You are on page 1of 10

Kabihasnang Sumerian

Kalagayang Heograpikal ng Mesopotamia


Sa malaking bahagi ng kasalukuyang Iraq matatagpuan ang Mesopotamia. Kabilang ito sa
tinatawag na Fertile Crescent, isang sinaunang rehiyon ng Asya na may matabang lupain at
lumalandas mula Persian Gulf hanggang Mediterranean Sea. Sa pook na ito dumadaloy ang
kambal na ilog na Tigris at Euphrates. Hinango ang pangalang “Mesopotamia” sa dalawang
salitang Grek na mesos at potamos na nangangahulugang pagitan a ilog, kung kaya’t ang
Mesopotamia ay tinaguriang “Lupain sa Pagitan ng Dalawang Ilog.”

Naging mabuti ang dulot ng mga ilog Tigris at Euphrates kung kaya’t naging kaiga-igaya ang
rehiyon upang panirahan ng mga sinaunang tao at makapagtatag ng mga pamayanan sa
Mesopotamia. Bukod sa mainanm na lupang pansakahan at yamang tubig na handog ng Tigris
at Euphrates, may kabutihang dulot din ang pagkakaroon ng Mesopotamia ng mga likas na
hangganan. Ang mga kabundukan sa hilaga, dagat sa silangan at kanluran, at disyerto sa
timog ang nagsilbing hadlang laban sa mga dayuhang nais sumakop sa Mesopotamia. Hindi
naging madali para sa mga mananakop na mapabagsak ang Mesopotamia dahil kinailangan pa
nilang tawirin ang mga anyong lupa at anyong tubig na ito bago tuluyang masakop ang
Mesopotamia.

Kasaysayan at Pamumuhay sa Kabihasnang Sumerian


Ang pagdating at paninirahan ng mga sinaunang tao sa timog na bahagi ng Fertile Crescent
ang simula ng kasaysayan ng Mesopotamia. Sa pagitan ng 3500 B.C.E. at 3000 B.C.E.,
umunlad ang mga pamayanan at naging lungsod ang mga ito. Tinawag ang rehiyong ito bilang
Sumer at ang mga nanirahan dito bilang Sumerian. Binuo ang Sumer ng mga lungsod-
estadong nagsasarili at may malayang paraan ng pamamahala. Pinahalagahan ng mga
Sumerian sa bawat lungsod-estado ang kanilang kalayaan at handing makipaglaban kung ang
kalayaang ito ay nasa panganib. Ilan sa mga tanyag na lungsod-estado ng Sumer ang Kish,
Ur, Larak, Nippur, at Lagash.

Ang pagkakaimbento ng Sistema ng pagsulat ang isa sa pinakamahahalagang salik sa


tagumpay ng mga Sumerian bilang mga unang tagapagtaguyod ng kabihasnan. Tinatawag na
cuneiform ang paraan ng pagsulat ng mga Sumerian. Ayon sa ilang historyador, naimbento
ang cuneiform nang magsimulang magtala ang mga Sumerian ng mga labis na produkto mula
sa pagsasaka. Gumamit sila ng pinatulis na tangkay ng damo sa pagsulat ng mga simbolo sa
basang clay tablet. Naging permanenting tala ang nasabing clay tablet matapos matuyo.

Buhay Sumerian
Wala silang pagkakaisang political kung kaya’t nagtayo sila ng nagtataasang pader palibot sa
lungsod. Nagsilbi itong proteksiyon laban sa mga kaaway at mga nagnais na sakupin ang
lungsod. Sumamba sila sa maraming diyos at diyosa. Bawat lungsod-estado ay may
natatanging diyos na pinag-alayan ng mga handog at sakripisyo. Dalawa nito sina Ishfar na
diyosa ng pag-ibig at digmaan, at Enki na diyos ng tubig. Isang mahalagang gusali sa Sumer
ang pook-sambahan ng mgaSumerian, ang ziggurat na nangangahulugang ‘’bundok ng diyos’.
Hugis piramide ito at may mga baiting na lumiliit habang papataas. Dito makikita ang
bantayog ng kanilang diyos gayundin ang silid para sa kanilang pari.
Sinaunanag kabihasnan - Kabihasnan Sumer

Ang Mesopotamia ang kinilala bilang cradle of civilization dahil dito umusbong
ang unang sibilisadong lipunan ng tao. Matatagpuan ang Mesopotamia sa Gitnang
Silangan na tinawag na Fertile Crescent kung saan matatagpuan ang kambal ilog
na Tigris at Euprates.

Ilan sa mga pinakamahalagang lungsod na lumitaw sa Sumer ay ang Ur, Uruk,


Eridu, Lagash, Nippur, at Kish. Pagtatanim, pangangalakal, pangangaso at pag-
aalaga ng hayop ang pangunahing hanapbuhay ng mga Sumerian.
Ang pinakamalaking gusali sa Sumer ay ang templo na tinatawag na Ziggurat.
Pinamunuan ng mga haring pari ang mga lungsod dito.

Sa usaping pamumuhay may espesyalisasyon ang mga Sumerian na nagbigay-


daan sa pag-usbong ng uring panlipunan. Mataas ang tingin sa mga pinunong hari,
kasunod nito ang mga mangangalakal, artisano, at mga scribe, at sa huli ay mga
magsasaka at alipin.

Sistema ng pagsulat - Cuneiform Paraan ng pagsulat ng mga Sumerian. Sa simula,


mga marka lamang itong makikita sa pagdiin sa mga luwad na tableta. Gumagamit
ang mga eskriba ang isang maliit na patpat na tinatawag na stylus.
Imbensyon gulong mula sa pagkakaimbento ng mga Sumerian sa gulong, mas
napadali ang pagbubuhat ng mga bagay at mas napadali ang paggawa. Sa
pagkatuklas nila ng gulong, naimbento nila ang unang karwahe.

Algebra Sa prinsipyong ito ng Matematika, ginagamit ang sistema ng pagbilang na


nakabatay sa 60, paghahati o fraction gayundin ang Square Root.
Imprastraktura - Ziggurat Gusaling itinayo ng mga Sumerian. Umaabot ng 7
palapag at may templo sa pinakangtuktok ng gusali.
Sinaunanag kabihasnan - Kabihasnan Sumer

Sumerian (5300-2334 BC)


• Unang kabihasnang nabuo sa Mesopotamia.
• Unang nagtatag ng mga lungsod-estado na pinamumunuan ng mga lugal o hari.
• Ilan sa malalaking lungsod na umusbong sa Sumer ay ang Uruk, Ur, Kish,
Lagash, Umma at Nippur.

Mga naging ambag ng Sumerian


• Sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform, kung saan ang mga salita ay
kinatawan ng mga simbolo o hugis, kadalasan ay tatsulok. Ang karaniwang gamit
na panulat ay stylus o eskriba na gawa sa reed, isang uri ng halaman, at ang sulatan
naman ay tabla na gawa sa putik.
• Mas mainam na sistema ng irigasyon at pagsasaka; gumamit ng sinaunang uri ng
araro ang Sumerian.
• Paggamit ng potter’s wheel sa pagawa ng tapayan.
• Paggamit ng gulong bilang instrumento ng transportasyon ng mga tao at
kagamitan. • Code of Ur-Nammu – unang saligang batas
• Sexagesimal system – sa larangan ng matimatika.

• Pagtatag ng mga paaralan upang ipakalat ang paraan ng pagsulat at makapagtago


ng mga talaan na pinamahalaan ng simbahan o templo.
• Pagtatayo ng mga templo bilang lugar- sambahan o ziggurat na nakalaan lamang
sa mga pari. Ang Sumerian ay naniniwala sa maraming Diyos (politeismo) na
tumutulong sa iba’t ibang aspekto ng kanilang buhay
• Unang sistema ng pagsukat ng timbang at distansya
• Lunar kalendaryo na may 12 buwan.
Kabihasnang Indus
Matatagpuan ang India sa malaking bahagi ng Timog Asya. Ang  rehiyong ito ay tinatawag na
“subcontinent of Aisa”. Kahugis ng Indian subcontinent ang nakabaligtad na tatsulok, at mas
malaki kaysa kanlurang Europe. Sentro ng kabihasnan sa rehiyon ang matabang lupain sa
lambak ng Indus River. Lumalandas ang naturang ilog sa kabundukan ng Himalayas at
dumadaloy sa China, India, at Pakistan.

Ang mayamang deposito ng banlik at tubig mula sa Indus River ang nagpataba sa paligid ng
lambak Indus. Dahil dito, Indus River ang nagpataba sa paligid ng lambak Indus. Dahil dito,
naganyak ang mga sinaunang tao na manirahan at magtatag ng mga pamayanan sa nasabing
pook. Sa katunayan, pinatotohanan ng mga arkeologo na may mga nanirahan sa rehiyon sa
mga taong 7000 B.C.E.

Kasaysayan at Pamumuhay ng Kabihasnang Indus

Karaniwang nakabatay ang salaysay ng kabihasnang Indus sa mga artifact at labi nito. Ito
ay dahil hindi pa nauunawaan ng mga historyador ang Sistema ng pagsulat ng mga sinaunang
tao sa India. Walang malinaw na batayan kung paano umusbong ang kabihasnan sa India.
Ipinapalagay ng mga eksperto na naglayag mula sa Africa ang mga nandayuhang tao sa India.
Ang iba ay maaaring dumaan sa Khyber Pass. Dalawa sa pinakantanyag na lungsod sa
kabihasnang Indus ang Harappa at Mohenjo-Daro. Matatagpuan ang Harappa sa hilagang
bahagi ng Indus River, samantalang nasa timog ng ilog ang Mohenjo-Daro. Magkalayo ang
dalawang lungsod na ito ng halos 640 kilometro. Sa kabila nito, pinag-isa ng Indus River ang
mga katutubo ng Harappa at Mohenjo-Daro. Gumamit sila ng mga bangka upang makipag-
ugnayan sa isa’t-isa.

Pamumuhay sa Kabihasnang Indus

Ipinapalagay ng mga historyador na naging maunlad ang Harappa at Mohenjo-Daro mula


dakong 2500 B.C.E. hanggang dakong 1600 B.C.E. Tinatayang may 30,000 ang populasyon sa
bawat lungsod. Bunsod nito, nangailan ang dalawang lungsod ng maayos at kongkretong
pangangasiwa upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa kani-kanilang lugar.

Isa sa natatanging katangian ng kabihasnang Harappan ay ang pagiging planado ng mga


lungsod nito. Tunghayan ang Pigura 6.2 para sa paglalarawan ng naturang kabihasnan.

Pangunahing ikinabuhay ng mga tao sa kabihasnang Indus ang pagtatanim ng palay at gulay.
Natutuhan nila ang Sistema ng patubig upang madiligan ang kanilang mga sakahan kahit sa
panahon ng tagtuyot. Marami rin sa mga taga-Indus ang nag-alaga ng hayop tulad ng tupa,
baka, at kambing.

Sa wika, maraming clay tablet na may Harappan pictogram o larawang simbolo ang
natuklasan ng mga arkeologo sa iba’t ibang bahagi ng mga lungsod sa Indus. Sa kasalukuyan,
hindi pa naisasalin sa makabagong wika ang mga sulat at pictogram ng mga taga-Indus kung
kaya’t kakaunti pa rin ang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng Harappa at Mohenjo-Daro.
KABIHASNANG INDUS
Sa Timog Asya makikita ang lambak-ilog ng Indus at Ganges. Dito umusbong ang kabihasnang
Indus. Bago pa man umunlad ang kabihasnang ito ay may mga pamayanan nang natatag noong
panahon ng Neolitiko. Ito ang pamayanang Mhergah na nasa kanluran ng Ilog Indus.

Masasabing sedentaryo at agrikultural ang pamumuhay ng tao dito batay sa mga nahukay na
ebidensya. Pinalagay na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus. Salat sa likas na
yaman ang Indus tulad ng metal at kahoy kaya't pagsasaka ang naging pangunahing gawain
dito. Tulad ng Sumerian natuto rin silang makipagkalakalan sa mga baybayin ng Arabian Sea at
Persian Gulf.

Sistemang Pampulitika at Pangekonomiya Mohenjo-Daro at Harappa


May mga artefact din na nahukay, mga laruan na nagpahiwatig na mahilig maglibang at
maglaro ang mga Dravidian. Hindi naging malinaw ang paglaho ng Kabihasnang Indus dahil
walang bakas ng digmaan . Hindi rin malinaw kung may kinalaman ang Aryan sa paglaho nito.
Ipinalagay na maaring may matinding kalamidad na nangyari dito.

Sistemang Pampulitika at Pang- ekonomiya


May dalawang importanteng lungsod ang umusbong dito, ang Harappa at MohenjoDaro.
Planado at organisado ang mga lungsod na ito na ipinakita sa mga lansangang nakadisensyo sa
kuwadrado (grid-patterned) at pare-pareho ang sukat ng bloke ng kabahayan.

Sistemang Pampulitika at Pang-ekonomiya


Pinalagay na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus. Pinamunuan ang
kabihasnang ito ng mga haring pari. Pagsasaka ang ikinabuhay ng mga tao dito. Natuto rin
silang makipagkalakalan sa mga karatig lungsod.

Sistemang Panrelihiyon
Sinasamba ng mga Dravidian ang maraming Diyos na sumisimbolo sa pwersa ng kalikasan.

Mga Ambag
Ang mga Dravidian ay gumamit ng mga pictogram bilang sistema ng pagsulat, ngunit hanggang
ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung ano ang kahulugan ng mga ito.
Pearl - Ang perlas ay isang uri ng hiyas na naaani mula sa ilang uri ng mga talaba,
partikular na mula sa binga, ang makintab na panloob na bahagi ng kabibe. Nakukuha ang mga
ito sa loob ng kabibe ng mga talabang naturan. Kalimitan itong hugis bilog at putian bagaman
may nakukuha ding itiman o abuhin at ibang hugis bukod sa pagkabilog. Ginagamit ito sa
paggawa ng mga alahas. May mga likas na perlas at mayroong mga sinadya o kinultura sa mga
anihang pinangangasiwaan ng tao. ito.
Mahabharata - Ang Mahabharata ay isa sa dalawang pinakamahalagang sinaunangepiko
ng India, bukod sa Ramayana. Tinipon sa sinaunang India ang Mahabharata. Pinaniniwalaang si
Vyasa, isang rishi o taong paham, ang kumatha ng akdang ito. Nilalahad ng alamat na isinulat ito
ng diyos na si Ganesh habang dinikta o sinambit naman ito ni Vyasa. Sinasabing ang
Mahabharata ang pinakamahabang akda sa uri nito sa buong mundo.
Naging mahiwaga ang paglaho ng kabihasnang Indus . May paliwanag ang iskolar dito. Ayon sa
kanilang teorya : 1. Kalamidad 2. Pananakop Ngunit walalang matibay na ebidensyang
naipakita sa mga paliwanag na ito.

KABIHASNAN SA INDIA
Sa hilagang bahagi ng sub-kontinenting India sumibol ang isang kabihasnan na matatagpuan sa lambak
ilog ng Indus. Sa hilaga ng lambak ilog ay nakapaligid ang kabundukan ng hindu kush ,karakoram at
himalaya na pinagmumulan ng tubig sa ilog.Pinagigitnaan naman ng disyerto  ng thar sa silangan at ng
bulubundukin ng sulayman at kirthar sa kanluran ang matabang lupain na pinamahayan ng mga tao.
Agrikultura ang kanilang pangkabuhayan.Pangunahing produkto ay trigo, barley,palay at bulak.Nag
aalaga rin sila ng mga hayop at may nagaganap ring kalakalan sa pagitan ng taga indus at taga
mesopotamia. Grid system-kung saan nahahati ng mga kalsada ang buong lungsod at nagkakaroon ng
mga bloke ng lupain na pinatatayuan ng mga tahanan at iba pang estruktura.Ang mga tahanan ay may
pare parehong sukat at may taas na isang palapag lamang, walang bintanang nakaharap sa kalsada bagkus
ay may courtyard sa loob ng mga tahanan.

PANAHONG VEDIKO ng mga ARYANO


Nagmula sa Gitnang Asya ang mga mananakop na Aryano na pumasok sa lambak ng indus simula 1500
b.c. Kabilang sila sa nomadikong  pastoralista at ang tanging tala ng kanilang buhay mahahalaw sa mga
vedas.
ANTAS ng mga TAO sa  LIPUNAN.
Nagpasimula ang mga Aryano ng Caste system o sistemang kasta na ang layunin ay ihiwalay ang mga
aryano sa mga nasakop nilang Drabidyano.Tatlong uri ng lipunang aryano ;
1.Brahmin- binubuo ng kaparian
2.Kshtruya- binubuo ng pinuno at mandirigma
3.Vaishya- binubuo ng mga mangangalakal at magsasaka.
4.Shudra--lahing hindi aryano.
Itinuturing na hindi kabilang sa kasta ang mga dalit o untouchable dahil sa hindi malinis ang kanilang
trabahao gaya ng pagiging matador,basurero at sepulturero.

PANITIKAN

Sa larangan ng panitikan,dalawang dakilang epiko ang nagmula sa india ang mahabharata at ramayana.


Mahabharata naglalaman ng 90 000 na taludtod at itinuturing na isa sa mga pinakamahabang tula sa
buong  mundo.Samantala,ang Ramayana ay nasa anyong patula rin at epiko ito ng buhay ni haring Rama
at ng kanyang asawa na si Sita.

IMPERYONG MAURYA

Noong 312 bce,kinilala bilang hari ng Magadha (sa hilagang india) si Chandragupta Maurya.siya ay isang
pinunong militar na nagpatalsik sa pamilyang Nanda na naghahari noon sa Magdha.Upang maayos na
mapangasiwaan ang imperyo,bumuo si Chandragupta ng isang sentralisadong kawanihan na
magpapatakbo sa pamahalaan.Hinati rin niya ang imperyo sa apat na lalawigan na pinamunuan ng isang
prinsipe.

IMPERYONG GUPTA

Makalipas ang 500 taong kahulugang at digmaan,mayroong muling lumitaw na mahusay na pinuno sa
kaharian ng magadha Siya ay si Chandra Gupta na nagtatag ng imperyong Gupta noong 320 bce.Mula
kay Chandra Gupta at sa mga humaliling hari pagkatapos niya,nakaranas ang imperyo ng katahimikan at
pag-unlad ng kabuhayan.muling tumatag ang pamahalaan at lumawak pa ang teritoryong imperyo.Sa
larangan ng matematika,ipinakilala ng mga paham ang konsepto ng pagbibilang mula una hanggang
ikasiyam na bilang .Ang kaalamang ito ay hiniram ng mga Arabe at dinala sa eurupe kung saan nakilala
ito bilang hindu-arabic numerals.Saastronomiya,malaki naman ang ambag ni aryabhata sa pag-aaral
patungkol sa mga eklipse at sateoryang pag-inog ng mundo sa araw.Sa larangan ng panitikan,kinilala
naman si Kalidasa sa husay ng kaniyang mga isinulat na dula tulad ng shakuntala at vikramorvasiyam.

Kabihasnang Tsino
Matatagpuan ang China sa Silangang Asya. Kung lupain ang pag-uusapan, ito ang
pinakamalaking bansa sa Asya. May kabuuang sukat ito na higit sa 9,300,000 kilometro
kuwadrado o halos 32 ulit ng laki ng Pilipinas. Ihinihiwalay ng mga likas na balakid ang China
sa iba pang pook sa Asya. Nasa hilaga nito anf Gobi Desert; sa timog-kanluran, ang
Himalayas; sa silangan, ang mga anyong tubig tulad ng Yellow Sea at East China Sea; sa
timog-silangan, ang South China Sea; at sa kanlurang bahagi naman, ang Tibetan Plateau at
Taklamakan Desert.

Ang mga Ilog Huang Ho at Yangtze

Katulad sa Mesopotamia at India, karaniwang nanirahan ang mga sinaunang tao sa China sa
mga lambak-ilog. Ito ay dahil na rin sa mga kabutihang dulot ng ilog sa pamumuhay ng mga
tao tulad ng mapagkukunan ng tubig na maiinom, patubig sa mga sakahan, at mabilis na
transportasyon. Dalawa sa pinakamahalagang ilog sa China ang Chang Jiang (Yangtze) at
Yellow River (Huang He). mAng Chang Jiang ang pinakamahabang ilog sa Asya at pa-ngatlo
sa buong daigdig kasunod ng Nile at Amazon River. Dumadaloy ang tubig ng Chang Jiang
mula sa mataas na lupain sa timog China palabras ng east China Sea. Isa ito sa pangunahing
rutang pangkalakalan ng mga sinaunang Tsino.

Sinaunang Kasaysayan at Pamumuhay ng Kabihasnang Shang

Bago pa man nakamit ng mga tsino ang kabihasnan, ipinapalagay na may mga naitatag nang
pamayanan sa lambak-ilog ng Yellow River. Noong dakong 2000 B.C.E., may mga nanirahang
katutubong Tsino sa naturang pook na nakapagtayo ng mga tirahang may bubong na pawid o
kugon. Mayroon na rin silang paraan ng pagtatanim at mga kanal na nagsilbing patubig at
pangkontrol sap ag-apaw ng tubig sa Yellow River.

Paglipas ng panahon, umunlad ang nasabing mga pamayanan at ilan dito ay naging mga
lungsod. Noong dakong 1750 B.C.E., isang pamilya ang naging makapangyarihan at tuluyang
namahala sa lambak-ilog ng Yellow River. Ito ang pamilya Shang na pinagmulan ng mga naging
pinuno sa loob ng mahabang panahon. Kinilala ang pamamahala ng pamilyang ito bilang
dinastiyang Shang.

Pinangasiwaan ng dinastiyang Shang ang China particular ang bahagi sa silangan ng Yellow
River at Chang Jiang. Ayon sa mga arkeologo, mahigit sa 300 pamayanan ang nasa rehiyong
ito. Isa sa pinakamaunlad na lungsod ang Anyang, ang sentro ng dinastiyang Shang.
Matatagpuan sa naturang lungsod ang palasyo ng hari at ang templo. Makikita rin sa Anyang
ang mga tindahan, gusaling imbakan ng pagkain, at iba pang mga pampublikong gusali.

Tumagal ang dinastiyang Shang ng mahigit 500 taon. Noong dakong 1122 B.C.E., sinakop ang
lungsod ng Anyang ng isang pangkat ng mga tsino na nagmula sa kanlurang bahagi ng China.
Kinilala sila bilang mga Zhou. Ito ang nagwakas sa kabihasnang Shang. 
KABIHASNANG TSINO
Ang kabihasnan ng China ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho.
Nagpabago-bago ang dinaraanan ng ilog na ito at nabuo ang malawak na pinalitan ng Shang.
Kauna unahang dinastiyang nangibabaw sa China. Pinamunuan ni Yu. Pinakamaunlad na
kabihasnang gumamit ng bronse sa panahong ito.

Malimit ang isinasagawang pagsasakripisyo sa mga tao. Ang mga naiwang kasulatan ng
panahong ito ay ang pinakamatanda sa mga panulat na Tsino. Pinakamahaba sa kasaysayan ng
China.
Naipasa ang “Mandate of Heaven” o “Basbas ng Langit” at ang titulo na “Anak ng Langit” o “
Sons of Heaven”. Nauwi ito sa panahon ng digmaan ng mga estado o warring states. Lumitaw
ang pilosopiyang CONFUCIANISM at TAOISM. Hinango sa mga aral ni Kongfuzi o Confucius.
Isang guro at pilosopo na nanilbihan din sa pamahalaan ng estado ng Lu. Naghain ng solusyon
sa kaguluhan ng lipunan. Tahimik at organisadong lipunan.
Itinatag ni Laozi o Lao Tzu. Nabuhay noong ikaanim na dantaon B.C.E. Pinaniniwalaan na si Laozi
ay hindi tunay na tao hangad nito ang balanse sa kalikasan at daigdig at ang pakikiayon ng tao
sa kalikasan.
Pinamumunuan ni Shi Huang Di (Unang Emperador) - nagawa niyang pag isahin ang mga
nagdidigmaang estado, at isinailalim sa kanyang kapangyarihan ang iba’t ibang rehiyon.
Naniniwala sa Legalism o nagsasaad na ang tao ay ipinanganak na masama at makasarili subalit
sila ay mapapasunod sa malulupit na batas at mabibigat na parusa . Tanggulan laban sa mga
tribong nomadiko na nagmumula sa hilaga ng China. Ang nagpasimula nito ay ang Dinastiyang
Qin o Ch’in. Ang kanilang napakalaking ambag ay ang pagsulat ng kasaysayan ng China. Itinatag
ito ni Liu Bang o mas kilala bilang Gaozu. Kauna-unahang yumakap sa Confucianism.
Naimbento ang papel, porselana at water -powdered mill.
Napatanyag ang Silk Road. Nabuhay sa panahong ito si Sima Qian. Itinatag ito ni Yang Jian.

Nagpagawa ng Grand Canal na nag-uugnay sa Ilog Huang Ho at Yangtze River. Sa panahong ito,
umabot ang Buddhism sa China. Pangalawa ito sa dakilang dinastiya ng China.
Buddhism ang naging dominanteng relihiyon sa panahong ito. Itinatag at ipinamunuan ito ni Li
Yuan na kilala rin sa tawag na Emperador Tai Cong. Naimbento sa panahong ito ang Woodblock
Printing. Pangatlo ito sa dakilang dinastiya ng China. Itinatag ito ni Heneral Zhao Kuangyin (Tai
Tsu)
Nagkaroon ng kasapatan ng China sa suplay ng pagkain. Naimbento ang gun powder at
nagsimula ang tradisyon ng Footbinding sa mga babae.
Unang banyagang dinastiya ng China. Si Kublai Khan ang nagtatag nito. Nagkaroon ng maraming
manlalakbay sa Yuan at isa na dito si Marco Polo.
Pang-apat na dakilang dinastiya ng China. Si Zhu Yuanzhang ang nagtatag nito.
Naitayo ang Forbidden City sa Peking na naging tahanan ng Emperador. Itinatag ng mga
Manchu. Nagkaroon ng malawakang tunggalian sa lipunan, kawalan ng pag-unlad ng
ekonomiya, mabilis na paglaki ng populasyon at pagpasok ng mga impluwensyang
Yu- unang pinuno ng dinastiyang Xia. Pinaniniwalaang siya ang nakagawa ng paraan upang
makontrol ang pagbahang idinudulot ng Huang Ho. Sima Qian- mananalaysay na Tsino mula sa
dinastiyang Han na sumulat ng kasaysayan ng Shang Yan at Han Feizi- sila ang nagpalaganap ng
pilosopiyang Legalism. Temujin (Genghis Khan) - nagtatag ng Imperyong Mongol. Zhu
Yuanzhang- isa sa mga namuno sa rebelyon laban sa mga Mongol. Napatalsik niya ang mga ito
at itinatag niya ang Dinastiyang Ming.

You might also like