You are on page 1of 25

KONSEPTO NG KABIHASNAN

AT MGA KATANGIAN NITO


Ano nga ba ang nangyari o pagbabago sa paglipas ng
panahon?
Masasabing parasitiko sa kapaligiran ang mga tao noong
panahong paleolitiko, umaasa lamang sila sa kung anong
biyaya mayroon ang mga puno sa kapaligiran na
makapupuno sa kanilang pang araw araw na pamumuhay
at pagkatapos ay aalis kapag naubos na ang mga ito.
Nomadiko ang ganitong pamumuhay.
Kahit ganito pa man ang kanilang sistema nalinang ang kasanayan
nila sa paggawa ng mga kasangkapang yari sa matutulis na bato at
kalaunan ay nagamit sa pangangaso.
Pinakamahalagang ambag nila ay ang pagkakatuklas ng apoy.
Nagpatuloy ang pagbabago dahil sa pag agapay sa pagbabago ng
kapaligiran.
Natutong mag paamo ng hayop ,gumawa ng mga damit na galing
sa mga balat ng hayop bilang proteksyon sa kanilang katawan,
naganap ito sa panahong mesolitiko na nagging transisyon sa
panahong neolitiko
Kakaiba ang nangyari noong panahong neolitiko kung saan
natutong magtanim at mag-alaga ng mga hayop ang mga tao.
Malawakan ang naging pagtatanim kaya tinawag itong
rebolusyong neolithic.
Naging dahilan ito ng mga tao para manatili sa isang lugar
upang mabantayan ang mga pananim at alagang hayop.
Dito nagsimulang mabuo ang pamayanan. Nagkaroon ng
kakayahan ang mga tao sa ibat ibang kasanayan o aspeto ng
pamumuhay at nagkaroon ng pag-uuri sa lipunan.
Sa mga ilog, lambak nagsimula ang mga kauna-unahang kabihasnan ng
asya.
Mga lupaing naaangkop sa pagsasaka upang makapagtanim at maging
permanenteng panirahan.
Sa Mesopotamia na nasa pagitan ng Tigris at Euprates,namuhay ang mga
sumerians, sa huang ho na nasa China umunlad ang pamayanang Shang
at sa mga baybayin ng ilog Indus nagsimulang bumuo ng perrmanenteng
panirahan ang mga Indus.
Nalinang ang mga kasanayan sa ibat ibang larangan na nagpaunlad sa
kanilang pamumuhay. Sa mga ilog na ito hinarap ng mga sinaunang tao
ang hamon ng kalikasan upang mabuhay.
ANG KABIHASNANG SUMER
• Ang Mesopotamia ang kinilala bilang "Cradle of Civilization' dahil
dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao.
• Matatagpuan ang Mesopotamia sa Gitnang Silangan na tinawag
na Fertile Crescent, (Iraq) isang arko ng matabang lupa na naging
tagpuan ng ibat ibang grupo ng tao mula sa Persian gulf hanggang
sa dalampasigan ng Mediterranean sea.
Ang mga mahahalagang lungsod
ng Sumer ay ang Ur, Uruk, Eridu,
Lagash, Nippur at Kish.
Sa katunayan, isang
pinakamahalagang gusali ang
itinayo sa ur na tinawag na
Ziggurat bilang pagbibigay
karangalan sa kanilang mga diyos
na nagsisilbing panirahan nito
• Nagkaroon sila ng sistema ng
pagsulat na tinawag na
Cuneiform kasunod nito ang
pagkakaroon ng mga scribe na
tagatala o tagasulat ng mga
pangyayari sa pamamagitan ng
pag ukit sa mga clay tablet na
naging basehan ng mga
historyador ng eksaktong petsa
kung kailan naganap ang isang
pangyayari.
Sa pag-unlad na ito sa
sining natala ang mga
mito, mahahalagang
tradisyon, epiko na
naging katibayan ng
kanilang kabihasnan.
Isang patunay nito
ang epiko ng
Gilgamesh.
Umunlad ang mga pamayanan at naging lungsod-
estado na malaya at nagsasarili, subalit hindi naglaon
nagkaroon ng mga pag-aaway.
Sinamantala ng ibang lungsod tulad ng Akkadian ang
mga pangyayaring ito at nasakop ang mga Sumerian sa
pamumuno ni Sargon na nagtatag ng pinakaunang
imperyo sa kasaysayan.
Marahil naging masaklap din ang pagwawakas ng mga Akkadian
dahil sa pagsakop ng Babylon na gumamit ng kaguluhan at
digmaan sa pagsakop na pinamunuan ni Hammurabi na
nagpatupad ng mga batas na hango sa "Code of Hammurabi".
Matapos ang mga Babylon sunod sunod na ang mga nanakop
dito, ang mga Hittite na kilala sa imperyong gumagamit ng
kasangkapang bakal na pandigma, ang mga Chaldean at mga
Assyrian na kilala bilang matatapang na mandirigma.
ANG KABIHASNANG INDUS
Sa Timog asya makikta ang lambak-ilog ng Indus at Ganges.
Tulad din ng ilog Tigris at Euprates ay umaapaw din ito
taon-taon dahil sa pagkatunaw ng yelo sa himalayas na
nag-iiwan din ng banlik na nagpapataba sa lupaing
agrikultural nito.
Bago pa man umunlad ang kabihasnang ito ay may mga
pamayanan nang natatag noong panahon ng neolitiko
Ito ang pamayanan ng Mhergah na nasa kanluran ng ilog
Indus.
Masasabing sedentaryo at agrikultural ang pamumuhay
ng tao dito batay sa mga nahukay na ebidensya.
May dalawang importanteng lungsod ang umusbong
dito, ang Harrapa at Mohenjo-Daro.
Pinalagay na ang mga dravidian ang bumuo ng
kabihasnang Indus.
Salat sa likas na yaman ang indus tulad ng metal at
kahoy kaya't pagsasaka ang naging pangunahing
gawain dito.
Tulad ng Sumerian natuto rin silang
makipagkalakalan sa mga baybayin ng Arabian sea at
Persian gulf.
Dahil sa istruktura ng bahay dito na may isa o higit pang banyo o
palikuran na konektado sa sentralisadong sistema ng tubo at
imburnal sa ilalim ng lupa ay masasabing planado at organisado
at sentralisadong pamahalaan ang mga Dravidian.
Mahiwaga ang kabihasnang Indus
dahil maraming katanungan ang
hindi masagot ng mga arkeologo
tulad na lamang ng hindi
maipaliwanag na kahulugan ng mga
simbolo ng pagsulat ng mga indus na
Pictogram; na paraan ng pagsulat ng
mga Indus; may mga artefact din na
nahukay, mga laruan na
nagpahiwatig na mahilig maglibang
at maglaro ang mga dravidian.
Hindi naging malinaw ang paglaho ng kabihasnang
Indus dahil walang bakas ng digmaan.
Hindi rin malinaw kung may kinalaman ang aryan sa
paglaho nito.
Ipinalagay na maaring may matinding kalamidad na
nangyari dito.
KABIHASNANG SHANG
Naging tagpuan ng kabihasnang shang ang ilog huang ho na
tinawag ding Yellow river dahil pagkatapos ng pagbaha ang
tubig nito ay nag iiwan ng dilaw na lupa na nagsisilbing
pataba sa lupaing agricultural na malapit dito .
ang taunang pagbaha sa ilog na ito na kumikitil ng maraming
buhay ay pinaghandaan ng mga tao dito sa pamamagitan ng
pagtatanim ng mga halaman na kokontrol sa tubig pati na
ang paglalagay ng mga dike
Pagtatanim ang pangunahing gawain sa panahong ito.
Ang Longshan ay naging transisyon tungo sa
kabihasnang Shang.
May mga hinalang naunang dinastiya na natatag dito
ang Xia o Hsia subalit wala itong basehan o ebidensyang
arkeolohikal.
Ang pagsusulat ang naging importanteng bahagi ng kulturang Tsino.
Calligraphy ang sistema ng kanilang pagsulat na nagsilbing taga pag- isa sa
mga Tsino.
Ginamit na simbolo ng pagsulat ang mga Oracle Bones.
Dahil sa sunod sunod na pamumuno ng mga mahihinang hari ay bumagsak
ang shang at dito nabuo ang paghahari ng mga dinastiya.
Ipinalagay ng mga tsino na ang kanilang kabihasnang umusbong sa Huang
Ho ang isa sa mga sinaunang kabihasnan at pinakamatandang nabubuhay
na kabihasnan sa daigdig.
Ang pananaw nilang ito ay nagpatuloy tungo sa pagtatatag ng mga imperyo.

You might also like