You are on page 1of 28

sModyul 5: ang

pakikipagkapwa
1 Summarize D. Pagpapalalim Kailangan Kita
Kailangan Mo AkoKapwa-tao Tayo(p.
117-127)
Ang isang mag-aaral ay nagpahayag na kaya na mabuhay na
mapagisa dahil may mga pagkakataon na nakakaya niya mabuhay ng
mag-isa dahil marunong siya sa mga gawing-bahay at pinaunawa siya
ng kanyang mga kaklase na kahit siya ay mag-isa naiimpluwensiya pa
rin siya ng iba.
May isinagawang eksperimento na may pamagat na Total Isolation
na nagpakita na nagging kalagayan at kinahantungan ng mga tao na
nakakulong sa loob ng 48 oras nang nag-iisa na walna sinag ng
liwanag , sa isinagawang eksperimento, nakaranas ang tatlo ng guniguni at ayon nga sa nagboluntaryo ay mahirap gumana ang isip kapag
walang liwanag at nararamdaman niya na blangko at ayaw gumana
ang kanyan isip. Ipinakita sa eksperimento na ang ating mga utak ay
kinakailangan ng regular na istimulasyon at iyo ay makakamit lamang
sa pamamagitan ng ng pagkakaroon ng ugnayan sa ibang tao at sa
kapaligiran; at ang resulta ng eksperimento ay isa lamang sa
maraming pagpapatunay na ang tao ay isang panlipunang nilalang.
Nilikha tayong mga nilalang na ayon sa larawan at wangis ng Diyos
at tayong mga tao ay may kakayahan na mamuhay sa lipunan at
maging bahagi nito ay isang likas na katangian na ikinaiba sa ibang
nilalang at hindi mamuhay nang nag-iisa kaya ang panlipunang
aspekto ng pagkatao at ang kakayahan ng tao na makipag-ugnayan
sa kaniyang kapuwa ay likas sa kaniyang pagkatao.

May tatlong Golden Rule ang pakikipagkapuwa na kinikilala ang


kahalagahan ng mabuting pakikitungo sa kapuwa-Huwag mong
gawing sa kapuwa ang ayaw mong gawin sa iyo; Mahalin mo ang
kapuwa mo gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili; Makitungo sa
kapuwa sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka. At sa mga
golden rule, nagkakaroon ng makabuluhang pakikipagkapuwa na ay
pagtugon sa pangangailangan ng iba nang may paggalang at
pagmamahal.
Ang pakikipagkapuwa ay napatatatag ang mga birtud ng katarungan
at pagmamahal kaya kinakailangan matugunan ang pagbibigay ng
nararapat sa kapuwa, halimbawa ang pagbigay ng material na bagay
na may katumbas na halaga subalit kung ang isang bagay ay ibinagy
mo na walang hinihiling kapalit ipinapakita ang kanyang pagmamahal
at pagmamalasakit.
Isa pang patunay na ang tao ay panlipunang nilalang ay ang
kakayahan sa komunikasyon upang maipahayang ang kaniyang
pangangailangan o nararamdaman at nang malilinang ang kakayahan
ng taong makipag-diyalogo nang may kalakip na pagmamahal,
makakamit ng tao ang kaniyang kaganapan.
May mga pagkakataon na ang isang ugnayan o samahan ay di
nagkasusundo at dahil dito sinisikap ng lipunan na makamit ang
kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagtataguyod ng ugnayang
na may pagkakaisa.
Ang kabutihang panlahat ay nakasalalay sa pagkakaisa at
pagkakasundo ng ibat-ibang yunit ng lipunan. Ang mga yunit ay
katulad ng pamilya, samahan ng mga laiko at relihiyoso ay tumutugon
sa pangangailangan ng tao.
Ang pakikipagkapuwa tao ay isa sa mga kalaksan ng mga Pilipino na
ay ayon kay Licuanan at ito ay naipapakita sa pamamagitan ng
pagmamalasakit, kakayahan ng umunawa sa damdamin ng iba,
pagtulong at pakikiramay, bayanihan at sa pagiging mapagpatuloy
ngunit ang labis na pagpapahalaga sa personal na ugnayan ay

nagdudulot ng kawala ng malinaw na paghihiwalay sa obhektibong


Gawain at emosyonal na pakikisangkot.
Ang pagbibigay ng kaligayahan at kapanatagan sa tao ay isang
mabuting pakikipag-ugnayan sa mga tao at napatunayan sa isang
pag-aaral na maraming nagiging positibong epekto sa sarili at sa
samahan kaya ang pakikipag-ugnayan ay dapat na matatag, buo at
makabuluhan.
Mayroong apat na prinsipyo ang pagpapaunlad ng pakikipagugnayan sa kapuwa, una ang paggalang sa pagiging indibiduwal na
kapuwa, tayong lahay ay nararapat na igalang ang kanyang pagkatao
at napakahalaga na tandaan na hidi lahat ng gusto mo ay gusto ng
iba; pagpapahayag ng damdamin, ito ay susi sa mabuting pakikipagugnayan dahil nga marami ang nasisira na mga samhan dahil
itinatago at kinikimkim lamang ang ideya; pagtanggap sa kapuwa,
ang pagtanggap sa mga kalakasan at kahinaan ay mahalagang
prinsipyo sa pakikipag-ugnayan, dito tinatangap mo ang buong
pagkatao niya at mas lalawak ang pag-uunawa at maiiwasan ang
paghuhusga; pagiingat sa mga bagay na ibinahagi ng kapuwa, sa
paggalang iniingatan ito sa pamamagitan ng hindi pagkukuwento sa
iba at napakaraming ugnayan ang nasira dahil dito.
Sa pakikipagkapuwa kinakailangan ang paggalang at pagmamahal,
lahat tayo ay may gampanin sa pakikipagkapuwa at makakayanin ito
tayo sa paglilingkod sa kanila, huwag mawalan ng pag-asa kung may
nararamdaman ka na pagkukulang sa pakikipag-ugnaya ngunit
palawakin ito at paunlarin dahil ito ay nagreresulta ng makabuluhan
na samahan.

Tayahin ang iyong Pag-Unawa (p.128)

1.Ano ang mga indikasyon na ang tao ay likas na


panlipunang nilalang? Ipaliwanag.
Likas tayo na mga panlipunang nilalang dahil nilkha tayo ng Diyos at
binigyan ng kakayahan na mamuhay sa lipunan at makipag-ugnayan;
ipinagkaloob ng Diyos na mamuhay tayo nang may kasama at
kaagapay at hindi mamuhay na mag-isa kaya likas ang aspektong
panilipunan ng pagkatao at maging ang kakayahan na makipagugnayan.

2.Ano-ano ang pangangailangan ng tao ang natutugunan at


nalilinang dahil sa kaniyang pakikipagkapwa? Ipaliwanag ang
bawat isa.
Natutugunan at nalilinang ang pangangailangan dahil sa
pakikipagkapuwa ang mga birtud ng katarungan at pagmamahal. Ang
birtud ng katarungan (justice) ay kinakailangan upang mabigay ang
nararapat na walang iba kundi ang paggalang sa kaniyang dignidad
subalit mayroong bagay na mabibigay natin nang higit pa sa itinakda
ng katarungan, ang birtud ng pagmamahal (charity) na ay ayon sa
pagmamalasakit at pagmamahal sa kapuwa.
3.Bakit kailangan ng taong mapabilang sa mga samahan o
organisasyon? Patunayan batay sa iyong karanasan.
Kinakailangan ng isang tao mapabilang sa isang samahan o
orginasyon dahil ang samahan ay nagdudulot ng pagkakaisa at
nalilinang ang kanyang buong pagkatao. Natutugunang din ang mga
mahahalagang pangangailangan ng tao na hindi makakamit ng mag-isa
lamang. At sa pagiging bahagi ng samahan nagkakasundo ang ibatibang yunit ng lipunan na nagdudulot ng kabutihang panlahat.
4.Ipaliwanag kung bakit ang pakikipagkapwa ay kalakasan at
kahinaan din ng mga Pilipino.
Ang pakikipagkapuwa ay kalakasan ng mga Pilipino dahil ang mga
Pilipino nagpapakita nito sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa
kapuwa na may kakayahang umunawa sa damdamin, pagtulong at
pakikiramay at dahil dito nagdudulot ito ng pagkalapt-lapit at
pakikipagkapuwa-tao na nagiging saligan ng pagkakaisa at
katarungang panlipunan ngunit ito rin ay kahinaan dahil sa labis na
pagpapahalaga sa personal na ugnayan nagkakaroon ng kawalan ng
malinaw na paghihiwalay sa obhektibong Gawain at emosyonal na
pakikisangkot at hindi nagiging madali ang pagsunod at pagpapasunod
sa mga patakaran dahil lahat na ay nagiging impersonal.
5.Ano-ano ang katangiang matatagpuan sa isang
makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa?
Ano ang mga maaaring gawin upang ito ay mapaunlad?

Ang katangian na matatagpuan sa isang makabuluhang at mabuting


pakikipagkapuwa-tao ay ang nagkakaroon ng mahabang buhay, mas
madiling gumaling, madalang nagkakasakit at may kaaya-ayang
disposisyon sa buhay kaya kailangang itong ipaunlad sa pamamagitan
ng pagsisikap na magin, buo, matatag at pantiling makabuluhan at
mabuti, nakasalalay dito ang tagumpay sa kakayahan ng pagbahagi
ang sarili sa paglilinkod sa kapuwa.
6.Gaano
kahalaga
ang
pakikipagkapwa?
Paano
ito
mapatatatag? Paano nalilinang ang mga pagpapahalaga sa
pamamagitan ng pakikipagkapwa?
Napakahalaga ang pakikipagkapuwa-tao dahil sa pakikipag-kapuwa
natutugunan an gating pangangailangan na hindi makakaya ng mag-isa
lamang at nalilinang ang buong pagkatao. Mapapatatag ito sa
pamamagitan ng mga prinsipyo sa pagpapaunlad ng pakikipg-ugnayan
sa kapuwa. Nalilinag ito sa pamamagitan ng paggalang sa pagiging
indibduwal ng kapuwa, pagpapahayg ng damdamin, pagtanggap sa
kapuwa at at pag-iingat sa mga bagay na ibinahagi ng kapuwa.

Paghinuha ng Batayang Konsepto

Batay sa iyong mga sagot, gamit ang graphic organizer sa


ibaba,ipahayag ang nahinuha mong Batayang Konsepto
sa pakikipagkapwa.

Ang tao ay
likas na
panlipunan
nilalang

Kapuw
a

Ak
o

Kayat
nakikipagugnayan
siya upang
malinang sa mga
aspektong:
- Intelektuwal
- Politikal
- Panlipunan
- Pangkabuhay
an

At sa pamamagitan
ng
pakikipagugnaya
n
Sa kapuwa, na
indikasyon ng
pagiging isang
panlipunang
nilalang nating
mga tao

Nakakamit ng
tao ang
kaniyang

kaganapan

Batayang konsepto:
Ang tao ay likas na panlipinang nilalang kaya malilinang ang mga
aspektong intelektuwal, politikal, panlipunan at pangkabuhayan sa
pakikipag-ugnayan. Sa pakikipag-ugnayan at pagiging bahagi ng
samahan natutugunan ang mahahalagang pangangailngan ng tao na
hindi makakamit ng mag-isa lamang at dahil dito nagdudulot ito ng
pagkakaiisa at nalilinang ang buong pagkatao at nagkakaroon ng kusa
at pananagutan. Nakakamit ang kabutihang panlahat sa pagkakaisa at
pagkakasundo ng ibat-inang yunit ng lipunan, isa sa yunit ng lipunan
ang pagbobuluntaryo sa mga organisasyon at ang pagtataguyod nitong
samahan ay nagdudulot ng pagbabahagi ng maraming tao at
pagkakaisa sa mga gawaing panlipunan na tutugon sa pagkamit ng
mga aspekto.

Pag-uugnay sa Batayang Konsepto sa Pag-unlad ko bilang Tao


1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pagunlad bilang tao?
Sa Batayang Konsepto mas naiintndihan ko ang kakanyahan
(essence) ng pakikipagugnayan at pagiging bahagi ng samahan at

sa paglilinang ko nito, mas ipaiiral ko at ipapaunlad ang aking


kahinaan at kalakasan sa pakikipagkaupwa-tao upang mapaunlad ko
ang aking sarili bilang tao at makamit ang buo, matatag na samahan
at ang kabutihang panlahat.
2. Ano-ano ang maari kong gawin upang mailapat ang aking
mga pagkatuto sa modyul na ito?
Ipaiiral ko at ipapaunlad ang mga nalaman ko sa modyul na ito,
mas palalawakin ko ang aking pakikipag-ugnayan at isasabuhay ko ito
ng may kabuluhan, at pagsisikapin ko na maging buo, matatag, mabuti
at makabuluhan an gaming samahan.

Modyul 6: ang
pakikipagkapwa
1

Paunang Pagtataya (138-141)

1.C
2.B
3.B
4.A
5.D
6.B
7.B
8.A
9.D

10.

A. Batay sa iyong isinagawang pagsusuri tungkol sa iyong


mga itinuturing na kaibigan, ano ang konsepto tungkol sa
pagkakaibigan ang natutunan mo mula sa kaniya/kanila?
Natutunan ko na ang kaibigan ay isang napakahalagang bahagi sa
iyong buhay sapagkat sila ang mga tao na nakapalibot sa iyo sa
bawat hakbang ng buhay. Natutunan ko na ang kaibigan ay isang
samahan ng pagtitiwala upang maging buo at matatag ito at
natutunan ko rin na ang pagkakaibigan ay ang samahan ng
pagiging masaya.
B. Ano ang iyong pananaw tungkol sa pagkakaibigan bago mo
pa sila nakilala. Ipaliwanag.
Noon iba ang aking pananaw sa pagkakaibigan bago ko pa man
sila nakilala, akala ko na ang pagkakaibigan ay para hindi ka mapag-

isa lamang ngunit


pagkakaibigan.

may

mas

malalim

pa

na

dahilan

ang

C. Mayroon bang naidulot na pagbabago sa iyong pananaw


tungkol sa pagkakaibigan mula nang siya/sila ay iyong
nakasama? Ano-ano ito?
Opo, nang sila ay nakasama ko malaki ang naidulot sa pananaw
sa
pakikipagkaibigan,
na
ang
pakikipagkaibigan
ay
napakamalaking bahagi sa iyong buhay at malaki ang epekto ang
pakikipagkaibigan kaya dapat ito ay matatag at buo.
D.Ano-ano ang nagbago sa iyong sarili mula ng dumating
siya/sila sa iyong buhay? Isa-isahin.
Nang sila ay dumatin mas nagtiwala ako sa aking mga kaibigan
at mas nagging masaya ako at nagkaroon ako ng positibong
pananaw sa pagkakaibigan.
E. Ano ang halaga ng iyong kaibigan sa iyo bilang tao?
Ipaliwanag.
Bilang isang tao, napakahalaga ang kaibigan sa akin sapagkat
sila ay ang kasama ko sa bawat hakbang ng aking buhay at
binibigyan nila ako ng mga dahilan upang maging maunlad ako bilang
isang tao at maging isang panilipunang nilalang. Sila ay ang
kaagapay ko upang mapaunlad ko at mapiral ang aking pagiging tao
at dahil sa kanila nagkaroon ng malaking pagbabago sa aking
pananaw sa pagkakaibigan.

Gawain 2

MAHILIG
MARUNONG
MATANGKAD
SERYOSO
SA KPOP
MAHILIG
MAHILIG
MALIKHAIN
MASIYAHIN
MABAIT
MAGPINTA
GUMUHIT
SA
MAGBASA
PAGKAIN
MAHILIG
MAHILIG
MAGALING
MAPAGMASID
SA
MAGSULAT
MUSIKA
KUMANTA
KHARYZA
MAE
MARIANNE
B.
E.
JANE
SHANE
N.
NG
TAHIMIK
MAHILIG
ROLDAN
PERIGO
ROA
A. Ano ang iyong
natuklasan
sa gawain?
LINGGUAHIN
/
MANOOD
G KOREAN
MAHINHI NG SERIES
N

Natuklasan ko ang aming mga pagkakaiba at pagkakatulad ng


kaming magkakaibigan at ang mga kaparehong hilig at paguugali naming o nila.
B. Ano ang epekto ng pagkakaiba ng mga katangian ninyong
magkakaibigan?

Ang pagkakaiba ng mga katangian naming ang nagiging dahilan


ng aming pagkakaiba(uniqueness) na nagdudulot ng hindi
pagkakapareho ng opinion ngunit dito kami mas nakikilala an
gaming sarili.
C. Ano ang epekto ng pagkakatulad
ninyong magkakaibigan?

ng

mga

katangian

Mas nagiging malapit kami sa isat-isa sapagkat


nagkakaintindihan
kami
at
nagkakaunawaan
sa
pakikipagugnayan sa aming sarili at nagiging mas malapit kami
sa isat-isa.
D. Bakit mahalagang masuri ang pagkakaiba at pagkakatulad
ng mga katangian ng magkakaibigan? Ipaliwanag.
Mahalaga ito upang mas maunawaaan namin ang isat-isa kung
ano man ang aming pagkukulang at dahil minsan hindi pareho
ang aming opinyon sa isang bagay, mahalga na unawain naming
kung bakit ganito ang kanyang opinion.

Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at

Pag-Unawa
Gawain 1-101 Dahilan Kung BakitKharyza
Kita Naging
Mae B.
Kaibigan
Roldan (2011)

Jane Shane N.
Roa (2015)

Magkaklas
e kami ng
maraming

taon
Cheryl Mae M.
Canillas (2014)

Deirdre A. Jorda
(2015)

Sinasamahan niya ako


kapag wala akong
kasama

Tinutulungan niya ako


kung kinakailangan ko.

Nagkakausap kami sa
mga problema niya.

Lieane Ruth
A. Ibaez
Marami ang
pagkakatulad namin.

Prestine A.
Salinas(201
5)

Sinasamahan niya
ako sa canteen.

Carla Noelle B.
Cablao (2011)
Aira Bern Verallo
(2013)

Yurell Kent R.
Palaa (2013)

Anna Gabrielle S.
Montallana

Sinamahan niya ako sa


unang araw ng pasok.

Magkaibigan sila ni Aira.

Magkaibigan din sila


ni Aira.

Juca Myrfa
Alvarina
Magkaklase kami.

Juca Farma
Alvarina(201
1)

Magkatabi
kami sa
klase.

Kapatid niya si Mara.

A. Ano ang iyong natuklasan sa pagsasagawang gawain?


Natuklasan ko na iba-iba ang situwasyon ng aming
pagkakaibigan kagaya ng nagging magkatabi kami sa klase o di
kaya ay tinutulungan niya ako sa aking kung kinakailangan.
B. Ano ang magkakaibang dahilan na iyong naitala sa pagbuo
ng iyong pagkakaibigan? Ipaliwanag ang bawat isa.
Ang iba ay dahil kami ay magkaklase, ang iba naman dahil
kaibigan siya ng kaibigan ko na, mayroon din dahil tinulungan niya
ako kung kinakailangan ko ng tulong at sinasamahan ako kung
wala akong kasama at mayroon din dahil marami kaming
kaparehas ng gusto.
C. Ano ang pinakamababaw na dahilanna iyong naitala?
Ipaliwanag.
Ang pagiging kaklase namin dahil mas magiging malapit ka
kung katabi mo ang iyong kaibigan dahil nagkakausap kayo ngunit
kayo lamang ay magkaklase at hindi kayo gaanong nagkakausap
dahil malayo ang iyong upuan sa isat-isa at tuwing lunch o kaya sa
oras ng reccess lang kayo nag-uusap.
D.Ano ang pinakamalalim at pinakamalubhang dahilan na
itong naitala? Ipaliwanag.
Ang pinakamalalim at pinakamalubhang dahilan na aking naitala
ay ang pagiging kaklase ko siya ng maraming taon, dito mas
titibay ang aming pagkakaibigan dahil alam na naming ang isatisa ng matagal.
E. Alin sa mga naitalang dahilan ang nagbunga ng mas
malalim na pagkakaibigan para saiyo?
Ang pagiging kalase ko ng maraming taon dahil mas nakilala ko
siya at mas nauunawaan ko siya.

F. Alin sa mga itinalang mga dahilan ang nagpabago ng iyong


pananaw tungkol sa pagkakaibigan?Ipaliwanag.
Ang pagiging magkaibigan ng matagal dahil kung mas matagal
na kayong magkakilala, mas nauunawaan niyo ang isat-isa at
tinatanggap mo ang buong pagkatao, ang kanyang mga kahinaan
at kalakasan

Gawain 2- Naisasabuhay Ko Ba ang


Pakikipagkaibigan?

Mga
Palatandaan
1) Lahat ng bagong
kakilala ay
pinaniniwalaan
kong maaari kong
maging kaibigan sa
hinaharap.
2) Upang mabuo ang
pagkakaibigan
kailangang may
pagkakatulad at iisang
interes o hilig.
3) Interesado ako sa
aking kaibigan sa
kabuuan ng kaniyang
pagkatao at hindi
lamang sa mga bagay
na kami ay may
pagkakatulad.
4) Naniniwala akong
mahalaga na mayroong
regular na pakikipagugnayan sa mga
pinipiling maging

Ako Ito

Hindi ako
ito

kaibigan.
5) Nauunawaan ko na
ang kalidad ng
pagkakaibigan ay
tataas batay sa dami
ng
pagpapalitan ng mga
tanong na maglalapit
sa isat isa at
magbubukas sa
kanilang sarili
at maging sa kanilang
magkaparehong
interes na makilala
ang isat isa.
6) Mulat ako na ang
pakikipagkaibigan lalo
na
sa katapat na kasarian
ay mayroong
limitasyon.
7) Nauunawaan ko na
upang maging
mabuting
kaibigan ako sa aking
kaibigan at upang
maging mabuting
kaibigan din sila sa
akin,
kailangan naming
magsikap na
mapagyaman ang ilang
mga birtud.

8) Nagpapakita ako ng
pagmamalasakit sa
aking kaibigan sa
maraming mga paraan
(Hal. pagbisita sa kaniya
kapag maysakit,
hindi nagsasalita ng
masama laban sa
kaniya, atbp.)

KABUUANG ISKOR=7- Napakabuti sa pagsasabuhay ng tunay


na pakikipagkaibigan

Ang Pakikipagkaibigan
Ang kaibigan ang iyong itinuturing mong tao na maaasahan,
masasandalan o takbuhan kung may problem ka o may tagumpay kang
nagawa, marami ang iyong karanasan na hindi niyo malilimutan, mga
kwentuhan. Ayon nga sa Websters Dictionary na ang pagkakaibigan ay
nangangahulugang pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa
pagmamahal at pagpapahalaga.

Napakahalaga na unawin na ang pagkakaibigan ay hindi isang


damdamin. Hindi ito ibinabatay sa simpleng pagkagusto dahil
sapresensiya ng isang tao. Ang kaibigan ay hindi basta mahahanap,
dumadaaan ito ng isang mahabang proseso.
Si Aristotle ay nagbigay ng makabuluhang pananaw sa
pakikipagkaibigan, sa kanyang pahayag ang pagkakaibigan ay nabubuo
sa pamamagitan ng isang malalim na ugnayan ng dalawa o mahigit
pang tao na hidi nakabatay sa kanilang mga katangian kundi sa mas
malalim na dahilan. Walang sinuman ang pipiliin ang mabuhay na
walang kaibigan kahit pa nasa kaniya na ang lahat na mabubuting
bagay ngunit mahalagang maunawaan na ang lahat na malalalim na
pagkakaibigan ay nag-uugat sa isang simpleng ugnayang interpersonal.
Sinusuportahan ito ni Emerson dahil ayon sa kaniya ang
pagkakaibaigan na biyaya na matatanggap ay hindi lamang makakamit
sa ngiti at saya kundi ito ay mararamdaman sa inspirasyong
nagmumula sa isang taong naniniwala at nagtitiwala sa atin.
Ayon kay Aristotle na mahalaga na bigyan pansina ng tatlong uri ng
pagkakaibigan,
una
ang
pakikipagkaibigang
nakabatay
sa
pangangailnagan, dito nagiging kaibigan mo ang isang tao dahil
kailangan mo siya ngunit ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay
naglalaho sa panahon hindi mo na siya kinakailangan; Pagkakaibigang
nakabatay sa pansariling kasiyahan, ito ay nabubuo sa pagitan mo at
ng isa o mahigit pang tao na masaya kang kasama o kausapan,
maituturi itong mas mataas kaysa sa naunag uri ngunit maari itong
maglaho kapag nakita ang mga katangiang maaaring hindi mo
nagugustuhan; Pagkakaibigan na nakbatay sa kabutihan, ito ay
nabubuo
batay
sa
pagkagusto
at
paggalang
sa
isai-isa,
nangangailangan ito ng mas mahabang panahon kung ikkukumpara sa
unang dalwang uri, bihira lamang ang ganitong uri na pagkakaibigan
dahil hindi sapat ang kakayahan ng mga kabataan para makamit ito.
Ang tao ay ang humuhubog ng kaniyang pagkakaibigan at ang
kanilang
pagkakaibigan
ang
humuhubog
sa
kanila,
Ang
pakikipagkaibigan ay isang kapangyarihang ugnayan; Nakalikha ito
ng mabuting pagtingin sa sarili, nagbibigay ito ng ng kapanatagan

ng damdamin at kalakasansa personal na pagkakakilanlan; Natutuhan


kung paano maging mabuting tagapakinig, dahil madalas ang
mga kabataan ay nahihirapan na maglaan ng oras para making at siya
ay mas nanaisinna magsagawa ng mga bagay na makikiagbigay sa
kanila ng saya; Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting
kaibigan sa pamamagitan ng mga tunay na kaibigan, sabi nga na
malalaman mo lamang ang tunay na kaibigan at hindi kung mayroon
kang parehong pagdanas nito; Natutuhang pahalagahan ang
mabuting ugnayan sa pakikipagkaibigan sa kabila ng ilang di
pagkakaintindihan at; Nagkakaroon ng mga bagong ideya at
pananaw sa pakikipagkaibigan.
Hindi lamang ang pagkatao ng bawat indibiduwal ang umuunlad
kundi pati na rin ang kasanayan sa sa pakikipagagkapuwa. Ang
pagkakaibigan ay bunga ng pagbibigay at pagtatanggap at hindi
makabubuo ng malalim ma ugnayan kung hindi matuto ang tao na
maglaan ng panahon.
Ang pagkakaibigan ay ang pinakamataasna ekspresyon ng
panlipunang kalikasan ng tao at ito rin ang pinakamatibay na
pundasyon ng anumang lipunan.
Ayon kay AndrewGreeley naang mabuting pagkakaibigan ay matibay
na pundasyon at mabisang sangkop sa maraming uri ng ugnayan sa
pagitan ng mga tao da lipunan.
Mayroong mga sangkap sa pakikipakaibigan, una ang Presensiya,
kinakailangan ng tao ang panahon na magkasama, na pisikal na
presensiya; Paggawa ng bagay nang magkasama,ang paggawa nito ay
daan upang magkaroon ang magkaibigan ng oras para sa isat-isa; pagaalaga, nangangahulugang pagtulong sa kaniyang kaibigan sa pagunlad o paglago; Katapatan, hindi nangangahulugan ng ganap na
pagbubukas ng sarili sa kaibigan;Kakayahang mag-alaga ng lihim, ang
tunay na kaibigan ay iniingatan ang lihim ng isa pa;Pag-unawa sa
nilalaman ng isip at damdamin ng iba, ang pagunawa ay
nangangahulugang paglagay ng sarili sa sitwasyong kinalalagyan ng
kaibigan.

Minsan, kahit na iniingatan ang ugnayan ay nagkakaroon ng hindi


pagkakaunawaaan, sabi pa nga ni George Washington na ang
pagkakaibigan ay dumadaan muna sa isang matinding pagsubok bago
ito ganap na malinang. Lahat ng tao ay nagkakamali at ang paghingi ng
patawad ay hindi kahinaan kundi ito ay kalakasan ng isang tao
Ang pagtingin sa tunay na pagkakaibigan ay hindi tumitingala o
yumuyuko sa kaibigan, tinitingnan mo siya at kayo ang nakatingin sa
iisang direksiyon, patungo sa kabutihan; gamit ang kabutihan at
pagmamahal ng Diyos bilang gabay.

Tayahin ang Iyong Pag-unaawa


1.Ano ang tunay at
pakikipagkaibigan?

malalim

na

kahulugan

ng

Ang pakikipagkaibigan ay nabubuo sa pamamagitan ng isang


malalim na ugnayan ng magkaibiganna hindi nakabatay sa
katangian kundi sa mas malalim na aspekto ng kanilang
pagkakatao.

2.Bakit mahalaga ang pakikipagkaibigan?


Mahalaga ang pakikipagibigan dahil ang kaibigan ay ang
iyong masasandalan o matatakbuhan sa oras ng
pangangailangan, maaasahan mo at higit sa lahat
tinatanggap ang buong pagkatao mo at pagkakaibigan ay
nakakapag-unlad n gating pagkatao.
3.Ano-ano ang uri ng pagkakaibigan at katangian ng
mga ito? Ipaliwanag.
May tatlong uri ng pakikipagkaibigan, una ang
pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailnagan,
dito nagiging kaibigan mo ang isang tao dahil kailangan
mo siya ngunit ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay

naglalaho sa panahon hindi mo na siya kinakailangan;


Pagkakaibigang
nakabatay
sa
pansariling
kasiyahan, ito ay nabubuo sa pagitan mo at ng isa o
mahigit pang tao na masaya kang kasama o kausapan,
maituturi itong mas mataas kaysa sa naunag uri ngunit
maari itong maglaho kapag nakita ang mga katangiang
maaaring hindi mo nagugustuhan; Pagkakaibigan na
nakbatay sa kabutihan, ito ay nabubuo batay sa
pagkagusto at paggalang sa isai-isa, nangangailangan ito
ng mas mahabang panahon kung ikkukumpara sa unang
dalwang uri, bihira lamang ang ganitong uri na
pagkakaibigan dahil hindi sapat ang kakayahan ng mga
kabataan para makamit ito.

4.Paano
mapauunlad
ng
pagkakaibigan
ang
pagkatao? Ang pakikipagkapuwa? Ang lipunan?
Mapapaunlad ito sa paraan ng paglilikha ng mabuting
pagtingin sa sarili, matuto kung paano magiging mabuting
tagapakinig,pagtukoy kung sino ang mabuti at di-mabuting
kaibigan sa pamamagitan ng mga tunay na kaibigan,
matutong pahalagahan ang mabuting ugnayan sa
pakikipagkaibigan sa kabila ng di pagkakaintindihan,
pagkaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa
pakikipagkaibigan.
Dahil walang sinuman ang nagnanais na mamuhay nang
walang kaibigan kaya ay nagsisikap lahat ng tao upang
magkaroon nito.

5.Paano
makabuo
pagkakaibigan?

ng

tunay

at

malalim

na

Sa pamamagitan ng presensiya, paggawa ng bagay nang


makasama, pag-aalaga, katapatan, kakayahang magalaga ng lihim, pag-unawa sa nilalaman ng isip at
damdamin ng iba at ang pagpapatawad.
6.Ano ang nararapat na pinakamahalagang layunin sa
pakikipagkaibigan?
Ang pagpapatawad dahil ito ay kinakainlangan ng lakas
ng loob na aminin ang pagkakamali.

Paghinuha ng Batayang Konsepto


Sa pakikipagkaibigan
mapapaunlad ang iyong
buong pagkatao at
magdudulot ng pag-unlag
mo bilang tao.

Ang
pagkakaibigan ay

Napakahalaga ang
pagpapatawad upang
makamit ang tunay at wagas
na pagkakaibigan.

Ang pagpapatawad ay napakahalagang sangkap na


kinakailangan upang makamit ang tunay at wagas na
pagkakaibigan. Ang paghihingi ng kapatawaran ay hindi
kahinaan kundi ito ay kalakasan ng isang tao at kinakailngan
ng lakas ng loob sa pag-amin ng kamalian.
Pag-uugnay sa Batayang Konsepto sa Pag-unlad ko bilang Tao
1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pagunlad bilang tao?
Sa Batayang Konsepto mas naiintndihan ko ang kakanyahan
(essence) ng pagkakaibigan at sa paglilinang ko nito, mas ipaiiral ko
at ipapaunlad ang aking kahinaan at kalakasan sa pakikipagkaibigan
upang mapaunlad ko ang aking sarili bilang tao.
2. Ano-ano ang maari kong gawin upang mailapat ang aking
mga pagkatuto sa modyul na ito?
Ipaiiral ko at ipapaunlad ang mga nalaman ko sa modyul na ito,
mas palalawakin ko ang aking pakikipagkaibigan at isasabuhay ko ito
ng may kabuluhan.

Pagsasabuhay

Lihim

Mayroon
akong
kaibigan
na
mayroon boyfriend ngunit hindi
alam ng kanyang mga magulang
at sa nakalipas na araw ay
nalaman ng kanyang magulang
ang lihim at pinagalitan siya at
naghiwalay na sila saboyfriend
niya. Sa kanyang nararanasan
ngayon, alam ko noon pa man na
malalaman
ito
ng
kanyang
magulang dahil walang sekreto
ang hindi nabubunyag kaya hindi
na niya uulitin pa man ang
nangyayari
dahil
siya
ay
masasaktan lamang.

You might also like