You are on page 1of 6

WORKSHEET sa ARALING PANLIPUNAN 8

NAME: ______________________ GRADE and SECTION: __________________ DATE:


________________

Quarter : 1 Week : 5 Day : 1 Activity No. : 1


Competency: : Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig. AP8HSK-Ig-6
Objective : 1. Nasusuri ang ibat ibang kabihasnan na umusbong sa Mesopotamia.
2. Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang
Kabihasnan sa daigdig.

Topic : Mga Sinaunang Kabihasnan: Kabihasnang Mesopotamia

Copyrights :
Concept Notes:
 Ang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso o "pagitan" at potamos o "ilog"-
“Lupain sa pagitan ng dalawang ilog”
 Itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig sa lupaing paarko o Crescent mula
Persian Gulf hanggang baybayin ng Mediterranean.
 Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates dulot ng baha ay nag-iiwan ng banlik na
nagpapataba ang lupain na nakabubuti sa pagtatanim.
Mga kabihasnang naitatag sa Mesopotamia
 Nabuo ang 12 lungsod-estado (hal. Erido, Kish, Lagash, Uruk, at Ur) na
Kabihasnang pinamumunuan ng isang hari;
Sumer  Ziggurat ang istrukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o
3500 – 2340 diyos na makikita sa bawat lungsod;
B.C.E.  Cuneiform ang paraan ng pagsulat na ginamitan ng stylus at clay

 Sinakop ni Sargon I ang mga lungsod-estado at itinatag ang kauna-


Imperyong unahang imperyo sa daigdig
Akkad  Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod-
2340-2100 estado ng Akkad o Agade.
B.C.E  Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadia si Naram Sin
Imperyong  Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng lungsod ng Babylon ang
Babylonian Mesopotamia at ginawang kabisera ang Babylon.
1792-1595  Nasupil ni Tiglath-Pileser ang mga Hittite at naabot ng pwersa ang
B.C.E baybayin ng Mediterranean at itinatag ang Imperyong Assyrian

Imperyong  Ashurbanipal isa sa mga hari na nakitaan ng maayos na pamamahala sa


Assyrian kanyang panahon na nagtayo ng silid-aralan na may 20,000 uri ng mga
1813-605 luad na aklat.
B.C.E
 Nabopolassar ang nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia matapos
Imperyong pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria
Chaldean  Si Nebuchadnezzar II ang pinuno ng imperyo ng natamo ang rurok ng
1612-539 kadakilaan. Nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon na kinilala ng
B.C.E mga Greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World

Imperyong  Sa ilalim ni Cyrus the Great nagsimulang manakop ang mga Persiano
Persiano  Sa ilalim ni Darius the Great umabot ang sakop hanggang India. Hinati
539-330 B.C. E ang imperyo sa mga lalawigan o Satrapy at pinamahalaan ng gobernador
o Satrap
 Napatanyag ng mga Persian ang relihiyong Zoroastrianismo na itinatag
ni Zoroaster
Activity: 1
1. Ilarawan ang heograpiyang pisikal ng Mesopotamia.
- Ang Mesopotamia ay tumutukoy sa lupain sa pagitan ng Euphrates at Tigris Rivers, na parehong dumadaloy
pababa mula sa Taurus Mountains.
Ang klima ng rehiyon ay semi-arid na may malawak na disyerto sa hilaga na nagbibigay daan sa isang 5,800
square miles na rehiyon ng marshes, lagoon, mud flats, at reed banks sa timog. Sa sukdulang timog, ang
Euphrates at ang Tigris ay nagkakaisa at walang laman sa Persian Gulf.
2. Paano nakatulong ang dalawang ilog sa pag-unlad ng buhay ng mga taga Mesopotamia?
- Sa pamamagitan ng irigasyon para sa pagsasaka at pangingisda, kung wala ang mga ilog ang mga tao ng
Mesopotamia ay namatay sa dehydration at gutom.
WORKSHEET sa ARALING PANLIPUNAN 8
NAME: ______________________ GRADE and SECTION: __________________ DATE:
________________

Quarter : 1 Week : 5 Day : 2 Activity No. : 2


Competency: : Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig. AP8HSK-Ig-6
Objective : Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng sinaunang kabihasnang
Indus.
Topic : Mga Sinaunang Kabihasnan: Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya
Copyrights : For Classroom Use Only

Concept Notes
 Sa rehiyong Timog Asya nagsimula ang Kabihasnang Indus na naka sentro sa lambak-ilog ng Indus.
 Sa nasabing ilog umunlad ang kambal na lungsod: ang Harappa sa hilaga at Mohenjo-Daro sa timog na
may layong 350 milya sa isa’t isa.

Ang unang taon naninirahan sa Indus sa maliit na pamayanan at nakipagkalakalan


hanggang Pakistan sa kanilang produktong bulak, mga butil, at tela.
Nagpapangkat-pangkat ang lipunang Indus, may nanirahan sa moog at bahay na may
Panahon ng palapag
Dravidian Natagpuan sa Sumer ang selyong Harrapan na may pictograph na representasyon
2000 B.C.E narating ang tugatog ng tagumpay ngunit bumagsak dahil pagkaubos ng
puno at labis na pagbaha; pagbago ng klima; lindol o pagsabog ng bulkan at dahil
nawasak sa paglusob ng pangkat nomadiko kabilang ang Aryan.
Mula sa Hindu Kush dumaan sa Khyber Pass dumating sa Persia at India
dala ang wikang Indo-Europea.
Panahong Nangangahulogang “marangal” at ang buhay ay batay sa sagradong aklat na Vedas.
Vedic o Aryan Kadalasan lalaki at mandirigma ang kanilang diyos
1500-500 Sinaunang lipunan ay may tatlong uri-maharlikang mandirigma,
B.C.E. mga pari, at karaniwang mamamayan ngunit lumaon nabuo ang
Sistemang Caste.
Nasakop ni Chandragupta Maurya ang dating kaharian ng Magadha at itinatag ang
imperyo.
Imperyong Maurya Asoka ang namuno sa imperyo at kinilalang pinakama-husay na pinuno ng
Maurya sa kasaysayan na dahil sa madugong pakikibaka na pumatay ng 100,00
katao, iniwan ang karahasan at sinunod ang turo ng Budhismo.
Humiwalay sa imperyo ang ilang mga estadong malayo at nagtagisan ng
kapangyarihan at naging dahilan ng pagbagsak ng imperyo
Itinatag ito ni Chandragupta I at itinuturing itong panahong klasikal ng India
Imperyong Gupta Maunlad ang kanilang panitikan, sining, agham at ang mga larangan ng astronomiya,
matematika at surgery
Kalidasa - kinikilalang pinakamahusay na manunulat at makata sa India
Narating ng imperyo ang tugatog ng kapangyarihan sa ilalim ni Akbar
Imperyong Mogul Nagpatupad siya ng kalayaan sa pananampalataya at makatarungang pangangasiwa
Shah Jahan - pinuno na humalili kay Akbar na nagpatayo ng Taj Mahal

Activity 1

1. Bakit mahalaga ang yamang tubig sa pag-unlad ng kabihasang Indus?


Nakatulong ito sa kanila sa pamamagitan ng pagsisilbing paraan para
makakuha ng tubig at makakuha ng isda.a

2. Sa Panahong Vedic, saan nakabatay ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay?


Ang kanilang unang lipunan ay may tatlong uri-mga maharlikang mandirigma, pari,
at karaniwang tao ngunit nang maglaon ay umunlad ang Sistema ng Caste.

3. Ano ang dahilan sa pagbagsak ng mga Dravidian?


Ang kanilang pagbagsak ay dahil sa mga natural na sakuna tulad ng lindol, pagsabog ng bulkan,
at pagbaha, dahil din sa pagsalakay ng mga nomadic group kabilang ang mga Aryan.
WORKSHEET sa ARALING PANLIPUNAN 8
NAME: ______________________ GRADE and SECTION: __________________ DATE:
________________

Quarter : 1 Week : 5 Day : 3 Activity No. : 3


Competency: : Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig AP8HSK-Ig-6
Objective : Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng Kabihasnang Tsino
Topic : Mga Sinaunang Kabihasnan: Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Copyrights : For Classroom Use Only

Concept Notes:
 Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang kabihasnang nanatili sa buong
daigdig hanggang sa kasalukuyan
 Ito ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa Huang Ho
 Kapag umaapaw ang ilog, nagdudulot ito ng baha at nag-iiwan ng matabang lupa na kulay dilaw na
mainam sa pagtataniman

Mga Mahalagang Katangian ng Kabihasnang Tsino


Xia sinasabing nag-ugat mula sa Longshan isang kulturang Neolitikong laganap sa lambak ng Ilog
Huang Ho na hindi pa lubusang napatunayan dahil sa kawalan ng ebidensya.
Pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng bronse, malimit magsakripisyo ng tao kung
Shang mamatay ang pinuno
Naiwan ang pinakamatanda sa mga panulat sa Tsino na nakasulat sa mga oracle bones
Zhou o Naniniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o "Basbas ng Kalangitan"
Chou Umusbong ang mahalagang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino: ang Confucianism,
Taoism, Legalism
Sa ilalim ni Ying Zheng nagawang pag-isahin ang mga nagdidigmaang estado at inihayag nya
Q'in o ang sarili bilang "Unang Imperador"ng Tsina at kinilala bilang si Shi Huangdi o Shih Huang Ti
Ch'in Naitinayo Great Wall of China upang magsilbing tanggulan laban sa mga kalaban
Kauna-unahang dinastiyang yumakap sa Confucianism
Han Ang pagsulat ng kasaysayan ng China ay isang napakalaking ambag ng Dinastiyang Han
Isinaayos ang Great Wall of China na napabayaan sa mahabang panahon
Sui
Ginawa ang Grand Canal na nag-uugnay sa mga Ilog ng Huang Ho at Yangtze
Itinatag ni Li Yuan dating opisyal ng Dinastiyang Sui nag-alsa dahil sa mga pang-aabuso.
T'ang Itinuturing na dakilang dinastiya ng China
Ang Budhism ang dominanting relihiyon sa panahong ito
Ibinalik ang Civil Service Examination system na mahalaga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan
Itinayo ng isang hukbong imperial ang dinastiyang ito
Sung
Naging sapat ang suplay ng pagkain sa China dahil sa pag-unlad ng teknolohiya sa agrikultura
Yuan Itinatag ni Kublai Khan, isang Mongol
Dumaan ang dinastiya sa tinatawag na Pax Mongolica o Panahon ng Kapayapaan
Itinatag ni Zhu Yuanzhang
Ming Itinayo ang Forbidden City sa Peking para sa tahanan ng emperador
Nakarating sa Indian Ocean at Silangang bahagi ng Africa ang mga Tsino sa pamumuno ni
Admiral Zheng He
Tinutolan ng China ang Opyo ngunit natalo sa mga Digmaang Opium laban sa England dahil
malaking dagok sa imperyo
Qing o nagbigay ng konsesyon sa mga dayuhan kabilang dito ang lupain ng Hongkong sa mga British at
Ch'ing ang Sphere of Influence
Hinangad ng Rebelyong Taiping at Rebelyong Nien na pabagsakin ang mga Manchu dahil
walang kakayahang labanan ang mga Kanluranin
Sumuporta ang Rebelyong Boxer sa mga Manchu sa layuning palayasin ang mga Kanluranin
Activity 1
1. Ano kahalagahan ng Civil Service Examination sa panahon ng Dinastiyang Tang?
-Mahalaga ito dahil nakatulong ito sa paghahanap ng mga angkop na indibidwal para sa mga opisyal ng
gobyerno, para malaman ng gobyerno kung magaling ang taong ito o hindi.

2. Bakit mahalaga ang Ilog Huang Ho sa kasaysayan ng mga Tsino?


-Mahalaga ito dahil ito ang simula ng China at dahil karamihan sa mga kaganapan mula Dinastyang Xia
hanggang Qing ay nangyari sa paligid o doon nagmula.

3. Paano nakatutulong ang pagpapatayo ng Great Wall sa kabihasnang Tsino?


-Ito ay itinayo upang magsilbing depensa laban sa mga kaaway ng China sa dinastiya ng Q'in, pagkatapos
ay inayos sa kalaunan mula sa kapabayaan sa dinastiyang Sui
WORKSHEET sa ARALING PANLIPUNAN 8
NAME: ______________________ GRADE and SECTION: __________________ DATE:
________________

Quarter : 1 Week : 6 Day : 1 Activity No. : 1


Competency: : Nasusuri ang mga Sinaunang Kabihasnan sa daigdig batay sa politika,
ekonomiya, kultura, relihiyon at lipunan (No Code Indicated)

Objective : Naipaliliwanag ang kahalagahan ng politika, ekonomiya, kultura, relihiyon at


lipunan .

Topic : Ang Politika, Ekonomiya, Kultura, Relihiyon, at Lipunan ng mga


Sinaunang Kabihasnan
Copyrights : For Classroom Use Only

Concept Notes:
Ang mga sumusunod ay ang mga nalinang ng mga sinaunang kabihasnang sa daigdig.

POLITIKA EKONOMIYA KULTURA RELIHIYON LIPUNAN


● 12 Lungsod na ● nag-alaga ng ● naniniwala sa ● Pari-hari
MESOPOTAMIA

pinamunuan ng baka, tupa, ● cuneiform maraming diyos ● iskriba


hari. kambing at ● ziggurat at diyosa ● manggagawa
● madalas ang baboy. ● dambana ng mga na may ● mandirigma
tunggalian ng ● pagsasaka diyos at diyosa katangian at ● alipin
mga lungsod. ugaling tao.

● Lungsod ng ● nag-aalaga ng ● May sewerage ● Vedas ● Sistemang


Mohenjo-daro at baka, elepante, system. ● Hinduism Caste
Harappa tupa at ● may grid pattern ● Buddhism > Brahmin
INDUS

● planado at Kambing ang lungsod. > Ksatriya


malalapad na ● bulak, butil at ● steatite seal > Vaisya
mga kalsada. tela ● Taj Mahal > Sudra
● sati >Untouchables
Activity 1

1. Ano ang maitutulong ng ekonomiya sa kaunlaran ng isang kabihasnan?


-Ang ekonomiks ay maaaring mag-ambag bilang isang kalakalan sa mga taong naninirahan sa
sibilisasyon at sa labas, gamit ang kanilang sinasaka o pinalaki na maibibigay nila sa mga
kapalit ng iba pang mga bagay.

2. Sa iyong pagsusuri, bakit mahalaga ang bahaging ginampanan ng politika sa bawat


kabihasnan?
-Mahalaga ito dahil nagsisilbi itong batayan ng kontrol upang gumawa ng mga pagbabago sa
sibilisasyon, sa halip na gawin ito ng mga taong wala sa kapangyarihan.

3. May pagkakatulad ba ang sinaunang politika, sa kasalukuyan? Bakit?


-Magkatulad sila, dahil karamihan sa mga sibilisasyon noon ay pinamumunuan ng iisang tao o
pinamumunuan ng marami, walang pinagkaiba noon at ngayon kung paano gumagana ang
ating sistemang pampulitika.
WORKSHEET sa ARALING PANLIPUNAN 8
NAME: ______________________ GRADE and SECTION: __________________ DATE:
________________

Quarter : 1 Week : 6 Day : 3 Activity No. : 3


Competency: : Nasusuri ang mga Sinaunang Kabihasnan sa daigdig batay sa politika,
ekonomiya, kultura, relihiyon at lipunan (No code Indicated)

Objective : Nasusuri ang mga Sinaunang Kabihasnan sa daigdig batay sa politika,


ekonomiya, kultura, relihiyon at lipunan .

Topic : Ang Politika, Ekonomiya, Kultura, Relihiyon, at Lipunan ng mga


Sinaunang Kabihasnan

Materials :
Reference : Kasaysayan ng Daigdig, Rosemarie C. Blando et al, pahina 104-108

Copyrights : (Classroom Purposes)

Concept Notes
POLITIKA EKONOMIYA KULTURA RELIHIYON LIPUNAN
● Great Wall ● calligraphy
● Legalism ● pagsasaka ● oracle bone > Emperador
● Forbidden city ● silkworm reading ● Pagsamba sa > Pilosopo
TSINO

● Dinastiya ● jade ● Taoism mga ninuno > manggagawa


● Dinastic Cycle ● porselana ● printing ● confucianism > magsasaka
● Feudalismo ● siramika machine
● emperador ● mandate of
heaven
*Piramide ● pag-aalaga ng Hieroglyphics ◦ Paraon
*Lumang hayop Papyrus > Dios ng araw ◦ Eskriba
kaharian ● pagsasaka Mummy >Sinasamba ◦ Manggagawa
EGYPT

*Gitnang ● pakipag- medisina ang mga paraon Alipin


Kaharian kalakalan
*Bagong
Kaharian

Activity 1

1. Sa larangan ng ekonomiya sa Egypt at Tsina makikita pa ba ang mga gawaing ito


sa ngayon? Paano ito nakatulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao?
Nakikita pa rin natin sila sa maraming iba't ibang item at produkto hanggang
ngayon, at nakatulong ito sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao sa
pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho sa mga tao.

2. Sa inyong palagay, paano nakaiimpluwensiya ang relihiyon o pananampalataya sa mga


nasabing kabihasnan hanggang sa ngayon?
Malaki ang impluwensya nito sa sibilisasyon sa kung paano ito kumikilos at lumilikha ng
mga batas.
WORKSHEET sa ARALING PANLIPUNAN 8
NAME: ______________________ GRADE and SECTION: __________________ DATE:
________________

You might also like