng mga batas,
pagpapanatili ng hukbo, at pagtiyak sa kaayusan ng Egypt.

Ang mga iskolar na nag-aaral sa kasaysayan ng Egypt ay tinatawag na mga Egyptologist.


Batay sa ilang tala, mahahati ang kronolohiya ng kasaysayan ng Egypt sa sumusunod na
pagpapanahon:

1 Pre-dynastic Period - Nauna sa 3100 B.C.E.


2 Early Dynastic Period - Una at Ikalawang Dinastiya (circa 3100-2670 B.C.E.)
3 Old Kingdom – Ikatlo hanggang Ikaanim na Dinastiya (circa 2670-2150 B.C.E.)
4 First Intermediate Period - Ikapito hanggang Ika-11 Dinastiya (circa 2150-2040 B.C.E.)
5 Middle Kingdom - Ika-12 at Ika-13 Dinastiya (circa 2040-1650 B.C.E.)
6 Second Intermediate Period - Ika-14 hanggang Ika-17 Dinastiya (circa 1650-1550 B.C.E.)
7 New Kingdom - Ika-18 hanggang Ika-20 Dinastiya (circa 1550-1070 B.C.E.)
8 Third Intermediate Period - Ika-21 hanggang Ika-25 Dinastiya (circa 1070-664 B.C.E.)
9 Late Period Huling Panahon
Kabihasnang Egyptian

Nauna sa Panahon ng mga Dinastiya

Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga pamayanang malapit sa Nile.

Ang mga eskribano ay nakapaglinang din ng kanilang sariling sistema ng pagsulat na


tinatawag na hieroglyphics o nangangahulugang “sagradong ukit” o hieratic sa wikang
Greek.

Pagsapit ng ikaapat na milenyo B.C.E., ang ilang pamayanan ay naging sentro ng


pamumuhay sa sinaunang Egypt. Nang lumaon, ang mga ito ay tinawag na nome o
malalayang pamayanan na naging batayan ng mga binuong lalawigan ng sinaunang
estado ng Egypt. Ang mga pinuno ng mga nome o nomarch, ay unti-unting
nakapagbuklod ng isang estado sa Nile upang makabuo ng panrehiyong
pagkakakilanlan.
Kabihasnang Egyptian

Panahon ng mga Unang Dinastiya

Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng Nile, ang Upper Egypt at Lower Egypt.
Noong 3100 B.C.E., isang pinuno ng Upper Egypt, sa katauhan ni Menes, ang sumakop
sa Lower Egypt na nagbigay-daan upang mapag-isa ang lupain sa mahabang panahon.

Si Menes ay isa sa mga pinakaunang pharaoh sa panahon ng Unang Dinastiya ng


Egypt, Ang Memphis ang naging kabisera sa panahon ng paghahari ni Menes.
Kabihasnang Egyptian

Ang Matandang Kaharian

Ang mga kahanga-hangang pyramid o piramide ng Egypt na itinayo sa panahong ito ay


nagsilbing mga monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh at huling hantungan sa
kanilang pagpanaw.

Ang ilan sa halimbawa nito ay ang Great Pyramid ni Khufu o Cheops sa Giza na naitayo
noong 2600 B.C.E. Ito ay may lawak na 5.3 ektarya at may taas na 147 metro.

Makalipas lamang ang dalawang siglo, nahinto ang pagtatayo ng mga piramide. Sa kabuuan,
tinatayang may 80 lokasyon ang pinagtayuan ng mga piramide sa Egypt subalit ang karamihan
sa mga ito ay gumuho na.

Si Pepi II ang kahuli-hulihang pharaoh ng Ikaanim na Dinastiya (circa 90 B.C.E.).


Pinaniniwalaang tumagal ng 94 na taon ang kaniyang pamumuno, siya ang pinakamatagal na
naghari sa lahat ng hari sa kasaysayan. Anim na taong gulang lamang si Pepi II nang maupo sa
trono. Namatay siya sa edad na 100. Bumagsak ang Old Kingdom sa kaniyang pagkamatay.
Kabihasnang Egyptian

Unang Intermedyang Panahon

Panahon ng Ikapito hanggang Ika-11 Dinastiya ng Egypt.

Sa pagsapit ng 2160 B.C.E., tinangka ng mga panibagong pharaoh na pagbukluring


muli ang Lower Egypt mula sa kabisera nitong Heracleopolis. Sa kabilang dako, ang
kanilang mga katunggali sa Thebes ay binuo naman ang Upper Egypt. Dulot nito,
nagsagupaan ang dalawang magkaribal na dinastiya sa Egypt. Ang mga pinuno mula sa
Heracleopolis ay nagmula sa linya ng pharaoh na si Akhtoy samantalang ang unang apat
na pinuno mula sa Thebes ay pinangalanang Inyotef o Antef.
Kabihasnang Egyptian

Gitnang Panahon

Ang kaguluhang politikal ay nagtapos nang manungkulan si Mentuhotep I. Sa mga sumunod


na naghari, napag-isa muli ang Egypt. Nalipat ang kabisera sa Itjtawy (ipinapalagay na ngayon
ay el-Lisht) sa Lower Egypt.

Ang pinakamahusay na pinuno ng panahong ito ay si Amenemhet II (1929-1895 B.C.E.) na


namayani sa loob ng 45 taon.

Hindi sa Lambak ng Nile naganap ang mga gawain ng karamihan sa mga naging pinuno ng
Ika-12 Dinastiya. Sa halip, maraming ekspedisyon ang nagtungo sa Nubia, Syria, at Eastern
Desert upang tumuklas ng mahahalagang bagay na maaaring minahin o mga kahoy na
maaaring gamitin. Nagkaroon din ng kalakalan sa pagitan ng Egypt at Crete ng kabihasnang
Minoan.

Ang Ika-13 Dinastiya ay bahagi ng Gitnang Kaharian. Kaguluhan at pagdating ng mga


Hyksos mula sa Asya ang namayani sa panahong ito. Ang katagang hyksos ay
nangangahulugang “mga prinsipe mula sa dayuhang lupain.”
Kabihasnang Egyptian
Ikalawang Intermedyang Panahon

Nagpatuloy ang pamamahala ng mga Ika-13 at Ika-14 na Dinastiya sa alinman sa dalawang


lugar, sa Itjtawy o sa Thebes. Subalit nang lumaon, nagsimulang humina ang kanilang kontrol
sa lupain

Ayon sa mga tala, ang Ika13 Dinastiya ay nagkaroon ng 57 hari. Ito ay nagpapahiwatig ng
kawalan ng kapanatagan at katatagan sa pamamahala.

Ang Ika-15 Dinastiya ay nangingibabaw sa isang bahaging Nile Delta.

Ang naging pangunahing banta sa mga pharaoh ng Thebes ay ang Ika-16 na Dinastiya na
tinatawag ding Dinastiya ng Great Hyksos na namayani sa Avaris.

Ang pangingibabaw ng dinastiya ng mga Hyksos ay natapos sa pagusbong ng Ika-17


Dinastiya. Nagawang mapatalsik ng mga pinuno nito ang mga Hyksos mula sa Egypt.
Kabihasnang Egyptian
Ang Bagong Kaharian

Pinakadakilang panahon ng kabihasnang Egyptian. Ito ay pinasimulan ng Ika-18 Dinastiya.


Tinatawag din ito bilang Empire Age. .

Naitaboy ni Ahmose (1570-1546 B.C.E.) ang mga Hyksos mula sa Egypt noong 1570 B.C.E.
Sinimulan niya ang dinastiya ng mga dakilang pharaoh mula sa Thebes at namayani mula sa
delta hanggang Nubia sa katimugan.

Si Reyna Hatshepsut (1503-1483 B.C.E.), asawa ni Pharaoh Thutmose II (1518-1504 B.C.E.),


ay kinilala bilang isa sa mahusay na babaing pinuno sa kasaysayan. Siya ay nagpagawa ng mga
templo at nagpadala ng mga ekspedisyon sa ibang mga lupain. Sa kaniyang pagkamatay, lalo
pang pinalawig ni Thutmose III (1504-1450 B.C.E.), anak ni Thutmose II, ang Imperyong
Egypt.

Isa sa mga tanyag na pharaoh noong ika-14 na siglo B.C.E. ay si Amenophis IV o Akhenaton
(1350-1334 B.C.E.). Tinangka niyang bawasan ang kapangyarihan ng mga pari sa pamahalaan.
Tinangka rin niyang baguhin ang paniniwala ng mga tao ukol sa pagsamba sa maraming diyos.
Kabihasnang Egyptian
Ang Bagong Kaharian

Sa pagkamatay ni Akhenaton, tuluyang nawala ang kaniyang sinimulan. Siya ay pinalitan ni


Tutankhamen (1334-1325 B.C.E.) na noon ay siyam na taong gulang pa lamang nang maupo sa
trono.

Ang Ika-19 na Dinastiya ay pinasimulan ni Rameses I (1293-1291 B.C.E.). Siya ay sinundan


nina Seti I (1291-1279 B.C.E.) at Rameses II (1279-1213 B.C.E.). Si Rameses II ay isa sa
mahusay na pinuno ng mga panahong ito. Sa loob ng 20 taon, kinalaban niya ang mga Hittite
mula sa Asia Minor na unti-unting pumapasok sa silangang bahagi ng Egypt. Natapos ang alitan
ng Egypt at Hittite nang lumagda sa isang kasunduang pangkapayapaan si Rameses II at
Hattusilis III, ang hari ng Hittite. Ito ang kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa
pagitan ng dalawang imperyo sa kasaysayan ng daigdig. Pinaniniwalaang ang Exodus ng mga
Jew mula Egypt ay naganap sa panahon ni Rameses II. Muli na namang humina ang
pamamahala sa Egypt sa kaniyang pagpanaw.
Kabihasnang Egyptian
Ikatlong Intermedyang Panahon

Ang Ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang Tanites, ay pinasimulan ni Smendes (1070-1044
B.C.E.) ng Lower Egypt. Ang dinastiyang ito ay napalitan ng mga hari mula sa Libya na
nagpasimula naman sa Ika-22 Dinastiya. Ang unang pinuno nito ay si Shoshenq I (946-913
B.C.E.) na isang heneral sa ilalim ng nagdaang dinastiya.

Sa mga panahong ito, maraming mga nagtutunggaliang pangkat ang nagnanais mapasakamay
ang kapangyarihan. Humantong ito sa pagbuo ng Ika-23 Dinastiya. Sa paglisan sa Egypt, sa
Sudan, isang prinsipe ang kumontrol sa Lower Nubia. Nang lumaon, isang nagngangalang Piye
ang sumalakay pahilaga upang kalabanin ang mga naghahari sa Nile Delta. Umabot ang
kaniyang kapangyarihan hanggang sa Memphis. Sumuko nang lumaon ang kaniyang
katunggaling si Tefnakhte subalit pinayagan siyang mamuno sa Lower Egypt. Sinimulan niya
ang Ika-24 na Dinastiya na hindi naman nagtagal.
Kabihasnang Egyptian
Huling Panahon

Nagsimula ang Ika-26 na Dinastiya sa ilalim ni Psammetichus (664-610 B.C.E.). Nagawa


niyang pagbuklurin ang Middle at Lower Egypt. Nakontrol niya ang buong Egypt noong 656
B.C.E.

Napalayas ng mga Egyptian ang mga Persian sa pagtatapos ng Ika-28 Dinastiya. Sa pananaw
ng Persia, ang Egypt ay isa lamang nagrerebelyong lalawigan nito. Namuno ang mga Egyptian
hanggang sa ika-30 Dinastiya bagama’t mahihina ang naging pinuno. Panandaliang bumalik sa
kapangyarihan ang mga Persian at itinatag ang Ika-31 Dinastiya.

Noong 332 B.C.E., sinakop ni Alexander The Great ang Egypt at ginawa itong bahagi ng
kanyang Imperyong Hellenistic. Malawak ang saklaw ng kaniyang imperyo na umabot ng
Egypt, Macedonia, Asia Minor, Persia, Mesopotamia hanggang Indus Valley sa India. Sa
kaniyang pagkamatay noong 323 B.C.E., naging satrap o gobernador ng Egypt ang kaniyang
kaibigan at heneral na si Ptolemy
Sanggunian
Mula sa Modyul ng mag – aaral, Araling Panlipunan, Kasaysayan ng Daigdig

Ziggurat -
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/9/93/Ancient_ziggurat_at_Ali_Air_Base_Iraq_2005.jpg/1024px-Ancient_ziggurat_at_
Ali_Air_Base_Iraq_2005.jpg

Clay Tablet -
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.wallpaperflare.com%2Fsearch%3Fwallpaper%3Dancient%2Bbabylon&psig=A
OvVaw249JjiD9wlrdvJZ8qzqxdA&ust=1597719508049000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCMihjIefoesCFQAAAAAdAA
AAABAD

Tower of Babel - https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/8/83/Tour_de_babel.jpeg

Sargon I - https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/4/44/Sargon_of_Akkad.jpg

Code of Hammurabi -
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/58/Code-de-Hammurabi-1.jpg/325px-Code-de-Hammurabi-1.jpg

Assyrian -
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/02/Tiglath-Pileser_II_-_1889_drawing.jpg/792px-Tiglath-Pileser_II_-_1889_drawin
g.jpg

Hanging Garden - https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fcommons.wikimedia.org%2Fwiki%2FFile


%3AHanging_Gardens_of_Babylon_by_Ferdinand_Knab_(1886).png&psig=AOvVaw2V-
6NQqU2tUfjkOSDFIPrt&ust=1597719563055000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCODAidefoesCFQAAAAAdAAAAABA
D

Cyrus the great - https://cdn.pixabay.com/photo/2020/04/02/05/33/framed-portrait-4993521_960_720.png

Mohenjo Daro at Harappa - https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fupload.wikimedia.org%2Fwikipedia%2Fcommons


%2F6%2F65%2FPanoramic_view_of_the_stupa_mound_and_great_bath_in_Mohenjodaro.JPG&imgrefurl=https%3A%2F
%2Fcommons.wikimedia.org%2Fwiki%2FFile
%3APanoramic_view_of_the_stupa_mound_and_great_bath_in_Mohenjodaro.JPG&tbnid=d3nIBOkXEZFG-
M&vet=12ahUKEwiT4K37n6HrAhWZwIsBHaE-AOgQMygGegUIARC-AQ..i&docid=H170jYV7ITpOkM&w=2944&h=1088&q=harappa
%20at%20mohenjo%20daro&hl=en&ved=2ahUKEwiT4K37n6HrAhWZwIsBHaE-AOgQMygGegUIARC-AQ

Map of Mesopotamia to Indus -


https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/d/da/Mesopotamia-Indus.jpg/288px-Mesopotamia-Indus.jpg

Map of Mesopotamia to Egypt - https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/a/ad/Mesopotamia-Egypt_trade_routes.jpg

China - https://storage.needpix.com/rsynced_images/china-1356803_1280.jpg

Brahmin - https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/e/e8/Tamil_Smartha_Brahman.jpg

Kshatriya - https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcT4YYMnOdz6hy0X-nrHhSXgvLXgtwU0ppbPSg&usqp=CAU

Vaishya - https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/d/d8/Sage_Jajali_is_honoured_by_the_Vaishya_Tuladhara.jpg

Shudra – https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/d/d5/Jat_-_Tashrih_al-aqvam_%281825%29%2C_f.153v_-_BL_Add._27255.jpg

Outcaste -
https://lh3.googleusercontent.com/proxy/3QSfvMUlhR8NZdvIJFOc4Y-1LKH1dTIbhcVfF9wIyyg2TQa-kmFDl4_svvLIoakvbvLtgxDDvlCnfH

You might also like