You are on page 1of 8

Advance Montessori Education Center of Isabela, Inc.

Maligaya, Tumauini, Isabela


Email:amecimontessori@gmail.com

ARALING PANLIPUNAN 8

MODYUL 1
UNANG MARKAHAN
Pangalan: ________________________________________________
(Ikapito at Ikawalong na Linggo)
Sept. 13-24, 2021 Baitan at Seksyon: _____________________

Kasanayang Pampagkatuto:
Ang mag-aaral ay…
✓ naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig (AP8HSK-Ig-6)
✓ nasusuri ang pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig: pinagmulan,
batayan at katangian (AP8HSK-Ih-7)
✓ nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa politika, ekonomiya,
kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan (AP8HSK-Ii-8)
✓ napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
(AP8HSK-Ij10)

Pangkalahatang Konsepto:
Sa iyong pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig, matutukoy mo ang kaugnayan ng heograpiya
sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig at ang pag-usbong ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig tulad sa Asia at Africa.
Sa pagsisimula ng iyong paglalakbay sa aralin na ito, masusuri mo ang iba’t-ibang aspekto ng
mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa kanilang politika, ekonomiya, kultura, paniniwala,
at lipunan. Bukod dito, mapahahalagahan mo ang mga kontribusyon ng mga sinaunang
kabihasnan.

Paunang Pagtatasa
Panuto: Punan ang nawawalang patinig upang mabuo ang tamang sagot.
1. Ang sining ng pagsulat ng sinaunang China. 6. Ang sasakyang hila ng kabayo.
K___ l___ gr___ p___ y___ Ch___r___ ___ t

2. Ang pamumuno na nagmumula sa iisang 7. Ang industriya na naitatag ng mga artisanong


pamilya o angkan. Shang.
D___ n___ st___ y___ S___r___m___k___

3. Ang uri ng estado na umiiral sa panahon ng 8. Ang sistema na nagpaunlad sa pagsasaka sa


Zhou. panahon ng Dinastiyang Zhou.
Py___d___l ___ r___g___sy___n

4. Sinasabing dahilan ng paghina at pagbagsak 9. Ang namamahala sa isang estadong pyudal na


ng isang dinastiya. ang kapangyarihan ay nagmumula sa langit.
M___nd___t___ ___f H___ ___v___n M___h___rl___k___

5. Ang pangunahing diyos ng mga Tsino. 10. Ang pangunahing kabuhayan ng mga
Sh___ng D___ sinaunang Tsino.
P___gs___s___k___
ANG IMPLUWENSIYA NG HEOGRAPIYA SA PAGBUO AT PAG-
UNLAD NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG
Pagpapayaman sa Pag-unawa

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya


Sa rehiyong Timog Asya nagsimula ang kabihasnang Indus na nakasentro sa mga lambak ng
Indus River. Dumadaloy ang Indus River sa kasalukuyang bansang India at Pakistan. Sa nasabing
ilog umunlad ang kambal na lungsod ng kabihasnang Indus: ang Harappa at Mohenjo-Daro na
ipinakikita sa kasunod na diyagram.

Natuklasan ang dalawang lungsod


na ito sa lambak Indus at tinatayang
umusbong ito noong 2700 B.C.E.

Sinasabing ang mga Dravidian ang


bumuo ng kabihasnang Indus.
Planado at malalapad ang mga
kalsada nito.

Harappa Ang mga gusali ay hugisparisukat at Mohenjo Daro


ang mga kabahayan ay malalawak
Matatagpuan sa na espasyo. Ang Mohenjo Daro ay
kasalukuyang Punjab na nasa katimugang
bahagi ng Pakistan. May Ang pagkakaroon ng mga palikuran bahagi ng daluyang
ng mga kabahayan ay maituturing
350 milya ang layo nito Indus River.
na kauna-unahang paggamit sa
mula Mohenjo Daro kasaysayan ng sistemang
pahilaga. Alkantarilya o sewerage system.

Nanirahan sa maliliit na pamayanan ang mga Dravidian. Ang kanilang lugar ay matatagpuan sa
mababang bahagi ng lupain, may mainit na klima at halos walang mapagkukunan ng suplay ng bakal.
Ang pagkukulang sa mga kinakailangang suplay ay napupunan sa tulong ng pakikipagkalakalan
hanggang sa katimugang Baluchistan sa kanlurang Pakistan. Sa loob ng ilang libong taon, nakakuha
sila ng bakal, mamahaling bato, at tabla sa pakikipagpalitan ng kanilang mga produkto, tulad ng
bulak, mga butil, at tela. Isang lumang paliwanag ang teoryang Mohenjo Daro at Harappa ay nawasak
dahil sa paglusob ng mga pangkat nomadiko-pastoral mula sa gitnang Asya, kabilang ang mga Aryan.
Ang Panahong Vedic (1500-500 B.C.E.)
Ang mga Aryan ay nagtungo sa kanluran ng Europe at timog-silangan ng Persia at India. Dinala nila
sa mga rehiyong ito ang wikang tinatawag ngayong Indo-European. Ang Sanskrit, ang wikang klasikal
ng panitikang Indian, ay nabibilang sa pamilya ng Indo-European. Ang mga makabagong wika tulad
ng Hindi at Bengali ay nag-ugat din sa Indo-European. Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na
sistemang caste sa India. Ang katagang ito ay unang ginamit ng mga Portuguese na nakarating sa
India noong ika-16 na siglo. Ang terminong ito ay hango sa salitang castana nangangahulugang “lahi”
o “angkan. Makikita sa ilustrasyon ang sistemang caste na nagpapakita ng pagpapangkat ng mga tao.

Brahmin
kaparian
Ksatriya
Mandirigma
Vaisya
Mangangalakal, artisan, magsasakang may
lupa
Sudra
2|Page Magsasakang walang sariling lupa, Dravidian, inapo ng Aryan na
nakapag-asawa ng hindi Aryan
Pariah

Naglilinis ng kalsada, nagsusunog ng mga patay, nagbibitay sa mga criminal

Ang Veda- Ang salitang “Veda” ay nangangahulugang “kaalaman”. Ang Veda ay mga aklat ay mga
aklat ng sagradong kaalaman. Ito ay mga koleksiyon ng mga ritwal at himnong panrelihiyon. May
apat na koleksiyon ang nananatili sa kasaysayan:
➢ Rig Veda- ang himno ng papuri
➢ Sama Veda- mga awit at papuri
➢ Yajur Veda- mga ritwal ng sakripisyo
➢ Athar Vaveda- mga mahika
Ang Relihiyon
Ang mga sinaunang diyos na tinutukoy sa Veda ay ang mga puwersa ng kalikasan tulad ng langit,
araw, lupa, apoy, hangin, tubig, at ulan. Ang mga puwersang ito ay itinuring na representasyon ng
mga tao kaya naman ang langit ay nagiging Ama at ang lupa at nagiging Ina. Pagkamatay,
naniniwala sila na ang kaluluwa ay maaaring mapunta sa impiyerno o sa langit. Walang kinikilalang
imahen o templo ang relihiyog Vedic.

SINAUNANG TSINA
Ayon sa alamat, mayroong isang mahalagang pinuno na nagngangalang Yu na nagtayo ng
kauna-unahang dinastiya sa China. Ang dinastiyang ito ay tinatawag na Xia. Kilalang-kilala ang
kaniyang pamumuno dahil sa kakayahan nitong pigilan ang pagbaha ng tubig mula sa Yellow River.
Ginawang kabisera ni Yu at ng mga emperador ng Xia ang Erlitou, isang lalawigan sa Timog Shansi.
Dito matatagpuan ang kanyang palasyo. Noong 3000 BCE, lumaki ng lumaki ang sakahan sa tabi ng
Huang Ho River. Hindi nagtagal, isang kaharian ang komontrol sa malawak na delta ng Huang Ho
River. Isang lungsod ang naitatag at ang kabisera nito ay tinawag na Shang. Ang lupain ay
pinamunuan ng iisang pamilya sa mahabang panahon kung kaya’t ito ay tinawag na dinastiya ng
mga Shang. Ang dinastiya ay tumutukoy sa linya ng mga pinuno na nagmula sa iisang pamilya. Ang
control sa gobyerno ay isinalin mula sa isang henerasyon patungo sa sumusunod na henerasyon. Sa
pagtatapos ng pamamahala ng dinastiyang Shang inilipat nila ang kabisera sa malapit na bayan na
ngayon ay kilala bilang Anyang. Ang dinastiyang Shang ay humina dulot ng korupsiyon ng mga
sumunod na pinuno. Hindi nagtagal, ang kahinaan ng bansa ay naging daan upang ito ay madaling
nasakop ng mga pangkat ng tao mula sa Wei River. Ang mga taong ito ang nagtatag ng dinastiyang
Zhou (Chou) noong 1027.

KABIHASNANG CHINA
Pamahalaan
Payak ang pamamahalang umiiral sa Dinastiyang Shang. Pinamunuan ito ng isang emperador na
nangasiwa sa mga gawain ng pamahalaan at sa mga ritwal panrelihiyon. Napaligiran ng mga barabaro
ang kaharian ng Dinastiyang Shang ngunit nanatiling malakas ang kaharian. Gumamit ang mga
mandirigmang Tsino ng mga sandatang yari sa bronse sa kanilang pakikidigma sa mga kaaway.
Lumawak ang teritoryo ng Shang sa tulong ng isang mahusay na hukbong militar.
Ang Antas ng Tao saLlipunan
Ang lipunang Shang ay sumasalamin sa iba pang sinaunang sibilisasyon. Ang mga mandirigmang
Shang ay gumagamit ng armas na yari sa bronse at chariot--- sasakyang hilang kabayo. Ang chariot
ay maaaring nanggaling sa ibang sibilisasyong Asyano. Suportado ng mga sinaunang Tsino ang mga
uri ng tao na binubuo ng mga artisano at mangangalakal. Gumagawa ng mga bagay-bagay ang mga
artisano para sa mga maharlika tulad ng mga kagamitang yari sa bronse, damit mula sa sutla, at mga
alahas na yari sa jade.
Buhay Pagsasaka at Industriya
Karamihan sa mga tao sa panahon ng Shang ay mga magsasaka. Magkakatabi silang nanirahan sa
mga pook sakahan. Ang mga magsasaka ay nabubuhay sa isang nakahahapong pamumuhay. Lahat
ng miyembro ng pamilya ay nagtatrabaho sa bukid at inihahanda ang taniman para sa susunod na
taniman at anihan. Mayroon ding mangangalakal at mga artisano sa mga miyembro ng Dinastiyang
Shang. Ang mga artisano ang nagtatag ng pundasyon ng sining ng paggawa ng seramiko. Natutuhan
nila ang industriya ng paggawa ng palayok at ng malalaking banga na ginamit sa mga seremonya.
Relihiyon

3|Page
Sa panahon ng Shang, nahubog ng mga Tsino ang isang paniniwalang panrelihiyon na sinusunod ng
karamihan, milyong taon na ang nakararaan. Nananalangin sila sa maraming diyos at mga espiritu
mula sa kalikasan. Ang pangunahing sa mga diyos ay si Shang Di at ang inang diyosa na nagdala ng
mga halaman at hayop sa kalupaan. Ang hari ang itinuturing na tagapag-ugnay ng mga tao kay Shang
Di. Tinatawag ng mga Tsino ang ispiritu ng kanilang mga ninuno upang magdala ng swerte sa
pamilya. Tinawag ng mga kanluranin ang sistema ng pananampalataya na ito na ancestor worship.
Yin at Yang
Naniniwala ang mga Tsino na ang sanlipunan ay nababalutan ng dalawang puwersa, ang puwersa ng
yin at ng yang. Ang Yin ay ang puwersa na kaugnay ng lupa, kadiliman, at kababaihan samantalang
ang Yang naman ay ang puwersa ng langit, liwanag, at kalalakihan. Para sa mga Tsino, ang mga
puwersang ito ay hindi magkalaban bagkus naniniwala sila na ang kapakanan ng sanlibutan ay
nakasalalay sa pagpapanatili sa balance ng yin at yang.
Sistema ng Panulat
Napaunlad ng mga Tsino ang sistemang pagsulat sa pamamagitan ng isang bagong karakter. Ginamit
ng mga Tsino ang kanilang sistema ng pagsulat sa pagbuo ng kanilang literature. Naging sining ang
pagsulat at tinawag itong kaligrapiya. Hinangaan ang napakahusay na magagandang kaligrapiya na
isinulat sa pamamagitan ng paggamit ng brutsa.
Pamamahala ng Dinastiyang Zhou
Hindi nagtagal, ang kahinaan ng bansa ay naging daan upang ito ay madaling masakop ng mga
pangkat ng tao na kilala sa pangalang Zhou noong 1027 BCE. Pinasikat ng Dinastiyang Zhou ang
Mandate of Heavens o ang konsepto ng banal na pamamahala. Ipinasa ng mga diyos ang Mandate of
Heavens sa mga Zhou, na lumingap at trinato ang mga tao ng maayos. Pinalawak ng mga Tsino ang
ideya ng Mandate of Heaven upang ipaliwanag ang dinastikong daloy o ang pagtaas at pagbagsak ng
mga dinastiya. Sa loob ng 250 taong pamumuno ng Dinastiyang zhou, ang kaharian ay binuo ng
mahigit 1,000 estadong pyudal. Ang mga estadong pyudal ay lupain na pinamamahalaan ng isang
maharlika na ang kapangyarihan ay nagmula sa langit.
Isang Estadong Pyudal
Ginantimpalaan ng mga Zhou ang kanilang mga tagasuporta sa pamamagitan ng pagbibigay ng
control sa mga iba’t ibang rehiyon. Sa ilalim ng Zhou, ang Tsina ay naging isang estadong pyudal. Ang
pyudalismo ay isang sistema ng pamamahala kung saan ang mga local na pinuno ang namumuno sa
kanilang sariling lupain ngunit ang serbisyong militar at iba pang suporta ay nagmumula sa mga tao.
Pagkaraan ng 771 BCE, ang panginoong pyudal na ang humawak ng tunay na kapangyarihan at
yumaman mula sa lipunan na kung saan ang mga nagtatrabaho ay ang mga magsasakang kanilang
nasasakupan.
Pag-unlad ng Ekonomiya
Nang makarating ang kaalaman sa paggawa ng bakal sa Tsina noong 500 BCE, ang ekonomiya sa
panahon ng mga Zhou ay lumago. Napalitan ng mga bakal ang mga kagamitan sa pagsasaka na yari
sa kahoy , at nagdulot ng mas malaking produksiyon. Lumawak din ang kalakalan at nagsimula nang
gumamit ng salami ang mga Tsino. Ang pag-unlad ng kalakalan ay nagdulot din ng paglaki ng
populasyon. Sa huling bahagi ng Dinastiyang Zhou, lumaki na ang populasyon at lumawak lalo ang
lupain ng China.
MGA IBA PANG SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG
Bukod sa mga nabanggit na sinaunang kabihasnan, mayroon pang ibang kabihasnan ang umusbong
sa iba’t ibang dako ng daigdig.
Phoenicia
Nasa timog-silangan ng Asia Minor ang Phoenicia. Karamihan sa mga tao ay mga manlalayag,
tagagawa ng barko, at mangangalakal. Sinakop ng mga Phoenician ang mga bayan ng Simya,
Zarephath, Jubeil, Arwad, Byblos, Acco, Sidon, Tripolis, Tyre, Berytus. Ang mga bayang ito ay
nabibilang sa isang pangkat ng kaharian.
Ang mga Phoenician ay kilala rin bilang Sidonia. Namalagi ang mga ito sa Mediterranean nonng 2500
BCE. Noong 1800 BCE, sinakop ng mga taga-Egypt ang Phoenicia at nilipat sa mga ito ang pamumuno
hanggang 1400 BCE. Nang lumaon, ang mga Hettites ang nakatulong sa mga Phoenician na maibalik
ang kanilang kalayaan.
Palestine
Matatagpuan sa timog ng Phoenicia o sa kasalukuyang kinaroroonan ng Isarael, ang lupain ng
sinaunang hudyo. Hebrew ang kanilang wika: isang wikang Semitiko na may kaugnayan sa
Phoenicia. Ang mga sinaunang kasaysayan ng mga hudyo ay naitala sa Bibliya, isang sagradong
sulatin ng mga hudyo sa wikang Hebrew ang Old Testament o Lumang Tipan. Ang New testament o
Bagong Tipan naman ay tumatalakay sa mga aral ni Hesus. Ayon sa BIbliya, ang tagapagtatag ng

4|Page
Judaismo ay si Abraham na namuno upang makaalis sa Mesopotamia at makarating sa Canaan ang
mga tao sa pagitan ng 1900 at 1800 BCE.
Ang mga Hettites
Ang mga Hettites ay mga pagala-galang pangkat na nagmula samga damuhang pook ng Gitnang Asya
sa hilaga ng Caspian Sea at Black Sea. Lumipat sila sa Mesopotamia noong mga 2000 BCE. Sa loob ng
450 na taon, naging makapangyarihang ang mga Hettites sa kanlurang Asya. Naging susi sa tagumpay
ng mga Hettites ang kanilang paggamit ng mabibilis na Chariot at ang kanilang kaalaman sa
pagpapanday ng bakal upang gawing pana, palaso, palakol, at espada.
Persian
Noong 550 BCE, isang heneral sa Persia ang sumalakay sa kaniyang mga kalapit na lupain ng Medes.
Dito nagsimula ang imperyong Persiano na lumawak hanggang sa Gitnang Silangan. Sa ilalim ni
Haring Darius I na namuno mula 521 hanggang 486 BCE, naabot ng Persia ang kaniyang
pinakamalawak na hangganan. Naitatag ang apat na lungsod ng Suisa, Ectabana, Babylon, at
Persepolis sa iba’t ibang panig ng imperyo.

Mga Ambag ng Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig


Malaki ang naging papel ng mga sinaunang kabihasnan sa sandaigdigan. Nag-iwan sila ng marka sa
kasaysayan sa iba’t ibang aspekto at larangan ng pamumuhay.
Mesopotamia Egyptian
Paggamit ng gulong na ipinakilala ng mga Sumerian. Nagsimula sa mga Egyptian ang hieroglyphics o
Ang sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform. hiroglipiko. Ito ay isang sistema ng panulat na
Paglinang sa unang nasusulat na kodigo ng batas. binubuo ng 24 simbolo at ang bawat isang Simbolo ay
Mga Ziggurat o templo ng Sumerian na binubuo ng kumakatawan ng isang titik ng katinig. Ang salitang
ilang palapag. hiero ay hango sa salitang Griyego na ang ibig sabihin
Pagkaimbento ng water clock at sundial. ay sagrado o banal at glype na nangangahulugang
Kodigo ng batas ni Hammurabi na tinatayang pagsulat.
pangunahing kontribusyon ng mga Babylonian sa Ang mga piramide ay dakilang ambag ng mga
kabihasnan. Egyptian. Marami pang mga piramide na tinawag na
monumentong bato ang nananatili pa hanggang sa
kasalukuyang panahon. Itinuturing na pinakadakila
sa mga piramide ang piramideni Khufu o Cheops.

Persian Phoenician
Ipinakilala ang satrapy. Pangkulay na nagmula sa kabibe.
Ipinakilala ang Zoroastrianismo. Ang Alpabeto na may 22 titik. Ang salitang Alphabet
pananampalataya na Nagpakilala ng konsepto ng ay hango sa mga Phoenician. Aleph ay ang unang
pagpili ng tao sa landas na kanilang tatahakin. titik ng mga Phoenician at ang beth ang ikalawa.
Makatao ang naging pamumuno sa bansa dahil
sa pagkilala sa karapatan ng bawat Persian at
maging ang mga taong kanilang nasakop.

Hebrew Hittites
Bibliya--- na naging pundasyon ng Judaismo at Pagtuklas ng bakal na kanilang ginamit sa
Kristiyanismo. paggawa ng armas.
Monoteismo o ang pagsamba sa iisang Diyos Pagkilala at paggalang sa iba’t ibang wika dahil
Lumang Tipan. sa ginamit ito na pangkomunikasyong
pangdiplomasya.
Ang pagpapatitulo sa mga lupa.

Hindu Tsino
Ang urban planning sa Mohenjo-daro. Sistema ng pagsulat na inukit sa oracle bone.
Ang sistemang decimal at konsepto ng zero. Ang Great Wall bilang pananggalang sa mga
Ang sistemang lagusan o drainage system. nais lumusob sa lupain
Ang dalawang epiko ng India na ang Ang silk road na nagpaunlad sa kalakalan sa
Mahabharata at Ramayana na nagpapahayag ng pagitan ng China, kanlurang Asya, at Europe.
pagpapahalaga ng mga Hindu. Ang acupuncture sa larangan ng medisina.
Paglilimbag sa unang aklat dulot ng imbensiyon
ng block printing.

5|Page
Gawain 1 Panuto: Ayusin ang mga titik na nasa loob ng kahon sa kaliwa upang mabuo
ang wastong kasagutan. Isulat sa kahon sa kanan ang iyong sagot.

1. Itinatag nila ang isang imperyo sa bahagi ng bansang Turkey sa kasalukuyan.


TIHTESTI

2. Ang biblikal na pangalan ng Palestine.


NAACNA

3. Tumutukoy ito sa linya ng mga pinuno na nagmula sa iisang pamilya.


SIYDANATI

4. Isang dakilang lungsod na natagpuan sa mga lambak ng mga Indus River.


HEMOJNO-ROAD

5. Tinawag ng mga kanluranin ang sistema ng pananampalataya na ito na ___________.


CESTRONA SHIPWRO

Gawain 2
Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang tatlong mahahalagang bagay naglalarawan sa pamumuhay ng
mga katutubo at dayuhang Aryan na nanirahan sa Timog Asya. Pagkatapos, ay isulat sa
loob ng bilog ang datos at kahalagahan nito sa kanilang pamumuhay.

Gawain 3
Panuto:Itala sa unang kolum ng tsart ang mga ambag ng kabihasnang Indus at Panahong vedic. Sa
pangalawang kolum, itala ang kapakinabangan nito sa kasalukuyan.
Ambag ng Kabihasnan Kapakinabangan nito

6|Page
Gawain 4 Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na pahayag. Gamitin ang patlang para sa
iyong sagot.
1. Ano ang dalawang lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus?
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
2. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga tao sa panahong Vedic?
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
3. Ano ang iyong opinion tungkol sa pagpapangkat-pangkat ng mga tao sa India batay sa sistemang
Caste? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________

NOTE: Para sa karagdagang tanong o klaripikasyon tungkol sa aralin, maaaring makipag-ugnayan sa


guro gamit ang numerong ito, 0906-726-2941.

SANGGUNIAN: Soriano, C. D., Antonio, E. D., Dallo, E. M., Imperial, C. M., Samson, MC. B., (2017)
Kayamanan Kasaysayan ng Daidig 8, pp 54-68

http:/www.thenagain.info/webhron/india/Harappa.html

Inihanda ni: Iwinasto ni:


KAYE JOY S. RODRIGUEZ APPLE L. SIAGAN
Guro Sabyek Koordineytor

Inirekomenda ni: Inaprubahan ni:


REYCHELA C. FORTO JERIC T. VALDEZ
Head, JHS Dept. Punong Guro

Binigyang pansin ni:


NELIA Z – ANGULUAN, PhD
Direktor

7|Page
8|Page

You might also like