You are on page 1of 1

ANG KABIHASNANG SUMER

Ang Mesopotamia ang kinilala bilang ‘cradle of civilization’ dahil dito umusbong ang unang sibilisadong
lipunan ng tao. Matatagpuan ang Mesopotamia sa Gitnang Silangan na tinatawag na Fertile Cresent, (Iraq) isang
arko ng matabang lupa na naging tagpuan ng iba’t ibang grupo ng tao mula sa Persian Gulf hanggang sa
dalampasigan ng Mediterranean Sea. Sa lugar na ito matatagpuan ang kambal-ilog ng Tigris at Euprates kung saan
umusbong ang kabihasnan. Noong panahong Neolitiko natatag ang pamayanang Jericho sa Israel at Catal Huyuk
sa Anatolia at mga kalat-kalat na pamayanan ng Zagros. Subalit hindi naglaon nangibabaw ang Sumer na naging
sentro ng kabihasnang Mesopotamia. Ang mga mahahalagang lungsod ng Sumer ay ang Ur, Uruk, Eridu, Lagash,
Nippur at Kish. Sa katunayan, isang pinakamahalagang gusali ang itinayo sa Ur na tinawag na Ziggurat bilang
pagbibigay karangalan sa kanilang mga Diyos na nagsisilbing panirahan nito. Nagkaroon sila ng sistema ng
pagsulat na tinawag na cuneiform kasunod nito ang pagkakaroon ng mga scibe na tagatala o tagasulat ng mga
pangyayari sa pamamagitan ng pag-ukit sa mga clay tablet na naging basehan ng mga historyador ng eksaktong
petsa kung kailan naganap ang isang pangyayari. Sa pag-unlad nito sa sining natala ang mga mito, mahahalagang
tradisyon, epiko na naging katibayan ng kanilang kabihasnan. Isang patunay nito ang Epiko ng Gigamesh.
Umunlad ang mga pamayanan at naging lungsod-estado na Malaya at nagsasarili, subalit hindi naglaon
nagkaroon ng mga pag-aaway. Sinamantala ng ibang lungsod tulad ng Akkadian ang mga pangyayaring ito at
nasaskop ang mga Sumerian sa pamumuno ni Sargon na nagtatag ng pinakaunang imperyo sa kasaysayan.
Marahil naging masaklap din ang pagwawakas ng Akkadian dahil sa pagsakop na pinamumunuan ni Hammurabi
na nagpatupad ng mga batas na hango sa “Code of Hammurabi”. Matapos ang mga Babylon sunod-sunod na
ang mga nanakop dito, ang mga Hittite na kilala sa imperyon gumagamit ng kasangkapang bakal na pandigma,
ang mga Chaldean at mga Assyrian na kilala bilang matatapang na mandirigma.

KABIHASNANG INDUS
Sa Timog Asya makikita ang lambak-ilog ng Indus at Ganges. Tulad din ng ilog Tigris at Euprates ay
umaapaw din ito taun-taon dahil sa pagkatunaw ng yelo sa Himalayas na nag-iiwan din ng banlik na nagpapataba
sa lupaing agricultural nito. Bago pa man umunlad ang kabihasnang ito ay may mga pamayanan nang natatag
noong panahon ng Neolitiko. Ito ang pamayanang Mhergah na nasa kanluran ng Ilog Indus. Masasabing
sedentary at agricultural ang pamumuhay ng tao dito batay sa mga nahukay na ebidensya. May dalawang
importanteng lungsod ang umusbong dito, ang Harrapa at Mohenjo-Daro. Pinalagay na ang mga Dravidian ang
bumuo ng kabihasnang Indus. Salat sa likas na yaman ang Indus tulad ng metal at kahoy kaya pagsasaka ang
naging pangunahing gawain dito. Tulad ng Sumerian natuto rin silang makipagkalakalan sa mga baybayin ng
Arabian Sea at Pesian Gulf.
Dahil sa istruktura ng bahay dito na may isa o higit pang banyo o palikuran na konektado sa
sentralisadong sistema ng tubo at imburnal sa ilalaim ng lupa ay masasabing planado at organisado at
sentralisadong pamahalaan ang mga Dravidian. Mahiwag ang kabihasnang Indus dahil maraming katanungan
ang hindi masagot ng mga arkeologo tulad na lamang ng hindi maipaliwanag na kahulugan ng mga simbolo ng
pagsulat ng mga Indus na pictogram;
May mga artifact din na nahukay, mga laruan na nagpapahiwatig na mahilig maglibang at maglaro ang
mga Dravidian. Hindi naging malinaw ang paglaho ng Kabihasnang Indus dahil walang bakas ng digmaan. Hindi
rin malinaw kung may kinalaman ang Aryan sa paglaho nito. Ipinalagay na maaaring may matinding kalamidad na
nangyari dito.

KABIHASNANG SHANG
Naging tagpuan ng Kabihasnang Shang ang Ilog Huang Ho na tinawag ding Yellow River dahil pagkatapos
ng pagbaha ang tubig nito ay nag-iiwan loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing agricultural na
malapit dito. Ang taunang pagbaha sa ilog na ito na kumikitil ng maraming buhay ay pinaghandaan ng mga tao
dito sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman na kokontrol sa tubig pati na ang paglalagay ng mga dike.
May mga pamayanang sumilang dito. Pagtatnim ang pangunahing gawain sa panahong ito. Ang Longshan ay
naging transisyon tungo sa Kabihasnang Shang. May mga hinalang naunang dinastiya na natatag dito ang Xia o
Hsia subalit wala itong basehan o ebidensyang arkeolohikal. Ang pagsusulat ang naging importanteng bahagi ng
kulturang Tsino. Calligraphy ang sistema ng kanilang pagsulat na nagsisilbing taga pag-isa sa mga Tsino. Ginamit
na simbolo ng pagsulat ang mga oracle bones. Dahil sa sunod-sunod na pamumuno ng mga mahihinang hari ay
bumagsak ang Shang at dito nabuo ang paghahari ng mga dinastiya.
Ipinalagay ng mga Tsino na ang kanilang kabihasnang umusbong sa Huang Ho ang isa sa mga sinaunang
kabihasnan at pinakamatandang nabubuhay sa kabihasnan sa daigdig. Ang pananaw nilang ito ay nagpatuloy
tungo sa paglalatah ng mga imperyo.

You might also like