You are on page 1of 33

QUARTER 2

WEEK 2, DAY 3

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
MELC 7 (Week 2 Day 3) k to 12 CG Code APKSA –IIc1.4

Naihahambing ang mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya (Sumer,


Indus, Tsina)

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Layunin:

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nailalarawan ang pag-unlad ng kabihasanang Sumer

B. Nakakalap ang mga datos sa pag-unlad ng Kabihasnang Sumer

C. Napahahalagahan ang papel na ginampanan ng paring-hari sa pag-unlad ng


kabihasnang Sumer

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Sinaunang Kabihasnan

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Kabihasnang Sumer
May isang arko ng matabang lupa
sa kanlurang Asya mula sa Persian
Gulf hanggang sa dalampasigan ng
Mediterranian Sea. Kilala ang lugar na
ito na Fertile Cresent at sa silangang
bahagi nito narito ang kambal na ilog
ng Tigris at Euphrates.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
KABIHASNANG SUMER

Ang dalawang ilog na ito ay


nagmumula sa kabundukan ng Turkey at
dumadaloy tungo sa Persian Gulf. Ang
lambak-ilog ng Tigris at Euphrates ay
kilala naman sa pangalanang
Mesopotamia. Ang salitang
“Mesopotamia” ay mula sa wikang
Greek na nangangahulugang “lupain sa
pagitan ng dalawang ilog.”

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
KABIHASNANG SUMER

Ang mesopotamia ang naging


tagpuan ng iba’t ibang grupo ng tao na
naghahanap ng matabang lupa.
Sa mga pamayanang agrikultural
na nabuo, may mga hamon ang
kalikasan ng Mesopotamia. Hindi regular
ang panahon ng pag-apaw ng ilog at
pagbagsak ng ulan. Upang paghandaan
ang pagbaha , kailangang gumawa ng
mga dike at kanal.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
KABIHASNANG SUMER
Kailangan naman ang
irigasyon at imbakan ng tubig para
sa panahon ng tagtuyot. Isang
lider ang mapipili upang mamahala
sa mga pampublikong proyekto ng
dike , kanal , irigasyon , at
imbakan ng tubig. Ito ang simula
ng pag-usbong ng organisadong
pamahalaan.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
MGA PAMAYANANG NEOLITIKO BAGO ANG SUMER

Ilang pamayanang neolitiko na lumitaw


sa rehiyon sa labas ng Mesopotamia. Ang
mga ito ay ang Jericho sa israel , Catal
Huyuk at Hacilar , kapwa nasa Anatolia o
kasalukuyang Turkey, at ilang pamayanan sa
kabundukan ng Zagros ay nasa hangganan
ng Mesopotamia-Persia (Kasalukuyang Iraq-
Iran).

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
MGA PAMAYANANG NEOLITIKO BAGO ANG SUMER

JERICHO
(ISRAEL)

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Isa sa mga pangunahing produktong
pangkalakal ng Jericho ay sulfur at asin na
nalilinang mula sa Dead Sea.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Tinatayang noong 6000 B.C.E
naman nang lumitaw ang mga
pamayanang agrikultural sa Catal Huyuk,
sa katimugang bahagi ng Anatolia. Ito ay
isang masiglang sentrong pangkalakalan
ang pangunahing produkto ay ang
obsidian, isang volcanic glass maaaring
gamitin bilang salamin, kutsilyo at iba
pang kagamitang matalas.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Ang Hacilar ay matatagpuan sa talampas
ng Anatolia. Pinaniniwalaan ng mga iskolar na
ito ay lumitaw bandang 5700 B.C.E. Sadyang
katangi-tangi ang mga pottery o palayok na GIGANTES HACKBERRIES

natagpuan sa lugar. Nagtatanim ang mga tao


rito ng trigo, barley, gisantes, mais at
hackberries . Pinaniniwalaan ding natutuhan
nilang mag-alaga ng mga aso sa panahong
iyon.
BARLEY TRIGO

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Nawala rin ang mga nabanggit na pamayanan
sa Kanlurang Asya nang lumaon. Hindi sapat ang
kapaligiran ito upang suportahan ang pag-usbong
at pag-unlad ng kabihasnan. matutugunan ito ng
panibagong lugar sa matabang lupa sa
Mesopotamia o lambak-ilog ng Tigris at Euphrates.
Dito usbong ang kabihasnan ng Sumer.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Sistemang Pampulitika at Pang-ekonomiya
Ang Sumer ay itinuturing na
pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa
buong daigdig. Matatagpuan ito sa Mesopotamia
o lambak ilog ng Tigris-Euphrates. Tinatayang
noong 3,500-3,000 B.C.E umusbong ang mga
lungsod sa Sumer. Ilan lamang sa mga
pinakamahalagang lungsod na lumitaw sa Sumer
ay ang Ur, Uruk, Eridu, Lagash, Nippur at Kish.
Karaniwang hugis parihaba ang mga lungsod sa
Sumer at may malalapad na kalsada. Pinalilibutan
ito ng mataas at malapad na pader.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Sistemang Pampulitika at Pang-ekonomiya
Ang pinakamalaking gusali sa Sumer
ay ang templo na tinatawag na ziggurat. Nasa
tuktok ng ziggurat ang dambana para sa diyos o
diyosa ng lungsod. Nasa gitna ng lungsod ang
ziggurat at mula rito naka plano ang
pagkakalatag ng iba pang gusali. Malapit sa
templo ang imbakan ng mga butil, palasyo na
may malawak na bakuran, at bahay ng iba pang
opisyal ng lungsod.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Sistemang Pampulitika at Pang-ekonomiya
May lugar din para sa mga bazaar
(marketplace) at pagawaan ng mga artisano o
may mga kasanayan tulad ng manghahabi at
karpintero. Papalayo sa sentro ang bahay ng
iba pang ordinaryong mamamayan. Dahil
nagsasarili ang bawat lungsod at ang sentro
ng lipunang Sumer ay nakatuon sa relihiyon,
karaniwang tinatawag na templong-estado ang
mga lungsod-estado ng Sumer.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Sistemang Pampulitika at Pang-ekonomiya
Paring hari o (priest-king)sa mga
templong-estado. May mga tungkulin siya na
dapat tuparin-bilang tagapamahalang ispiritwal
at bilang isang politikal na lider. Bilang pari ,
inaasahan mula sa kanyang na maging
tagapamagitan ng diyos at mamamayan. Sa
kabilang banda, bilang hari, siya ang
tagapagpatupad ng batas upang mapanatili
ang kapayapaan at kaayusan sa lipunan. Siya
rin ang namamahala sa sistema ng irigasyon.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Sistemang Pampulitika at Pang-ekonomiya
Sa kalaunan, ang mga templong-estado
ay maglalaban para sa pagkontrol sa
limitadong lupa at tubig sa Mesopotamia.
Magiging madalas ang digmaan na
nangangailangan ng pinunong militar. Ang
mga pinunong militar ang papalit sa paring-
hari bilang pinuno ng templong-estado.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Sistemang Panrelihiyon
Ang mga Ziggurat o templo ay tahanan ng
mga diyos ng mga Sumerian. Bunsod ng
kakulangan sa bato at kahoy sa paligid ng
Mesopotamia, natuto ang mga artisano na
ihubog ang luwad na galing sa ilog upang
maging mga ladrilyo. Karaniwang pinatutuyo ito
sa araw upang tumigas. Kung higit na
espesyalisado ang gamit ng ladrilyo, ito ay pina
painitan sa isang kagamitang parang pugon.
Ayon sa matandang paniniwalang Sumerian,
ang mga kabundukan ay siyang sentro ng
kapangyarihang supernatural sa mundo.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Sistemang Panlipunan
Ang mga Sumerian ay may mga
espesyalisasyon sa trabaho na nagbigay
daan sa pag-usbong ng mga uring
panlipunan. Nasa tuktok ng lipunan ang
mga pinunong pulitikal at ispiritwal.
Kasama sa naghaharing uri ang mataas
na opisyal at kanilang pamilya. Kasunod
ang mga mangangalakal, artisano ,
scribe o tagasulat, at mababang opisyal.
Pangatlo ang nakararaming magsasaka
at nasa ibabang uri ang mga alipin.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Sistemang Panlipunan

pinunong pulitikal at ispiritwal.


Kasama mataas na opisyal at
kanilang pamilya.

mangangalakal, artisano , scribe o


tagasulat, at mababang opisyal.

magsasaka

mga alipin.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Kontribusyon ng Sumer sa Kabihasnang Pandaigdig

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Kontribusyon ng Sumer sa Kabihasnang Pandaigdig

Isa sa mga pinakamahalagang ambag


nito ang sistema ng pagsulat na tinatawag
na cuneiform. Ang mga scribe o tagasulat ay
umuukit sa isang basang clay tablet upang
makapagtala , halimbawa ng bilang ng
produkto o ano pang mga importanteng
detalye pagkatapos ng pagtatala o
pagsusulat , pinapatuyo ang luwad sa araw
o kaya ay niluluto. Napakahalaga ng tala ng
kasaysayan ng mga Sumerian ang mga
naiwan nilang clay tablet sapagkat ito ay

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Kontribusyon ng Sumer sa Kabihasnang Pandaigdig

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Kontribusyon ng Sumer sa Kabihasnang Pandaigdig

Kadalasang nagtataglay ng kumpletong


petsa at lungsod kung saan ito
nagmula. Dahil sa sistemang cuneiform
ay naitala na nila ang batas, epiko ,
dasal , at kontrata ng negosyo. Ang
pinakaunang epiko sa daigdig ay
Sumerian - ang Epiko ni Gilgamesh.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Kontribusyon ng Sumer sa Kabihasnang Pandaigdig

Sa larangan ng kaalaman sa teknolohiya,


gumamit sila ng araro, kariton na de-gulong,
pagpapalayok na gamit ang gulong (wheel-spun
pottery), metalurhiya ng bronse (pinaghalong tanso
at tin) , at paggamit ng perang pilak. Sa larangan ng
Matematika, , naimbento rin nila ang pagbilang na
batay sa sampu o decimal system. Ang hugis na
bilog ay hinati nila sa 360 degrees.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Kontribusyon ng Sumer sa Kabihasnang Pandaigdig

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Kontribusyon ng Sumer sa Kabihasnang Pandaigdig

Natuklasan ng mga Sumerian ang paggamit ng


isang kalendaryong lunar. Ang pinakaunang nakasulat
na batas ay nanggaling sa templong- lungsod ng Ur.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Kontribusyon ng Sumer sa Kabihasnang Pandaigdig

Binagabag ang Sumer na mga internal


na sigalot dahil sa pag-aagawan sa
karapatan sa lupa at tubig. Wala ring natural
na depensa sa paligid ng mga templong-
lungsod kung kaya’t madali silang na sakop
ng ibang mga grupo na naiinggit sa kanilang
natamong kaunlaran.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN

You might also like