You are on page 1of 1

Ang sistemang

pang-ekonomiya ng isang lipunan ang magiging batayan ng kayamanan at kakayahan

nito para sustentuhan ang kanyang nasasakupan. 

Hindi lang yan, kundi napabubuti rin nito ang relasyon at ugnayan kapwa

ng mga negosyante at kanilang mga kliente, at maging ang ugnayan nito sa iba

pang karatig na bansa.  Ang bansang

mayroong sistemang pang-ekonomiya ay nakabubuo rin ng mga plano, mga

contingency plan, o mga alternatibong mga pamamaraan pa nga sakaling mayroong

mga hindi inaasahang pangyayari na dumating sa bansa tulad ng mga malalakas na

kalamidad, mga digmaan at iba pa.

Nagiging organisado at

sistematiko rin ang mga plano pati na ang takbo ng pamamalakad sa pananalapi ng

lipunan kung mayroon itong sistemang pang-ekonomiya.  Naiiwasan ang pagkakabaon sa utang, mga

pandaraya, at pang-aabuso sa kaban ng yaman. 

Kung mayroong sistemang pang-ekonomiya, maligaya ng lahat, at mapupunta

sa tama ang pera ng bayan.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/360744#readmore

You might also like