You are on page 1of 11

Department of Education

Region X
Division of Misamis Oreintal
Cagayan de Oro

ARALING PANLIPUNAN GRADE 8

MGA YUGTO SA PAG-UNLAD NG KULTURA SA PANAHONG


PREHISTORIKO

MODYUL PARA MAPAUNLAD ANG PAGKATUTU PARA SA ARALING


PANLIPUNAN

UNANG MARKAHAN

RHEA B. ENGALLA
UNANG MARKAHAN LEAST MASTERED SKILL

Module 1 MGA YUGTO SA PAG-UNLAD NG KULTURA SA


PANAHONG PREHISTORIKO

Mga Gawain: 1. Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad


ng mga Sinaunang Kabihasnan sa daigdig.

MODYUL SA PAGKATUTO:

Pangkalahatang Ideya:

Ang modyul na ito ay ginawa upang mabigyan linaw at mapagyaman ang kaugnayan
ng heograpiya sa pag unlad ng mga sinaunang kabihasnan. Gayundin ang mahalagang
pangyayari ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

I. Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga Sinaunang


Kabihasnan sa daigdig.

A. ANG KABIHASNAN MESOPOTAMIA SA KAUNARANG ASYA.

Ang salitang Mesopotamia ay ngmula sa mga salitang Greek na meso o “pagitan” at


potamos o “ilog”. Samakatuwid ,ang Mesopotamia ay nangangahulugang lupain sa
“pagitan ng dalawang ilog” na inaakalang lunduyan ng unang kabihasnan.Ang
Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan ng daigdig.Siankop at
pinanahanan ng ibat ibang sinaunang pangkat ng tao kabilang ang mga Sumerian, Akkadian,
Babylonian Asyrian,Chaldean at Elamite na nagtangka ring sakupin ang lupaing ito.

*HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA*

Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ilog Tigris at Euphrates ang


kauna-unahang mga lungsod ng daigdig., tinatwag na Mesopotamia ang lupaing
matatagpuan sa pagitan ng mga ilog na ito. Matatagpuan ang Mesopotamia sa rehiyon ng
Fertile Crecent, isang paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa
silangang baybayin ng Mediterranean Sea.Ang regular na pag apaw ng ilog Tigris at
Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik (silt) na nagiging mataba ang
lupain ng rehiyon na nakabubuti sapananim.
Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang
lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensyahann din ito ng mga karatig lugar dahil na
rin sa mga ugnayang pangkalakalan at tungaliang militar.

Sa mga taong 5500BCE, daan-daangmaliliit na pamayanang sakahan ang


matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag-ugnay-ugnay ng malalayo at
mahahabang rutang pangkalakalan.Bunga ng pag-unlad, ngakaroon ng mg pagbabago sa
aspektong panlipunan, pampolitika at panrelihiyonna ngadudulot ng sentralisadong
kapangyarihan.Isang halimbawa ang Uruk na itinuturing na isa sa mga kauna-unahang
lungsod ng daigdig.

II. ANG KABIHASNAN NG INDUS SA TIMOG ASYA

Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa kasalukuyan,


bunibuo ito ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bheutan, Sri Lanka,
Nepal at Maldives.

Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung ihahambing


sa ibang panig ng Asya.Madalas itong tawagin itong tawagin ng mga heograpo na sub-
kontinente ng India dahil hinihihiwalay ito ng mga kabundukan, kaya maituturingn itong
halos isang hiwalay na kontinente. Matatarik na kabundukan ng Hindus Kush, Himalayas at
Karatukan ang nasa hilaga nito samantalang pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kankuran,
Indain Ocean sa Katimugan, at Bay of Bengal sa Silangan. Bagama’t ang rehiyonh ito ay
inihihiwalay ng mga kabundukan sa hilaga, nakararanas din ito ng mga pagsalakay at
pandaruyuhan.Nakapasok ang mga tao sa mga daanang tulad ng Khyber Pass sa hilagang-
kanluran, dala ang kanilang sariling wika at tradisyon, na nagpayaman sa kulturang indian.

*HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS*

Ang mga lungsod ng Harappa at mohenjo-Daro sa Lambak ng Indus ang


pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon.
Natagpuan ng mga arkeologo ang mgaa labi ng dalawang lungsod noong 1920 ang mga lugar
na ito.

Mas malawak ang lupain sa Indus kung ihahambing sa sinaunang Egypt at


Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India at ang
kinaroroonan ng lupaing Pakistan sa kasalukuyan. Ang mga lungsod na ito ay nagsimulang
Humina at bumagsak noong ikalawang melinyo BCE.

Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid ng Indus River. Ang tuktok ng


kabundukang Himalaya ay nababalot ng makapal na yelo at nagmumula sa natutunaw na
yelo ang tubig na dumadaloy sa Indus River na may habang 2900 km. (1800 milya) at
bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan.Ang pagkakaroon ng matabang
lupa ay naging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India.

Sa pagitan ng Hunyo at September bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot


ng pataba sa lupa at nagbibigay- daan upang malinang ang lupain. Sa sumunod na limang
siglo, ngakaroon din ito ng kanal pang-irigasyon at mga estrukturang pumipigil sa mga
pagbaha.
III. ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYA.

Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang nananatili


sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang
suportado ng estado, particular ng Confucianism at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa
kabihasnang Tsino.

*HEOGRAPIYA NG ILOG HUANG HO.*

Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China na umusbong sa tabing-


ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng
Kaunlarang China at may habang halos 3000 milya. Ito ay dumadaloy patungo sa Yellow
Sea. Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging
patag ng North China Plain, madalas ang pagbabaha sa lugar na ito.

Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang Xia O Hsia ang kauna-unahang


dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung
kalian ito pinasimulan ni Yu, ang unag pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang
nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbabahang idinudulot ng Huang Ho. Ang
pangyayaring ito ay nagbigay daan upang makapamuhay sa lambak ang mga
magsasaka.Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang

Ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro sapagkat
hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino. Tinawag din nila ang kanilang lupain na
ZHONGGUO na nangangahulugang MIDDLE KINGDOM.
IV. ANG SINAUNANG KABIHASNAN SA AFRICA

Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa
hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang isang estado
pagsapit ng 3100 BCE at nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong milenyo.

Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa Egpyt bago pa


nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile. Sa pagtatapos ng ika -20 siglo, natuklasan ng
mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao sa timog ng kanlurang bahagi ng
Egypt malapit sa hangganan ng SUDAN.Sinasabing maaaring ang mga kaanak o inapo ng
mga taong ito ay nagpasimula sa kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile.

*HEOGRAPIYA NG EGYPT*

Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang tandaang ang


tinutukoy na LOWER EGPYT ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay
dumadaloy patungong Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging
katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River na may 4160 milya
0 6694 kilometro ang haba ay dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.

Noon pa mang unang panahon, ang Egpyt ay tinawag na bilabg THE GIFT OF THE NILE
dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto.Tila
hinihiwa ng ilog na ito ang bahaging hilagang-silangan ng disyerto ng Africa.Ang pagbahang
idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong 1970 nang maitayo ang Aswan High Dam upang
makapagbigay ng elektrisidad at maisasaayos ang suplay ng tubig.

Sa panahong Neolitiko, ang taunang pag-apaw ng Nile ay nagbibigay daan upang


makapagtanim ang mga magsasaka sa Lambak-ilog. Ang tubig-baha ay nagdudulot ng
halumigmig sa tuyong lupain at nag-iiwan ng matabang lupain na mainam para sa
pagtatanim. Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga
upang maging latiang tinatawag na DELTA. Ang lugar na ito ay nagging tahanan ng mga ibon
at hayop.

Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing mahusay na ruta


sa paglalakbay noong mga panahong iyon. Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at
kanlurang bahagi ng ilog ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan
nito ang mga pagsalakay.

V. ANG KABIHASNAN SA MESOAMERICA*

Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga mangangaso o


hunter ang nandayuhan mula sa Asya patuning Nirth America, libong taon na ang nakaraan.
Noong ika-13 siglo B.C.E, umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America---- ang mga
Olmec sa kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulan ng mga
Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang America.

*Heograpiya ng Mesoamerica*

Hango ang pangalang MESOAMERICA sa katagang MESO na nangangahulugang


“gitna”. Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o Central
America ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca
sa katimugan ng El Salvador. Sa hilagang hangganan nito matatagpuan ang mga ilog ng
Panuco at Santiago.

Samatala, ang katimugang hangganan ay mula sa baybayin ng Honduras sa Atlantic


hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific at sa tangway ng Nicoya sa COSTA
RIVER.Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala,
Beliza, El Salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras.Pabago-bago ang panahon sa rihiyong
ito. Dito naitatag ang unang paninirahan ng tao at isa sa mga lugar na unang ping-usbungan
ng agrikultura, tulad ng Kanluran Asya at China. Sa kasalukuyang panahon, may malaking
populasyon ang rehiyong ito.
Think-Pair and Share:

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano-anong katangian pisikal ng mga sinaunang kabihasnan ang may pagkakatulad sa isa’t
isa?

2. Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig ng isang lugar sa pagtataguyod ng
kabihasnan.

3. Alin sa kalagayang heograpikal ng kabihasnan ang may malaking impluwensiya sa


pamumuhay ng mga taong nanirahan dito. Ipaliwanag ang sagot.

GAWAIN: GEOGRAPHY CHECKLIST

Unawain ang sumusunod na mga hakbang sa pagbuo ng checklist sa ibaba.

1. Makilahok sa inyong pangkat.

2. Bawat pangkat ay may particular na paksang bibigyan-pansin:


(1) Sinaunang Kabihasnan sa Kaunlarang Asya, (2) Kabihasnang Egyptian, (3)
Kabihasnang Indus, (4) Kabihasnang Tsino, at (5) Kabihasnang Mesoamerica.
3. Basahin at unawain ang teksto ng paksang nakatalaga sa iyong pangkat.Pagkatapos ay
gumawa ng checklist ( magagawa sa manila paper) sa tulong ng sumusunod na panuto:

GEOGRAPHY CHECKLIST
Kabihasnan:(Isulat ang kabihasnang nakatalaga sa
pangkat)
Katangiang Heograpikal:
(Magtala ng 5 hanggang 10 katangiang
heograpikal ng kabihasnang nakatalaga sa
Pangkat)

4. Kapag kumpletona ang checklist ng iyong pangkat, makipag-usap sa ibang pangkat.

5. Ihambing ang kabihasnan inyong pangkat at sa kabihasnan ng ibang pangkat.

6. Muling gamitin ang checklist at sundin ans sumusunod na panuto.

GEOGRAPHY CHECKLIST
Kabihasnan: (Isulat ang (Isulat ang
pangalawang pangatlong
kabihasnang kabihasnang
ihahambing) ihahambing)
Katangiang Heograpikal: (Lagyan ng
Tsek(3) ang
Kahon kung taglay
ng mga
Kabihasnang
tinukoy ang mga
katangiang
heograpikal ng
kabihasnan ng
iyong pangkat.

7. Ipaskil ang ginawang checklist. Iulat sa klase ang output ng paghahambing ng mga
kabihasnan batay sa mga katangiang heograpikal.

Suriin ang nabuong checklist ng lahat ng pangkat.


Ebalwasyon:
Piliin ang wastong sagot.

1, Ito ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig.


a. Mesopotamia b. Mesoamerica
c. Timog Asya d. Pakistan

2. Ibig sabihin ng Mesopotamia.


a. sa pagitan ng dalawang ilog b. sa pagitan ng dalang bundok
c. sa pagitan ng dalawang dagat d. sa pagitan ng dalawang lambak

3. Ito ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok na binubuo ng bansang India,


Pakistan, Bangladish, Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal at Maldives.
a. Timog Asya b. Lambak ng Indus
c. Himalaya d. Egypt

4. Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid ng __________.


a. Harrapa b. Indus River
c. Egypt d. Pakistan

5. Ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa _________.


a. Lambak Nile b. Yellow river
c. Upper Egypt d. Africa

6. Ayon sa teksto ng China, ano ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China?


a. Xia o Hsia b. Mesopotamia
c. Harrapa d. Timog Asya
7. Isang paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang
baybayin Mediterranean Sea.
a. Fertile Crescent b. Indus Valley
c. Khyber Pass d. Indus River

8. Nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbabahang idinudulot ng Huang Ho.


a. Middle Kingdom b. Yu
c. China d. Egypt

9. Ang pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamng noong 1970 nang maitayo ang
____________________.
a. The gift of the Nile b. Aswan High Dam
c. Lambak ng Nile d. Middle kingdom

10. Ito ay may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba na dumadaloy mula
katimuganpatungong hilaga.
a. Nile River b. Zhongguo
c. Egpyt d. Pakistan
References:
 Google Map
 Wikipedia
 Araling Panlipunan kagamitan ng mag-aaral, pahina 53-63
 Araling Panlipunan, Patnubay ng Guro Grade 8
 K-12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan

You might also like