You are on page 1of 30

Heograpiya ng Egypt

 Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt,


mahalagang tandaan na ang tinutukoy na Lower
Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung
saan ang Nile ay dumadaloy patungong
Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt
ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan
Desert, hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile na may
4, 160 milya ang haba ay dumadaloy mula
katimugan patungong hilaga.
 Noon pa mang unang
panahon, ang Egypt
ay tinawag na bilang
“Pamana ng Nile”
dahil kung wala ang
ilog na ito, ang buong
lupain nito ay
magiging isang
disyerto.
Kronolohiya ng Kasaysayan ng Egypt
 Ang matandang kasaysayan ng Egypt ay
kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa
dinastiya ng naghaharing pharaoh.
 Ang pharaoh ay
tumatayong pinuno at
hari ng sinaunang
Egypt. Siya ay
itinuturing din bilang
isang diyos na taglay
ang mga lihim ng
langit at lupa. Para sa
mga pharaoh sila ang
tagapagtanggol sa
kanilang nasasakupan.
 Ang mga iskolar na nag-aaral ukol sa mahabang
kasaysayan ng Egypt ay tinatawag na mga
Egyptologist. Batay sa ilang mga tala, ang
kronolohiya ng Egypt ay maaaring hatiin sa
sumusunod na mga pagpapanahon:
 Pre Dynastic Period
 Early Dynastic Period
 Old Kingdom
 First Intermediate Period
 Middle Kingdom
 Second Intermediate Period
 New Kingdom
 Third Intermediate Period
 Late Period
 Ang bawat dinastiya ay nangingibabaw
hangga’t hindi ito napapatalsik o kaya
nama’y walang tagapagmanang susunod sa
trono. Ang mga petsa ng mga kaganapan sa
kasaysayan ng Egypt ay patuloy pa ring
paksa ng mga panananaliksik. Kung kaya
ang tiyak na pagtatakda ng mga
petsa, partikular sa mga dinastiya, ay
lubhang napakahirap.
Pre-Dynastic Period
(Bago ang Panahon ng mga Dinastiya – Panahon
bago ang 3100 BCE.)
 Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga
pamayanang malapit sa Nile.
 Tulad ng mga panirahang matatagpuan sa
Mesopotamia, ang mga ito ay nasa ilalim ng
pamamahala ng mga lokal na pinunong may
kontrol sa pakikipagkalakalan.
 Ang mga eskribano ay nakapaglinang din ng
kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag
na Hieroglyphics.
 Hieroglyphics - Ito ay
isang sistema ng
pagsulat na
nangangahulugang
“sagradong ukit” sa
wikang Greek. Ang
sinaunang panulat na
ito ay naging mahalaga
sa pakikipagkalakalan
at pagtatala ng mga
kaganapan.
 Nomes – Malalayang pamayanan. Ang mga
ito ang nagsilbing batayan ng mga binuong
lalawigan ng mga sinaunang estado ng
Egypt.
 Nomarchs – Mga pinuno ng Nomes. Unti-
unting nagbuklod ang mga ito para lumikha
ng isang estado sa Nile upang makabuo ng
mas malaking panrelihiyong
pagkakakilanlan.
Early Dynastic Period
(Panahon ng mga Unang Dinastiya – Una at
ikalawang dinastiya)
 Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan
ng Nile – ang Upper Egypt at Lower Egypt.
 Noong 3100 BCE., isang pinuno ng Upper
Egypt sa katauhan ni Menes, ang sumakop
sa Lower Egypt na nagbigay daan upang
mapag-isa ang lupain sa mahabang
panahon.
 Menes – Isa sa mga
pinakaunang pharaoh sa
panahon ng mga Unang
Dinastiya ng Egypt.
Maliban sa pagkakaroon
ng isang pinag-isang
pangangasiwa, nagtalaga
rin siya ng mga
gobernador sa iba’t ibang
lupain. Ang Memphis ay
naging kabisera ni Menes.
Old Kingdom
(Matandang Kaharian – Ikatlo hanggang ika-anim
na dinastiya.)
 Tinawag itong panahon ng pyramid. Sa
panahong ito nagsimula ang pagtatayo
ng mga piramide sa Egypt na nagsilbing
libingan ng mga pharaoh. Ang mga
pyramids na ito ay nagsilbi ring monumento
ng kapangyarihan ng mga pharaoh.
 Ang pagtatayo ng mga
ganitong uri ng
istruktura ay
nangangailangan ng
husay mula sa mga
arkitektong nagdisenyo,
gayundin para sa libo-
libong taong nagtayo
nito.
 Ang ilan sa mga
halimbawa nito ay ang
Great Pyramid ni
Khufu o Cheops sa
Giza.
 Pepi II (Neferkare) –
Kahuli-hulihang pharaoh
ng ika-anim na dinastiya.
Pinaniniwalaang namuno
sa loob ng 94 na taon, ang
pinakamatagal na naghari
sa kasaysayan ng daigdig.
Siya ay anim na taong
gulang lamang nang
maupo sa trono at
namatay sa edad na 100.
First Intermediate Period
(Unang Intermedyang Panahon – ika pito
hanggang ika-labing-isang dinastiya)
 Sa panahon ng 2160 B.C.E, tinangka ng mga panibagong
pharaoh na pagbuklurin muli ang Lower Egypt mula sa
kabisera nitong Heracleopolis.Sa kabilang dako, ang
kanilang mga katunggali sa Thebes ay binuo naman ang
Upper Egypt.
 Dulot nito, nagsagupaan ang dalawang magkaribal na
dinastiya sa Egypt.
 Ang mga pinuno mula sa Heracleopolis ay nagmula sa linya
ng mga Pharaoh na si Akhtoy samantalang ang unang apat
na pinuno mula sa Thebes ay pinangalanang Inyotef o
Antef.
Middle Kingdom
(Gitnang Kaharian – ika-12 at ika-13 na dinastiya)
 Ang kaguluhang politikal ay nagtapos nang manungkulan
si Mentuhoteo. Sa mga sumunod na naghari, napag-isa
muli ang lupain. Nalipat ang kabisera sa Lower Egypt.
 Senusret o Sesostris I – Nakipagtunggali siya sa bahaging
Nubia.
 Senusret o Sesostris III – Ipinagpatuloy niya ang
kampanya sa Nubia. Sa una ring pagkakataon, tinangka
niyang palawakin ang kapangyarihan ng Egypt hanggang
Syria.
 Amenemhet II – Pinakamahusay na pinuno nang Gitnang
Kaharian na namuno sa loob ng 34 na taon.
 Kaguluhan at pagdating ng
mga Hyksos ang namayani
sa panahong ito.
 Ang katagang Hyksos ay
nangangahulugang “Mga
prinsipe mula sa dayuhang
lupain”
Second Intermediate Period
(Ikalawang Intermedyang Panahon – ika-14 at
ika-17 na dinastiya)
 Ayon sa mga tala, ang ika-13 dinastiya ay nagkaroon ng 57
na hari. Ito ay nagpapahiwatig ng kawalan ng kapanatagan
at katatagan sa pamamahala.
 Ang pangingibabaw ng dinastiya ng mga Hyskos noong
Ika-16 ng dinastiya na tinawag na Great Hyskos Dinasty ay
nagtapos sa pag-usbong ng ika-17 dinastiya.
 Ang mga pinuno ng ika-17 dinastiya ay nagawang
mapatalsik ang mga Hyskos mula sa Egypt.
New Kingdom
(Bagong Kaharian – ika-18 at ika-20 na dinastiya)
 New Kingdom ang itinuturing na pinakadakilang panahon
ng kabihasnang Egypt. Tinawag din ito bilang Empire Age.
 Panahon ito ng agresibong pagpapalawak ng lupain ng
Egypt sa kamay ng malalakas na mga pharaoh. Ang ilan sa
mga kilalang pharaoh ng panahong ito ay sina Thutmose II,
Thutmose III, Amenophis III at Rameses II.
 Reyna Hatshepsut – Asawa ni Thutmose II ay kilala rin
bilang isa sa mahuhusay na babaing pinuno sa kasaysayan.
 Amenophis IV o Akhenaton – Tinangka niyang bawasan
ang kapangyarihan ng kaparian sa pamahalaan gayun din
ang paniniwala ng mga tao ukol sa pagsamba sa maraming
diyos.
 Tutankhamen – Humalili sa pamumuno kay
Akhenaton sa edad na siyam na taon.
 Rameses II – Isa sa mahusay na pinuno ng Bagong
Kaharian. Sa loob ng 20 taon kinalaban niya ang mga
Hittite mula sa Asia Minor na unti-unting pumapasok
sa silangang bahagi ng Egypt. Pinaniniwalaang ang
Exodus ng mga Israelita o Few mula sa Egypt ay
naganap sa panahon ng kanyang pamamahala.
Third Intermediate Period
(Ikaltlong Intermedyang Panahon – ika-21 at ika-
25 na dinastiya)
 Ang ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang Tanites, ay
pinasimulan ni Smendes ng Lowe Egypt. Ang dinastiyang
ito ay mapapalitan ng mga hari mula sa Libya na
magpapasimula naman ng ika-22 na dinastiya.
 Shosheng I – Unang pinuno ng ika-22 dinastiya. Isang
heneral sa ilalim ng nagdaang dinastiya.
 Piye – Sumalakay siya pahilaga ng Egypt upang kalabanin
ang mga nangingibabaw sa delta ng Nile. Umabot ang
kanyang kapangyarihan hanggang sa Memphis.
 Tefnakhte – Katunggali ni Piye na sumuko ngunit
kalaunan ay pinayagang mamuno sa Lower Egypt.
Sinimulan niya ang panandaliang ika-24 na Dinastiya.
Late Period
(Huling Panahon – ika-26 at ika-31 na dinastiya)
 Psammetichus – Sa ilalim ng kanyang pamumuno
nagawa niyang pagbuklurin ang Middle at Lower Egypt na
nagpasimula sa Ika-26 na Dinastiya. Nakontrol niya ang
buong Egypt noong 656 BCE.
 Apries – Sa ilalim ng kanyang pamamahala, isang hukbo
ang ipinadala upang tulungan ang mga taga-Libya na
puksain ang kolonya ng Greece na Cyrene. Natalo sila sa
labanan at nagdulot ito ng kaguluhang sibil na humantong
sa paghalili sa kanya ni Amasis II. Sa kanyang pagkamatay
noong, 526 BCE, and Egypt ay napasakamay na ng mga
Persian.
 Cambyses II – Pinuno ng mga Persian na naging
unang hari ng ika-27 na Dinastiya.
 Ika-30 Dinastiya – Ito ang kahuli-hukihang tala na
dinastiyang Egyptian na namuno sa kanilang lupain.
Ang panandaliang pagbalik na mga Persian sa
kanilang lupain ay tinawag ding ika-31 na dinastiya.
 Alexander the Great –
Sinakop niya ang Egypt taong
332 BCE at giawna itong bahagi
ng kanyang Imperyong
Hellenistic.
 Ptolemy – Kaibigan ni
Alexander na humalili sa kanya
nang siya ay pumanaw. Isa
syang heneral at naging satrap
o gobernador ng lupain.
Itinalaga niya ang sarili bilang
hari ng Egypt at pinasimulan
ang Panahong Ptolemaic.
 Cleopatra VII – Kahuli-
hulihang reyna ng Ptolemaic
Dinasty.
Pamana ng Kabihasnang
Egyptian
 Ang kalendaryo na may 365 araw sa isang taon na hinati sa 12
buwan ay mula sa mga sinaunang Ehipsyanong astronomo
noong 424BCE. Ginawa nila ito upang masubaybayan ang
paghaba ng Nile.
 Nabuo ang sistemang panulat ng mga sinaunang Ehipsyano na
tinawag na Hieroglyphics o hiroglipiko noong 3000 BCE. Itoay
binubuo ng mga salitang hiero, isang salitang Griyego na
nangangahulugang sagrado o banal, at glype na ang ibig sabihin
ay paglililok. Unang ginamit ng mga pari sa mga ritwal ang
hiroglipiko. Binubuo ito ng mga ideogramo at ponogramo.
Mayroon itong 24 simbolo at ang bawat isa ay may tig-isang titik
ng katinig. Bukod sa 24 simbolo, mayroon pang 80 simbolo na
may tig-dalawang katinig.
 Ang mga piramide ang kauna-unahang monumentong bato na
nananatili pa hanggang sa kasalukuyan. Ang pinakamalaking
piramide ay ang piramide ni Khufu o Cheops na nasa Giza.
 Ang pagkakaimbento ng papel mula sa dahon ng halamang
papyrus ay nagmula rin sa mga sinaunang Ehipsyano.
 Ang mummification o proseso ng pag-eembalsamo ay
nagsimula noong 2600 B.C. sa ilalim din ng pamumuno ni
Khufu. Natagpuan ang pinakalumang mummy sa Medum
ni Sir Flinders Petrie na tinatayang inembalsamo noong
panahong iyon.
 Ang mastaba ay mga naunang bersyon ng piramide. Una
itong itinayo sa panahon ni Haring Djer noong 2900BC
 Naimbento rin ang araro sa panahong ito.
 Pagtatayo ng malaking imbakan ng tubig na tinawag na
faiyum na nagtustos ng tubig sa panahon ng tagtuyot.
Ginagamit pa rin hanggang ngayon ang sistemang ito ng
irigasyon.
 Amarna art noong panahon ni Ikhnaton na nagpapahalaga
sa pagiging makatotohanan ng mga bagay na inilalarawan.
Danny D. J. Magdaraog

You might also like