You are on page 1of 13

7

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 7:
Neokolonyalismo sa Silangan at
Timog-Silangang Asya

1
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan –Modyul 7: Neokolonyalismo sa Silangan at
Timog-Silangang Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: James Brayant C. Balbuena


Editor: Germelina V. Rozon
Tagasuri: Marites A. Abiera
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes

Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera


Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

2
Alamin

Pasiuna
Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat mong pag-
aaralan habang wala ka sa paaralan.
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Most Essential Learning Competency (MELC)

Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Silangan at Timog-


Silangang Asya.

MGA LAYUNIN:
K – Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto ng neo-kolonyalismo sa Silangan at Timog-
Silangang Asya.
S – Nakapagtatala sa mga anyo at epekto ng neo-kolonyalismo sa buhay ng mga Asyano sa
pamamagitan ng isang tsart.
A – Nakapagpapahayag ng sariling saloobin tungkol sa mga epekto ng neokolonyalismo sa
buhay ng mga Asyano sa pamamagitan ng reflection journal.

Subukin
Panuto: Unawain at basahing mabuti ang mga tanong at piliin lamang ang titik ng iyong
napiling sagot at isulat ito sa iyong kwaderno.
1. Ito ay isang makabagong uri ng paraan ng pananakop ng isang makapangyarihang bansa
sa isang mahinang bansa.
A. Kolonyalismo B. Neokolonyalismo C. Dominasyon D. Imperyalismo

2. Tumutukoy sa direktang paraan ng pananakop kung saan ginagamitan ng dahas o


pakikipagdigma ang pagkontrol sa isang bansa.
A. Neo-kolonyalismo B. Kolonyalismo C. Militarismo D. Komunismo

3. Alin sa mga sumusunod ang saklaw ng impluwensiya ng neokolonyalismo sa mga bansa


sa Asya?
A. Pribadong buhay ng mga Asyano C. Likas na yaman

1
B. Ekonomiya, pulitika at kultura ng isang bansa D. Pagkontrol sa pamahalaan.

4. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng neokolonyalismo?


A. Pagnanais na maipagpatuloy ng makapangyarihang bansa ang kanilang layunin at
interes sa mga dating kolonya.
B. Upang mapanatili ang kapangyarihan at katanyagan.
C. Tulungan na makaahon at umunlad ang mga bansang kabilang sa Thirld world.
D. May mapagkukunan ng likas na yaman.

5. Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig, lumaya ang maraming bansa at


nagwakas ang sistemang ito:
A. Kolonyalismo B. Digmaan C. Cold war D. sistemang piyudal

6. Isa sa instrumento ng neokolonyalismo ang pagkakaloob ng tulong pang-ekonomiya.


A. Dayuhang pautang B. IMF C. debt trap D. Monetary fund

7. Kaisipan ang pangunahing naiimpluwensiyahan ng paraan na ito. Higit na pagtangkilik sa


mga banyagang bagay.
A. Pangkabuhayan B. Ekonomiko C. Kultural D. Militarismo

8. Bahagi ng neo-kolonyalistang kultural ay ang pagpasok ng iba’t ibang pagkaing


Amerikano tulad ng:
A. Mais at mansanas C. Hotdog at hamburger
B. Puto at bibingka D. Latik at ginataan

9. Alin sa mga sumusunod ang hindi mabuting naidulot ng neokolonyalismo?


A. Pag-ahon ng mga bansa mula sa digmaan
B. Pagkakaroon ng maraming mamumuhunan.
C. Pagkawala ng interes sa sariling produkto at kultura.
D. Patuloy na pakikipagkalakalan sa mga dayuhang bansa.

10. Alin sa mga sumusunod ang pinaka mabuting gawin upang mapigilan ang paglaganap
ng neokolonyalismo?
A. Pagpa-alis sa mga dayuhang kapitalista sa bansa.
B. Pagboykot sa mga produktong banyaga.
C. Hindi manonood at makikinig ng anumang palabas na banyaga.
D. Pagtangkilik at pagmahal sa sariling kultura, produkto at kaalamang angkin ng sariling
bansa.

Balikan
Sa bahaging ito ay susuriin ang iyong mga dating kaalaman at pag-unawa tungkol sa
bahaging ginagampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay ng mga Asyano.
Isulat ang mga sagot sa iyong kwaderno.
1. Ano ang kahulugan ng relihiyon?

2. Ano-ano ang mga relihiyon na umiiral sa Silangan at Timog-Silangang Asya?

3. Bakit mahalaga ang relihiyon sa aspekto ng pamumuhay ng mga Asyano?


4. Paano nakakaapekto ang relihiyon sa araw-araw na pamumuhay ng mga Asyano?

Tuklasin
Naunawaan mo na ang Asya ay minsang pinaghati-hatian ng mga mananakop na
kanluraning bansa. Gumamit ang mga Asyano ng mapayapa at marahas na pamaraan upang
makamit nilang muli ang kalayaan. Subalit masasabi bang ganap na naging malaya ang bawat
bansa sa Asya? Sa pagwawakas ng Ikalawang digmaang pandaigdig ay nagkaroon ng
bagong paraan ng pananakop ang ibang mga bansa na tinatawag na neokolonyalismo. Ito ay
hindi tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang makapangyarihang bansa.

Suriin
Sa pagwawakas ng Ikalawang digmaang pandaigdig, ang ibang bansang Asyano ay
patuloy na napasailalim sa dominasyon ng kanilang dating mananakop sa isang bagong anyo
ng kolonyalismong tinawag na neokolonyalismo. Ang mga bansang U.S at Japan ay larawan
ng neo-kolonyalismo sa mga bansa sa Asya lalo na sa larangan ng ekonomiya at kultura.

Ang neokolonyalismo ay makabagong uri ng pananakop, ito ay hindi tuwirang


pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang makapangyarihang bansa. Patuloy ang
impluwensiya sa larangan ng pang-ekonomiya, pampulitika at panlipunan ng mga mananakop
sa mga bansang dati nilang kolonya ngunit wala silang tuwirang militar o pulitikal na kontrol
sa mga ito. Ang neokolonyalismo ay nangyayari sa hindi tuwiran at patagong pamamaraan.
Ang pagkakatulad nito sa kolonyalismo ay parehong may mananakop at sinakop ngunit
nagkakaiba lamang sa paraan ng pananakop kung saan direkta/tuwiran at ginagamitan ng
dahas ang paraan ng kolonyalismo.

Dahil sa mga pinunong katutubo na ang nagkontrol sa pamahalaan, ang


neokolonyalismo ay lumikha ng mga bagong instrumento o kasangkapan ng dominasyon. Ang
pagkakaloob ng tulong pinansiyal at kasunduang militar ay ilan lamang sa anyo ito. Kabilang
dito ang Military Assistance Pact noong 1947 ng Pilipinas at U.S, tulong militar at pang-
ekonomiko na karamihan ay may kondisyon, mga kasunduang pangkalakalan gaya mg
General Agreements on Tariffs and Trade (GATT) at Transnational Corporations (TNC) at
mga Multilateral Lending Institutions gaya ng International Monetary Fund (IMF), World Bank
(WB), Asian Development Bank at maging ng United Nations (UN). Ang pagkakaloob ng
tulong militar at pinansiyal ay lumalabas na tinutulungan ng mga kapitalista o mauunlad na
bansa ang mga dating kolonya nito ngunit hindi rin naitatanggi na labis din ang
kapakinabangang tinatamasa ng mga kapitalistang bansa sa sitwasyon na ito. Katulad ng
pagtataguyod at pamumuhunan sa mga bansang kanilang tinutulungan.

Ang mga instrumento na ginamit ng neokolonyalismo upang makuha nito ang mga
kagustuhan mula sa malalayang bansa ay kinabibilangan ng mga pamaraang pang-
ekonomiya, pangkultura, pang-pulitika at pang-militar.

2
Pulitikal

Kung hindi mapasunod nang mapayapa, gumawa ng paraan ang mga neo-
kolonyalista upang guluhin ang isang pamahalaan o tuluyang ibagsak ito. Halimbawa, sa
Pilipinas, ipinadala ng CIA si Edward Lansdale hindi lamang upang sugpuin ang Huk kundi
tumulong din na mailuklok sa katungkulan ang isang pangulong mananatiling tapat sa Estados
Unidos.

Ekonomiya

Dayuhang pautang o foreign debt

Ang anumang pautang ng International Monetary Fund (IMF), World Bank (WB), o ng
Estados Unidos ay laging may mga kondisyon. Kabilang sa mga kondisyong ito ang
pagbubukas ng ekonomiya sa dayuhang pamumuhunan at kalakalan, pagsasapribado ng
mga kumpanya, at pagbaklas ng mga monopolyo, pagpapababa ng halaga ng salapi, at
pagsasaayos ng sistema ng pagbubuwis. Kung hindi masusunod ang mga kondisyon, ay
maaaring hindi makautang ang mangungutang.

Kultura

Kaisipan ang hinawakan sa ganitong pamaraan. Nabago ang ating pananaw sa mga
bagay na likas na angkin ng bansa dala ng mga ipinakilala ng mga dayuhan. Higit na
pinahahalagahan ang musika, palabas, babasahin, teknolohiya ng mga dayuhan at iba pa.
Bahagi rin ng impluwensiya ng neokolonyalismo ang pagpasok ng iba’t ibang pagkaing
dayuhan tulad ng hamburger, hotdog, at mansanas na palasak na sa panlasang Pilipino.
Paggamit at pagpapairal ng wikang ingles na nakakaapekto sa kalinangan sa paggamit ng
sariling wika.

Militar

Pagkatapos ng digmaan, ipinamigay ng Estados Unidos ang mga natirang kagamitang


militar. Ang pagpapadala ng mga pulis at sundalo sa Estados Unidos upang magsanay at
pagpapalaganap ng mga tagapayong militar upang tulungan ang pamahalaan sa
pangangalaga ng seguridad ng bansa.

Epekto ng Neokolonyalismo

Ekonomiya at pangkabuhayan

Natural sa mga bansa sa daigdig ang humingi ng tulong sa ibang bansa. Natural din
na tumulong ang ibang bansa sa pangangailangan. Ngunit ang mga dayuhang tulong na ito
ay nagagamit ng mga tumutulong na bansa para sa kanilang kagustuhan.

Hindi tinangka ng mga Amerikano na iahon ang kabuhayan ng mga Pilipino mula sa
sistemang agrikultural patungong industriyal. Pinilit na maitakda ang Pilipinas bilang
agrikultural na bansa na maaring pagkukunan ng mga hilaw na materyales para sa kanilang
industriya. Ang mga tulong pinansiyal o pagpapautang ay may kaakibat na kondisyon, dahil
dito hindi rin makakaahon sa utang ang mga mahihirap na bansa, ang tawag sa sistemang ito
ay debt trap. Dahil walang layunin na gawing industriyalisado ang mga umuutang na bansa

3
lalo lang silang hindi makaahon sa pagkakautang at sa kahirapan. Dahil dito, nagkaroon ng
hindi magandang resulta ang kita at trabaho. Paglaki ng agwat ng mayayaman sa mahihirap.
Apektado rin ang edukasyon dahil sa kahirapan, noong 1950, 22.7% ang hindi makapasok sa
paaralan dahil sa kahirapan at lumala ang paglaganap ng mga squatters.

Pangkultura

Nagbigay ng masamang epekto sa mga Pilipino ang pagpapairal ng wikang Ingles


bilang wikang ginagamit sa mga paaralan. Napabayaan ang sariling kalinangan at maging
ang sariling wika. Ang mga ito ay ilan sa ugat upang magtaglay ang mga Pilipino ng kaisipang
kolonyal na pumupuri at dumadakila sa anumang bagay na gawa sa Estados Unidos at
pagsasantabi sa mga bagay na gawa sa sariling bayan. Ang pagpasok ng mga pagkaing
dayuhan at ipinagpalit ang katutubong mga pagkain tulad ng kalamay, puto, latik at bibingka.
Maging ang pananaw ng mga Pilipino sa buhay ay nabahiran rin ng imperyalismo. Ang
paghahangad ng mga Pilipino ng pagkakaroon ng mga materyal na bagay na siyang batayan
sa katayuan sa lipunan, kaya dahil dito nakaapekto ng malaki ang pag-aanunsyo sa mass
media sa pagbabago ng panlasa at kagustuhan ng mga tao, ang pangunguna ng mga
produktong imported sa kaso ng Pilipinas, nagbunga ng paglikas mula sa pook na rural tungo
sa pook na urban na nagbunga ng kulturang slum o squatter at nagbunga ng kaisipang
kolonyal lalo na sa mga bansang di-maunlad.

Pagyamanin
Gawain A

Activity 1: Piliin lamang ang sagot ng mga bilang sa hanay A mula sa hanay B. Isulat ang
titik ng iyong sagot sa kwaderno.

Hanay A Hanay B

1. Neokolonyalismo A. Mga institusyong nagpapautang

2. IMF at World Bank B. Patagong paraan ng pananakop

3. Foreign Aid C. Lubog at hindi makaahon sa utang

4. Debt trap D. Tulong pang-ekonomiya

5. Hotdog at hamburger E. Direktang pananakop

F. Mga pagkaing kolonyal

4
Gawain B

Activity 2: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang pangungusap at Mali naman kung hindi.

______ 1. Ang neokolonyalismo ay isang makabagong uri ng pananakop na ginagamitan ng


karahasan / pakikipagdigma sa pagkontrol ng isang bansa.

______2. Nakakaimpluwensiya ang neokolonyalismo sa aspetong pang-ekonomiya,


pangkultura, at pampulitika ng isang bansa.

______3. Ang mga tulong na ginagawad ng mga makapangyarihang bansa ay may kaugnay
na kapalit o kondisyon.

______4. May mabuting epekto ang neokolonyalismo sa bansang sinakop.

______5. Nagdulot ng kaisipang kolonyal ang neokolonyalismo.

Gawain C
Activity 3: Isulat sa patlang kung pangkultura at pang-ekonomiya na epekto ng
neokolonyalismo.

1. Pagsasalita at paggamit sa wikang Ingles.

2. Pagkahilig sa mga pagkaing banyaga.

3. Pagkalubog sa dayuhang utang.

4. Paglaki ng agwat ng mayayaman at mahihirap.

5. Unang pagtangkilik sa ibat-ibang produktong banyaga

Isaisip
Pagkatapos makamit ng maraming bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ang
kalayaan mula sa mga mananakop na kanluranin ay hindi pa rin lubusan na malaya ang
maraming bansa dahil sa bagong paraan ng pananakop. Sa bahaging ito ikaw ay gagawa ng
isang reflection journal tungkol sa iyong sariling nararamdaman tungkol sa neokolonyalismo.
Ipaliwanag ang iyong sariling saloobin tungkol sa mga epekto o bunga na naidulot ng
neokolonyalismo sa iyong buhay at sa buhay ng maraming Asyano. Isulat ang iyong sagot sa
iyong kwaderno.

Ang natutunan ko __________________________________________________________


_________________________________________________________________________
______________________________________________________.

5
Napagtanto ko _____________________________________________________________
_________________________________________________________________________
______________________________________________________.

Dapat kong gawin __________________________________________________________


_________________________________________________________________________
______________________________________________________.

Isagawa
Punan ang hinihingi ng sumusunod na tsart. Gawin ito sa inyong kwaderno.

Anyo ng Neokolonyalismo Epekto

1. Pagpili at pagtangkilik sa mga


produktong yari sa ibang bansa,
mga babasahin, palabas at iba pa.

2. Pagtanggap ng dayuhang tulong


tulad ng mga armas at iba pang
kagamitan para sa sandatahang
lakas.
3. Pagsuporta ng dayuhang bansa
sa isang lokal na pulitiko para sa
halalan.
4. Pagpapapasok ng maraming
dayuhang kapitalista.

5. Paggamit ng wikang ingles


kaysa wikang katutubo.

Tayahin
Panuto: Unawain at basahing mabuti ang mga tanong at piliin lamang ang titik ng
iyong napiling sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.
1. Ito ay isang tuwirang paraan ng pananakop kung saan ginagamitan ng dahas o
pakikipagdigma ang pagkontrol sa isang bansa.
A. Kolonyalismo B. Neo-kolonyalismo C. Militarismo D. Komunismo

6
2. Alin sa mga sumusunod ang saklaw ng impluwensiya ng neokolonyalismo sa mga bansa
sa Asya?
A. Ekonomiya, pulitika at kultura ng isang bansa C. Likas na yaman
B. Pribadong buhay ng mga Asyano D. Pagkontrol sa pamahalaan.

3. Ito ay isang patago at makabagong uri ng paraan ng pananakop ng isang


makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.
A. Dominasyon B. Neokolonyalismo C. Kolonyalismo D. Imperyalismo

4. Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig, lumaya ang maraming bansa at


nagwakas ang sistemang ito:
A. Kolonyalismo B. Digmaan C. Cold war D. sistemang piyudal

5. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng neokolonyalismo?


A. Tulungan na makaahon at umunlad ang mga bansang kabilang sa Thirld world.
B. Upang mapanatili ang kapangyarihan at katanyagan.
C. Pagnanais na maipagpatuloy ng makapangyarihang bansa ang kanilang layunin at
interes sa mga dating kolonya.
D. May mapagkukunan ng likas na yaman.

6. Bahagi ng neo-kolonyalistang kultural ay ang pagpasok ng ibat-ibang pagkaing


Amerikano tulad ng:
A. Mais at mansanas C. Hotdog at hamburger
B. Puto at bibingka D. Latik at ginataan

7. Ang pagpapairal ng wikang Ingles ay uri ng neokolonyalismong:


A. Ekonomiko B. Pulitikal C. Kultural D. Pangkabuhayan

8. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa epekto ng neokolonyalismo. Alin dito ang hindi
mabuting dulot ng neokolonyalismo?
A. Pag-ahon ng mga bansa mula sa digmaan
B. Pagkakaroon ng maraming mamumuhunan.
C. Pagkawala ng interes sa sariling produkto at kultura.
D. Patuloy na pakikipagkalakalan sa mga dayuhang bansa

9. Isa sa instrumento ng neokolonyalista ang pagkakaloob ng tulong pang-ekonomiya.


A. Dayuhang pautang B. IMF C. debt trap D. Monetary fund

10. Alin sa mga sumusunod ang pinaka mabuting gawin upang mapigilan ang paglaganap
ng neokolonyalismo?
A. Pagtangkilik at pagmahal sa sariling kultura, produkto at kaalamang angkin ng sariling
bansa
B. Pagboykot sa mga produktong banyaga.
C. Hindi manonood at makikinig ng anumang palabas na banyaga.
D. Pagpa-alis sa mga dayuhang kapitalista sa bansa

7
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng sanaysay na nagpapaliwanag sa paksa na nasa ilalim. Gawing


basehan ang krayerya ng pagmamarka. Gawin ito sa iyong kwaderno.

Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagtangkilik sa sariling atin.

Krayterya ng Pagmamarka:
1. Organisasyon ng mga salita, pangungusap at talata-----5 puntos
2. Kaangkupan ng paliwanag--------------------------------------5puntos
3. Kalinisan at Pagkamalikhain------------------------------------5 puntos
KABUUAN-----------------------------------------------------------15 puntos

8
9
Batayang aklat sa baitang 7. Asya: Pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba. Pahina 393-394
bagong uri o pamaraan ng kolonyalismo.
Project EASE (Effective Alternative Secondary Education), AP II – Neokolonyalismo: Ang
MELC Curriculum Guide
Sanggunian
Tayahin Subukin
7. A 1. B
8. A 2. B
Pagyamanin 9. B 3. B
Activity 3 Activity 2 Activity 1 10. A 4. A
1. Pangkultura 1. Mali 1. B 11. C 5. A
2. Pangkultura 2. Tama 2. A 12. C 6. A
3. Pang-ekonomiya 3. Tama 3. D 13. C 7. C
4. Pang-ekonomiya 4. Tama 4. C 14. C 8. C
5. Pangkultura 5. Tama 6. F 15. A 9. C
16. A 10. D
Susi sa Pagwawasto
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like