You are on page 1of 28

ANG MGA UNANG

SIBILISASYON SA ASYA ARALIN 1


LAYUNIN
Napaghahambing ang
mga
Sinaunang kabihasnan sa
Asya
( Sumer, Indus, Tsina)
Konsepto ng Kabihasnan at Sibilisasyon

Nang dumating ang mga sinaunang tao mula sa Kontinenteng Africa


sa Asya ay nabuo ang mga uri ng pamayanan na kalaunan ay tinawag
na “SIBILISASYON”. Ang salitang ito ay nanggaling sa salitang Latin na
“civitas” na ang ibig sabihin ay “siyudad” at “civilis” na nangangahulugan
namang “ng mga mamamayan”. Kung gayon, ang sibilisasyon ay ang
masalimuot na pamumuhay sa lungsod.
Konsepto ng Kabihasnan at Sibilisasyon

Sa kabilang banda, ang “KABIHASNAN” naman ay isang terminolohiya ng mga


Pilipino sa higit na mataas na antas ng pamumuhay. Batay ito sa salitang ugat na
“bihasa” na ang kahulugan ay eksperto o magaling. Kung gayon ang kabihasnan ay
pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat ng tao. Sakop nito
ang mga pamumuhay batay sa lungsod at maging hindi batay sa lungsod. Maliban
sa pamumuhay, kasama rito ang wika, kaugalian, paniniwala at sining.
Konsepto ng Kabihasnan at Sibilisasyon

May batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan. Ito ay ang


pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan,
masalimuot na relihiyon, espesyalisyon sa gawaing pang- ekonomiya
at uring panlipunan, mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya,
sining, at arkitektura, at Sistema ng pagsusulat.

 
Saan nabuo ang mga unang kabihasnan?

Ang mga unang panirahan sa daigdig at maging sa Asya


ay nagsimula sa mga mataas na lambak na nasa tabi ng
pinagmumulan ng mga anyong tubig gaya ng ilog.

Ilan sa mga unang lungsod estado na nabuo sa Sumer o


Mesopotamia na Iraq sa kasalukuyan ay ang Uruk, Catal Huyuk,
Jericho, Ur, Lagash at Umma.
 
Ang Sibilisasyong Sumer

Ang Mesopotamia ang kinilala bilang “cradle of


civilization’’ dahil dito umusbong ang unang
sibilisadong lipunan ng tao. Matatagpuan ang
Mesopotamia sa Gitnang Silangan na tinawag na
Fertile Crescent, (Iraq) isang arko ng matabang
lupa na naging tagpuan ng iba’t ibang grupo ng tao
mula sa Persian Gulf hanggang sa dalampasigan
ng Mediterranean Sea
Ilog Tigis at Euprates
Ang Sibilisasyong Sumer

Sa lugar na ito matatagpuan ang Ilog ng Tigris at


Euprates kung saan umusbong ang kabihasnan.
Noong panahong Neolitiko natatag ang
pamayanang Jericho sa Israel at Catal Huyuk sa
Anatolia at mga kalat-kalat na pamayanan sa
Zagros

Ilog Tigis at Euprates


Ang Sibilisasyong Sumer

Subalit hindi naglaon nangibabaw ang Sumer na


naging sentro ng kabihasnang Mesopotamia.
Pagsasaka ang uri ng pamumuhay ng mga
mamayan ng Sumer. Nagtayo ng mga kanal at
dike para sa sistema ng irigasyon. Nagtatag din
sila ng mga lungsod-estado sa tabi ng ilog at sa
mga tributaryo at namuhay ng pangkat–pangkat at
magkakahiwalay.
Ilog Tigis at Euprates
Ang Sibilisasyong Sumer

Tinatawag na Teokrasya (Theocracy) ang sistema


ng pamahalaan na kung saan ang hari ay ang
pari (patesi) ng bawat lungsod-estado at walang
iisang pinuno. Nakapangkat sa mga malayang
lungsod–estado. Madalas ang alitan dahil sa
hangganan ng nasasakupan at pinunong sinusunod
ng bawat estado.

Ilog Tigis at Euprates


Ang Sibilisasyong Sumer

Ang mga mahahalagang lungsod ng Sumer ay ang


Ur, Uruk, Eridu, Lagash, Nippur at Kish. Sa
katunayan, isang pinakamahalagang gusali ang
itinayo sa Ur na tinawag na Ziggurat bilang
pagbibigay karangalan sa kanilang mga diyos na
nagsisilbing panirahan nito. Nagkaroon sila ng
sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform na
binubuo ng 500 pictograph at mga simbolong
sinusulat sa tabletang luwad (clay tablet) gamit
Ilog Tigis at Euprates ang stylus.
Ang Sibilisasyong Sumer

Kasunod nito ang pagkakaroon ng mga scribe na


tagatala o tagasulat ng mga pangyayari sa
pamamagitan ng pag ukit sa mga clay tablet na
naging basehan ng mga historyador ng eksaktong
petsa kung kailan naganap ang isang pangyayari.
Sa pag-unlad ng sining natala ang mga ito gaya ng
mahahalagang tradisyon,epiko na naging
katibayan ng kanilang kabihasnan. Isang patunay
nito ang Epiko ng Gilgamesh.
Ilog Tigis at Euprates
Ang Sibilisasyong Sumer

Ilan sa mga ambag at kontribusyon ng Sinaunang


Sumer ay ang pagkalikha ng unang sistema ng
pagsulat na tinawag na cuneiform, pagkaimbento
ng gulong, sentralisadong pamahalaan ng mga
lungsod-estado, paggamit ng Kalendaryong lunar,
paggamit ng mga kasangkapan na gawa sa bronze.

Ilog Tigis at Euprates


Ang Sibilisasyong Sumer

Umunlad ang mga pamayanan at naging lungsod-


estado na malaya at nagsasarili, subalit hindi
naglaon nagkaroon ng mga pag-aaway na siyang
dahilan ng walang pagkakaisa ng mga mamayan.
Sinamantala ng ibang lungsod tulad ng Akkadian
ang mga pangyayaring ito at tuluyang nasakop ang
mga ito. Bumagsak ang Kabihasnang Sumer dahil
sa kawalan ng pagkakaisa, walang natural na
depensa sa mga mananakop, mahinang
pamahalaan dahil sa nag-aalitang mga pinuno at
Ilog Tigis at Euprates mga tagasunod.
AMBAG NG SIBILISASYONG SUMER

Mga kasangkapang
Ziggurat Cuneiform Clay tablet gulong gawa sa alloy bronze
Ang Sibilisasyon sa Lambak ng Indus

Ang Kabihasnang Indus ay umusbong sa lambak ilog


ng Indus River, pati na rin sa Ganges River. Ang
dalawang ilog na ito ay matatagpuan sa Timog Asya.
Ito ay binabantayan ng matatayog na kabundukan sa
Hilaga. Ang kabundukan ng Himalayas at ng Hindu
Kush ay may ilang landas sa ilang kabundukan nito,
tulad ng Khyber Pass. Ang lupain ng Indus ay di
hamak na mas malawak kaysa sa sinaunang Egypt at
Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng
Hilagang Kanluran ng dating India at ang lupain kung
Ilog Indus at Ilog Ganges na
daluyan ng kabihasnang Indus
saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan.
Ang Sibilisasyon sa Lambak ng Indus

Ang tubig ng ilog Indus ay nagmumula sa


malayelong kabundukan ng Himalayas sa
Katimugang Tibet. Masasabing sedentaryo at
agrikultural ang pamumuhay ng tao dito batay sa
mga nahukay na ebidensya. May dalawang
importanteng lungsod ang umusbong dito, ang
Harrapa at Mohenjo-Daro.

Citadel at mababang moog


Ang Sibilisasyon sa Lambak ng Indus

Planado at organisadong lungsod mayroon ang


kabihasnang Indus. Bahagi ng lungsod ang (1)
Citadel o mataas na moog na nasa bandang
Kanluran at nakapatong sa platform na brick na
may 12 metro ang taas at napapalibutan ng pader,
may malaking imbakan ng mga butil, malaking
bulwagan at pampublikong paliguan.

Citadel at mababang moog


Ang Sibilisasyon sa Lambak ng Indus

(2) Mababang bayan naman ay may mga grid-


patterned na lansangan at pare-pareho ang sukat
na bloke ng kabahayan. Ang mga bahay ay gawa sa
mga brick na pinatuyo sa pugon. Flat o pantayang
bubong ng bahay at karaniwang nakatalikod sa
pangunahing kalsada. May ilang bahay na umaabot
sa 2 o 3 palapag at may balkonahe na gawa sa
kahoy, may banyo na konektado sa imburnal.
Ang Sibilisasyon sa Lambak ng Indus

Pinalagay na ang mga Dravidian ang bumuo ng


kabihasnang Indus. Salat sa likas na yaman ang
Indus tulad ng metal at kahoy kaya't pagsasaka ang
naging pangunahing gawain dito. Tulad ng Sumerian
natuto rin silang makipagkalakalan sa mga baybayin
ng Arabian Sea at Persian Gulf. Dahil sa istruktura
ng bahay dito na may isa o higit pang banyo o
palikuran na konektado sa sentralisadong sistema ng
tubo at imburnal sa ilalim ng lupa ay masasabing
planado at organisado at sentralisadong pamahalaan
ang mga Dravidian.
Ang Sibilisasyon sa Lambak ng Indus
Mahiwaga ang kabihasnang Indus dahil maraming
katanungan ang hindi masagot ng mga arkeologo tulad na
lamang ng hindi maipaliwanag na kahulugan ng mga simbolo
ng pagsulat ng mga Indus na pictograph na unang ginamit
bilang sistema ng pagsulat.
May mga artifact din na nahukay, mga laruan na
nagpahiwatig na mahilig maglibang at maglaro ang mga
Dravidian. Hindi naging malinaw ang paglaho ng
Kabihasnang Indus dahil walang bakas ng digmaan. Hindi rin
malinaw kung may kinalaman ang Aryan sa paglaho nito.
Ipinalagay na maaring may matinding kalamidad na nangyari
Pictogram dito.
Ang Sinaunang Sibilisasyon sa China
Ang Sinaunang Sibilisasyon sa China
Ang Kabihasnang China ay umusbong sa lambak sa
pagitan ng mga Ilog Huang Ho at Yangtze sa Sinaunang
Tsina.Nagsimula ito noong 1500 B.C. nang maitatag ang
mga Dinastiyang Shang at Zhou. Naging tagpuan ng
Kabihasnang Shang ang Ilog Huang Ho na tinawag ding
Yellow River dahil pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay
nag iiwan ng dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing
agrikultural na malapit dito. Ang taunang pagbaha sa ilog na
ito na kumikitil ng maraming buhay ay pinaghandaan ng mga
tao dito sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman
na kokontrol sa tubig pati na ang paglalagay ng mga dike.

Ilog Huang Ho at Yangtze


Ang Sinaunang Sibilisasyon sa China

Pinamumunuan ng mga paring-hari na


naging organisado sa pag-aayos ng kanilang
lungsod na napapalibutan ng mga matataas
na pader na naging pa ghahanda sa mga
madalas na digmaan sa kanilang lupain.
Piyudalismo ang sistemang panlipunan at
politika sa Kabihasnang Shang at laganap
ang sistema ng pang-aalipin.
Ang Sinaunang Sibilisasyon sa China

Nagtatamasa ang mga aristokrata ng


karangyaan samantalang namumuhay na
parang aso ang mga alipin. Naniniwala
sa animism o naniniwalang lahat ng bagay
sa kalikasan ay may kaluluwa, mayroon
silang mga oracle bone o bahay ng pawikan
na sinusulatan ng pakikipag-usap sa
kanilang diyos at namatay na ninuno,
sumasamba at nag-aalay sa mga ninuno
para magdala ng suwerte sa pamilya.
Ang Sinaunang Sibilisasyon sa China

Ang pagsusulat ang naging importanteng bahagi ng


kulturang Tsino. Calligraphy ang sistema ng kanilang
pagsulat na nagsilbing taga pag- isa sa mga Tsino.
Ginamit na simbolo ng pagsulat ang mga oracle
bones. Ilan sa mga ambag ng Kabihasnang Shang ay
ang paggamit ng barya at chopsticks, paghahabi at
pagbuburda ng seda mula sa silkworm, paggamit ng
bronze, paggamit lunar calender, potters wheel,
Calligraphy karwaheng pandigma at paglilimbag ng unang aklat.
Ang Sinaunang Sibilisasyon sa China

Dahil sa sunod sunod na pamumuno ng mga


mahihinang hari ay bumagsak ang Shang at dito nabuo
ang paghahari ng mga dinastiya. Ipinalagay ng mga
Tsino na ang kanilang kabihasnang umusbong sa
Huang Ho ang isa sa mga sinaunang kabihasnan at
pinakamatandang nabubuhay na kabihasnan sa
daigdig. Ang pananaw nilang ito ay nagpatuloy tungo
sa pagtatatag ng mga imperyo.
Ambag ng Sibilisasyon China

Paggamit ng harang laban


sa mga mananakop Oracle bones at potters wheel Oracle Bones

You might also like