You are on page 1of 3

Araling Panlipunan 8

Lesson 4

Impluwensiya ng Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan.

Kabihasnang Mesopotamia
-Meso o “pagitan” at Potamus o “ilog”- “Lupain sa pagitan ng dalawang ilog”
-Ang Mesopotamia- ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig. Sinakop at
pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang mga

 Sumerian,
 Akkadian,
 Babylonian,
 Assyrian,
 Chaldean,
 at Hittite na nagtangka ring sakupin ang lupaing ito.
-Ang lupain ay tinawag na Mesopotamia na nangangahulugang “lupain sa pagitan ng dalawang
kambal na ilog.” Ang dalawang ilog ng Tigris at Euphrates ay dumadaloy mula sa kabundukan ng
Turkey at dumadaan sa Iraq palabas sa Persian Gulf.

Heograpiya ng Mesopotamia
Fertile crescent- isang lupaing hugis arko mula sa Persian Gulf hanggang sa baybayin ng
Mediterranean. Tinawag itong Fertile Crescent dahil sa hugis nito, matabang lupain, at sa
mayamang bukirin na matatagpuan dito.
Nakipagkalakalan ang Sumeria sa mga kalapit na lupain sa pamamagitan ng paggamit sa ilog
bilang ruta ng transportasyon. Bunga ng kalakalan nagkaroon ng pag-unlad ng mga kaalaman at
ang bawat tao na dumadating sa lugar ay may taglay na sariling kontribusyon sa kasaysayan ng
rehiyon.
Kabihasnang Indus
-Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung ihahambing sa ibang
panig ng Asya. Madalas itong tawagin ng mga heograpo na sub-kontinente ng India dahil
inihihiwalay ito ng mga kabundukan, kaya maituturing itong halos isang hiwalay na kontinente.
-Ang malahiganteng hanay ng bundok na matatagpuan dito ay nagsisilbing arko sa pagitan ng
hilagang hangganan ng sub-kontinente, kabilang ang Mt. Hindu kush at Himalayas.
-Nakapasok ang mga tao sa mga daanang tulad ng Khyber Pass sa hilagangkanluran, dala ang
kanilang sariling wika at tradisyon, na nagpayaman sa kulturang Indian. Ang matabang lupain ng
lugar na ito ay dinadaluyan ng tatlong ilog—ang Indus, ang Ganges ay tinawag na “banal na
ilog” at Brahmaputra.
-Isang katangiang heograpikal na humuhubog sa kasaysayan at kultura ng India ay ang winter at
summer monsoon. Malaki ang impluwensya ng monsoon sa buhay ng taga India dahil taon-taon
umaasa ang mga tao sa ulan dahil sa kanilang mga pananim. Kapag huli dumating ang ulan,
malaki ang posibilidad na magkaroon ng kagutuman ngunit kung labis naman nagdudulot ito ng
pagbaha.
Heograpiya ng Lambak ng Indus
-Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na
mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Nagsimula ang kabihasnan sa
India sa paligid ng Indus River.
-Ang tuktok ng kabundukang Himalaya ay nababalot ng makapal na yelo at nagmumula sa
natutunaw na yelo ang tubig na dumadaloy sa Indus River.
Kabihasnang Tsino
-Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang kabihasnang
nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan.
-Ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang
ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000 milya na
dumadaloy ito patungong Yellow Sea.
-Biniyayaan ng kalikasan ang China ng napakahalagang ilog na humubog sa sibilisasyong Tsino.
Masaganang pinagkukunan ng tubig ang Ilog Huang Ho na dumidilig sa kapatagang malapit dito.
Nakuha ng Ilog Huang Ho ang kanyang pangalan mula sa loess o pinong kulay dilaw na lupa na
tinangay mula sa Siberia at Mongolia.
Heograpiya ng llog Huang Ho

➢ Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag
ng North China Plain, madalas nang nagaganap ang pagbaha sa lugar na ito. Ayon sa tekstong
tradisyunal ng China, ang Xia o Hsia ang kaunaunahang dinastiyang naghari sa China. Subalit
dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang unang
pinuno ng dinastiya.

➢ Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbahang idinudulot


ng Huang Ho.
➢ Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.
Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na
tinawag nilang barbaro.
Sinaunang Kabihasnan sa Africa
-Ang Egypt ay nasa silangang bahagi ng kontinente ng Africa. Isa sa mga dumadaloy na ilog sa
bansang ito ay ang makasaysayang Ilog Nile na itinuturing na pinakamahabang ilog sa daigdig.
-Ang lambak ng Nile river ang naging sentro ng sibilisasyon ng Egypt. Noong unang panahon ang
Egypt ay tinawag na “The Gift Of Nile” dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain ay
magiging disyerto. Tila hiniwa ng ilog na ito ang hilaga at silangang bahagi ng Africa. Ang
taunang pag-apaw ng Nile ay nagbigay daan upang makapagtanim ang mga magsasaka.
Heograpiya ng Egypt

➢ Ang Nile River na may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay dumadaloy mula katimugan
patungong hilaga. Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing mahusay na
ruta sa paglalakbay noong mga panahong iyon. Nagawa nitong mapag-ugnay ang mga
pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng ilog.

You might also like