You are on page 1of 27

NEOKOLONYALISMO :

PAMAMARAAN O
SANGKAP NITO
PANIMULANG GAWAIN

• - pagbati ng guro
• - pagsasaayos ng
kapaligiran
• - pagtatala ng liban
PAGBABALIK - ARAL

•Ano ang cold war?


PAGBABALIK - ARAL

Cold war – labanan


ng mga ideolohiya,
labanan na hindi
ginagamitan ng dahas
PAGGANYAK
PAGPAPAKITA NG MGA LARAWAN
• Ano ang ipinapahayag ng mga
larawan?
• Bakit nangyayari ito?
• Ano ang tawag sa ganitong
nagaganap sa mga bansang
papaunlad? Ano ang ibig sabihin
nito?
VIDEO -
NEOKOLONYALISMO
LESSON PROPER
Batay sa binasang teksto, ang bawat pangkat ay
maghahanda ng ibat-ibang larawan tungkol sa
paksang napatakda sa pangkat.
Unang Pangkat – Magpaparinig ng isang awit
patungkol sa mga sangkap at kahulugan ng
neokolonyalismo.
KAHULUGAN NG NEOKOLONYALISMO
Tumutukoy ang neokolonyalismo sa
patuloy na impluwensiyang pang-
ekonomiya at panlipunan ng mga
mananakop sa mga bansang dati
nilang kolonya , bagamat wala silang
tuwirang militar o politika na kontrol
sa mga ito.
IPALIWANAG ANG PAMAMARAAN NG
NEOKOLONYALISMO
• ILARAWAN ANG MGA SANGKAP NG
NEOKOLONYALISMO
ANG PAMAMARAAN NG NEOKOLONYALISMO

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaan Pandaigdig, lumitaw ang


makabagong uri ng pananakop upang mapanatili ang
kanilang kapangyarihan, ang neo kolonyalismo, at
interbensiyon. Itinuring ang neo kolonyalismo na bago at
ibang uri ng pagsasamantala sa mahirap na bansa. Ayon sa
mga agham-politika, ito ang pananatili ng control ng isang
dating kolonyalista sa dati nitong kolonya. Malumay (subtle)
at pagtago ang pamamaraang ito. Layunin nitong patatagin
ang pamumuhunan ng kolonyalistang bansa, pigilan ang
pagkamit ng tunay na kalayaan, at kunin ang mas malaking
kita sa negosyo.
ANG PAMAMARAAN NG NEOKOLONYALISMO

Sa kabuuan, pinaigting nito ang imperyalismo sa


ekonomiya, politika, military, at ideolohiyal na mga aspekto.
Isa sa maituturing na pinakamahalagang sangkap sa
sistemang neokolonyalismo ay ang pagkakaroon nito ng
makabagong pamamaraan sa pamumuhunang industiyal at
pinansiyal. Kabilang dito ang pagbuo ng iba’t ibang uring
kompanya; pandaigdigan at pampribadong pondo;
pagkakaroon ng mga korporasyon at konsoryum (samahan
ng mga namumunuhan), pagsisiguro ng pamumunuhan, at
pagpapautang ng malaking halaga na makakatulong hindi
lamang sa nangangailangan kundi magbibigay rin ng sapat
na tubo sa magpapahiram.
Ang mga imperyalista ay nakatuon sa kita ng kapital na kanilang
inilagay sa mga negosyo ng papaunlad ng mga bansa . Ang mga
kumpanya ng langis ang kadalasang kumikita ng malaki lalo na sa
kanlurang Asya, Venezuela , Cambodia , Argentina, Brazil, Bolivia,
at Africa. Isa pang pamaraan ay ang pagluluwas ng puhunan sa
pamamagitan ng paggawa ng mga internal at pribadong
kompanya upang makagawa ng konsursyum at makakuha ng mga
mas magandang kundisyon sa negosyo sa papaunlad na mga
bansa. Halimbawa nito ay ang Atlantic Community Development
Group for Latin America (ADELA) na itinayo ng 120 pribadong
bansa ng Brazil, Ecuador, Nicaragua, at Chile.
Ang neokolonyalismo ay isang uri ng suliraning pampulitika at
pang ekonomiya na ang lahat ng estado mayaman at mahirap ay
maaring masangkot.
LESSON PROPER
Batay sa binasang teksto, ang bawat pangkat ay
maghahanda ng ibat-ibang larawan tungkol sa
paksang napatakda sa pangkat.

Ikalawang Pangkat – Pagsasadula sa iba’t ibang uri


ng neokolonyalismo
PAANO NAKAIMPLUWENSIYA ANG MGA
KOLONYALISTA SA MGA BANSANG SINAKOP
• 1. PANG EKONOMIYA
Naisasagawa ang neokolonyalismo sa
pamamagitan ng pakunwaring tulong sa
pagpapaunlad ng kalagayang
pangkabuhayan ng isang bansa, ngunit sa
katotohanan ay nakatali na ang bansang
tinutulungan sa patakaran at motibo ng
bansang tumutulong.
2. PANGKULTURA
Sa pamamarang ito, nababago ng neokolonyalismo ang
pananaw ng tinutulungang bansa sa mga bagay na likas na
angkin nito. Bunga ng kulturang dala ng dayuhang
tumutulong o bansang dayuhan, nababago ang
pinapahalagahan ng mga mamamayan ng tinutulungan
bansa sa pananamit, babasahin, maging sa pag uugali.
Halimbawa, itinutiro ang kabihasnan , kasaysayan at wika ng
mga amerikano kaya naapektuhan ang sariling kalinangan
pati na ang paggamit ng sariling wika . Ilan lamang ito aa
naging dahilan ng pagtataglay ng mga Pilipino ng kaisipang
kolonyal na pumupuri at dumadakila sa anumang bagay na
gawa ng United State at nagwawalang bahala sa mga bagay
sa sariling bayan.
3. DAYUHANG TULONG O FOREIGN AID
Isa pang instrumento ng mga neokolonyalismo
ang naka paloob sa dayuhang tulong o "foreign
aid" na maaaring pang-ekonomiya, pangkultura o
pangmilitar. Sa una'y maiisip na walang kundisyon
ang pagtulong tulad ng pamimigay ng gatas sa
mga bata o pamamahagi ng mga aklat. Ngunit
kung titingnang mabuti, may kapalit ang "libreng"
pagtulong. Nagbebenta ang bansang tumutulong
ng mga "imported" na produkto sa bansang
tinulungan kaya nga't bumabalik rin sa kanya ang
malaking tubo ng kanyang puhunan.
4. DAYUHANG PAUTANG O FOREIGN DEBT
Gayundin, anumang pautang na ibigay ng International
Monetary Fund (IMF/WORLD BANK) ay laging may
kaakibat na kondisyon. Kabilang dito ang pagbubukas ng
bansang pinauutang sa dayuhang pamumuhunan at
kalakalan, pagpapababa ng halaga ng salapi at pagsasaayos
ng sistema ng pagbubuwis. Kung hindi susundin ang mga
kondisyon, hindi makauutang ang umuutang na bansa.
Dahil dito, hindi rin makaahon sa utang ang mahihirap na
bansa. Debt trap ang itinawag dito.
5. LIHIM NA PAGKILOS (COVERT OPERATION)
– Kung hindi mapasunod nang mapayapa, gumagawa ng paraan
ang mga neokolonyalista upang guluhin ang isang pamahalaan
o ibagsak ito nang tuluyan
LESSON PROPER
Batay sa binasang teksto, ang bawat pangkat ay
maghahanda ng ibat-ibang larawan tungkol sa
paksang napatakda sa pangkat.

Ikatlong Pangkat – Parada ng mga bandila ng mga


bansang nagpatupad ng mga impluwensiya sa
ibang bansa.
LESSON PROPER

Ikaapat na Pangkat –
Pagsasadula ng epekto ng
neokolonyalismo
EPEKTO NG NEOKOLONYALISMO
1.OVER DEPENDENCE o labis na pagdepende sa iba –
Malinaw na umaasa nang labis ang mga tao sa
mayayamang bansa lalong-lalo na sa may kaugnayan
sa United States.
2. LOSS OF PRIDE o kawalan ng karangalan – Sanhi ng
impluwensiya ng mga dayuhan, nabubuo sa isipan ng
mga tao na lahat na galing sa kanluran ay mabuti at
magaling, na isang dahilan kung bakit ang tao ay
nawalan ng interes sa sariling kultura at mga produkto.
EPEKTO NG NEOKOLONYALISMO
3. CONTINUED ENSLAVEMENT o patuloy na
pang-aalipin- Totoo ngang ang umuunlad na
bansa ay malaya sa prinsipyo, ngunit sa tunay na
kahulugan ng salitang kalayaan, ang maliliit na
bansa ay patuloy pa ring nakatali sa
malakolonyal at makakapitalisyang interes ng
kanluran. Ang lahat ng aspeto ng kabuhayan ay
kontrolado pa rin ng kanluran.
VIDEO – AT IBA PA
Ano ang ipinapahiwatig ng awitin?
PAGPAPAHALAGA:
Anong pag-uugali at pagpapahalaga ang
dapat pairalin sa gitna ng
Neokolonyalismo?
PAGLALAHAT:
Anong mga konsepto sa aralin ang iyong
natutunan?
PAGTATAYA
Sagutin ang mga
sumusunod.
______1. Ang bagong anyo ng
kolonyalismo
______2. Ang bansa na kilalang super
power sa mundo
______3-4. Pamamaraang ginamit ng
neokolonyalismo upang makuha ang
kanilang gusto sa malalayang bansa
______5. Epekto ng neokolonyalismo na
nabubuo sa isipan ng mga tao na lahat ng
galing sa Kanluran ay mabuti at magaling
TAKDANG ARALIN
1. Magsaliksik tungkol sa
iba’t ibang pandaigdigang
organisasyon.

You might also like